Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Si William Shakespeare (26 Abril 1564 (bininyagan) 23 Abril 1616) ay isang makatang Ingles,

mandudula, at aktor, at malawakang kinikilala blang pinakamahusay na manunulat ng wikang

Ingles at preeminenteng dramaturgo ng mundo. Madalas siyang tinatawag na pambansang makata

ng Inglatera, at tinaguriang "Bardo ng Avon". Ang mga akdang ekstante niya ay kiabibilangan ng

mga kolaborasyon, na may mga 38 na dula, 154 na soneta, 2 mahabang tulang salaysay, at iba

pang mga berso, na ang iba ay hindi sigurado kung kanino. Ang mga dula niya ay naisalin na sa

lahat ng pangunahing buhay na wika at mas tinatanghal ang mga ito kompara sa iba pang mga

mandudula.[1]

Si Shakespeare ay sinilang at pinalaki sa Stratford-upon-Avon, Warwickshire. Sa edad na 18,

pinakasalan niya si Anne Hathaway, at nagkaroon sila ng tatlong anak: si Susanna, at ang kambal

na sina Hamnet at Judith. Sa isang panahon sa pagitan ng 1585 at 1592, nagkaroon siya ng

maunlad na karera blang isang aktor, manunulat, at part-owner ng isang playing company na Lord

Chamberlain's Men, na nang naglaon ay tinawag na King's Men. Nagretiro siya sa Stratford marahil

noong 1613, sa edad na 49, kung saan namatay siya tatlong taon ang lumipas. Kaunting mga tal

tungkol sa pribadong bhay ni Shakespeare ang natitir, dahilan upang magkaroon ng malaking

spekulasyon tungkol sa kaniyang mga pisikal na katangian, seksuwalidad, at paniniwalang

relihiyoso, at kung ang mga akda na inuugnay sa kaniya ay iba ba ang nagsulat.[2]

Nilikha ni Shakespeare ang karamihan sa kaniyang mga kilalang akda sa pagitan ng 1589 at 1613.

Ang mga nauna niyang mga dula ay mga komedya at historya, at ang mga ito ay itinuturing na ilan

sa mga pinakamagandang akda sa mga diyanra na ito. Nang tumagal ay nagsulat naman siya ng

mga trahedya hanggang mga 1608, kablang dito ang Hamlet, Othello, King Lear, at Macbeth, na

mga tinuturing blang ilan sa mga piakamahusay na akda sa wikang Ingles. Sa hul, nagsulat naman

siya ng mga trahikomedya, na kilal rin blang mga romasa, at nakipagtulungan sa iba pang mga

mandudula.
Marami sa kaniyang mga akda ay nilathala sa mga edisyon na may iba-ibang kalidad at katumpakan

noong nabubuhay pa siya. Noong 1623, gayupama, sina John Heminges at Henry Condell,

dalawang kaibgan at kapwa aktor ni Shakespeare, ang naglathala ng depinitibong teksto na kilal

blang First Folio, isang postumong kinolektang edisyon ng kaniyang mga akdang dramatiko na

kinabibilangan ng lahat ng kinikilala ngayon na akda ni Shakespeare (maliban sa dalawa). Ang

paunang salita nit ay isang tula ni Ben Jonson, kung saan si Shakespeare ay tinawag

na, presciently, blang "hindi para sa isang panahon kundi para sa lahat ng panahon.". Sa ika-20 at

ika-21 na mga dantaon, ang mga akda niya ay pinauli-ulit nang hinalaw at muling tinuklas ng mga

bagong kilusan sa skolarsyip at pagganap. Ang mga dula niya ay nananatiling sikt, at patuloy na

pinag-aaralan, tinatanghal, at muling binibigyang-kahulugan ng iba't ibang kultural at politikal na

konteksto sa buong mundo.

Ngayong 2016, ang ika-400 na anibersaryo ng kamatayan ni Shakespeare, magkakaroon ng mga

pagdiriwang sa Nagkakaisang Kaharian at sa buong mundo upang bigyan ng karangalan si

Shakespeare at ang kaniyang nagawa.[3]

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Ipinanganak si William Shakespeare sa Stratford-upon-Avon, Inglatera, noong Abril 1564, ang anak
nila John Shakespeare at Mary Arden. Mayaman ang ama ni Shakespeare ng siya ay ipinanganak,
ngunit nawala ang kahalagahan nito ng ibenta ang wool laban sa batas.
Naging asawa ni Shakespeare si Anne Hathaway, na mas matanda sa kanya ng walong taon, noong
28 Nobyembre 1582 sa Temple Grafton, malapit sa Stratford. Tatlong buwang buntis noon si Anne.
Noong 26 Mayo 1583, isinilang ang unang anak ni Shakespeare na si Susanna, at bininyagan sa
Stratford. Sumunod ang kambal na anak nito na sina Hamnet, at Judith, ay bininyagan noong 2
Pebrero 1585. Namatay si Hamnet noong 1596 at inilibing noong Agosto 11.

