Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 95

Kalinga State University 1

Institute of Graduate Studies

KABANATA I

ANG SULIRANIN

Kaligiran ng Pag-aaral

Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan upang

maunawaan ang nais ipahayag ng isang tao sa simula pa

ng pagkamulat ng ating isipan. Sa pamamagitan din nito

nalalaman natin kung ano ang gustong ipahayag ng ating

kapwa. Ang wika ay sadyang napakahalaga, ito ang nagbubuklod

sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa

ibang bansa rin. Maaaring hindi lahat sa atin ay tanggap

nang lubos ang wikang Filipino na ipinagkaloob sa atin

sapagkat marami sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa

ang nahuhumaling sa kulturang dayuhan na halos kalimutan na

ang wikang kinamulatan. Saan man tayo magtungo ang ating

wika ay bahagi ng ating kultura na nagpapalawak ng

kaalaman upang lalong magkaunawaan ang bawat tao.

Nagpapatunay lamang ito sa pangangailangan ng isang

wikang pambansa na magsisilbing instrumento sa

pagpapaunlad ng saloobin at sa paghabi ng mga likhang

kaisipan na may mabuting patutunguhan sa ikagaganda ng

wika.
Kalinga State University 2
Institute of Graduate Studies

Ang wika ang ginagamit natin para sa epektibong

pagpapahayag sa sariling pananaw, opinyon at ideya tungkol

sa isang paksa sa pasulat na anyo. Ito ay isang kasanayan na

dapat malinang sa bawat mag-aaral. Ang kasanayang ito ang

huhubog ng tiwala sa sarili at kakayahan sa

pakikipagtalastasan na lubhang napakahalaga sa pag-unlad ng

bawat kabataan. Subalit sa panahong ito, isang hamon sa

bawat guro at mag-aaral ang pagsulat. Bawat mag-aaral ay

nakararanas ng matinding alalahanin kung paano nga ba

sisimulan ang pagsusulat.

Marami ring bilang ng mga mag-aaral ang nagpapakita ng

pagkayamot, kawalan ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan

ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay bunga ng

maling konsepto at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng

pagsulat. Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang

kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat (Badayos, 1999).

Maiisip na isa sa mga pangunahing solusyon sa kahinaan

ng mga mag-aaral sa kasanayang ito ay ang kahandaan ng guro

sa pagtuturo ng pagsulat. Masasalamin ang kahandaang ito sa

maraming gawaing inihahanda ng guro para sa paraang pasulat

ngunit hindi lamang sa paraang pasulat nagkakamali ang mga

kabataan maging sa pagbigkas na kung minsan ay di maiwasang

magsalita ng Taglish.
Kalinga State University 3
Institute of Graduate Studies

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang

kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga

nabuong salita, simbolo at ilustrasyon na nabubuo ng ating

kaisipan. Samakatuwid ang pagsulat ay bunga ng ating

karanasan o karanasan ng iba at kaalaman. Ito ay binibigyan

ng interpretasyon sa pamamagitan ng pagsulat. Ang kawalan ng

karanasan at kaalaman sa isang paksa ay isang balakid sa

epektibong pagpapahayag at pagbuo ng alinmang sulatin

(Austero, 1999).

Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang

nauukol sa wastong gamit ng mga salita, talasalitaan,

pagbubuo ng kaisipan at retorika. Marapat lamang na ang

isang mag-aaral ay maihanda at magabayan sa pagkakamit ng

mga kasanayang nabanggit upang maging magaan at mabisa ang

pagsusulat (Cruz, 2001).

Ang pagsulat ay walang katapusan, paulit-ulit na

proseso sa layuning makalikha at makagawa ng maayos na

sulatin. Maituturing itong isang napakahalagang salikng

pagkatuto ng gawaing pagsulat na siyang magpapatunay na

naisagawa ng tao sa lipunan na kanyang kinabibilangan.

Ang pagkatuto sa epektibo at malikhaing pagsulat ng

bawat mag-aaral ay maaaring, sa kanyang paniniwala ay


Kalinga State University 4
Institute of Graduate Studies

humantong sa tagumpay, ngayon at sa mga susunod pang mga

araw sa ngalan ng pagsusulat(Cantre at Cruz, 2001).

Ayon kay Dr. Lydia P. Lalunio (2005), ang pagsulat ay

isang proseso ng mga mag-aaral at produkto sa socio-cultural

na konteksto na nakakaapekto sa pagkatuto. Ang pagsulat ay

presentasyon sa pamamagitan ng pagmamarka ng papel, pag-ukit

sa bato, at dahon noong unang panahon at paraan din ito

upang maipahiwatig ang ating nadarama na di natin kayang

sabihin at magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagsulat

kakambal rin nito ang katiyagaan, sapagkat itoy walang

katapusang proseso upang makalikha ng isang maayos na

sulatin.

Ayon kay Red Smith (1982), dalubhasang manunulat ng

New York Times, ito raw ay total commitment na

kinakailangang ibigay ang lahat ng pinakamaayos at mabuti

sapagkat kaugnay ito ng pag-iisip. Mas mabilis daw ang

lakbay ng isipan kaysa sa panulat.

Binigyan-diin nina White at Arndt (1991) at Raimes

(1983) na ang pagsulat bilang isang proseso na hindi

natatapos sa isang upuan kundi nahahati sa ibat ibang

yugto. Itinuturing itong isa sa pinakakomplikadong

kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral sapagkat habang

nagsusulat, natututuhan din nila kung paano mag-


Kalinga State University 5
Institute of Graduate Studies

eksperimento gamit ang wika. Dahil sa ganitong kalikasan

ng pagsulat, kailangang iparanas sa mga mag-aaral ang

process approach na binubuo ng sumusunod na mga yugto: bago

sumulat; paggawa ng burador; pagrerebisa; pag-eedit at

paglilimbag. Ang mga gurong gumagamit ng ganitong dulog ay

nakapagbibigay sa mga mag-aaral ng dalawang mahahalagang

suporta sa pagbuo ng isang sulatin. Ito ay ang sapat na oras

sa pagsusulat at pagbibigay ng puna. Pinatutunayan lamang

nito na nararapat na maituro sa mga mag-aaral ang process

approach sa pagsulat upang maihanda sila sa isang

makabuluhang pagsusulat. Inaalis rin nito ang mga balakid na

maaaring humadlang upang maging madali ang pagpapahayag ng

saloobin at pananaw tungkol sa isang paksa. Sa madaling

sabi, kung ang mga guro ay sasanayin lamang ang mga mag-

aaral sa pagsulat ng ibat ibang sulatin, mas mahahasa ang

mga ito sa tamang tuntunin na sinusunod sa Balarilang aklat,

maiiwasan din ang mga kamalian sa pagsulat. Sa pamamagitan

nito mailalahad niya nang maayos ang mga kaisipang nais na

ipahayag o isatitik. Bagamat hindi nga makaiiwas sa

pagkakamali ang isang mag-aaral sa isang sulatin, hindi rin

mainam na hayaan na lamang ito.

Ayon kina Santiago at Tiangco (2003), kailangang matuto

at mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsunod ng


Kalinga State University 6
Institute of Graduate Studies

mga alituntunin sa Balarila lalong-lalo na sa morpolohiya at

ang mga nasa ilalim nito,kung saan ang morpolohiya ay pag-

aaral sa pagbuo o pagsasama-sama ng mga morpema o salita sa

pamamagitan ng ibat ibang morpema, nililinang nito ang

kakayahan ng mga mag-aaral sa tamang paggamit ng mga salita

at kaaangkupan nito upang makabuo ng isang makabuluhang

pangungusap. Sa ilalim ng morpolohiya matutunghayan ang

ibat ibang alituntunin sa pagbubuo ng mga salita, ito ay

ang mga sumusunod:

1.Anyo ng Morpema, Uri ng Morpema, Distribusyon ng mga

Morpema, Alomorp ng Morpema, at Pagbabagong Morpoponemiko.

2.Apat na uri ng Kayarian ng salita: a.) Payak

b.)Maylapi c.) Inuulit d.)Tambalan

3.Bahagi ng Pananalita: a.) Pangngalan b.)Panghalip

c.)Pang-uri d.)Pandiwa e.)Pang-abay f.)Pangatnig g.)Pang-

ukol h.)Pang-angkop i.)pantukoy j.)Pangawing.

Sa pag-uuring sinusunod sa Balarilang aklat, ang bahagi

ng pananalita ay pinapangkat sa dalawang dibisyon, dalawang

malalaking kategoryang binubuo ng mga sub-kategorya. Ang

unang malaking dibisyon ay ang mga salitang pangnilalaman na

binubuo ng pangngalan, panghalip, pang-uri, pandiwa,at

Pang-abay. Ang pangngalan at panghalip ay pinagsasama-sama

sa subkategoryang nominal, sapagkat kapwa ginagamit na


Kalinga State University 7
Institute of Graduate Studies

panawag sa tao, hayop, bagay, pook o pangyayari. Samantala,

ang pang-uri at pang-abay naman ay ipinaiilalim sa

subkategoryang panuring, sapagkat kapwa ginagamit na

panuring , bagamat magkaiba ang binibigyang-turing. Ang

pandiwa ay walang subklasipikasyon sa ilalim nito.

Ang ikalawang malaking dibisyon ay ang mga salitang

pangkayarian. Sa ilalim nito ay matatagpuan ang mga

subkategoryang pang-ugnay at pananda. Sa ilalim ng pang-

ugnay ay kabilang ang pangatnig, pang-angkop at ang pang-

ukol na nagpapakita ng kaugnayan o relasyon ng isang salita

o parirala sa iba pang salita o parirala sa loob ng

pangungusap. Sa mga pananda naman ay kabilang ang pantukoy

at pangawing isang bagong subkategoryang iminumungkahi sa

balarilang aklat, ang tinutukoy na pangawing ay ang ay na

nagsisilbi lamang na kadena upang mabuo ang pangungusap kung

ito ay nasa kabalikang ayos ng simuno + ay + panaguri.

Nagbigay ng gabay ang mga kinalabasan ng mga naunang

pag-aaral ukol sa pagsusuri ng kamalian upang magkaroon ng

kahawig na pag-aaral ang mananaliksik.

Sa pag-aaral ni Uc (1998) sa kaniyang artikulong

Natural Language Learning and Learning Foreign Language in

the Classroom na nailathala sa British Journal of Language

Teaching, natuklasan na ang lahat ng kamalian ng mag-aaral


Kalinga State University 8
Institute of Graduate Studies

ay yaong nakaligtaan at labis na paglalahad. Hindi ito bunga

ng pagpapabaya kundi bunga ng sistematikong pagsisikap na

makapagpahayag. Subalit nakalulungkot malaman na marami pa

sa mga mag-aaral at lalong nakapanlulumo na maging sa

kolehiyo ang hindi pa ganap na

marunong sumulat.

Sa artikulo ni Regana (1990) Writing - Major

Problem na nalathala sa Philippine Journal of Education ay

nasasaad ang mga sumusunod na kaisipan: Ang hindi mahusay

sa pagsulat ay isang kadustaan sa sistema ng edukasyon sa

Pilipinas. Libu-libong kabataang lalaki at babae ang

nagtapos ng haiskul at libu-libo ring mag-aaral sa kolehiyo

ang hindi man lamang makasulat ng 500 makabuluhang salita

tungkol sa isang paksa.

Ayon naman kay Baylon (1987) ang pagsusulat ay isang

masining na paraan ng pagpapahayag ng iniisip, nadarama,

niloloob, nakikita at naguguniguni. Samakatuwid, ang

pagsulat ay nagbibigay ng isang sitwasyong kinalalagyan ng

disiplinang intelektwal at pagkamalikhain. May kaugnayan ang

kawilihan sa kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat kakayahan ng

gurong nagtuturo. Ganoon din ang saloobin ng

mga mag-aaral sa Filipino at maging ang kawalang ingat sa

pagsulat at kasahulan ng kaalaman sa mga tuntuning pangwika


Kalinga State University 9
Institute of Graduate Studies

at mga hakbang sa wastong pagsulat ng komposisyon ay may

kinalaman sa gawaing pagsulat ng mga mag-aaral.

Natuklasan ni Gabriel (1990) sa kanyang Mga

karaniwang Kamalian sa Sulating Pormal sa Filipino ng mga

Mag-aaral sa Ikalawang Taon, Sangay ng Rizal na ang

karaniwang pagkakamali ay sa pagsasangkap, pagbabaybay,

wastong gamit ng mga salita at pagbuo ng mga pangungusap

dahil sa kakulangan ng aklat, bihirang pagsasanay sa

mga gawaing pagsulat, kapabayaan at walang ingat sa

pagsulat. Idinagdag na isang dahilan din ang maling palagay

ng mga gurot mag-aaral na madali lamang ang wikang Filipino

dahil sa impluwensya ng medya na karaniwang mali ang

pamamahayag.

Sinabi ni Abarca (1985) sa kanyang Errors in the Formal

Themes of the First Year Secondary Trade School Students of

the Isabela School of Arts and Trades na malala ang

kamalian sa pagbabaybay dahil sa impluwensya ng diyalektong

ginagamit sa pakikipagtalastasan, kamalian

sa kayarian ng pangungusap, kamalian sa gramatika dahil sa

maling pantukoy, panghalip at paggamit ng tamang bantas.

Natuklasan ni Montera (1989) sa kanyang pananaliksik na

The Common Errors in Formal Theme Writing in English,

Cantella Carrascal District, Division of Surigao Del Sur na


Kalinga State University 10
Institute of Graduate Studies

malala ang kamalian sa paggamit ng panghalip,pagdadaglat at

wastong gamit ng mga salita sa pagbuo ng komposisyon.

Sa pag-aaral ni Sibayan (1995) na Mga Kahinaan sa

Pagsulat ng Komposisyon ng mga Mag-aaral sa Ikaanim na

Baitang sa Distrito ng Alcala natuklasan niyang ang

kahinaan ng kaniyang mga respondente ay sa pagbuo ng

pangungusap, pagbabantas at kaisahan ng kaisipan.

