Buod Ni Tata Selo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tata Selo

Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang

na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang

kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero

dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na

lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa.

Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni

Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng

magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni

Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang

ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. Nagsimula ang kwento sa

Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa

kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang

sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit

naisanla niya at naembargo. Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa

kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at

pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka,

subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo

sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa

Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng

Kabesa. Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na

dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang

nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata


Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na

silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan

at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata

na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde

subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo

at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".

You might also like