Mga naisulat[baguhin | baguhin ang batayan]


Kasaysayan ng mga Ingles[baguhin | baguhin ang batayan]
Henri ang Ikaanim

Richard ang Ikalawa

Richard ang Ikatlo


Henri ang Ikaapat

Henri ang Ikalima

Henri ang Ikawalo

Haring Juan
Komedya[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang Mangangalakal ng Venice

Komedya ng Pagkakamali

Pag-ibig na Pinaghirapang Naglaho

Dalawang Binata ng Verona

Isang Mahiwagang Gabi ng Panaginip

Sukatin Kung Sukatin

Hanggang Gusto mo Pa

Ang Masasayang Asawa sa Windsor

Ikalabing Dalawang Gabi

Para Saan Pa Kung Wala Naman

Pericles, Prinsipe ng Tyre

Kuwento ng Taglamig

Pinapaamong Daga

Sa Makakapal na Hamog
Trahedya[baguhin | baguhin ang batayan]
Titus Adronicus

Cymbeline

Coriolanus

Julius Caesar
Antony at Cleopatra

Othello

Macbeth

Haring Lear

Hamlet

Romeo at Julieta
Mga tula[baguhin | baguhin ang batayan]
Venus at Adonis

Sonata ni Shakespear

Ang Panghahalay kay Lucrece

NOONG panahon ni Desiderius Erasmus (mga 1469-1536), hinangaan siya


bilang ang pinakamatalinong iskolar na Europeo, pero pagkatapos nito ay
binansagan siyang duwag o erehe. Naipit siya sa mainitang mga debate sa
relihiyon at lakas-loob niyang ibinunyag ang pagkakamali at pang-aabuso ng
Katolisismo pati na ng diumanoy mga repormador. Sa ngayon, kinikilala ang
kaniyang mahalagang papel sa pagbabago sa kalagayan ng relihiyon sa Europa.
Bakit?

PAG-AARAL AT PANINIWALA
Si Erasmus ay bihasa sa wikang Griego at Latin. Kaya naihambing niya ang mga salin ng Bibliya,
gaya ng Latin na Vulgate, sa mga sinaunang manuskritong Griego ng Kristiyanong Griegong
Kasulatan, na kilala bilang ang Bagong Tipan. Nakumbinsi siyang napakahalaga ng kaalaman mula
sa Bibliya. Dahil diyan, iginiit niya na dapat isalin ang Banal na Kasulatan sa mga wikang ginagamit
noong panahon niya.

Isinulong ni Erasmus ang reporma sa loob ng Simbahang Katoliko. Naniniwala siya na ang pagiging
Kristiyano ay hindi lang mga walang-kabuluhang ritwal kundi dapat na isabuhay. Kaya nang
magprotesta ang mga repormador para sa pagbabago sa Simbahan ng Roma, si Erasmus ang
pinagsuspetsahan ng Simbahan.
Lakas-loob na ibinunyag ni Erasmus ang pagkakamali at pang-aabuso ng
Katolisismo at ng mga repormador

Sa mga akda ni Erasmus, ibinunyag niya ang pang-aabuso ng klero, ang kanilang maluhong
pamumuhay, at ang ambisyon ng mga papa na sumasang-ayon sa mga digmaan. Tutol siya sa mga
tiwaling klerigo na ginamit ang mga tradisyon ng simbahangaya ng pangungumpisal, pagsamba
sa mga santo, pag-aayuno, at peregrinasyonpara manamantala sa mga mananamba. Hindi rin
siya sang-ayon sa mga gawain ng simbahan na gaya ng pagbebenta ng indulhensiya at di-pag-
aasawa ng klero.

TEKSTONG GRIEGO NG BAGONG TIPAN


Noong 1516, inilathala ni Erasmus ang kaniyang unang edisyon ng Bagong Tipan sa wikang Griego
ang kauna-unahang inilabas na nakaimprentang kopya ng Kristiyanong Griegong Kasulatan.
Kasama sa akdang ito ni Erasmus ang mga paliwanag pati na ang sarili niyang salin ng Kristiyanong
Griegong Kasulatan sa wikang Latin, na may pagkakaiba sa Vulgate. Sa paglipas ng panahon,
patuloy niyang nirebisa ang kaniyang bersiyon, na ang resulta ay isang salin na ibang-iba sa Latin
na Vulgate.