Natukoy ni Perez (1973) sa kanyang A Study of the

Common Error in the Written English Composition Committed by

Freshmen College of MSAC na may kahinaan ang kanyang mga

respondente sa pagsulat ng komposisyon dahil sa hindi bihasa

ang mga mag-aaral sa wastong pagpili at paggamit ng mga

salita ayon sa tungkulin ng wika, at sa larangan ng

gramatika ay kababakasan ng kahinaan na nasasaklaw ng ibat

ibang larangan sampu ng wastong pagbuo ng pangungusap.

Sa pag-aaral ni Hufana (1982) Evaluation of

Composition Errors in Rhetorical Acts Used In Agricultural

Science by Freshmen college Students nabanggit niyang ang

mga natukoy niya sa leksikal at morpolohikal na kamalian ay

sa pagkakaiba ng pandiwa samantalang sa sintaktika naman ay

kinasasaklawan ng kamalian sa paggamit ng mga

pantukoy at kamalian sa paggamit ng subordinasyon.


Kalinga State University 11
Institute of Graduate Studies

Ayon kay Hufana, ang mga kamaliang ito ay maituturing na

unibersal na kahinaan ng mga mag-aaral ng pangalawang wika

dahilan sa kalikasang pagkakakilanlan (idiosyncratic) ng

target na wika.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Epistola (2000) sa

"Pambalarilang Kamalian sa Pagsulat ng mga Mag-aaral sa

Unang Taon ng Kursong Edukasyon ng Baguio Colleges

Foundation" sa pagbanggit ni Tibagacay (2001) ay natuklasang

ang pinakamataas na pagkakamali ay sa aspekto

ng pandiwa, sumunod ang kailanan ng pandiwa. Sa sintaks ay

sa wastong gamit ng salita, pagkakaltas ng pangatnig

partikular sa paggamit ng nang at ng. Natuklasan ding

nagkakamali sa paggamit ng pang-ukol at pantukoy. Sa

aspektong leksikal, pinakamataas ang kamalian sa wastong

gamit ng salita, sumunod ang kaayusan ng mga salita at ang

pinakamababa ay ang paggamit ng panuring.

Nabanggit naman ni Mayos (1988) sa kanyang Mga

Kahirapan sa Balarilang Pilipino ng mga Mag-aaral sa Ikaapat

na Taon ng Mataas na Paaralan ng Pamantasan ng Benguet sa

Panuruang Taon 1987-1988 na ang kahirapan ng kanyang mga

respondente ay sa kayarian ng pangngalan, ang hindi sapat na

pagkaunawa sa tungkulin ng pantukoy at

pang-ukol, maling paggamit ng malaking titik at wastong


Kalinga State University 12
Institute of Graduate Studies

gamit ng bantas.

Sa pag-aaral ni Lubrica (1978) Communicative

Competence in Pilipino Among Freshmen College Student in

Benguet State University natuklasan niyang ang mga kamalian

sa pagsulat ng mga mag-aaral ay sa pagsasangkap,

pagbabaybay, wastong gamit ng mga salita, wastong

anyo ng pandiwa at sa pag-aaangkop (na, ng, g).

Natuklasan ni Aromin (1995) sa kanyang Mga Kahirapan

sa Hekasi ng mga Batang nasa Ika-limang Baitang- Benguet

State University Elementary Laboratory School at Balili

Elementary Laboratory High School na ang kahirapan ng mga

mag-aaral ay sa pagpapahayag ng kanilang saloobin, wastong

gamit panggramatika ng mga salita at kakayahan sa

talasalitaan. Ang lawak ng paggamit ng mga salita

ay maaaring sanhi ng kakulangan ng kaalaman sa talasalitaan

at may kinalaman sa retorika.

Sa mga gawaing sulatin karaniwang nagkakaroon ng

kamalian sa pagsulat tulad ng mga kamalian sa gramatika.

Nagkakaroon ng kamalian ang isang sumusulat sa gramatika

kung kulang ang kaalaman tungkol sa mga alituntunin sa

tamang paggamit ng wika. Kadalasay nawawalan ng daloy o

unawaan ang isinusulat ng isang mag-aaral sa mga sulating

kanilang ginagawa, kayat susuriin ang mga sinagutang


Kalinga State University 13
Institute of Graduate Studies

talatanungang sipi sa aklat na EsP na asignatura ng

ikasampung baitang sa sekondarya na siyang magsisilbing

instrumento upang maiwasto ang mga kamalian nito sa

morpolohiya sa pamamagitan ng mga alituntuning sinusunod sa

balarila . Ang pag-aaral ng wika ay napakahalaga upang

magamit ito ng tama sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan

hindi lamang sa mga gawaing pasulat.

Batayang Konseptuwal

Ang pananaliksik na ito ay ibinatay sa teorya ng wika

at ang pagsulat.

Isa sa mga pinagbatayan ng pag-aaral na ito ay ang pag-

aaral ng mga kaisipan ng kakayahang pangwika (language

competence). Iba-iba ang pananaw ng mga linggwistika ukol

dito. Sa mga istrukturalista ang paglalarawan ng kayarian ng

wika ang binibigyang-pansin (Bayo,1994). Pinaniniwalaan nila

na ang wika ay isa lamang kodigo na binubuo ng istruktura o

linguistic accuracy iginigiit nila na ang kakayahang

panlinggwistika ay ang pagkabihasa at kasanayan sa paggamit

ng wika ng kanyang ponolohiya, morpolohiya at sintaks.

Ayon kay Hufana (1982) sa pagbanggit ni Tibagacay

(2001) ang competent sa wika ay ang kawalan o halos kawalan


Kalinga State University 14
Institute of Graduate Studies

ng kamalian sa balarila, talasalitaan, kagalingan at

kadalian sa pagsasalita at pagbasa.

Subalit mayroon ding binanggit ang ilang mga

linggwistika na hindi sumasang-ayon sa unang nabanggit.

Sina Campbell at Wales (1970) ay nagpahayag ng mga sumusunod

na kaisipan:

Knowing a language involves not only the ability to

compose the correct sentences but also the ability to use

them appropriately in acts of communication

Nangangahulugang ang pag-alam ng wika ay hindi lamang ang

kakayahang bumuo ng wastong pangungusap na siyang diin ng

istrukturalismo kundi pati narin ang kakayahang gamitin ang

mga pangungusap na ito sa ibat ibang pagkakataon.

Ang Generative Transformational Linguistics ni Chomsky

(1965) ay nagsusulong sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay

hindi lamang sa pamamagitan ng habit, imitation,

conditioning o stimulus-response kundi ito ay maikling

proseso. Ipinakilala niyang ang taglay na kaalaman sa wika

ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang kumilala nang tama sa

maling pangungusap (Hamada, 2001).

Subalit napansin ni Oller (1971) na nabigong isama ni

Chomsky sa kanyang teorya ang kakayahan ng isang taong

gamitin ang wika sa pagbibigay at pagtanggap ng impormasyon


Kalinga State University 15
Institute of Graduate Studies

gaya ng enkoding at dekoding ng mensahe. Hindi niya

nabigyang kasagutan ang katanungan kung paano nabubuo ng

nagsasalita ang isang bagong pahayag sa isang sitwasyon at

paano naman ito natatanggap ng nakikinig?

Ang pananaw na ito ni Oller (1971) ay sinusugan ni

Bollinger (1971) nang kanyang ipahayag na may mga tuntuning

sinusunod para sa pag-unawa at pagpapahayag at sinasabing

ang nag-uusap ay nagkakaintindihan ayon sa konteksto.

Sapagkat marami ang maaaring ipakahulugan sa isang pahayag

sa ibat ibang konteksto, at dagdag pang suliranin ang kung

aling konteksto ang naangkop.

Si Savignon (1972) ay nagpahayag naman ng kanyang

pananaw ukol sa kakayahang komunikatibo. Ayon sa kanya ang

binabanggit ng mga istrukturulista na kakayahan sa tamang

pagbigkas, bokabularyo at gramatika na bumubuo sa

pakikipagtalastasan.

Batay sa mga naunang nabanggit, malinaw na

pinagkakaisahan ni Campbell at Wales (1970), Savignon

(1972), Oller (1971) at Bollinger (1971) na ang komunikasyon

ay hindi lamang sumasaklaw sa linggwistika o kaalaman sa

istruktura kundi maging ang iba pang salik ng

pakikipagtalastasan tulad ng kakayahang gamitin ang


Kalinga State University 16
Institute of Graduate Studies

pangungusap sa ibat ibang pagkakataon pasulat man o

pasalita.

Isa sa mga instrumento ng komunikasyon ay ang pasulat

na nabibilang sa apat na makrong kasanayan ng wika: 1.)

Pakikinig 2.)Pagsasalita 3.)Pagbasa 4.) Pagsulat

Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na

rin siya sa pag-iisip (Keller, 1992)

Dahil sa pagsulat naitatala ng tao ang lahat ng

karunungan at kaalaman, mula sa mga pansariling karanasan

hanggang sa mga kaalamang pang-edukasyon.

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang

kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga

nabuong salita,simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao

na layuning maipahayag ang kanyang /kanilang kaisipan.

Ito ay kapwa isang pisikal na gawain na ginagawa para

sa iba't ibang layunin.

Ito rin ay mental na aktibidad sapagkat hindi maaaring

hindi gamitin ang utak sa pagsusulat.

Ayon kina Xie at Jiang (2007), ang pagsulat ay isang

komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong

gamit,talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba

pang mga elemento.


Kalinga State University 17
Institute of Graduate Studies

Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong

kasanayang pangwika, inaasahang masusunod ng isang manunulat

ang maraming tuntuning kaugnay nito.

Maituturing na isang mataas na uri ng komunikasyon sapagkat

esensyal dito ang napakaraming elemento at kailangan ng

gramatika at talasalitaan.

Sinabi ni Badayos(1999), na ang kakayahan sa pagsulat

nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa

nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o

pangalawang wika man.

Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong ginugugol

natin sa pagtatamo ng kasanayang ito.

Sa pagkakataong ito,maaari nating tanggapin na ang

pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo.

Subalit mayroon tayong magagawa...napag-aaralan nang wasto

at epektibo ang pagsulat.

Ayon kay Keller (1992),ang pagsulat ay isang

biyaya,isang pangangailangan at isang kaligayahan ng

nagsasagawa nito.

Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham (1976) sa

pagsulat ay:
Kalinga State University 18
Institute of Graduate Studies

Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng

isang tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at

pagbabasa.

Lubhang mahalaga ang pagsulat sapagkat sa pamamagitan nito

ang mga tao sa ibat ibang lugar at panahon ay

nagkakaintindihan at nagkakaisa. Ang mga aspekto ng ating

kultura ay napapanatiling buhay sa damdamin sa pamamagitan

nito.

Sa pamamagitan ng nakalimbag na tala ay natutunan natin

ang kasaysayan ng ating lahi, ang mga paniniwala at

matatayog na kaisipan ng mga ninuno at ang mga pagbabago at

pagsulong ng ating bayan. Marahil kung hindi natutong

sumulat ang sangkatauhan ay walang pag-unlad na magaganap sa

sandaigdigan. Lahat ng pangyayaring naganap sa nakalipas na

panahon ay naitala sa pamamagitan ng pagsulat. Ang ibat

ibang tuklas sa larangan ng siyensya ay kinakailangang

isulat upang hindi mabaon sa limot ang lahat.

Ang isang nagsasalita ay madaling nakakaakit sa mga

nakikinig sa pamamagitan ng kanyang tinig, tikas, kumpas at

kakayahang magbigay diin sa kanyang pagbigkas. Ngunit ang

isang manunulat ay walang gaanong magagamit upang makatawag-

pansin kung di wastong pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan,


Kalinga State University 19
Institute of Graduate Studies

malinaw at mabisang pagpapahayag at wastong gamit ng

Balarila.

Ang mga alituntunin sa Balarila ay hindi na nasusunod

dahil sa patuloy na pagbabago ng ating panahon na siyang

nakakaligtaang gamitin ng mga Pilipino. Sumusunod na ang mga

mamamayan sa kung ano ang bago ngayon. Matutunghayan sa

ibaba ang mga sumusunod na dahilan sa paghina ng mga

mamamayang Pilipino sa paggamit ng gramatika:

1.Oras na itinakda para sa Asignatura.

2.Kapaligiran ng Paaralan.

3.Kakulangan sa kaalaman sa mga makabagong pamamaraan o

istratehiyang pampagtuturo ng guro at makabagong kagamitan.

4.Kawalan ng interes ng mga mag-aaral dahil sa pagdating

ng mga makabagong kagamitan na mas pinagkakaabalahan ng mga

mga-aaral (selpon, kompyuter, atbp.)

5.Kakulangan sa bokabularyong Filipino/ Tagalog.

6.Pagdating ng mga makabagong salita na wala naman sa

diksyunaryong Filipino (jejemon at bekemon).

7.Ang mahinang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig.

8.Ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng

mga akdang pampanitikan.

9.Kamalayang makadayuhan (colonial mentality).

10.Miskonsepsyon sa paggamit ng wika.


Kalinga State University 20
Institute of Graduate Studies

11.Pagbibigay ng higit na pansin at halaga sa Wikang

Ingles (oras,gawain, mga proyekto).

12.Kakulangan ng kaalaman ng guro sa mga teknik o

istratehiya sa larangan ng pagtuturo ng pagsulat.

13.Kakulangan ng kaalaman ng guro sa istrukturang

gramatikal (pagbabaybay, gamit ng ibat ibang bahagi ng

pananalita, atbp.)

14.Di- lubusang paglinang sa kahusayang magamit ang

wikang Filipino sa pagtuturo.

15.Hindi sapat na pagtuturo ng ibat ibang pagdulog sa

pagtuturo ng gramatika at akdang pampanitikan.

16.Hirap sa pagtuturo ng mga matatalinghagang pahayag ng

guro at mag-aaral.

17.Kakulangan ng kaalaman ng guro sa paggamit ng mga

awtentikong kagamitan sa pag-ases sa kaalaman ng mga mag-

aaral.

