Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bacomo, Rafael R. St.

Theodore

ISANG REAKSIYONG PAPEL TUNGKOL SA


PELIKULANG DED NA SI LOLO

Ang pelikulang Ded na si Lolo ay nakakaaliw at nakakaantig. Sa simulay

aakalain mong puro patawa lamang ang mangyayari sa kabuuan ng pelikula ngunit

habang palalim ng palalim ang kuwento ay tila napapalitan ang tawanan ng

pagdadalamhati. Sinasalamin ng pelikulang ito ang mga ugaling Pilipino at ang pagiging

bahagi ng mga pamahiiin sa kulturang Pilipino. Tila napakaraming pamahiin tungkol sa

burol o lamay ang ipinakita sa buong pelikula. Umikot ang kabuuan ng pelikula sa isang

linggong burol ni Lolo.

Ang mawalan ng isang mahal sa buhay ang isa sa pinakamasakit at pilit na

iniwawaglit na pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay isang pangyayari na walang sinuman

ang nakaaalam kundi ang Poong Maykapal. Ipinakita sa Ded na si Lolo kung paano

ipinagdadalamhati ng pamilyang Pilipino ang kamatayan ng isang kaanak. Sa kabilang

banda, tunay na nakaaaliw ang pangunguwestiyon sa ilang tradisyon na hindi malaman

ang lohika at pinagmulan. Ilan sa mga tradisyon o pamahiin na nakapaloob dito ay

paglalagay ng pera sa kamay ng patay, hindi bilang pabaon sa kanya, kundi para maging

maswerte sa hahawak ng perang ito na kukunin din bago ilibing ang bangkay; bawal din

daw ang maligo sa bahay na may patay; dapat din daw, ang lahat ng malilikom na abuloy

ay gagamitin sa patay lamang at dapat din daw na agad na maglinis ng bahay sa sandaling

buhatin ang patay palabas ng bahay. Wala mang masama at mawawala sa pagsunod, tama

rin namang pag-isipan kung ang mga ito bay may maitutulong o wala. Hindi rin naman
tamang maging sunod-sunuran na lamang ng hindi nauunawan kung ano ba ang kanilang

sinusunod. Ang pagkawala ni Lolo ay masasabing hindi trahedya sapagkat naging daan

ito upang magkaisa at magkaunawaan ang namatayan at pati ang mga kaibigan nito. Ang

lahat ng naging gusot ng nakaraan ay nagawa nilang limutin alang-alang lamang sa

kanilang magulang. Isang nakaagaw ng aking atensyon ay ang pagkakaroon ng tagakuha

ng litrato na kakaiba at ngangayon lamang ako nakita ng ganito sa patay. Marahil naging

kaugalian na ng mga Pilipino na hulihin ang ibat ibang sandal at balik-balikan ito sa

pamamagitan ng litrato. Ang pinakamalagang ipinakita sa pelikula ay ang pagkakaisa ng

pamilya sa gitna ng dalamhati at kung paano nilang binibigyang galang ang katawang

mortal ng isang namayapa na.

Sa kabuuan, ang pelikulang ito ay nagpamalas ng totoong katangian at pag-uugali

ng mga Pilipino sa panahon ng pagdadalamhati. Tugmang-tugma ang mga karakter na

gumanap sa kanilang ginanapan. Sa bawat eksenang nagaganap, nanaisin mo pa itong

ipagpatuloy upang malaman ang susunod na mangyayari. Mabilis man ang istraktura ng

pelikula ay napakaraming aral ang ibinahagi ng pelikulang ito sa buhay ng bawat isa.

Sabi nga, malalaman mo lamang ang halaga ng isang tao kapag wala na ito kung kayat

nararapat na pahalagahan natin ang mga taong nakapaligid sa atin bago mahuli ang lahat.

Binibigyang diin nito na kahit anong mangyari sa ating buhay laging nasa tabi natin ang

ating pamilya na maaari nating sandigan at lahing handang sumuporta sa atin.

Pinaaalahanan din tayo nito na dapat ay matuto tayong magpatawad sa ating kapwa,

matutong tumanaw ng utang na loob, paghihilom ng sugat, pagbibigay, at pagpaparaya.

You might also like