Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

JOSE RIZAL (Movie Review)

I. PAMAGAT

JOSE RIZAL
I. MGA TAUHAN
CESAR MONTANO bilang Dr. Jose Rizal

-ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na isang manggagamot, nobelista, makata, dalubwika,

pintor, iskultor, magbubukid, naturalista, at kagawad sa mga tanyag na mga institusyon. Sumulat

ng dalawang nobela: Noli me Tangere at El Filibusterismo na kung saan ipinapakita dito ang

kanyang mithiin na matigil na ang pagmamatrato ng mga Kastila at makamit ang kapayapaan sa

isang mapayapang rebolusyon imbis na sa madugong labanan.

JOEL TORRE bilang Crisostomo Ibarra at Simoun

-si Crisostomo Ibarra ay ang pangunahing tauhan ni Rizal sa nobelang Noli me Tangere.

Isang binatang Pilipino na nagtapos ng pag-aaral sa Europa at nagbalik sa Pilipinas. Samantala,

si Simoun (palit anyo ni Ibarra) na may balbas at salamin. Bumalik sa Pilipinas bilang isang

mangangalakal ng hiyas. Sa bandang huling bahagi ng Pelikula, isang kakaibang eksena ang

naganap na kung saan si Simoun ay inuudyok si Rizal na magsulat bago pa man siya barilin sa

Bagumbayan.

JAIME FABRECAS bilang Luis Taviel de Andrade

-isang opisyal ng Kastila na sa umpisa ay hindi naniwala kay Rizal pero sa pagbabahagi ng

buhay ni Rizal kay Taviel sa loob ng kulungan ay natutunan nitong respetuhin at naging isang

kaibigan.
GLORIA DIAZ bilang Donya Teodora Alonso

-ang maybahay ni Don Francisco Mercado at ina ni Jose Rizal. Nagturo kay Rizal ng abakada

sa edad na tatlong taon

RONNIE LAZARO bilang Don Francisco Mercado

-ang ama ni Jose Rizal at asawa ni Donya Teodora Alonso

PEN MEDINA at PING MEDINA bilang Paciano Rizal

-kapatid ni Rizal at pangalawang anak nina Teodora at Francisco Mercado. Ang nagpayo kay

Rizal na mag-aral na lisanin ang bansa at mag-aral sa Espanya.

CHIN CHIN GUTIERREZ bilang Josephine Bracken

-nobya ni Rizal sa Dapitan. Isang Irish na ipinanganak sa Hong Kong.

GARDO VERSOZA bilang Andres Bonifacio

-Ama ng Himagsikan na isa sa mga nagtayo at naglunsad ng Kataastaasan Kagalang-galang

na Katipunan ng mga Anak ng Bayan or Katipunan. Pinili ang magkaroon ng isang rebolusyon

para makamit ang kalayaan ng Pilipinas kaysa sa mapayapang paraan.

MARCO SISON bilang Pio Valenzuela

-miyembro ng Katipunan na inutusan ni Bonifacio para bisitahin si Rizal sa Dapitan. Humingi

siya ng opinion tungkol sa planong rebolusyon pero si Rizal ay tumanggi dito dahil mas pabor

siya sa mapayapang paraan.

MICKEY FERRIOLS bilang Leonor Rivera

-pinsang buo ni Rizal na kung saan nagkaroon sila ng lihim na relasyon.


Sa Buong Pelikula

III. BUOD
Mabuti pang mamatay para sa Bayan kaysa
mamatay ng wala man lang nagawa para sa kinabukasan
nito

Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay maituturing na isa sa mga

pinakadakilang tao na isinilang sa mundo. Nabuhay siya sa loob ng talumput limang taon,

ikadalawamput pito ay nalibot na ang daigdig at naging isang manggagamot, nobelista, makata,

dalubwika, pintor, iskultor, magbubukid, naturalista, at kagawad sa mga tanyag na mga

institusyon. Ipinanganak sa bayan ng Kalamba, lalawigan ng Laguna noong ika-19 ng Hunyo,

1861. Ang ikapitong anak nina Don Francisco Mercado at ng asawa nitong si Donya Teodora

Alonso.