18.Hindi nagiging sensitibo ang guro sa suliraning

pangwika na matatagpuan sa mga aklat, material at maging sa

kanyang pananalita na nagpapahirap sa pagkatuto ng mga mag-

aaral sa wika.

http://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/mga-suliranin-

ng-mga-guro-sa-pagtuturo-ng-filipino/
Kalinga State University 21
Institute of Graduate Studies

Karaniwang nagkakamali ang mga mag-aaral sa morpolohiya

at nagkakaroon ng maling gamit ang isang salita at kapag

ginamit ang maling salita sa pag-uugnay-ugnay o pagsasama-

sama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap, itoy

nawawalan na ng kahulugan.

Mahalaga samakatuwid, na bilang guro sa Filipino ay may

angking kakayahan sa pagtuturo ng asignaturang ito

(Istruktura ng Wikang Filipino). Isa ang guro na magiging

daan upang malinang at mapalawak ang kakayahan ng mga mag-

aaral sa paraan ng pagsulat ng ibat ibang sulatin at

malinang ang kasanayan sa paggamit ng tamang salita.


Kalinga State University 22
Institute of Graduate Studies

Pigura 1. Paradima ng Pag-aaral

INPUT PROCESS OUTPUT

1. TEORYA PAGSUSURI: KINALABASAN:


sa:
Presentasyon at Kawastuhan ng
a. Wika at
pagsusuri ng mga kamalian ng
pagsulat
b. Kamalian mga kamalian nilalaman sa
sa ng mga mag- gawaing pasulat
Pagsulat aaral sa ng mga mag-
gawaing pasulat aaral
2. Gawaing
Pasulat

Ang paradimang ito ay inilalarawan ang kaugnayan ng

tatlong bahagi: Input, Proseso at ang Output.

Ang unang kahon sa paradima ay ang input,na

napatutungkol sa wika, pakikipagkomunikasyon, gawaing

pasulat at kamalian sa pagsulat (Hindi pagsunod sa mga

alitutunin ng Balarila).

Ang pangalawang kahon ay ang proseso. Nakalakip dito

ang pagsusuri sa morpolohiya isa sa mga bahagi ng balarila:

(Ang Pagkakamali sa Morpolohiya) na nagamit sa gawaing

sulatin ng mga mag-aaral.

Ikatlo ay ang output. Nakalakip sa output ang mga

kawastuhan ng pagkakamali sa paggamit ng wikang Filipino sa

gawaing sulatin ng mga mag-aaral.


Kalinga State University 23
Institute of Graduate Studies

Paglalahad ng mga Layunin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masiyasat at masuri

ang mga karaniwang pagkakamali sa gamit ng wikang Filipino

na matatagpuan sa gawaing pasulat ng mga mag-aaral ng Roxas

National High School Bantug, Roxas, Isabela sa taong 2015-

2016 na may layuning:

1.Mahanap ang mga karaniwang kamalian sa paggamit ng

wikang Filipino batay sa kanilang sulatin ayon sa

tuntunin ng;

a. Morpolohiya (Palabuuan)

Anyo ng Morpema

Uri ng Morpema

Alomorp ng Morpema

Distribusyon ng Morpema

Pagbabagong morpoponemiko

b. Kayarian ng mga Salita

c. Mga bahagi ng Pananalita

Katuturan ng mga Katawagan


Kalinga State University 24
Institute of Graduate Studies

Para sa madaling pang-unawa ng mga mambabasa, binibigyang-

kahulugan ang ilang terminolohiyang gagamitin sa pag-aaral

na ito.

Alomorp. Ito ay ang mga panlaping unlaping [pang-],

[pam-] at [pan-].

Balarila. Ang Balarila (mula sa bala+ (ng) + (dila) ay

ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga

sumusunod: ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at semantiks.

Balbal. Ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at

may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at

bakla halimbawa ang mga salitang eklavush, erpat at

ermat at cheverloo

Dekoding. Ang umuunawa at tumatanggap ng mensahe.

Enkoding. Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong

pinagmulan ng mensahe.

Gramatika. ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na

kinabibilangan ng mga sumusunod: ng morpolohiya o pagsusuri

sa pagkakabalangkas ng mga salita (morpolohiya);

ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay

maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong

pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita at

parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga

salita.
Kalinga State University 25
Institute of Graduate Studies

Jejemon. Ito ay ang labis na pagdedekorasyon sa isang

salita sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya

na gamitin sa mga kabataan.

Kolokyal. Ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong

gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit

napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/

para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'

Morpema. ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na

nagtataglay ng kahulugan.

Morpolohiya. Ito ay pag-aaral ng morpema ng isang wika at

ang pagsasama ng mga ito upang makabuo ng salita. Ang

morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na

nagtataglay ng kahulugan.

Ortograpiya.Ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang

pasalita sa paraang pasulat.

Pagbaybay. Pagsusulat ng salita o mga salita sa

pamamagitan ng lahat ng kinakailangan na letra sa tama

nitong pagkakasunod-sunod.

Pagbabagong Morpoponemiko. Anumang pagbabago sa

karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng

kapaligiran nito.
Kalinga State University 26
Institute of Graduate Studies

Pang-ugnay.Ito ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng

dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang

parirala o ng dalawang sugnay.

Pangawing. Salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at

panaguri

Panlapi. Isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-

ugat upang makabuo ng isang salita.

Pasulat. Isang proseso ng pagtatala ng karakter sa isang

midyum na may layuning makabuo ng mga salita.

Ponolohiya. Ito ay sangay ng lingguwistika (linguistics)

na nag-aaral ng mga tunog o ponema (phonemes) ng isang wika,

ang pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at

ang sistemang paggamit ng mga tunog na ito upang makabuo ng

yunit ng tunog na may kahulugan.

Salitang-ugat. Ito ay mga salitang payak na

may kahulugan sa kaniyang sarili at walang panlapi.

Semantiks. Tumutukoy sa mga ideya o konsepto na pwedeng

ilipat mula sa isipan ng nagsasalita tungo sa isipan ng

tagapakinig sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga ito sa

wika.

Sintaksis.Ito ang pagsama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga

salita upang makabuo ng pangungusap


Kalinga State University 27
Institute of Graduate Studies

Taglish. Ito ay ang pinagsamang wikang tagalog at wikang

Ingles.

Wika. Isang bahaging pakikipagtalastasan. Kalipunan itong

mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag

ang nais sabihin ng kaisipan.


Kalinga State University 28
Institute of Graduate Studies

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pamamagitan ng pagsulat, naipapahayag ang

paniniwala, mithiin, pangarap, nararamdaman, bungang-isip at

nakikilala ng tao ang kanyang kahinaan at kalakasan. Ang

pagsulat ay nakatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga

mag-aaral sa lohikal na pag-iisip at paglutas ng mga

suliranin. Ayon kay Svartvik (1973), ang pagsusuri sa mga

kamalian ng mga mag-aaral ay may mahalagang kaugnayan sa

tungkulin ng istratehiya ng pag-aaral ng gramatika. Ang

pagkilala ng mga kamalian ang simula ng pag-aaral ng mga

mag-aaral at umpisa ng pagtuturo ng mga guro.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

mag-aaral, magulang, guro, punong-guro at mga gumagawa ng

patakaran sa Edukasyon. Anuman ang kalalabasan ng pag-aaral

na ito pakikinabangan ng ga sumusunod.

Punong-guro. Ito ay magsisilbing tagapaggising na

lalong gabayan at suportahan ang mga guro sa pagtuturo ng

wikang Filipino sa mga mag-aaral para sa lalong ika-uunlad

ng kanilang kasanayan sa mga sulating gawain na maiilapat sa

loob at labas ng paaralan.

Mga Guro. Magbibigay ito ng lubos na kamalayan at

kaalaman upang higit na maging epektibong guro sa

Filipino sa pamamagitan ng pagggamit ng estratehiyang ito sa


Kalinga State University 29
Institute of Graduate Studies

pagtuturo ng pagsulat. Sa ganitong paraan higit na mas

gagaan ang pananagutan sa paglinang ng kasanayan sa

pagsulat at ang kahalagahan ng pagbibigay ng puna sa

kalagayan ng bawat mag-aaral sa paraan ng pagsulat na

lubos na makakatulong sa paglinang ng kasanayang ito.

Magulang. Ito ay magsisilbing hamon upang higit na

gabayan ang kanilang mga anak tungkol sa kahalagahan ng

kasanayan sa pagsusulat higit lalo na sa pagbuo ng tiwala

at pagtingin sa sarili. Ang pagsusulat ay isang paraan ng

pagbabahagi sa ating kapwa tao ng ating mga pananaw at

saloobin batay sa ating kaalaman at karanasan

Mga Mag-aaral. Ito ay magdudulot ng kamulatan sa

kahalagahan ng paglinang ng kasanayan sa pagsulat nang may

prosesong sinusunod upang higit na mabisa at kawili-wili ang

pagsulat.

Mga Mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay matutulungan

ding malinang ang kani-kanilang mga sarili sa pagkakalap ng

mga datos na maaari pang makadagdag ng kanilang kaalaman sa

paksang kanilang isinasagawa.


Kalinga State University 30
Institute of Graduate Studies

Kabanata II

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa disenyong ginamit

sa pananaliksik, lokasyon at populasyon ng pag-aaral, ang

instrumentong ginamit, pagkabalido at pagkarelayabol ng

instrumento, ang pamamaraan ng mga pangangalap ng datos,

kung paano tratuhin ang mga datos.

Karamihan sa gawaing pasulat ng mga mag-aaral ay di

gaanong mahusay, kaya nangangailangan ng patnubay ang

mananalikisik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng gawaing pasulat at

pamamaraang deskriptib analitikal sa pagsusuri ng mga

datos. Ang mga mag-aaral sa ika-10 antas sa sekondarya ng

Roxas National High School Bantug, Roxas, Isabela. Kung ano

ang antas ng mga mag-aaral sa gawaing pasulat, katayuan at

kahinaan o kamalian ng mga mag-aaral sa paggamit ng wika sa

pagsulat ng mga gawaing pasulat o sulatin sa Filipino

hinggil sa morpolohiya at mga saklaw nito.

Ang pag-aaral na ito ay isinalin sa pananaw nina

Corder (1974) na ang mga kamalian ng mga mag-aaral ay likas


Kalinga State University 31
Institute of Graduate Studies

at integral na bahagi ng pagkatuto at ito ay lubos na

mapapakinabangan ng mga guro kung ang mga kamalian ay

lalapatan ng sistematikong pagsusuri at pagtukoy sa mga

posibleng sanhi ng mga kamalian.

Lokasyon at Populasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Mataas na paaralan

ng Roxas National High School Bantug, Roxas, Isabela sa

taong 2015-2016.

Ang Isabela ay nahahati sa 34 bayan at 3 lungsod na

mayroong 1,055 barangay. Ang kapital nito ay ang Lungsod ng

Ilagan. Ang Roxas ay isa sa mga munisipalidad ng Isabela na

mayroong 26 barangay.

Ang paaralang Roxas National High School Bantug, Roxas,

Isabela ay isa sa kauna-unahang Sekondarya sa munisipalidad

ng Roxas.

Ang pag-aaral na ito ay para sa mga mag-aaral na nasa

Grade X- seksyon 2, 3, at 4. Sa bawat seksyon ng Grade X ay

kumuha lamang ng labindalawang bilang na mag-aaral. Ang

gawaing pasulat ay nagpapakita ng maraming suliranin,

kahinaan at kamalian sa paggamit ng wika. Ang pag-aaral na

ito ay nangangailangan ng mungkahing solusyon.


Kalinga State University 32
Institute of Graduate Studies

Pigura 2: Mapa at Lokasyon ng Roxas National High School


Kalinga State University 33
Institute of Graduate Studies

Pigura 3: Populasyon ng Mag-aaral na Tagatugon

Populasyon ng Mag-aaral
Grade 10-2 Grade 10-3 Grade 10-4

12 12

12

Inilalahad sa pie tsart ang bilang ng mga mag-aaral na

tagatugon ayon sa paaralan. Inilalarawan sa pie tsart na

pare-pareho ng bilang ang respondante sa bawat seksyon na

may tig-labindalawa (12).

Mga Kagamitan sa Pananaliksik

Inilahad dito ang pamaraang ginamit sa pag-aaral, ang

mga tagatugong paghahanguan ng mga datos, mga instrumento at

paraang ginamit sa paglikom at pagpapakahulugan sa bilang

ng katanungan sa hiningi ng suliranin sa pag-aaral.

Sa pagnanais ng mananaliksik na matamo ang pangunahing

layunin ng pag-aaral na ito, pagsusuring pangnilalaman ang


Kalinga State University 34
Institute of Graduate Studies

kanyang ginamit, mga kasagutang nilikom mula sa pagsubok na

ibinigay, talatanungan at mga karagdagang impormasyon para

sa isinagawang pagsusulit. Mula sa mga reaksiyon at komento

sa gawaing pasulat na naibigay sa mga mag-aaral, ang mga

karaniwang kamalian (morpolohiya) sa pagsulat ay masusuri

gamit ang Corders Model (1974).

Ang mga talatanungan ay sinagutan ng mga mag-aaral sa

loob lamang ng isang oras, araw ng Martes upang makasulat

ang mga mag-aaral sa kanilang naibigay na gawaing pasulat.

Ang sinagutang talatanungan ay batay sa pagtuturo ng

guro sa kanyang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan

Makataong Kilos (EsP 10).

