Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

I.

Pamagat : Ang Baboy-damo at ang Matsing

II. May Akda: MAXIMO CAMBANGAY

III. Taga guhit: Stephen Prestado

IV. Tauhan : Si Baboy-damo at si Matsing

V. Buod ng Kwento :

Isang araw ay nagkita ang magakibigang matsing at baboy-damo. Nagkamustahan sila at


sa kahabaan ng kanilang pag-uusap at nawika ng matsing. Kung gusto mo, magtanim tayong
dalawa para mayroon tayong makain. Ano, payag ka ba?

Aba, oo. Mabilis na sagot ng baboy-damo. Ngunit ano ang itatanim natin?

Palay ang mabuti. Tugon ng matsing. Tayo na, umpisahan na natin ngayon ang
pagtatanim.

Noon din ay nagtanim ang magkaibigan. Nang dumating ang anihan, nagpunta ang
dalawa sa bukid para paghatian ang kanilang aanihin.

Papaano tayo maghahati? tanong ng baboy-damo.

Madali! sagot ng matsing. Mula sa gitna, pataas ay akin.

Sige, ayon naman ng tangang baboy-damo. Mabuti nga ang gayon, walang
lamangan.

Ganoon nga ang ginawa ng dalawa. Subalit nang matapos, naisip ng baboy-damo na
nalamangan siya sapagkat napuntang lahat sa matsing ang bunga ng palay at ang natira sa kanya
ay panay na puno at ugat. Hinabol ng baboy-damo ang matsing na mabilis na umakyat sa isang
punongkahoy at tigas sa katatawa ang tusong matsing.

Hindi na bale bumawi ka na lang sa susunod, wika ng matsing. Magtatanim naman


tayo ng gabi at ang itaas naman ang sa iyo, akin naman ang ibaba.

Pumayag uli ang baboy-damo na hindi na nag-isip. Kinabukasan, nagtanim naman ng


gabi ang dalawa.

Hindi nagtagal ay lumaki at naglaman ang gabi at nang aanihin na ng dalawa ay nakitang
tuyot na lahat ang dahon.

Kumuha ka ng basket at kunin mo na ang mga dahon, anang matsing.

Ayoko hindi ko kailangan ng mga tuyong dahon na hindi na makakain! yamot na tugon
ng baboy-damo. Ang ibig koy ang laman.
Pero ang laman ng gabiy nasa ibaba, katuwiran ng matsing. At ang usapan natin ay
lahat ng nasa ibaba ay sa akin mapupunta. At lahat naman ng nasa itaas ay sa iyo ano, hindi ba?

Galit na galit ang baboy-damo noon dinay napagwari niya na talagang niloloko siya at
ginugulangan ng tusong matsing. Hinabol ng baboy-damo ang matsing, subalit mabilis itong
nakaakyat sa isang puno at mula ritoy nagtawang muli. Ang buong akala niyay ligtas na siya.
Noon nakaisip na gumanti ang baboy-damo hindi siya umalis sa ibaba ng punoat tinitingala ang
matsing.

Hindi ka na makababa diyan, pauyam na sabi ng baboy-damo. Oras na bumaba kay


patay ka, kakainin kita ng buo! Subalit makaraan lamang ang ilang sandali ay nagbago ng isip
ang baboy-damo. Ang ginawa niyay isa-isang hinukay ang mga gabi at kinain ang laman.
Nakatuon din ang kanyang paningin sa matsing.

Nang mahukay na lahat ang mga gabi at makain niya ang lahat ng laman ay tiningala ng
baboy-damo ang matsing. Matagal niya itong tinitigan. Pagkuwan ay tumawa siya ng mahaba at
malakas. Kaibigang matsing, aniyang namumugikgik, Makabababa ka na riyan. Hindi na kita
kakainin. Hetot busog na busog na ako at mailalagay mo na sa basket ang iyong mga tuyong
dahon.

VI. Gintong Aral :

Ang sobrang katusuhan ay masama dahil minsan naiisahan din.

VI. Larawang pangyayari sa kuwento: Taniman


I. Pamagat : Batong Bahay

II. May Akda: Clarence M. Batan

III. Taga guhit: Mae Anne Meneses

IV. Tauhan :

1. Yayet

Ito ang palayaw na binansag kay Clarence na siyang may-akda ng librong ito. Siya ay isang
masigasig at masunuring anak na may mga matatayog na pangarap sa buhay, kung saan dahil sa
kanyang pinagsamang mga pangarap at pagsisikap, ay nalathala ang librong ito na ukol sa
kahirapan patungo sa pagtatagumpay.

2. Nanay Biday

Siya ay ang lola ng may-akda sa kanyang ina, ngunit nakasanayan lamang ng lahat na Nanay
ang itawag sa kanya. Ang kanyang buong pangalan ay Brigida Ceremonia Doninos at siya ay
buhat lamang sa kahirapan at binuhay ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagtitinda at
pagluluto.

