Mga Pambansang Ama

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mga Pambansang Ama

Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang titulong "Ama" ay naglalarawan ng isang tao na nakapagtatag ng isang institusyon o naging
isang awtor ng isang lupon ng karunungan. Ang isang Pilipino na naging tagapasimuno o naging
pinuno ng isang makabuluhang bagay, gawain, pagtuklas o pag-aaral ay maaring tawaging ama
(father) ng kanilang tagasunod. Ang sumusunod ay ang mga kinikilalang "Ama" ng mga Pilipino
sa buong mundo dahil sa kanilang pagkakatatag at paglikha ng mga institusyon sa Pilipinas.
Alejandro G. Abadilla

Ama ng Malayang Taludturan sa Pilipinas (Father of Modern Tagalog Poetry)

Ama ng Makabagong Prosang Tagalog (Father of Modern Tagalog Prose)

Ama ng Sanaysay

Si Alejandro "Aga" G. Abadilla, (i. 10 Marso 1906 - k. 29 Agosto 1969) sa Rosario, Cavite ay
isang ay makata, sanaysayista, at kuwentista. Sinalungat ni Abadilla ang labis na romantisismo sa
panitikang Tagalog at de-kahong paggamit ng tugma at sukat sa tula. Tumulong siya sa
pagpupundar ng Kapisanang Panitikan, upang isulong ang simulaing labanan ang di-lumalagong
panitikang Tagalog. Namatay siya noong ika-26 ng Agosto 1969.

Francisco Balagtas

Ama ng Makatang Tagalog (Father of the Tagalog Poem)

Ama ng Wikang Tagalog (Father of Tagalog Dialect)

Si Francisco Balagtas (1788-1862) na kilala din sa tawag na Francisco Baltazar at Kikong


Balagtas ay isang kilalang makata sa wikang Tagalog at may-akda ng Florante at Laura. Ang
Florante at Laura, na obra-maestra ni Balagtas, ay naglalarawan ng mga kasamaang dinanas ng
mga Pinoy noong panahon ng mga Kastila. Tinaguriang "Hari ng Makatang Tagalog" at
"Prinsipe ng Balagtasang Tagalog" si Balagtas ay nagsulat ng mga tula, awit, komedya, at korido
na siyang nagdala sa kaniya sa pinakamataas na bahagdan sa dambana ng mga makatang
Tagalog. Dahil sa kanyang katanyagan bilang manunulat, ang kanyang pangalan ay naukit sa
katagang ating ginagamit sa pagtukoy sa panunula ... "Balagtasan".

Andres Bonifacio

Ama ng Rebolusyon sa Pilipinas (Father of Philippine Revolution)


Ama ng Katipunan (Father of the Katipunan)

Tinaguriang Ama ng Rebolusyong Pilipino, si Andres Bonifacio (i. 30 Nobyembre 1863 - k. 10


Mayo 1897) ay ang pinuno ng mga rebolusyonaryong Pilipino laban sa pagkupkop ng Espanya
noong 1892. Siya din ay kilala sa tawag na "El Supremo" at "The Great Plebeian". Ipinanganak
noong Nobyembre 30, 1863, si Bonifacio ay nagtatag ng Katipunan na ang pakay ay ang
independencia at kalayaan ng Pilipinas laban sa Espanya. Namatay siya noong Mayo 10, 1897.

Isabelo De Los Reyes

Ama ng Pilipinong Manggagawa (Father of Philippine Labor)

Ama ng Sosyalismo sa Pilipinas (Father of Philippine Socialism)

Ama ng Ilokanong Pamamahayag (Father of Ilocano Journalism}

Si Isabelo "Don Belong" De Los Reyes (1864-1938) na kilala din bilang Ama ng Pilipinong
Manggagawa ay isang prominenteng Pilipinong manunulat, politiko, aktibista at tagapagtatag ng
pinakunang unyon ng manggagawa, ang Union Obrera Democratica Filipina (Philippine
Democratic labor Union, 1902); pinakaunang editor ng pahayagan sa wikang Ilokano, ang El
llocano (1889); pinakaunang editor ng kauna-unahanag labor newspaper sa Pilipinas, ang La
Redencion del Obrero (The Redemption of the Laborer) at ng Aglipayan Church. Ang kaniyang
mahahalagang kontribusyon sa pagsusulat ay bahagi na ng cultural heritage ng Pilipinas. Siya
rin ang nagpalaganap ng sosyalismo sa bansa.

Damian Domingo

Ama ng Sining ng Pagpinta (Father of Filipino Painting)

Ipinanganak noong 1796 sa Tondo, Manynila, si Damian Domingo ay ang unahang Pilipino na
nagpinta ng kaniyang sariling mukha, ang kauna-unahang larawan ng isang tao na siya mismo
ang gumuhit o self-potrait. Siya rin ang pinakaunang painter na dalubhasa sa sekular na
pagpipinta o secular painting. Taglay ang pagkakaroon ng photographic eye, si Domingo ay
nagpakita din ng kahusayan sa miniature painting. Dahil sa kaniyang pambihirang talento,
binansagan siyang, "The First Great Filipino Painter." Si Domingo din ang nagtatag ng Acedemia
de Dibujo y Pintura, ang pinaka-unang paaralan sa Pilipinas para sa mahilig gumuhit.