Talahanayan 1. Mga Katungkulan at Paglalarawan sa Wika at


Mag-aaral na nag-aaral ng Wikang Filipino

FACTOR ( KATUNGKULAN )Salik PAGLALARAWAN


WIKA
Midyum Pasulat
Panitikan Sanaysay
(Pagpapaliwanag)
Nilalaman Makataong Kilos (EsP)
Grade X
MAG-AARAL
Antas Grade X (Sekondarya)
Unang wika (Mother Tongue) Tagalog at Ilokano

Wikang ginagamit sa Paaralan Tagalog at Ilokano


Kalinga State University 35
Institute of Graduate Studies

Inilalahad sa talahanayang ito ang tungkol sa kaligiran

ng talatanungang ginamit ng mga mag-aaral at ang tungkol sa

mag-aaral: 1.) Wika, sa ilalim ng wika makikita ang midyum

na ginamit - pasulat, sumunod ay panitikan, anong genre ang

ginamit - sanaysay at panghuli, saan napatutungkol ang

nilalaman ng talatanungan, ito ay tungkol sa Makataong Kilos

(EsP) Grade X. 2.)Mag-aaral, una ay kung anong antas ng mga

tagatugon - Grade X (Sekondarya), sumunod ay unang wika ng

mag-aaral - Tagalog at Ilokano at ang panghuli, ang wikang

ginagamit ng mag-aaral sa paaralan - Tagalog at Ilokano.

Baliditi at Relayabiliti ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay humingi ng tulong sa mga guro na

nanaliksik ng paksang ito sa Asignaturang Ingles upang ang

mga malalagom at mga nakahandang talatanungan na ibinase sa

isinagawang pag-aaral ni Malao (2012)ang Linguistic errors

in Learner Diaries of College Freshman students in Kalinga-

Apayao State College na nagsagawa rin ng pag-aaral na tulad

nito upang mapag-aralang mabuti para sa ikagaganda ng

resulta ng pag-aaral na isinagawa. Ang mananaliksik na

nagsagawa ay may kumpiyansa na ang gagamiting talatanungan

ay balido at relayabol.
Kalinga State University 36
Institute of Graduate Studies

Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa punong-

guro ng Paaralang Roxas National High School para sa

paglikom ng mga datos sa mga tagatugon ng kanyang pag-aaral.

Pagkatapos, kumuha ng pahintulot sa punong-guro, kumuha

ng tig-labindalawang mag-aaral sa tatlong seksyon ng

ikasampung baitang sa pamamagitan ng Simple Random

Sampling upang sumali sa pasulat na pagsusulit. Ang

mananaliksik mismo ang nagtungo sa mga mag-aaral upang

maipaliwanag ang panuto at mga aytem na di maintindihan ng

mga mag-aaral.

Pagsusuri ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay isinalin sa pananaw ni Corder

(1974) na ang mga kamalian ng mga mag-aaral ay likas at

integral na bahagi ng pagkatuto at ito ay lubos na

mapapakinabangan ng mga guro kung ang kamalian ay lalapatan

ng sistematikong pagsusuri at pagtukoy ng mga posibleng

sanhi ng mga kamalian.

Ang napiling pormula sa populasyon ng mga mag-aaral ay

ang Slovens Formula:


Kalinga State University 37
Institute of Graduate Studies

1+ Ne2

n
n=

Kung saan:

n = sampling population

N = Whole population

E = standards error at .05 level

Sa pag-aaral na ito ay ginamit ang Frequency sa pagkuha

ng bahagdan ng kamalian ng mga tagatugon ayon sa kanilang

mga kasagutan at resulta.

Pormula:

f
= x 100
n

Kung saan:

= Percent

= Frequency

N = Number of cases

KABANATA III

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Kalinga State University 38
Institute of Graduate Studies

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga datos tungkol

sa layunin na mahanap ang mga karaniwang kamalian sa

paggamit ng wikang Filipino batay sa kanilang sulatin ayon

sa tuntunin ng; A. Morpolohiya (Palabuuan) 1. Anyo ng

Morpema 2. Uri ng Morpema 3. Alomorp ng Morpema 4.

Distribusyon ng Morpema 5. Pagbabagong morpoponemiko

B. Kayarian ng mga Salita C. Mga Bahagi ng Pananalita.

Paglalahad sa mga Kamaliang nagawa


at mga naiwastong kamalian

Talahanayan 2. Kamalian sa Morpolohiya ng tatlong seksyon


sa ika-sampung baitang ng Sekondarya.

Mga Kamalian sa Bilang ng Kabu Ranggo

Morpolohiya Kamalian uan

X-2 X-3 X-4


A.MORPOLOHIYA
Anyo ng Morpema 1 2 3
Uri ng Morpema
Distribusyon ng mga

Morpema
Alomorp ng Morpema 1 10
Pagbabagong 10 13 8 31 1

Morpoponemiko
B.KAYARIAN NG MGA SALITA 3 3 6 7
C.BAHAGI NG PANANALITA
Pangngalan 2 2 3 7 6
Panghalip 3 7 8 19 3
Pandiwa 3 9 3 12 5
Pang-uri 1 1 3 5 8
Kalinga State University 39
Institute of Graduate Studies

Pang-abay 1 2 3 9
Pangatnig 9 13 2 24 2
Pang-ukol 2 4 1 7 6
Pang-angkop 0 0 0 0
Pantukoy 2 6 6 14 4
Kabuuan 36 62 36 134
Bahagdan ng Kamalian 26. 46. 26. 100%

86 26 86

Inilalahad sa talahanayang ito ang mga kamalian sa

morpolohiya ng mga tagatugon sa bawat seksyon: X-2, X-3, at

X-4 ng ikasampung baitang sa sekondarya. Ito ay ayon sa

pagkakasunod-sunod na nairanggo sa 1-10, 1 ang may

pinakamataas na bilang ng kamalian at 10 ang pinakamababa.

1.)Ang Pagbabagong morpoponemiko ay may bilang na tatlumput

isa (31),2.)Ang Pangatnig ay may kabuuang bilang na

dalawamput apat (24), 3.)Ang Panghalip ay may kabuuang

bilang na labinsiyam (19), 4.)Ang Pantukoy ay may kabuuang

bilang na sampu (14), 5.)Ang Pandiwa ay may kabuuang bilang

na labindalawa (12)6.)Ang Pangngalan at Pang-ukol ay may

parehong bilang na pito (7), 7.)Ang Kayarian ng Salita ay

may kabuuang bilang na anim (6), 8.)Ang Pang-uri ay may

kabuuang bilang na lima (5), 9.) Ang Pang-abay ay may


Kalinga State University 40
Institute of Graduate Studies

kabuuang bilang na tatlo (3), 10.)Ang Alomorp ng Morpema ay

may kabuuang bilang na isa (1).

Ang mga kamalian sa morpolohiya ay may kabuuang bilang

na 134. Nangunguna ang seksyon X-3 na may pinakamataas na

bahagdan 46.26 at may parehas na bahagdan ang X-2 at X-4,

ito ay 26.86.

A. MORPOLOHIYA

1.Anyo ng Morpema Ito ay may tatlong uri: ang morpemang

binubuo ng isang ponema, ang morpemang binubuo ng panlapi

at ang morpemang binubuo ng salitang-ugat.

Ang morpemang binubuo ng salitang-ugat

a. Halimbawa:

KATANUNGAN

Niyaya si Omar ng kanyang kamag-aral na huwag munang


umuwi pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila.
Sumama si Omar kahit ipinagababawal ito ng kanyang
magulang.

Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos?


Oo ( ) Hindi( )Bakit?
SAGOT NG MAG-AARAL

Oo, dahil kinusang nagdesisyon si Omar kahit alam


niyang ipinagbawal ito ng kanyang mga magulang.
Kalinga State University 41
Institute of Graduate Studies

MALI

Oo, dahil kinusang nagdesisyon si Omar kahit alam


niyang ipinagbabawal ito ng kanyang mga magulang.
TAMA

Oo, dahil kusang nagdesisyon si Omar kahit alam niyang


ipinagbabawal ito ng kanyang mga magulang.

Makikita sa unang pangungusap ang nasalungguhitang

salita ang kinusang ngunit mali ang pagkakagamit nito sa

pangungusap dahil mali na ang nais ipahayag nito. Kung may

mga panlaping di- magkarugtong, dahil sa paggigitlapi, ang

mga salitang-ugat man ay maaaring maputol, tulad ng nangyari

sa kusa sa kinusa. Ang kinusa ay nilapian ng gitlaping

in, ang salitang-ugat nitoy kusa na dapat ay nailapat sa

unang pangungusap upang maging makabuluhan.

Ang kinusa ay mali dahil hindi ito pandiwa sa likas

na kayarian kundi itoy pang-uri na naglalarawan sa isang

pandiwa kayat nagiging pandiwa ang gamit sa pangungusap.

b. Halimbawa:

KATANUNGAN

Nakita ni Abdullah na ang kanyang kamag-aral na si


Fatima ang kumuha ng cellphone ng kanyang guro. Ngunit
nanahimik na lamang siya upang huwag ng madapay pa.

Nagpakita ba si Abdullah ng makataong kilos?


Kalinga State University 42
Institute of Graduate Studies

Oo( )Hindi( )Bakit?


SAGOT NG MAG-AARAL

Dahil mas gusto niya nalamang na manahimik at huwag


madamay kaysa sabihin ang totoo.
MALI

Dahil mas gusto niya nalamang na manahimik at huwag


madamay kaysa sabihin ang totoo.

TAMA

Dahil mas gusto niya na lamang na manahimik at huwag


madamay kaysa sabihin ang totoo.

Matutunghayan sa kasagutan ng mag-aaral na pinagdikit o

pinagdugtong ang ingklitik na na at lamang na siyang

naging isang salita. Sa morpemang binubuo ng salitang-ugat

marapat na paghiwalayin ang dalawang salitang pinagdugtong

sapagkat pareho itong ingklitik at hindi rin maaaring

lapian.

2.Pagbabagong morpoponemiko. ay ang anumang pagbabago sa

karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng

kaligiran nito. Ito ay may limang uri: 1.) Asimilasyon, 2.)

Pagpapalit ng Ponema 3.) Metatesis 4.)Pagkakaltas ng Ponema

5.)Paglilipat-diin.

Pagpapalit ng Ponema.
Kalinga State University 43
Institute of Graduate Studies

a. Halimbawa:

KATANUNGAN

Ang lola Ester ni Arnold ay naubusan ng gamot para sa

sakit nito. Kinailangan nito ang pera upang makabili ng

gamot ngunit nawala sa lagayan ng pera nito.

Kung ikaw ang tatanungin, nadagdagan ba o nabawasan ang


masamang kilos ni Arnold?
________________________________________________________
______________________________________________________
________________________________________________________
SAGOT NG MAG-AARAL

Nadagdagan ang masamang kilos ni Arnold, dahil kinuha


niya ang kailangan ng kanyang lola. Paano na lamang kung
umatake ang kanyang sakit? Mas madaming pera ang magagastos
nito.
MALI

Nadagdagan ang masamang kilos ni Arnold,dahil kinuha


niya ang kailangan ng kanyang lola. Paano na lamang kung
umatake ang kanyang sakit? Mas madaming pera ang magagastos
nito.
TAMA

Nadagdagan ang masamang kilos ni Arnold.Dahil kinuha


niya ang kailangan ng kanyang lola. Paano na lamang kung
umatake ang kanyang sakit? Mas maraming pera ang magagastos
nito.
Kalinga State University 44
Institute of Graduate Studies

Makikita sa unang pangungusap ang salitang

nasalungguhitan ang madaming kung babasahin ang

pangungusap sa itaas makikitang tama ang pangungusap. Sa

pagbabagong morpoponemiko ito ay may limang uri, isa na ang

pagpapalit ng ponema. Sa pagpapalit ng ponema may mga

ponemang nababago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita.

Kung minsan, ang ganitong pagbabago ay napapalitan ng

diin. /d/ /r/, ang ponemang /d/ sa pusisyong inisyal ng

salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang

/r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi, ma- + daming

maraming, bagamat opsyunal ang pagpapalit, higit na gamitin

ang anyong may /r/ sapagkat higit na naayon ito sa hilig ng

tao na gawing lalong madali para sa kanya ang pagbigkas.

Halimbawa:

KATANUNGAN

Nasunugan ang isang pamilya sa lugar ni Chris. Sa


halip na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang
pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya.

Ano ang masasabi mo sa kilos ni Chris?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

SAGOT NG MAG-AARAL

Ang masasabi ko sa masamang kilos ni Chris ay hindi


Kalinga State University 45
Institute of Graduate Studies

man lang siya naawa sa pamilyang nasunogan, inuna pa niya


ang pagnanakaw.
MALI

Ang masasabi ko sa masamang kilos ni Chris ay hindi


man lang siya naawa sa pamilyang nasunogan, inuna pa niya
ang pagnanakaw.
TAMA

Ang masasabi ko sa masamang kilos ni Chris ay hindi


man lang siya naawa sa pamilyang nasunugan, inuna pa niya
ang pagnanakaw.

Makikita sa pangungusap ang nasalungguhitang salita ang

nasunogan kung babasahin ang pangungusap, tama ang

kahulugan nito at pagkakagamit ng mga salita ngunit may

isang salitang mali ang ponemang ginamit sa loob ng salita

ang nasunogan, /o/ ang ginamit sa halip na /u/. Kayat

napapalitan ang isang ponema ng isang salita dahil na rin sa

pagbigkas na maaaring nag-iiba na rin ang baybay nito lalo

na kapag sinusulat ang salita.

Ayon kina Santiago at Tiangco (20013),ang pagpapalitang

ito ng /o/ at /u/ ay sa palabaybayan lamang sapagkat, kung

mga ponema ang pag-uusapan, ang ponemang transkripsiyon ng

nasunugan ay maaaring /nasunogan/ o / nasunugan/. Sa

madaling salita, malayang nagpapalitan ang /o/ at /u/ sa

pusisyong pantig na gitna ng salita.


Kalinga State University 46
Institute of Graduate Studies

Ang salitang ugat na nagtatapos sa o kapag nilapian ng

hulaping an/-han at in/-hin ay nagiging u.

Halimbawa: bago baguhin baguhan

3.Alomorp ng Morpema. Ito ay ang mga panlaping unlaping

[pang-], [pam-] at [pan-].