3. Mama Violeta

Siya ay ang ina ng may-akda. Buhat lamang din siya sa kahirapan dahil siya ay anak ni Nanay
Biday. Siya ay masipag at masigasig at kahit na mahirap, nagawa niyang mag-aral at magtapos
kahit na vocational lamang ang kurso.

4. Daddy Israel

Siya ay ang ama ng may-akda. Tulad ng napangasawang si Violeta, siya rin ay buhat sa
kahirapan at hindi nakapagtapos ngunit kumakayod para sa pamilya sa pamamagitan ng
pagkakarpintero. Siya ay hindi pala-asa dahil sa murang edad na sampung taong gulang, natuto
na siyang maghanapbuhay.

5. Kuya Sherwin

Siya ay pinapalagay na laki sa luho ng kanyang mga magulang at isang bulakbol kaya naman ay
malalim ang nadadamang sama ng loob sa kanya ng kanyang kapatid na si Yayet, ang may-akda.
V. Buod ng Kwento :

Batong bahay, kahit munti, ang kwento roon ay sari-sari.

Dito umiikot ang Batong Bahay na inilathala ni Clarence M. Batan. Ito ay tungkol sa pamilya ng
may-akda na mayroong determinasyon at pag-asa upang makaahon mula sa kahirapan tungo sa
pagkakaroon ng isang bahay na bato.Ang librong ito ay binubuo ng limang kabanata, epilogo at
isang pahabol na nagkakalakip ng mga instrumentong ginamit ng may-akda sa pagsusulat.

Ang unang kabanata na pinamagatang Pundasyon ng Dapithapon ay inalay niya sa kaniyang


Nanay Biday (lola sa ina). Sa kabanatang ito ay siya ang nagsalaysay ng kwento ng kanyang
Nanay Biday dahil pumanaw na ito bago pa man isulat ang librong ito. Minungkahi niya na siya
ang pundasyon ng kanilang tahanan. Sa pagpanaw ng kanyang lola, ito ay naghudyat ng kanilang
pagpapatayo ng kanilang batong bahay.

Sa ikalawang kabanata na pinamagatang Haligi ng Buhay at sa ikatlong kabanata namang may


pamagat na Ilaw ng Tahanan ay nagsasaad kung paano naahon ng kaniyang inang si Mama
Violeta at amang si Daddy Israel ang kanilang pamilya sa kabila ng kahirapang hinaharap.

Sa ikaapat na kabanatang may titulong Buhangin ng Relasyon, isinaad dito na may hidwaan
siya sa kanyang Kuya Sherwin na dulot ng kumpitensya nila sa isat isa mula pa sa pagkabata.
Sinaad ding siya ay kinaiinggitan ng may-akda dahil sa atensyon at luhong pinagkakaloob sa
kanya ng kanilang mga magulang.

Binigyang linaw naman sa huling kabanata na pinamagatang Interseksiyon: Bahay Kubot


Bahay na Bato ang mga katanungan kung bakit sa kabila ng payak na buhay na kinagisnan ng
pamilya ay nangarap pa rin silang mabili ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay. Kaya
nagbunga ang kanilang pangarap ng pagpapatayo nila ng sarili nilang tahanan na yari sa bato.

Ang epilogo naman ay nagkakaloob ng mga aral na natutunan ng may-akda sa kanyang pamilya
na siya ring bunga ng pagpapatayo niya ng batong bahay, at ang paghahanda sa mga hamong
kakaharapin niya pagkatapos mapatayo ang isang batong bahay. Sa pahabol naman ay makikita
ang lahat ng mga pako na hinalintulad ng may-akda sa ginamit ng kanyang ama sa pagpapagawa
ng kanilang batong bahay. Ang pakong ito naman ay ginamit niya upang maging sistematikot
malikhain ang pagsusulat ng may-akda.

VI. Gintong Aral :

Sa bawat kamaliang nagagawa, may aral na mapupulot. Maaaring hindi na maibabalik


ang oras, ngunit pwede namang iwasto ang mga kamalian upang makamtan ang inaasahang
relasyon.

VI. Larawang pangyayari sa kuwento: Bahay na Bato


I. Pamagat : Binhi

II. May Akda: Ester V. Flores

III. Taga guhit: Stephen Prestado

IV. Tauhan : Robert Bruce hari ng Eskosya at ang Gagamba

V. Buod ng Kwento :

Matagal ng panahon ang nakalipas, ang hari noon ng Eskosya na nagngangalang Robert
Bruce ay labis na nababalisa sa pagkakasangkot ng kanyang bayan sa isang digmaan. Ang
Eskosya ay nakikipagdigmaan sa Inglatera. Sa kasawiang palad, nagwagi sa laban ang mga
Ingles. Napilitang umurong ang mga kawal ng Eskosya dahil sa sunud-sunod na pagkatalo at
wala na silang kakayahang ipagtanggol pa ang kanilang bayan. Hanggang pati si Haring Bruce
ay napilitang magtago sa kabundukan upang mailigtas ang sarili.