Ang Griegong Bagong Tipan ni Erasmus

Ang isa sa mga pagkakaiba ay ang 1 Juan 5:7. Para itaguyod ang turo ng Trinidad, idinagdag
sa Vulgateang mga salitang, Sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo: at ang tatlong ito
ay iisa. Bahagi ito ng mga salitang tinatawag na comma Johanneum,pero wala ang mga ito sa
orihinal na mga manuskrito. Inalis ito ni Erasmus sa kaniyang unang dalawang edisyon ng Bagong
Tipan dahil hindi ito lumitaw sa mga manuskritong Griego na saligan niya sa pagsasalin. Nang
maglaon, ginipit siya ng simbahan na ilagay ang pananalitang ito sa kaniyang ikatlong edisyon.
Ang pinahusay na mga edisyon ng Griegong Bagong Tipan ni Erasmus ay naging batayan ng mas
mahuhusay na salin sa iba pang wikang ginagamit sa Europa. Ang mga edisyong ito ay ginamit sa
pagsasalin ni Martin Luther sa wikang German; ni William Tyndale, sa Ingles; ni Antonio Brucioli, sa
Italian; at ni Francisco de Enzinas, sa Kastila.

Nabuhay si Erasmus sa kasagsagan ng magulong sitwasyon sa relihiyon, at itinuring ng mga


Protestanteng Repormador na isang napakahalagang pantulong ang kaniyang Griegong Bagong
Tipan. Itinuring ng ilan si Erasmus na isang repormador bago pa nagsimula ang Repormasyon. Pero
nang maglaon, wala siyang pinanigan sa mga nagdedebate sa relihiyon. Kapansin-pansin, isinulat
ng iskolar na si David Schaff, mahigit 100 taon na ang nakalilipas, na si Erasmus ay namatay nang
walang pinapanigan, at walang kinaaanibang partido. Hindi siya kinilala ng Katoliko, hindi rin naman
siya maangkin ng mga Protestante.

MAIKLING IMPORMASYON
Noong 1516, inilabas ni Erasmus ang nakaimprentang Bagong Tipan sa wikang Griego.
Nakalagay sa isang kolum ang teksto sa wikang Griego, at sa isa pang kolum, ang kaniyang salin sa
wikang Latin pati na ang detalyadong mga paliwanag dito.

Sa paunang salita sa Bagong Tipan ni Erasmus, isinulat niya: Talagang hindi ako sang-ayon
sa mga tumatangging ipabasa sa indibiduwal [ordinaryo] na mga tao ang Banal na Kasulatan o sa
mga tumatangging isalin ito [ang Kasulatan] sa wika ng mga ordinaryong tao.

Sa ilang lugar sa Europa, sinunog ng mga kritiko ang kaniyang mga akda at sa loob ng
maraming taon, isinama ang mga ito sa listahan ng mga literaturang ipinagbawal ng mga papa sa
Roma.

Sikt sa Buong Mundo


Si Erasmus ay isang iskolar na mahilig maglakbay. Tumira siya at nagtrabaho sa ilang bansa sa
Europa. Nagkaroon siya ng maiimpluwensiyang kaibigan sa mga maharlikang korte at unibersidad.
Hiningan siya ng payo ng mga iskolar mula sa maraming lupain. Naging tanyag siya dahil sa
kaniyang mga akda na binasa at nagustuhan ng marami. May panahon pa nga na kahit saan siya
magpunta, sinasalubong siya ng musika at pinararangalan ng mga prinsipe, prelado, at kapuwa mga
iskolar. Isang modernong manunulat ang nagsabi na si Erasmus ang sikat noong panahon ng
Renaissance, gaya ng isang celebrity ngayon na sikat sa buong mundo.

Si Desiderius Erasmus Roterodamus (27 Oktubre[1] 1466 12 Hulyo 1536), na nakikilala rin
bilang Erasmus ng Rotterdam, o payak na bilang Erasmus, ay isang Olandes na humanista ng
Renasimyento, Katoliko ng pari, kritikong panlipunan, guro, at teologo.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
1. Jump up Gleason, John B. "The Birth Dates of John Colet and Erasmus of Rotterdam: Fresh
Documentary Evidence," Renaissance Quarterly, inilimbag ng The University of Chicago Press para
sa Renaissance Society of America, Tomo 32, Blg. 1 (Tagsibol, 1979), pp. 7376

You might also like