Halimbawa:

KATANUNGAN

Ang lola Ester ni Arnold ay naubusan ng gamot para sa


sakit nito. Kinailangan nito ang pera upang makabili ng
gamot ngunit nawala sa lagayan ng pera nito.

Kung ikaw ang tatanungin, nadagdagan ba o nabawasan ang


masamang kilos ni Arnold?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
SAGOT NG MAG-AARAL

Nadagdagan, dahil sa ginawa ni Arnold, maaaring


magkasakit ang kanyang lola at wala na itong pera na
pangbili ng kanyang mga pangangailangan.

MALI

Nadagdagan, dahil sa ginawa ni Arnold, maaaring


magkasakit ang kanyang lola at wala na itong pera na
pangbili ng kanyang mga pangangailangan.
TAMA

Nadagdagan, dahil sa ginawa ni Arnold, maaaring


magkasakit ang kanyang lola at wala na itong pera na pambili
ng kanyang mga pangangailangan.
Kalinga State University 47
Institute of Graduate Studies

Ang isang morpema ay maaaring magbago ng anyo dahil sa

kaligiran. Ang alomorp ay may tatlong anyo ang [pang-],

[pam-] at [pan-]. Halimbawa: ang nasalungguhitang salita sa

unang pangungusap pangbili ang [pang-] ay ginagamit kung

ang inuunlapiang salita ay nagsisimula sa alinman sa mga

ponemang patinig na /a,e,i,o,u,/ o alinman sa mga ponemang

katinig ay nagsisimula sa /k, g, ng, n, w, y/ kayat maling

anyo ng alomorp ang ginamit. Sa pangalawang pangungusap

pambili ang [pam-] ay ginagamit kung ang inuunlapiang

salita ay nagsisimula sa /b/ o /p/ kayat ang ginamit na

alomorp sa pangalawang pangungusap na pambili ay tama. Ang

[pan-] naman ay ginagamit kapag ang salitang ugat ay

nagtatapos sa /d,l,r,s,t/.

2.BAHAGI NG PANANALITA

1.Pangngalan. ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook,

pangyayari, atbp.

Halimbawa:

KATANUNGAN

Matagal ng nais ni Kim na magkaroon ng selpon. Isang


araw, habang mag-isa lamang siya sa kanilang silid-aralan ay
nakita niyang naiwan ng kaniyang kamag-aral ang selpon nito.
Kinuha ito ni Kim at itinago.
Kalinga State University 48
Institute of Graduate Studies

Sa iyong palagay, makataong kilos ba ang ginawa ni Kim?


Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________.
________________________________________________________________________
SAGOT NG MAG-AARAL

Hindi, dahil mali ang pagkuha sa cellphone nito dapat


ay ibinalik na lang niya ito sa may-ari.
MALI

Hindi, dahil mali ang pagkuha sa cellphone nito dapat


ay ibinalik na lang niya ito sa may-ari.
TAMA

Hindi, dahil mali ang pagkuha sa selpon nito dapat ay


ibinalik na lang niya ito sa may-ari.

Makikita sa kasagutan ng mag-aaral ang salitang

banyagang ginamit sa loob ng pangungusap na cellphone. Ang

cellphone ay itinuturing na pangngalan sapagkat ito ay

ngalan ng bagay.

Ayon kay Santiago (1976) ang nagtakda ng mga tuntunin o

paraan ng panghihiram sa wikang Ingles sa aklat niyang

Sining ng Pananaliksik. Mayroon itong tatlong paraan:

a. Paraan I. Pagkuha ng katumbas sa Kastila ng hihiraming

salitang Ingles at pagbaybay dito ayon sa palabaybayang

Filipino.

Halimbawa: Cemetery=cementerio=sementeryo

b. Paraan II. Kung hindi maaari ang paraan I (walang


Kalinga State University 49
Institute of Graduate Studies

katumbas sa Kastila), hiramin ang salitang Ingles at

baybayin sa palabaybayang Filipino.

Halimbawa: Tricycle=trisikel

c. Paraan III. Kapag hindi maaari ang Paraan I at Paraan

II, hiramin ang salitang Ingles at walang pagbabagong gawin

sa pagbaybay.

Halimbawa: Manila Zoo = Manila Zoo at Visa = Visa

Walang masama sa panghihiram ngunit kung maghihiram ng

mga salitang banyaga na walang katumbas na salin nito sa

Filipino, marapat na baybayin na lamang ito ayon sa bigkas o

sa palabaybayang Filipino, cellphone na nagiging selpon

sa Filipino/wikang tagalog. Ito ay makikita sa paraan II sa

itaas.

Panlaping Makangalan

Halimbawa:
Kalinga State University 50
Institute of Graduate Studies

KATANUNGAN

Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit alam


niyang mayroon silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit
ay maraming tanong na hindi niya nasagot. Sinabihan
siya ng kaniyang katabi na pakokopyahin siya ng sagot
subalit tinanggihan niya ito.

Nagpakita ba si Monica ng makataong kilos?

Oo ( )Hindi ( )Bakit?

SAGOT NG MAG-AARAL

Unang-una sa lahat hanga ako sa pagkatao niya, dahil


kahit wala na siyang maisagot tinanggihan niya pa rin ang
alok ng kanyang mag-aaral.
MALI

Unang-una sa lahat hanga ako sa pagkatao niya, dahil


kahit wala na siyang maisagot tinanggihan niya pa rin ang
alok ng kanyang mag-aaral.
TAMA

Unang-una sa lahat hanga ako sa pagkatao niya, dahil


kahit wala na siyang maisagot tinanggihan niya pa rin ang
alok ng kanyang kamag-aral.

Matutunghayan sa unang pangungusap ang salitang

nasalungguhitan, ang mag-aaral mababasa sa itaas na mali

ang pagkakagamit o pagpili ng salita. Ang salitang ito ay

maituturing na isang pangngalan ngunit hindi ito akmang

gamitin ayon sa pangangailangan ng binuong pangungusap sa


Kalinga State University 51
Institute of Graduate Studies

itaas. Marapat na gamitin ang kamag-aral sapagkat ito ang

naaayon sa pagbuo ng pangungusap. Ang kamag-aral ay

itinuturing na panlaping makangalan dahil nakabubuo ito ng

pangngalang tumutukoy sa tao, hayop o bagay na kasama o

kaisa sa bagay o diwang ipinahahayag ng salitang-ugat. Ang

ka-, at mag-, ay mga panlaping ginamit na idinugtong sa

salitang-ugat na aral na naging kamag-aral. Kinakaltas ang

ponemang a sa mag-aaral kapag ito ay nilapian ng panlaping

unlapi na /ka- at mag-/ o /kamag-/ at nagiging kamag-aral.

2.Panghalip. ay salita o katagang panghalili sa


pangngalan.

Uri ng Panghalip (Panghalip Panao)

a. Halimbawa:

KATANUNGAN

Si Arnold ay pumunta sa bahay ng kaniyang lola Ester.


Nakita niya kung saan itinago ng kanyang lola ang pera nito.
Isang araw ay pumunta siya sa bahay at kinuha niya ang pera
nito. Masama ang ginawa niya dahil pagnanakaw ito.
Nadagdagan ito ng panibagong kasamaan dahil ang pinagnakawan
niya ay ang mismo niyang lola.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Kalinga State University 52
Institute of Graduate Studies

SAGOT NG MAG-AARAL

Masama ang kilos na ginawa ni Arnold, dahil gumawa


siya/niya ng isang masamang gawain. Pera pa ng lola niya ang
kaniyang kinuha, sarili niyang kadugo.
MALI

Masama ang kilos na ginawa ni Arnold, dahil gumawa


siya/niya ng isang masamang gawain. Pera pa ng lola niya ang
kaniyang kinuha, sarili niyang kadugo.
TAMA

Masama ang kilos na ginawa ni Arnold, dahil gumawa


siya ng isang masamang gawain. Pera pa ng lola niya ang
kaniyang kinuha, sarili niyang kadugo.
Matutunghayan sa unang pangungusap ang mga salitang

nasalungguhitan, dalawa ang ginamit na panghalip panao.

Maaaring tama ang unang nasalungguhitang salita ngunit ang

kasunod nito ay mali. Parehong nasa ikatlong panauhan ang

ginamit ngunit magkaiba ang kahulugan ng dalawa. Ang

panghalip na siya ay nasa anyong palagyo at ang niya ay

nasa anyong paukol. Ang dapat lamang na ginamit sa unang

pangungusap ay ang panghalip na siya.

b. Halimbawa:

KATANUNGAN

Si Arnold ay pumunta sa bahay ng kaniyang lola Ester.


Nakita niya kung saan itinago ng kanyang lola ang pera nito.
Isang araw ay pumunta siya sa bahay at kinuha niya ang pera
Kalinga State University 53
Institute of Graduate Studies

nito. Masama ang ginawa niya dahil pagnanakaw ito.


Nadagdagan ito ng panibagong kasamaan dahil ang pinagnakawan
niya ay ang mismo niyang lola.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?


__________________________________________________________________________
_______________________________________________________.
__________________________________________________________________________

SAGOT NG MAG-AARAL

Mali ang ginawa ni Arnold dahil ninakawan niya ang


kanyang sariling lola kaya naghirap ito.
MALI

Mali ang ginawa ni Arnold dahil ninakawan niya ang


kanyang sariling lola kaya naghirap ito.
TAMA

Mali ang ginawa ni Arnold dahil ninakawan niya ang


kanyang sariling lola kaya naghirap siya.

Makikita sa sagot ng mag-aaral na mali ang ginamit na

panghalip na ito. Ang ito ay panghalip na pamatlig, mali

ang pagkakagamit nito sapagkat ang ito ay maaaring

tumutukoy sa bagay. Mas angkop gamitin ang panghalip panaong

siya na nasa anyong palagyo sapagkat tao ang tinutukoy

nito.

c. Halimbawa:
Kalinga State University 54
Institute of Graduate Studies

KATANUNGAN

Niyaya si Omar ng kanyang kamag-aral na huwag munang


umuwi pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila.
Sumama si Omar kahit ipinagababawal ito ng kanyang
magulang.

Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos?

Oo ( ) Hindi ( ) Bakit?

SAGOT NG MAG-AARAL

Hindi, dahil ang ginawa niya ay pagsuway sa


kanyang mga magulang alam niya na nga na ipinagbabawal ng
kanyang mga magulang ginawa niya pa rin. Kaya si Omar ay
nagpakita ng hindi makataong kilos.
MALI

Hindi, dahil ang ginawa niya ay pagsuway sa


kanyang mga magulang, alam niya na nga na ipinagbabawal ng
kanyang mga magulang ginawa niya pa rin. Kaya si Omar ay
nagpakita ng hindi makataong kilos.
TAMA

Hindi, dahil ang ginawa niya ay pagsuway sa


kanyang mga magulang, alam niya na nga na ipinagbabawal ito
ng kanyang mga magulang ginawa pa rin niya. Kaya si Omar ay
nagpakita ng hindi makataong kilos.

Mapapansin sa kasagutan ng mag-aaral na kapag binasa

ang pangungusap kulang ito ng panghalip maging ang maling


Kalinga State University 55
Institute of Graduate Studies

pusisyon ng mga salita. Ang unang nakitang dapat na idagdag

sa pangungusap ay ang panghalip na pamatlig na ito na ang

tinutukoy sa pangungusap ay kung ano ang ipinagbabawal na

ginawa ni Omar, mas magiging malinaw ang pangungusap kung

lalagyan ng panghalip na pamatlig. Ang ito ay nasa anyong

Pronominal ng Panghalip na Pamatlig. Ang ikalawa na nakita

sa sagot ng mag-aaral ay ang niya pa rin sa halip na pa

rin niya ang niya ang dapat na nasa hulihan ng

pangungusap.

3.Pandiwa. ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos

o galaw.

Halimbawa:

KATANUNGAN

Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit alam


niyang mayroon silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit
ay maraMing tanong na hindi niya nasagot. Sinabihan siya
ng kaniyang katabi na pakokopyahin siya ng sagot subalit
tinanggihan niya ito.

Nagpakita ba si Monica ng makataong kilos?

Oo ( )Hindi ( ) Bakit?

SAGOT NG MAG-AARAL

Sapagkat siya ay isang batang hindi umaasa sa kanyang


katabi para makopiya. Ito ay mabuting kilos na hindi dapat
gayahin ng mga kabataan.
Kalinga State University 56
Institute of Graduate Studies

MALI

Sapagkat siya ay isang batang hindi umaasa sa kanyang


katabi para makopiya. Ito ay mabuting kilos na hindi dapat
gayahin ng mga kabataan.
TAMA

Sapagkat siya ay isang batang hindi umaasa sa kanyang


katabi para mangopya. Ito ay mabuting kilos na hindi dapat
gayahin ng mga kabataan.

Sa unang pangungusap mapapansin na may isang salita na

hindi angkop ang pagkakagamit sa loob ng pangungusap. Ang

salitang makopiya ay Ilocano sa halip na mangopya sa

tagalog. Ang mangopya ay isang pandiwang pawatas na hindi

pa nagagawa ang kilos.

Aspekto ng Pandiwa

Halimbawa:

KATANUNGAN

Nakita ni Abdullah na ang kanyang kamag-aral na si


Fatima ang kumuha ng selpon ng kanyang guro. Ngunit
nanahimik na lamang siya upang huwag ng madapay pa.

Nagpakita ba si Abdullah ng makataong kilos?

Oo( )Hindi ( ) Bakit?

SAGOT NG MAG-AARAL

Dahil nanahimik siya kahit nakita niya kung sino ang


Kalinga State University 57
Institute of Graduate Studies

mangguha ng selpon ng kanyang guro at hindi niya sinabi ang


totoo.
MALI

Dahil nanahimik siya kahit nakita niya kung sino ang


mangguha ng selpon ng kanyang guro at hindi niya sinabi ang
totoo.
TAMA

Dahil nanahimik siya kahit nakita niya kung sino ang


kumuha ng selpon ng kanyang guro at hindi niya sinabi ang
totoo.