Ang pelikulang ito ay tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.

Saklaw nito ang kanyang buhay mula sa pagkabata hanggang sa siya ay litisin, hatulang barilin

sa Bagumbayan at mamatay sa kamay ng mga Kastila. Ipinapakita rin dito ang kanyang malawak

na imahinasyon: ang kanyang dalawang nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo na kung

saan ipinapakita dito ang kanyang mithiin na matigil na ang pagmamatrato ng mga Kastila,

gisingin ang mundo sa pang-aabuso ng pamahalaan ng Espanya at makamit ang kapayapaan sa

isang mapayapang paraan imbis na sa madugong labanan.


Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sa pamamagitan ng kanyang mga

nobela. Ang Noli Me Tangere at El filibusterismo na naging daan para mabuhay ang puso ng mga

Pilipino upang maghimagsik at makamit ang inaasam na kalayaan ng Pilipinas laban sa

pamahalaan ng Espanya. Inilahad dito ang kanyang mithiin na kapayapaan para sa mga Pilipino

Dahil sa mga nobelang ito, ang pamahalaan ng Espanya ay pinagbibintangan si Jose Rizal bilang

pinuno ng rebolusyon. Maging ang kanyang kapatid na si Paciano ay pinahirapan para umamin

na si Rizal ay may kinalaman sa nasabing rebelasyon.

Nobyembre 1896 ay nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Sa kulungan ay may isang

alipin o tagasilbi na nakakakuwentuhan niya ng kanyang buhay. Ginunita niya ang kanyang

kabataan, kung paano naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martir na

GOMBURZA (Gomez, Burgos at Zamora), ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo

at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Bian upang mag-aral, ang

pagkakakulong ng kanyang ina, ang pagpapalit ng apelyidong Mercado sa Rizal, ang buhay niya

sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang ina.

Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abugado para i-depensa ang

kanyang panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating guwardiya ni Rizal,

ang naging abugado niya. Si Taviel ay isang opisyal ng Kastila na sa umpisa ay hindi naniwala sa

kanya. Pero sa pagbabahagi ng buhay ni Rizal sa loob ng kulungan ay natutunan nitong

respetuhin si Rizal at napagtanto na itoy hindi lang isang inosente sa kaso kundi isang kahanga-

hangang nilalang at dahil doon ay nagdesisyong siya na ibibigay ang lahat para maipagtanggol

ito sa paglilitis. Naikwento ni Rizal dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo Tomas na

kung saan ay kumuha siya ng kursong medicina, ang labis na diskriminasyon sa mga
estudyanteng Pilipino doon, at ang pag-iibigan nila ni Leonor Rivera na kanyang pinsan at

kasintahan.

Marami napag-usapan sina Rizal at Taviel. Isa na rito ang mga kinalaban ni Rizal. Ayon kay

Taviel, ang kinalaban ng nobela ni Rizal ay ang gobyerno at relihiyon ng Espanya. Kinatwiran ni

Rizal na bilang isang manunulat, kalaban niya ang lahat pati ang sarili niya. Lahat ng bagay na

naisulat niya ay pawang sa katotohanan lang, sa mga bagay na naisulat niya ay matatagpuan ng

mga Pilipino ang kanilang mga sarili, ang kanilang kasaysayan. Ikalawa ay ang nais iparating ni

Rizal sa Espanya. Hinihiling lamang ng mga Pilipino ay ang pagkakapantay-pantay at makilala

ang Pilipino bilang kapantay ng Kastila. Ikatlo ay ang pagpunta ni Rizal sa Europa. Nagtataka si

Taviel bakit nagawang iwan ni Rizal si Leonor? Anong layunin ang mas matimbang pa kaysa

pagmamahal sa kasintahan? Pinapunta siya ng kanyang kuya Paciano upang mag-aral doon ng

medicina at gawin ang nararapat para sa bayan. Doon ay matututo siya at malaya niyang

maisusulat ang mga kailangang pagbabago at katarungan sa bayan.

