Latin na discursus na nangangahulugang running to and from na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon. Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon. Si Webster (1974) ay may ibat ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon. Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani-kaniyang kalikasan at pangangailangan (requirements) ang bawat isa. Sa huling bahagi ng aklat na ito ay higit na mapagtutuunan ang mga ito. Ngunit maging ano man ang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga partisipant nito ang komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens. Ayon sa Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984), ito ay nangangahulugang magsulat at agsalita nang may katagalan o kahabaan. Sa Websters New World Dictionary (1995), ito ay isangpormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita. Ito rin ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa. Mahalaga na:
1. Maging mapanuri hindi lamang sa salita
kundi sa kulturang nakapaloob dito. 2. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon (kilos at salita). 3. Kritikal na pang-unawa sa pag-unawa ng mga mensahe. 4. Isaalang-alang ang apat na dimension 4k (konteksto, kognisyon, kakayahan at komunikasyon)