Crisanto Evangelista

Ama ng Trade Unionism ng Pilipinas (Father of Philippine Trade Unionism/Father of


the Philippine Trade Union Movement)
Si Crisanto "Ka Anto" Evagelista (i. 1 Nobyembre 1888 - k. 25 Enero 1942) ay pinuno ng uring
manggagawa at tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas o Communist Party of the
Philippines (CPP). Ang CPP ay itinatag noong Nobyembre 1930. Si Evangelista ay isang anti-
imperyalista, internasyunalista, makata, manunulat at mananalumpati. Siya din ang nagbuo ng
Partido Obrero (Wokers' Party) noong 1924 at ang Legionarios del Trabajo na nabuo bilang
reulta ng pag-aaklas laban sa Manila Electric Company.

Manuel L. Quezon

Ama ng Republika ng Pilipinas (Father of the Philippine Republic)

Ama ng Kasarinlan ng Pilipinas (Father of Philippine Independence)

Ama ng Pambansang Wika (Father of the Philippine National Language)

Si Manuel Luis Quezon y Molina (i. 19 Agosto 1877 - k. 1 Agosto 1944) ay kilala bilang Ama
ng Wikang Filipino. Tinagurian ding Ama ng Republika ng Pilipinas, siya ang naging unang
Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng
ika-20 siglo. Bagamat hindi kinilala ng ibang bansa ang naunang Republica Filipina na siyang
pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, si Quezon ay itinuturing ng mga Filipino
bilang ikalawang Pangulo lamang ng bansa, sumunod kay Aguinaldo. Si Quezon ay tinatawag
ding Ama ng Republika ng Pilipinas at Ama ng Kasarinlang Pilipino dahil sa kanyang mga
ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.

Fidel V. Ramos

Ama ng Demokrasya ng Pilipinas (Father of Philippine Democracy)

Ama ng Philippine Army Special Forces (Father of the Philippine Army Special Forces)

Ipinanganak noong Marso 18, 1928 at ang ika-12 presidente ng Pilipinas, si Fidel Ramos ay ang
nagtatag at nagmando ng katangi-tanging hukbong tropa ng sundalo, ang Philippine Army
Special Forces na dalubhasa sa iba't-ibang aspeto ng giyera sa lunsod man o sa kagubatan.
Hanggang sa kasalukuyan si Ramos ay patuloy na gumagawa ng mahahalagang tungkulin upang
panatiliin at bantayan ang proseso ng demokrasya sa bawat gulong nararanansan ng bansa.

Claro M. Recto

Ama ng Konstitusyon ng Pilipinas (Father of the Philippine Constitution)

Binansagan bilang "Great Academician", si Claro M. Recto (i. 8 Pebrero 1890 - 2 Oktubre 1960)
ay kilala bilang isang mahusay na manunulat. Siya rin ay tanyag sa kaniyang anking galing sa
pagiging isang politiko, abugado, hurista, makata, manunulat ng dula, esayista. Tinagurian sin
siyang isa sa mga pangunahing mambabatas sa kaniyang henerasyon. Ipinanganak sa Tiaong,
Quezon, si Recto ay ang pinakahuling Pilipinong hukom na itinalaga ng Amerikanong pangulo.

Jose Rizal

Ama ng Nasyonalismo ng Pilipinas (Father of Philippine Nationalism)

Ama ng Makabagong Ortograpiyang Tagalog (Father of Modern Tagalog


Orthography)

Ama ng Literaturang Pambata (Father of Philippine Children's Literature)

Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal (i. 19 Hunyo 1861 k. 30 Disyembre
1896), ay kilala din bilang kauna-unahang Pilipinong manggagamot na nanungkulan sa bansang
Alemanya. Siya rin pinaka-unang tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng mga repormang politikal
sa Asya. Si Rizal din ay lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May
angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang manunulat ngunit isa ring magsasaka,
manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at
may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya,
agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial
arts), at pag-eeskrima.

Guillermo E. Tolentino

Ama ng Sining ng Pilipinas (Father of Philippine Arts)

Si Guillermo Estrella Tolentino (1890-1976), isang guro at eskultor, ay Pambansang Alagad ng


Sining sa Eskultura ng Pilipinas. Makikita sa kanyang mga gawa ang pagiging nasyonalista dahil
na rin sa isa siyang tagahanga ni Rizal. Si Tolentino ay itinanghal bilang Philippine National
Artist in Sculpture noong 1973. Siya rin ang naglilok sa Oblation ng Unibersidad ng Pilipinas at
ng National Heroes Monument (Bonifacio Monument).

Dr. William T. Torres

Ama ng Internet ng Pilipinas (Father of Philippine Internet)


Si Dr. William Torres ay ang unang Pilipinong nagkamit ng Ph.D. sa kursong Computer
Science noong 1971. Ang kaniyang pagtitiyaga at pagsusumikap ay nagbigay-daan sa
upang makinabang ang mga mamamayan sa paggamit ng koneksyon sa internet. Siya ang
kasalukuyang pangulo ng Mosaic Communications at isang aktibong partisipante ng
iba't-ibang programang edukasyonal gayun din mga programa ng gobyerno na tumutukoy
sa information technology. Iminungkahi niyang magkaroon ng koneksyon sa internet
noong 1992. Sa tulong ng dating kalihim ng Department of Science and Technology
Secretary Ricardo Gloria, nakapaglikha sila ng PH-Net.

Genoveva Edroza-Matute (January 3, 1915 March 21, 2009) was a Filipino


author. In 1951, she was the recipient of the first ever Palanca Award for Short Story
in Filipino, for her short story "Kuwento ni Mabuti", which has been cited as the most
anthologized Tagalog language short-story.[1]

You might also like