Naikwento rin niya ang pagpasok sa Unibersidad Central de Madrid noong 1884. Dito ay

nag-aral siya ng medicina. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda na isang organisasyon na

naglalayon ng kalayaan sa pamamahayag at mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino

katulad ng mga Kastila. Ilan sa mga kasapi ay sina Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at

Manuel Hidalgo. Sa pamamagitan ng La Solidaridad, ang pahayagan ng kilusan, naipaparating

nila ang kanilang mga adhikain. Enero ng taong 1891 nang nagkaroon ng pag-aaway sa kilusan

ng maisipan na nilang maghalal ng pangulo. Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang adhikan ng La

Solidaridad ay pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa kanya ang adhikain ng La

Solidaridad ay dapat pambansa.


Pagbalik sa Pilipinas, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. Itoy isang pansibikong samahan

ng mga Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Dito ay nakilala niya si

Andres Bonifacio. Ngunit ang La Liga Filipina ay nanatiling pangarap. Itinuring na isang

samahan na kumakalaban sa Espanya ang La Liga Filipina. Nagtanim ng mga mapangwasak na

polyeto ang ilang ahente ng mga prayle sa maleta ni Rizal. Dahil dito, kababalik palang ni Rizal

sa Pilipinas ay ipinahuli na siya at ipinatapon sa isang malayong lugar, sa Dapitan, isang maliit

na bayan sa hilagang-kanluran ng Mindanao. Sa lugar na iyon ay nakilala niya ang pag-ibig ng

kanyang buhay na si Josephine Bracken, isang Irish na ipinanganak sa Hong Kong, na kung saan

ay nagkaroon sila ng anak pero namatay din ng ilang oras. Sa kabila ng pagpapatapon kay Rizal

sa Dapitan at pagsulat niya ng manifesto na hindi pag-aalsa ang sagot sa hinaing ng mga

Pilipino, nais pa rin ng mga prayle na siya ay mamatay.

Umabot na sa pagpapalit sa bagong Gobernador-heneral ng Pilipinas dahil na rin sa isyung

naging malapit si Gob. Heneral Blanco kay Rizal. Noong ika-26 ng Disyembre, 1896, ginanap

ang araw ng paglilitis ni Rizal. Sa panig ng mang-uusig, pinagbibintangan si Rizal bilang

pasimuno ng pag-aalsa, at dahil din sa mga isinulat niya na inaatake at kinakalaban ang

relihiyon, mga prayle at pamahalaang Espanya. Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa

mga mapangahas ay kamatayan.

Sa panig naman ng nasasakdal, ipinaabot ng mga sulat ni Rizal kung papaano dapat

patakbuhin ang Pilipinas. Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at kalayaan para sa mga

Pilipino ang nais niya. Pero hindi pinahihiwatig at pinatutunayan nito na si Rizal ang dahilan ng

rebolusyon. Sa katunayan, sa paglalagi niya sa Dapitan, hindi siya nagsulat ng mga bagay na

may koneksyon sa pulitika. At sa pagbisita sa kanya ni Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang

ikonsulta at yayaing sumama siya sa rebolusyon, si Rizal ay hindi pumayag sa nasabing balak na
pag-aalsa. At sa huli, sa pahintulot na magsalita si Rizal, sinabi niyang ang gusto lang niya ay

kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa rebolusyon kundi kalayaan gamit ang edukasyon.

Pero sa kabila ng pagtatanggol na ginawa ni Taviel kay Rizal, wala na siyang magagawa ukol

sa tadhanang nito. Ang paglilitis ay isa lang panloloko Si Rizal ay nakatakdang barilin sa ika-30

ng Disyembre, 1896. Sa kinahinatnan ng kaso, si Taviel ay nasaktan at naiinis kung bakit siya ay

naging isang Kastila pa. Dahil sa hatol, binisita si Rizal ng kanyang ina at mga kapatid. Binigay

niya ang kanyang huling kahilingan sa ina at ang isang lampara na may laman ng kanyang huling

tula, ang Mi Ultimo Adios (o Huling Pahimakas).