Matutunghayan sa unang pangungusap na mayroong isang

salita na mali ang pagkakagamit maging ang baybay nito. Ito

ay ang mangguha walang salitang mangguha kung hindi

manguha kahit ginamit sa pangungusap ang salitang

manguha mali pa rin ito. Dapat ay kumuha sapagkat ito

ang mas angkop na gamitin sa pangungusap. Ang kumuha ay

aspektong pangnakaraan o perpektibo na nagpapahayag na ang

kilos ay nasimulan na at natapos na.

Pandiwang Palipat

KATANUNGAN

Niyaya si Omar ng kanyang kamag-aral na huwag munang


umuwi pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila.
Sumama si Omar kahit ipinagbabawal ito ng kanyang
magulang.

Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos?


Kalinga State University 58
Institute of Graduate Studies

Oo ( ) Hindi ( ) Bakit?

SAGOT NG MAG-AARAL

Dahil, si Omar ay pagdedesisyon, kahit alam niya na


maling sumama sa kanyang kamag-aral.
MALI

Si Omar ay pagdedesisyon, kahit alam niya na maling


sumama sa kanyang kamag-aral.
TAMA

Si Omar ay nagdesisyon, kahit alam niya na maling


sumama sa kanyang kamag-aral.

Matutunghayan sa unang pangungusap ang salitang

nasalungguhitan ngunit kung babasahin ang pangungusap, mali

ang ipinapakahulugan nito. pagdedesisyon ang ginamit na

ang ibig sabihin ay magdedesisyon pa lamang. Marapat na

gamitin ang nagdesisyon sapagkat ito ay may tuwirang layon.

May mga pagkakataong ang pandiwang palipat ay walang

kasamang layon, lalo na at ito ay nauunawan sa konteksto ng

pangungusap. Ang salitang pagdedesisyon ay nagiging simuno

sa pangungusap at hindi pandiwa.

4.Pang-uri. ay tawag sa mga salitang naglalarawan ng tao,

lunan, bagay, pangyayari, at iba pa, upang maipahayag ang

uri at kabagayang ikinaiiba o ikinatatangi sa ibang tao.

Kayarian ng Pang-uri (Maylapi)


Kalinga State University 59
Institute of Graduate Studies

Halimbawa:

KATANUNGAN

Nasunugan ang isang pamilya sa lugar ni Chris. Sa

halip na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang

pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya.

Ano ang masasabi mo sa kilos ni Chris?


__________________________________________________________________________
_________________________________________________________.
________________________________________________________________________

SAGOT NG MAG-AARAL

Nakababawas ito ng kabutihan dahil kung tinulungan


Na lang sana niya ang nasunugan may nagawa pa siyang tama.
MALI

Nakababawas ito ng kabutihan dahil kung tinulungan


Na lang sana niya ang nasunugan may nagawa pa siyang tama.
TAMA

Nakababawas ito ng kabutihan dahil kung tinulungan na


lang sana niya ang nasunugan may nagawa pa siyang mabuti.

Matutunghayan sa unang pangungusap na tama ang

pagkakabuo ng pangungusap ngunit kung susuriin ito nang

mabuti mayroong napiling salita na hindi angkop sa pagbuo ng

pangungusap. Ang salitang tama ay maaaring gamitin sa

unang pangungusap ngunit mas mainam kung ang gagamitin ay


Kalinga State University 60
Institute of Graduate Studies

mabuti. Sa makabagong balarila sa kayarian ng Pang-uri,

isa ang maylapi sa mga uri nito. Ang maylapi ay binubuo ng

salitang-ugat at panlapi, pinakagamitin ang mga panlaping

ka-, ma-, kay-, maka,at mala-. Paano nabuo ang salitang

mabuti? ang buti ay salitang-ugat at ang ma- ay panlapi na

kapag pinagsama ay nagiging = mabuti na tinatawag na isang

morpema.

Pang-uring Pamilang (Kardinal)

Halimbawa:

KATANUNGAN

Nasunugan ang isang pamilya sa lugar ni Chris. Sa

halip na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang

pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya.

Ano ang masasabi mo sa kilos ni Chris?


__________________________________________________________________________
_________________________________________________________.
________________________________________________________________________

SAGOT NG MAG-AARAL

Isang siyang masama, sa halip na damayan ang mga


nagdudusang tao nagawa pa niyang nakawan ang mga ito.
MALI

Isang siyang masama, sa halip na damayan ang mga


nagdudusang tao nagawa pa niyang nakawan ang mga ito.
TAMA

Isa siyang masama, sa halip na damayan ang mga


Kalinga State University 61
Institute of Graduate Studies

nagdudusang tao nagawa pa niyang nakawan ang mga ito.

Ang nasalungguhitang salita sa unang pangungusap ay

isang ngunit mali ang pagkakagamit nito sa pangungusap

sapagkat ang salitang-ugat na isa ay dinagdagan ng pang-

angkop na /ng/ kayat naging isang. Ang dapat na ginamit sa

unang salita ng pangungusap ay Isa na tinatawag na

pamilang na kardinal ito ay ginagamit sa pagbilang o

pagsasaad ng dami.

Sa Makabagong Balarila ni Santiago at Tiangco (2003),

ginagamit ang pang-angkop na ng kung ang inaangkupan ay

nagtatapos sa tunog na patinig /a,e,i,o,u/ o sa ponemang

/n/.

4.Pang-abay. naglalarawan o nagbibigay turing sa pang-

uri, pandiwa, o kapwa pang-abay na bumubuo ng parirala.

Halimbawa:

KATANUNGAN

Nakita ni Abdullah na ang kanyang kamag-aral na si Fatima


ang kumuha ng selpon ng kanyang guro. Ngunit nanahimik na
lamang siya upang huwag ng madamay pa.

Nagpakita ba si Abdullah ng makataong kilos?

Oo( )Hindi ( )Bakit?


Kalinga State University 62
Institute of Graduate Studies

SAGOT NG MAG-AARAL

Hindi makataong kilos ang ginawa ni Abdullah, dahil


nanahimik siya, dapat ay sinabi niya sa kanyang guro kung
sino ang kumuha ng selpon.
MALI

Hindi makataong kilos ang ginawa ni Abdullah, dahil


nanahimik siya, dapat ay sinabi niya sa kanyang guro kung
sino ang kumuha ng selpon.
TAMA

Hindi makataong kilos ang ginawa ni Abdullah, dahil


nanahimik lamang siya, dapat ay sinabi niya sa kanyang guro
kung sino ang kumuha ng selpon.

Kung babasahin ang unang pangungusap mapapansing may

kulang na salita ang pangungusap dahil na rin sa hindi

maganda kapag ito ay binabasa. Sa pagbubuo ng pangungusap

kailangang may kalinawan din at maganda ang daloy nito.

Makikita sa pangalawang pangungusap na may idinagdag na

salita upang mas maging malinaw ang pangungusap. Ito ay ang

ingklitik na lamang na pantulong sa pandiwa, pang-uri o

pang-abay.

Pang-abay na Kundisyunal

Halimbawa:

KATANUNGAN

Nakita ni Abdullah na ang kanyang kamag-aral na si


Fatima ang kumuha ng selpon ng kanyang guro. Ngunit
nanahimik na lamang siya upang huwag ng madamay pa.
Kalinga State University 63
Institute of Graduate Studies

Nagpakita ba si Abdullah ng makataong kilos?

Oo( )Hindi ( )Bakit?

SAGOT NG MAG-AARAL

Dahil alam niya na kong sino ang kumuha pero hindi


niya pa rin sinabi, pinili na lang niyang manahimik. Kong
sinabi niya sana kong sino ang kumuha sana ay naging maganda
pa siyang halimbawa sa kapwa niya mag-aaral.

MALI

Dahil alam niya na kong sino ang kumuha pero hindi


niya pa rin sinabi, pinili na lang niyang manahimik. Kong
sinabi niya sana kong sino ang kumuha sana ay naging maganda
pa siyang halimbawa sa kapwa niya mag-aaral.

TAMA

Dahil alam niya na kung sino ang kumuha pero hindi


niya pa rin sinabi, pinili na lang niyang manahimik. Kung
sinabi niya sana kung sino ang kumuha sana ay naging maganda
pa siyang halimbawa sa kapwa niya mag-aaral.

Makikita sa unang pangungusap ang mga nasalungguhitang

salita na kung ito ay babasahin nag-iiba ang kahulugan ng


Kalinga State University 64
Institute of Graduate Studies

pangungusap dahil sa salitang kong ito ay panghalip na

panao na nasa anyong paukol. Ang ginamit dapat na salita sa

pangungusap ay kung, pang-abay na kundisyunal ito ay

nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad

ng pandiwa.

6.Pangatnig. Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-

uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na

pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

a. Halimbawa:

KATANUNGAN

Si Arnold ay pumunta sa bahay ng kaniyang lola Ester.


Nakita niya kung saan itinago ng kanyang lola ang pera nito.
Isang araw ay pumunta siya sa bahay at kinuha niya ang pera
nito. Masama ang ginawa niya dahil pagnanakaw ito.
Nadagdagan ito ng panibagong kasamaan dahil ang pinagnakawan
niya ay ang mismo niyang lola.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?


____________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
____________________________________________________________________

SAGOT NG MAG-AARAL

Mali ang ginawa ni Arnold dahil ninakawan niya


ang kanyang sariling lola at naghirap siya.
MALI
Kalinga State University 65
Institute of Graduate Studies

Mali ang ginawa ni Arnold dahil ninakawan niya


ang kanyang sariling lola at naghirap siya.
TAMA

Mali ang ginawa ni Arnold dahil ninakawan niya ang


kanyang sariling lola kaya naghirap ito.

Matutunghayan sa unang pangungusap ang nasalungguhitang

pang-ugnay maging sa pangalawang pangungusap, kapwa parehong

pangatnig ang mga ito. at ang ginamit sa unang pangungusap

ngunit hindi angkop ang nagamit na pangatnig sapagkat hindi

ito ang hinihingi ng pangungusap, kayat ang dapat na

ginamit ay kaya. Ang kaya ay nag-uugnay sa dalawang

sugnay na hindi timbang, na ang ibig sabihin ay pantulong

lamang ang isang sugnay.

b. Halimbawa:

KATANUNGAN

Niyaya si Omar ng kanyang kamag-aral na huwag munang


umuwi pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila.
Sumama si Omar kahit ipinagababawal ito ng kanyang
magulang.

Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos?

Oo ( ) Hindi ( )Bakit?

SAGOT NG MAG-AARAL

Dapat umuwi na lang siya at sinuway pa rin niya ang


kanyang nanay, sumama pa rin siya kahit ito ay ipinagbabawal
ng kanyang nanay. Mali ang kanyang ginawa.
Kalinga State University 66
Institute of Graduate Studies

MALI

Dapat umuwi na lang siya at sinuway pa rin niya ang


kanyang nanay, sumama pa rin siya kahit ito ay ipinagbabawal
ng kanyang magulang. Mali ang kanyang ginawa.
TAMA

Dapat umuwi na lang siya pero sinuway pa rin niya


ang kanyang nanay, kaya sumama pa rin siya kahit ito ay
ipinagbabawal ng kanyang magulang. Mali ang kanyang ginawa.

Matutunghayan sa kasagutan ng mag-aaral na hindi

maganda ang pagkakabuo ng pangungusap dahil hindi akma ang

ginamit na pangatnig at kulang rin ito ng pangatnig. Ang

ginamit na pangatnig na hindi angkop sa pangungusap ay ang

at mas mainam gamitin ang pero. Ang at at pero ay

parehong pangatnig sapagkat nag-uugnay ito ng mga salita,

parirala at sugnay na magkatimbang. Sa paggamit ng pangatnig

piliing mabuti kung ano ang akmang gagamitin na pang-ugnay

sa pangungusap. Ang ikalawa ay kulang ng pangatnig na

ginamit, marapat na dagdagan ito ng pangatnig na kaya

dahil ang pangatnig na ito ay nag-uugnay sa sugnay na hindi

timbang.

7.Pang-ukol. tawag sa mga kataga o mga salitang nag-

uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa

pangungusap.

a. Halimbawa:
Kalinga State University 67
Institute of Graduate Studies

KATANUNGAN

Matagal ng nais ni Kim na magkaroon ng selpon.

Isang araw, habang mag-isa lamang siya sa kanilang silid-

aralan ay nakita niyang naiwan ng kaniyang kamag-aral ang

selpon nito. Kinuha ito ni Kim at itinago.

Sa iyong palagay, makataong kilos ba ang ginawa ni Kim?


Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
________________________________________________________________________

SAGOT NG MAG-AARAL

Hindi, kung masama ang intensiyon Kim magiging


masamang kilos ang kanyang gagawin at kung ito naman ay
ibabalik niya sa may-ari magiging mabuti ang kilos na
gagawin ni Kim.
MALI

Hindi, kung masama ang intensiyon Kim magiging


masamang kilos ang kanyang gagawin at kung ito naman ay
ibabalik niya sa may-ari magiging mabuti ang kilos na
gagawin ni Kim.
TAMA

Hindi, kung masama ang intensiyon ni Kim magiging


masamang kilos ang kanyang gagawin at kung ito naman ay
ibabalik niya sa may-ari magiging mabuti ang kilos na
gagawin ni Kim.
Kalinga State University 68
Institute of Graduate Studies

Mababasa sa unang pangungusap na hindi mahusay ang

pagkakabuo ng pangungusap at hindi mauunawaan ang nais na

ipakahulugan nito. Mapapansing kulang ng pang-ugnay ang

unang pangungusap, isa sa mga uri ng pang-ugnay ay ang pang-

ukol. Hindi mabubuo ang isang pangungusap kung walang mga

panandang gagamitin. Makikita sa pangalawang pangungusap na

ginamit ang panandang ni na wala sa unang pangungusap.

Kung babasahin ang pangungusap na may panandang ni

mauunawaan mo na ang nais nitong ipakahulugan. Para sa

tanging ngalan ng tao ay ginagamit ang ni at kay.

Halimbawa: Panandang ni sa Unahan ng Pangngalang ginagamit

na tagaganap sa Pandiwa.