Matinding pagod, gutom at ginaw ang nararamdaman ng hari sa kanyang


pagtakas. Mabuti naman at nakakita siya ng isang bahay-kubo kanyang kinanlungan. Humimlay
siya sa sahig na ang pusoy puno ng kawalang pag-asa. Anim na ulit silang tinalo ng kaaway.
Habang nagmumuni si Haring Bruce, isang maliit na abuhing gagambang naghahabi ng
mahabang sinulid sa isa sa mga pamakuan sa kisame ang napagtuunan ng kanyang pansin.
Pinagsisikapan ng gagambang makatulay sa sinulid upang maikabit ang dulo nito sa isa pang
pamakuan. Subalit napatid ang sinulid at ang gagamba ay nahulog sa sahig.

Bagaman nahilo nang bahagya, walang pag-aatubiling umakyat ang gagamba sa


dingding at naghabing muli. Matiyaga siyang gumawa hanggang humaba ang sinulid at muli
itong naglambitin sa dulo at pinagsikapang maikabit iyon sa kabilang pamakuan. Subalit muling
napatid ang sinulid at bumagsak na naman sa sahig. Muli itong umakyat at nagsimula na naman.
Anim na beses na napatid ang sinulid ng gagamba. Anim na beses itong nalaglag sa sahig. Anim
na beses itong muling nagsimula. At anim na beses itong nabigo. Nahalina sa panonood si
Haring Bruce. Nabuhos nang husto ang kanyang pag-iisip sa pagpupunyagi ng gagamba. Kung
kaya nalimutan niya ang kanyang mga suliranin. Hindi sumuko ang gagamba bagaman nabigo
ito hanggang sa ikaanim na pagkakataon. Muli itong sumubok at ngayon, sa ikapitong
pagkakataon, itoy nagtagumpay.

Tumindig si Haring Bruce at yumuko sa maliit na abuhing gagamba. Tinuruan


siya ng gagamba ng isang kahanga-hangang leksyon. Kaya bagaman si Haring Bruce ay
nakakaramdam ng pagod, hindi ito nawalan ng pag-asa. Ang pagsisikap ng gagamba ang
nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang lumaban ulit. At sa halimbawang pinakita ng
gagambang nag bigay sigla sa kanya, pinangunahan niya ang kanyang mga nasasakupan sa
pagtatagumpay sa ikapitong pagsubok.
VI. Gintong Aral :

Ang bawat tao ay may pangarap. Pangarap na nais maabot o marating. Subalit hindi
madaling makuha ang hinahahangad. May mga pagsubok na kailangang malampasan. At para
pagtagumpay, Ang isang tao ay kailangang maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok. Kaya
huwag kang padadaig sa pagsubok at sa bandang huli, tiyak na ikaw ay magwawagi.

VI. Larawang pangyayari sa kuwento: Sa Eskosya


I. Pamagat : Ang Alamat ng Saging

II. May Akda: Katig

III. Taga guhit: Katig

IV. Tauhan : Si Juana at Aging

V. Buod ng Kwento :

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si


Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa
kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang
nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si
Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si
Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa
kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong
kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.

Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa
kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging
saging.

VI. Gintong Aral :

Ang pag-ibig ay sadyang makapangyarihan, hahamakin ang lahat masunod lang ito,
ipaglalaban kahit sa kamatayan.

Huwag padalos dalos sa desisyon sa buhay at huwag pairalin ang galit at baka ito ay
pagsisihan natin sa huli kung nagawa natin ito.

Dapat maging maunawain tayo at sensitibo sa damdamin ng kapwa natin..

VI. Larawang pangyayari sa kuwento: Sa Nayon noong unang panahon


I. Pamagat : Ang Alamat ng Rosas

II. May Akda: Elvira E. Seguera

III. Taga guhit: Lanie Perez

IV. Tauhan : Ang panginoon at ang Lamok

V. Buod ng Kwento :

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang Rosa, na balita sa


kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang
kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga


nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay
di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at itoy nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito
sa hardin.

Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon diy siyay naging bangkay. Sa takot ni
Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang
di na magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang
halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa
talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si
Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin
lamang ng sinuman.

VI. Gintong Aral :

Huwag maging makulit. Huwag gamitin sa masama ang ibinigay na kapangyahiran ng


Diyos sa atin. Huwag din dapat kuwestiyonin ang kakayan ng Diyos sapagkat lahat ay kaya
niyang gawin.

VI. Larawang pangyayari sa kuwento: Sa lugar kung saan tinipon ng Diyos ang mga hayop
Ipinasa ni:

Ipinasa kay:

You might also like