Kung masama ang intensiyon ni Kim magiging masamang kilos

ang kanyang gagawin at kung ito naman ay ibabalik niya sa

may-ari magiging mabuti ang kilos na gagawin ni Kim.

b. Halimbawa:

KATANUNGAN

Si Arnold ay pumunta sa bahay ng kaniyang lola Ester.

Nakita niya kung saan itinago ng kanyang lola ang pera nito.

Isang araw ay pumunta siya sa bahay at kinuha niya ang pera

nito. Masama ang ginawa niya dahil pagnanakaw ito.

Nadaragdagan ito ng panibagong kasamaan dahil ang

pinagnakawan niya ay ang mismo niyang lola.


Kalinga State University 69
Institute of Graduate Studies

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?


__________________________________________________________________________
_____________________________________________________.
________________________________________________________________________

SAGOT NG MAG-AARAL

Ang masasabi ko ay ang ginawa ni Arnold ay masamang


kilos. Dapat sana niya itong pagbayaran para makabawi siya
sa kanyang lola.

MALI

Ang masasabi ko ay ang ginawa ni Arnold ay masamang


kilos. Dapat sana niya itong pagbayaran para makabawi siya
sa kanyang lola.
TAMA

Ang masasabi ko sa ginawa ni Arnold ay masamang kilos.


Dapat sana niya itong pagbayaran para makabawi siya sa
kanyang lola.

Sa kasagutan ng mag-aaral sa itaas mababasang mali ang

mga ginamit na salita o pang-ugnay sa loob ng pangungusap.

dapat tanggalin ang mga pang-ugnay na ay at ang ang at

palitan ng pang-ukol na sa sapagkat ang kasunod nitong

pangngalan ay bumubuo ng pariralang pang-ukol. Sa

pangungusap sa itaas, sa pagwawasto ang pariralang pang-ukol

ay sa ginawa ni Arnold kung babasahing muli, angkop na ang

ginamit na sa sa pangungusap.
Kalinga State University 70
Institute of Graduate Studies

c. halimbawa:

KATANUNGAN

Niyaya si Omar ng kanyang kamag-aral na huwag munang


umuwi pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila.
Sumama si Omar kahit ipinagababawal ito ng kanyang
magulang.

Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos?

Oo ( ) Hindi ( )Bakit?

SAGOT NG MAG-AARAL

Si Omar nagpakita ng di makataong kilos, dahil sa


ginawa niyang pagsuway sa kanyang mga magulang.
MALI

Si Omar nagpakita ng di makataong kilos, dahil sa


ginawa niyang pagsuway sa kanyang mga magulang.
TAMA

Si Omar ay nagpakita ng di makataong kilos, dahil sa


ginawa niyang pagsuway sa kanyang mga magulang.

Mababasa sa unang pangungusap na hindi maunawaan ang

ipinahahayag ng pangungusap sapagkat hindi buo ang

pagkakabuo nito. Kulang ng pang-ugnay ang unang pangungusap

kung lalapatan ito ng pang-ugnay na pangawing na ay

magiging makabuluhan ang kahulugan ng pangungusap dahil sa

ay na ikinabit sa simuno at panaguri ( simuno + ay +

panaguri = kabalikang ayos o di-karaniwang ayos ). Ang ay


Kalinga State University 71
Institute of Graduate Studies

ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ipinapakita o

ibinabadya nito na ang karaniwang ayos ng pangungusap, ang

ayos na una ang panaguri sa paksa, ay nilagyan ng pagbabago.

Palatandaan ito na inilipat ang pusisyon ang bahaging paksa

ng pangungusap. Tinatawag din itong pangawing sapagkat

pinagkakawing nito ang panaguri at paksa.

8.Pantukoy. Mga katagang laging nangunguna sa pangngalan

o panghalip na ginagamit sa simuno o kaganapang pansimuno, o

pamuno sa alinman sa dalawa.

a. Halimbawa:

KATANUNGAN

Matagal ng nais ni Kim na magkaroon ng selpon. Isang

araw, habang magisa lamang siya sa kanilang silid-aralan ay

nakita niyang naiwan ng kaniyang kamag-aral ang selpon nito.

Kinuha ito ni Kim at itinago.

Sa iyong palagay, makataong kilos ba ang ginawa ni Kim?


Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
_____________________________________________________.
________________________________________________________________________
SAGOT NG MAG-AARAL

Hindi makataong kilos ang ginawa ni Kim, sapagkat ang


pagnanakaw ay kaniyang ginawa at hindi niya dapat ito
itinago.
MALI

Hindi makataong kilos ang ginawa ni Kim, sapagkat ang


Kalinga State University 72
Institute of Graduate Studies

pagnanakaw ay kaniyang ginawa at hindi niya dapat ito


itinago.
TAMA

Hindi makataong kilos ang ginawa ni Kim, sapagkat ang


pagnanakaw ang kaniyang ginawa at hindi niya dapat ito
itinago.
Kung babasahin ang unang pangungusap mapapansing mali

ang nais ipakahulugan ng pangungusap. Mapapansin kaagad ang

maling ginamit na pang-ugnay. Ang pangawing na ay ay

ginagamit bilang kadena sa simuno at panaguri. Ang pang-

ugnay na dapat gamitin ay ang sapagkat ang ang ay nasa

kailanang isahan at lagi ring nangunguna ang pantukoy na

ang sa pangngalan o panghalip. Kung babasahin muli ang

pangungusap gamit ang pang-ugnay na ang mauunawan na ang

nais ipakahulugan nito.

b. halimbawa:

KATANUNGAN

Nasunugan ang isang pamilya sa lugar ni Chris. Sa

halip na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang

pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya.

Ano ang masasabi mo sa kilos ni Chris?


__________________________________________________________________________
_________________________________________________________.
________________________________________________________________________

SAGOT NG MAG-AARAL
Kalinga State University 73
Institute of Graduate Studies

Walang awa si Chris, dahil ninakawan pa niya ang mga


nasunugan sa halip na tumulong ninakawan pa niya ito.
MALI

Walang awa si Chris, dahil ninakawan pa niya ang mga


nasunugan sa halip na tumulong ninakawan pa niya ito.

TAMA

Walang awa si Chris, dahil ninakawan pa niya ang mga


nasunugan sa halip na tumulong ninakawan pa niya ang mga
ito.

Matutunghayan sa sagot ng mag-aaral na may kulang na

mga kataga sa pangungusap. Sa unang basa sa pangungusap

mauunawaan kaagad ang nais ipahayag nito ngunit kung

susuriin ng mabuti mapapansing may kulang na salita. Dapat

idagdag ang pantukoy na ang mga kung idagdag ang pantukoy

na ang mga mas magiging malinaw ang pangungusap sapagkat

ang panandang ito ay nagbabadya o nagsisilbing tanda ng

gamit na pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap.

Maaari rin itong magbadya ng ayos ng pangungusap.


Kalinga State University 74
Institute of Graduate Studies

KABANATA IV

LAGOM, KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng lagom, konklusyon

at mga rekomendasyon sa mga karaniwang kamalian sa gawaing

pasulat gamit ang wikang Filipino sa ikasampung baitang ng

sekondarya sa munisipalidad ng Roxas.

Lagom ng mga natuklasan

Karaniwang kamalian sa Morpolohiya


Kalinga State University 75
Institute of Graduate Studies

Ginamit ang modelo ni Corder (1974) sa pagsusuri ng mga

kamalian, pagkuha ng resulta at talakayan nito. Sa ginawang

pagsusuri ng mga datos ay natuklasan ang mga sumusunod:

1.Ang Pagbabagong morpoponemiko ang may pinakamataas n

bilang ng kamalian. Ito ay tatlumput isa (31).

2.Ang Pangatnig ay may kabuuang bilang na dalawamput

apat (24).

3.Ang Panghalip ay may kabuuang bilang na labinsiyam

(19).

4.Ang Pantukoy ay may kabuuang bilang na sampu (14).

5.Ang Pandiwa ay may kabuuang bilang na labindalawa (12).

6.Ang Pangngalan at Pang-ukol ay parehong may bilang na

pito (7).

7.Ang Kayarian ng Salita ay may kabuuang bilang na anim

(6).

8.Ang Pang-uri ay may kabuuang bilang na lima (5).

9.Ang Pang-abay ay may kabuuang bilang na tatlo (3).

10.Ang Alomorp ng Morpema ay may kabuuang bilang na isa

(1).

Ang mga kamalian sa morpolohiya ay may kabuuang bilang

na 134. Batay sa kinalabasan ng resulta sa pagsusuri ng mga

kamalian, ang mga mag-aaral ng Roxas National High School ay

mahina sa pagbabagong morpoponemiko na kailangang bigyang-


Kalinga State University 76
Institute of Graduate Studies

pansin sa bahagi ng morpolohiya. Gayunpaman, hindi lang ang

pagbabagong morpoponemiko ang dapat bigyang-pansin maging

ang iba ring bahagi ng morpolohiya na siyang lilinang sa

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Konklusyon

Batay sa resulta ng pananaliksik ang mga sumusunod na

konklusyon ay nabuo:

1.Sa sinuring talatanungan ng mga mga mag-aaral sa

sekondarya sa ika-sampung baitang, naipamalas na ang

kamalian nila sa pagsulat ay ang pagbabagong morpoponemiko

ng morpolohiya na siyang may pinakamataas na bilang.

2.May mga kahinaan sa pagsulat ng ibat ibang sulatin

ang mga mag-aaral dahil sa kinalabasan ng resulta na may

kababaan ayon sa batayan sa pagwawasto. Ang kahinaan ay sa

mekaniks o kawastuhan dahil ang talataan, pagpili ng mga

salita, pagpapantig ng mga salita, pagpapalitan ng mga

ponema, at mga bahagi ng pananalita ay hindi gaanong

binigyang halaga sa pagsulat ng sulatin.

Rekomendasyon

Batay sa naging resulta ng pag-aaral at nagawang

konklusyon, ang mga sumusunod ay iminumungkahi:


Kalinga State University 77
Institute of Graduate Studies

1.Sa pagtuturo ng wika/gramatika, pagtuunan ng pansin

ang bahaging pagbabagong morpoponemiko ng morpolohiya.

Gawing pangganyak ang mga uri ng pagbabagong morpoponemiko

at pagbubuo ng pangungusap na naglalarawan at nagsasalaysay

na gumagamit ng wastong bahagi ng pananalita maging ang

wastong bantas.

2.Bigyang-pansin ang mga kahinaan ng mga mag-aaral sa

gramatika upang mas matuto sa tamang paggamit ng wikang

Filipino at ang pagsunod sa mga alituntunin na matatagpuan

sa aklat panggramatika.

3.Sanayin ang mga mag-aaral na gumawa ng isang talataan

ng paglalarawan o pagsasalaysay sa pagbibigay ng pagsasanay

o pagsusulit gamit ang gramatika sa wikang Filipino.

4.Makatutulong ang pagdalo ng mga guro sa mga seminar

worksyap na ibinibigay ng KWF o anumang samahang

nagtataguyod ng wikang Filipino upang mas lalong

madagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa makabagong

pamamaraan o istratehiyang pampagtuturo sa wika/gramatika.

5.Bilang guro ng wikang Filipino at panitikan,

kinakailangang mas pahalagahan ang wikang itinuturo kung

kayat dapat na kakitaan ito ng kasigasigan sa pagtuturo ng

wikang Filipino.
Kalinga State University 78
Institute of Graduate Studies

MGA SANGGUNIAN

Abarca, L.J. (1985). Errors in the Formal Themes of the


First Year Secondary Trade School Students of the
Isabela School of Arts and Trades

Alagad-Abad.(2009). Retorika. Cacho Hermenos, Inc. Pines


cor. Union Sts. Mandaluyong City.

Antonio, Lilia F. et. al. (2005). Komunikasyon sa


Akademikong Filipino. C & E Publishing,Inc. Lunsod ng
Quezon.

Aromin, L.M. (1995). Mga Kahirapan sa Hekasi ng mga Batang


nasa Ika-limang Baitang - Benguet State University
Elementary Laboratory School at Balili Elementary
School. Unpublished Masters Thesis. Benguet State
University, Benguet.
Kalinga State University 79
Institute of Graduate Studies

Austero, Cecilia S. et. al.(1999). Filipino sa ibat ibang


Disiplina. Mega-Jesta Prints,Inc., Lunsod ng
Valenzuela.

Badayos, Paquito B.(1999). Metodolohiya sa Pagtuturo ng


Wika: Mga Teorya, Simulain at Istratehiya. Published
1999 by Grandwater Publications and Research
Corporation.

Baylon, N. (1987). Pamamaraan sa Pagsulat ng Komposisyon,


Hand out, Seminar Workshop, Makati, Metro Manila.

Bayo,M.(1994). An Introduction to Error Analysis in English


grammar. Unpublished Masters Thesis, Saint Louis
University, Baguio.

Bollinger,D.(1971). Semantic overloading:A Study of the


verb Remind Language in Society.

Campbell, T. at Wales.(1987). Halaw mula kay Taguba, R.K.,


Evaluation of the Written Composition of 4th Year High
School Students as Elicited the Non-verbal Stimuli.
Unpublished Ph.D. Dissertation. Saint Louis University
of Baguio.

Chomsky, N.(1965). Aspect of the Theory Syntax. The Hague:


Newton.

Corder, S.P.(1974). The Significance in Learners Errors.


Reprinted in J.C Richards (ed), (1984). Error Analysis
Perspective on Second Language Acquisition. London:
Longman.
Kalinga State University 80
Institute of Graduate Studies

Cruz, Cynthia et. al.(2001). Ang Pagbasat Pagsulat sa


Antas Dalubhasaan (Holistikong Dulog sa Pagkatuto).
Books atbp. Publishing Corporation, Mandaluyong City.

Epistola, L.C. (2000). Pambalarilang Kamalian sa Pagsulat


ng Mag-aaral sa Unang taon ng Kursong Edukasyon ng
Baguio Colleges Foundation, Baguio City. Unpublished
Master's Thesis, Benguet State University, La Trinidad,
Benguet.

Gabriel, C.C.(1990). Mga Karaniwang Kamalian sa Sulating


Pormal sa Filipino ng mga Mag-aaral sa Ikalawang Taon,
Sangay ng Rizal. Di-Nailathalang Tesis, National
Teachers College, Manila.
Hamada, I.B.(2001). An Error Analysis of Written
Compositions in Four Rhetorical Acts by Fourth Class
Cadets. Unpublished Masters Thesis, Saint Louis
University, Baguio.

Hufana, E.R.(1982). Evaluation of Composition Errors in


Rhetorical Acts Used In Agricultural Science by
Freshman College Students. Unpublished PH.D.
Dissertation, Saint Louis University, Baguio.

Keller, Chuck.(1992).Collaborative Writing: An Annotated


Bibliography Technical Communication 39, no. 4: 694-
701.

Lalunio, Lydia P.(2005). Filipino at Pagpaplano ng


Pangwika Sanggunian sa Filipino - Curriculum planning,
REX Book Store, Mandaluyong City.

Lubrica, C. (1986). Communicative Competence in Pilipino


Among Freshmen College Students in Benguet State
University.
Kalinga State University 81
Institute of Graduate Studies

Malao, Sheila F. et. al.(2012). Linguistic Errors in


Learner Diaries of College Freshman Students in
Kalinga-Apayao State College. Kalinga-Apayao State
College.

Mayos, N. (1988). Mga Kahirapan sa Balarilang Pilipino ng


mga Mag-aaral sa Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralan
ng Pamantasan ng Benguet sa Panuruang Taon 1987-1988.
Di-Nailathalang Masteral Tesis, Baguio Central
University, Baguio City.

Montera, A.A. (1989). The Common Errors Committed in Formal


Theme Writing in English, Cantela Carrascal District,
Division of Surigao.

Oller, J.(2003). Transformational Grammar, Pragmmatics and


Language Teaching. English Teaching Forum, 1971.
Paz, Consuelo J. et. al. Ang Pag-aaral ng
wika. University of the Philippine Press. Lunsod ng
Quezon.

Peck, W.C. and Buckingham, T.(1976). Writing from


experience: a composition program to intermediate
students , English teacher forum, VOL .XIV, APRIL.

Perez, U. (1973). A Study of the Common Error in the


Written English Composition Committed by Freshmen
College Student of MSAC, 1st Sememster 1972-1973.
Unpublished Masters Thesis. Benguet State University.
Benguet.

Raimes, Ann.(1985). What unskilled ESL students do as they


Kalinga State University 82
Institute of Graduate Studies

write: a classroom study of composing. TESOL Quarterly


19, 2: 229-2.'6.

Regana, J. (1990). Writing Major Problem. Philippine


Journal of Education. Volume XLVII, No.2, August 1990.

Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.(2003).


Makabagong Balarilang Filipino. Maynila: REX Book
Store.

Santiago, Alfonso O. (1976). Sining ng Pananaliksik. Quezon


City. Rex Book Store.

Savignon, S.J.(1972). Communicative Competence: An


Equipment in Foreign Language Teaching. Philadelphia:
Center for Curriculum Development.

Sibayan, E.S. 1995. Mga Kahinaan sa Pagsulat ng Komposisyon


ng mga Mag-aaral sa Ikaanim na Baitang sa Distrito ng
Alcala. Di-nailathalang Tesis, Saint Louis College of
Tuguegarao, Tuguegarao, Cagayan.

Svartvik, JAN.(1973). (ed), Errata: Papers in Error


Analysis. Lund CWK.

Tibagacay, T.B.(2001). Karaniwang Kamalian sa Pagsulat sa


Wikang Filipino ng mga Kadete sa Akademya Militar ng
Pilipinas. Unpublished MA Thesis, Benguet State
University, Benguet.

UC, M. (1998). Natural Language Learning and Learning


Kalinga State University 83
Institute of Graduate Studies

Foreign Language in the Classroom. British Journal of


Language Teaching.

White, R. and Arndt, V.(1991). Process Writing. Essex:


Addison Wesley Longman Ltd.

Xie, F., and Jiang, X.(2007). Error analysis and the EFL
classroom teaching, p 13. College of Foreign Languages,
Liaoning Normal University, Dalian Liaoning 116029,
Serial No. 34, US-China Education Review,4(9).
ISSN1548- 6613, USA, September.

Internet
http://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/mga-suliranin-
ng-mga-guro-sa-pagtuturo-ng-filipino/

http://www.finchpark.com/courses/tkt/Unit_11/why-and-
when.pdf

http:// nytimes.com/orbituaries/ red smith/1982/01/16.htm

http://pinoyfolktales.blogspot.com/2012/12/wika-katuturan-
kahalagahan-katangian.html

http://www.slideshare.net/analsalas923/thesis-ni-liz-tsu-
format-orig-edited

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Bantas
Kalinga State University 84
Institute of Graduate Studies

APENDIKS A

LIHAM PAHINTULOT

December 11, 2015

THE SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENT


Department of Education
Division of Ilagan City, Isabela

Madam:

Ako poy kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral na


pinamagatang MGA KARANIWANG KAMALIAN SA GAWAING PASULAT SA
GAMIT NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA GRADE X NG
ROXAS NATIONAL HIGH SCHOOL BANTUG, ROXAS, ISABELA bilang
Kalinga State University 85
Institute of Graduate Studies

isang katugunan sa pangangailangan sa pagtatamo ng titulong


Master sa Sining ng Edukasyon sa Paaralang Gradwado ng
Kalinga-Apayao State College.
Kaugnay nito, ako poy humihiling ng inyong pahintulot
na ipasagot ang mga talatanungan sa mga mag-aaral ng ika-10
baitang ng paaralang sakop ng pananaliksik.

Ako poy lubos na nagpapasalamat sa inyong suporta at


positibong katugunan.

Lubos na gumagalang,
Pinagtibay ni:
GIAN KARLA M. RODRIGUEZ
MARILOU B. ADORA, Ph.D. Tagapagsaliksik
IGS-DEAN

Inirekomenda ni: Inaprubahan ni:

CHIRLITA S. PURRUGANAN,Ph.D. EDNA A. PASAMONTE,Ph,D.


Punong Guro OIC-Schools Division
Roxas National High School Superintendent

APENDIKS B

LIHAM SA MGA TAGATUGON

December 12, 2015


Roxas National High School
Bantug, Roxas, Isabela

Mahal kong mga Tagatugon,

Ako poy kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral na


pinamagatang MGA KARANIWANG KAMALIAN SA GAWAING PASULAT SA
GAMIT NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA GRADE X NG
Kalinga State University 86
Institute of Graduate Studies

ROXAS NATIONAL HIGH SCHOOL BANTUG, ROXAS, ISABELA bilang


isang katugunan sa pangangailangan sa pagtatamo ng titulong
Master sa Sining ng Edukasyon sa Paaralang Gradwado ng
Kalinga-Apayao State College.

Kaugnay nito, ako poy humihiling ng inyong tiyaga


upang sagutin ang mga katanungang kailangan sa naturang pag-
aaral.

Ako poy lubos na nagpapasalamat sa inyong suporta at


positibong katugunan.

Lubos na gumagalang,
Pinagtibay ni:
GIAN KARLA M. RODRIGUEZ
MARILOU B. ADORA, Ph.D. Tagapagsaliksik
IGS-DEAN

Inaprubahan ni:

CHIRLITA S. PURRUGANAN, Ph.D.


Punong Guro
Roxas National High School

APENDIKS C

TALATANUNGAN

Pangalan:______________________________________________
Kasarian:_____________
Antas/Seksyon:___________________Gulang :______________
Tirahan:_______________________________________________
Paaralang pinagtapusan ng Elementarya:_________________
Wikang ginagamit sa Tahanan:___________________________
Kalinga State University 87
Institute of Graduate Studies

Mga Yugto ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na


Pagpapasiya.

Panuto:

Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang.

Lagyan ng tsek ( / ) ang loob ng panaklong kung ang tauhan

ay nagpapakita ng makataong kilos at ekis ( x ) kung hindi.

Ipaliwanag 3 hanggang 4 na pangungusap lamang at isulat sa

ibaba nito.

Sitwasyon A

Niyaya si Omar ng kanyang kamag-aral na huwag munang umuwi


pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila. Sumama si
Omar kahit ipinagbabawal ito ng kanyang magulang.

Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )

Bakit?

____________________________________________________________

__________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

Sitwasyon B

Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit alam niyang


mayroon silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit ay
maraming tanong na hindi niya nasagot. Sinabihan siya ng
kaniyang katabi na pakokopyahin siya ng sagot subalit
tinanggihan niya ito.
Kalinga State University 88
Institute of Graduate Studies

Nagpakita ba si Monica ng makataong kilos? Oo ( )Hindi ( )

Bakit?

____________________________________________________________

__________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

Sitwasyon C

Nakita ni Abdullah na ang kanyang kamag-aral na si Fatima


ang kumuha ng selpon ng kanyang guro. Ngunit nanahimik na
lamang siya upang huwag ng madamay pa.

Nagpakita ba si Abdullah ng makataong kilos? Oo( )Hindi ( )

Bakit?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

Sitwasyon D

Nais ni Jaymee na matulungan ang kanyang kamag-aral na


pumasa kayat pinakopya niya ito sa kanilang pagsusulit.
Kalinga State University 89
Institute of Graduate Studies

Nagpakita ba si Jaymee ng makataong kilos? Oo ( )Hindi ( )

Bakit?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

____________________________________________________________

__________________________________________________________

Ibat ibang sirkumstansiya sa kahihinatnan ng kilos

Panuto:

Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang.

Ipaliwanag ang mga hinihingi sa bawat katanungan.

Si Arnold ay pumunta sa bahay ng kaniyang lola Ester.

Nakita niya kung saan itinago ng kanyang lola ang pera nito.

Isang araw ay pumunta siya sa bahay at kinuha niya ang pera

nito. Masama ang ginawa niya dahil pagnanakaw ito.


Kalinga State University 90
Institute of Graduate Studies

Nadagdagan ito ng panibagong kasamaan dahil ang pinagnakawan

niya ay ang mismo niyang lola.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ang lola Ester ni Arnold ay naubusan ng gamot para sa

sakit nito. Kinailangan nito ang pera upang makabili ng

gamot ngunit nawala sa lagayan ng pera nito.

Kung ikaw ang tatanungin, nadagdagan ba o nabawasan ang


masamang kilos ni Arnold?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Nasunugan ang isang pamilya sa lugar ni Chris. Sa halip

na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang

pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya.

Ano ang masasabi mo sa kilos ni Chris?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Matagal ng nais ni Kim na magkaroon ng selpon. Isang

araw, habang mag-isa lamang siya sa kanilang silid-aralan ay

nakita niyang naiwan ng kaniyang kamag-aral ang selpon nito.

Kinuha ito ni Kim at itinago.

Sa iyong palagay, makataong kilos ba ang ginawa ni Kim?


Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Kalinga State University 91
Institute of Graduate Studies

APENDIKS D

Tseklist sa Pagsusuri ng mga

Kamalian sa Morpolohiya

Mga Kamalian sa Bilang ng Kabuuan Rangg


Morpolohiya Kamalian o
X-2 X-3 X-4
MORPOLOHIYA
Anyo ng Morpema
Uri ng Morpema
Distribusyon ng mga

Morpema
Alomorp ng Morpema
Pagbabagong Morpoponemiko
Kalinga State University 92
Institute of Graduate Studies

KAYARIAN NG MGA SALITA


Payak
Inuulit
Maylapi
Tambalan
BAHAGI NG PANANALITA
Pangngalan
Panghalip
Pandiwa
Pang-abay
Pangatnig
Pang-ukol
Pang-angkop
Pantukoy
Pangawing
Kalinga State University 93
Institute of Graduate Studies

APENDIKS E

AWTOBAYOGRAPIYA

Pangalan: Gian Karla M. Rodriguez

Kapanganakan: Bantug, Roxas, Isabela

Katayuang Sibil: Walang asawa

Magulang: Benigno E. Rodriguez

Jackylyn M. Rodriguez

Naipasang Pagsusulit: Licensure Examination for

Teachers 2014

Kaligiran ng Edukasyon

Kurso: Master of Arts in Education

Filipino

Graduate School: Kalinga-Apayao State College

Vocational: Food and Beverage Services NC

II and Computer System

Servicing NC II

TESDA-ISAT

Calamagui, Ilagan City,

Isabela
Kalinga State University 94
Institute of Graduate Studies

Digri: Bachelor of Secondary

Education

Kolehiyo: Isabela State University

Rang-ayan, Roxas, Isabela

(2010-2011)

Mataas na Paaralan: Roxas national High School

Bantug, Roxas, Isabela

(2005-2006)

Mababang paaralan: Roxas Central School

Rizal, Roxas, Isabela

(2001-2002)

Mga Karanasan sa Pagtuturo

Posisyon Paaralan Petsa/Taon

Contractual Saint Williams Academy June 9, 2013

Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Part time Our Lady OF Pillar College June 15, 2015

District 3, San Manuel,

Roxas, Isabela

Substitute Roxas National High School October 12,2015

Bantug, Roxas, Isabela


Kalinga State University 95
Institute of Graduate Studies

Training and Seminars

Pagpapaunlad ng Kamalayan at Kasanayan sa Paghahanda ng


Pananaliksik at mga Kagamitang Panturo sa Wika at Panitikan
Salig sa K to 12 Kurikulum Nobyembre 30-December 2, 2012

Formation Animated and Integrated in the Teachers Heart


June 26-28, 2013

AVT Schools Roadmap to Students Excellence and Teachers


Enhancement Oktubre 29-31, 2013

The Art of Writing for School Paper Publication December


5-6, 2013

Designing, Assesing and Facilitating Grade 9 Learning Units


based on the Kto 12 Standards April 5-7, 2014
2015 In-Service Training (INSET) October 29-30, 2015

You might also like