Ika-30 ng Disyembre, 1896 ay ang nakatakdang Araw ng Kamatayan ni Rizal. Ang huling

kahilingan ni Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi siya pinayagan. Ang

mga Kastila ay gusto siyang barilin sa likod tulad ng isang traydor. Nang siya ay pinagbabaril na,

naisipan niyang humarap ng kaunti para sa pagbasak niya sa lupa ay nakaharap siya sa

kalangitan. Sa pagkakamatay ni Rizal, lalong lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit

ng Pilipinas ang kalayaan noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Ilang taon ang nakalipas, naideklarang

Pambansang Bayani si Dr. Jose P. Rizal.

IV. REAKSYON

A. Sa Mga Tauhan

Masasabi ko na ang mga artistanmg nagsipagganap dito ay talagang piling-pili at

mahuhusay. Ginampanan nila ang kanilang mga papel para lumabas ang katauhan ng mga

karakter na kanilang ginagampanan. Sa bawat diyalogo ay makikitang napakahusay ang pag-arte

ng mga artista. Akma ang mga galaw at emosyon ng mga artista. Mahusay ang kanilang
interpretasyon. At talagang dapat silang papuriha dahil na rin sa mga gantimpala na kanilang

nakamit. Tulad na lang ni Cesar montano na gumanap bilang si Jose Rizal ay nakatanggap ng

Best Actor awards sa ibat ibang award-giving bodies mula sa Metro Manila Film Festival,

FAMAS Awards, Gawad Urian, Star Awards for Movies, at iba pa. Kahanga-hanga si Cesar

Montano dahil sa mabuti niyang pagganap at sa pagsasalita ng wikang Espanyol, Aleman at iba

pa, na alam naman natin na si Rizal ay isang dalubwika at doon ay mahusay din niyang

nagampanan.

Ang pelikulang ito ay maituturing na isang parada ng mga magagaling namga actor at

actress. Dahil na rin sa makatotohanang pagganap nina Peque Gallaga (bilang Arsobispo

Nozaleda), Jaime Fabregas (bilang Taviel, abogado ni Rizal), Pen Medina (bilang Paciano Rizal),

Gardo Versoza (bilang Andres Bonifacio) at ng iba pa kahit na maliit lang papel (Fritz Infante,

Joel Lamangan, Gina Alajar, Tanya Gomez, Irma Adlawan, Olga Natividad, atbp.) ay tumingkad

din.

B. Sa Teknikal na Aspeto

Sa bahagi naman na ito, masasabi ko na maganda ang mga background na angkop sa bawat

eksena, piling mo ay nasa panahon ka ng Kastila. Simula sa umpisa hanggang sa mga huling

eksena ay maayos ang mga kuha sa kamera ay malinaw at hindi malabo. Naaayon ang bawat

musika sa bawat tagpo at eksena sa pelikula. Sa mga eksenang malungkot ay malulungkot rin

ang musika. Sa digital effects naman ng pelikula, ang mga gamu-gamo sa kuwento ni Teodora

Alonso, ang rekonstruksyon ng mga lumang gusali, ang landscape ng Bagumbayan ay

kahanga-hanga. Epektibo rin ang paggamit ng black and white para sa mga eksenang mula sa

mga nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo.


Mahusay din ang gumawa ng mga iskrip na sina Ricky Lee, Jun Lana at Peter Ong Lim.

Napakahirap na trabaho ang epektibong pagdurugtong-dugtong ng lahat ng mabibigat na detalye

sa pelikula. Bukod diyan, karapat-dapat din nating bigyan ipagmalaki ang direktor na si Marilou

Diaz-Abaya na may pinakamalaking naitulong sa tagumpay ng pelikulang ito. Sa paghandog

niya ng kanyang talento para sa pelikula ay napaganda ang paghahandog ng mga diyalogo ng

mga artista.

Kaya hindi rin kataka-taka na nanalo at nakatanggap din sila ng Best Editing,

Cinematography, Sound, Production Design, Special Effects, Musical Score, Movie Theme Song

sa Metro Manila Film Festival, FAMAS Awards, Gawad Urian, Star Awards for Movies.

C.

Ang Pelikulang Jose Rizal ay talagang isa sa mga pinakamaganda at kamangha-mangha

at maituturing na isang obra maestra. Isang sining na makakatulong para sa mga mag-aaral para

lalo pa nilang maintindihan ang buhay ng ating Pambansang Bayani. Ipinakita dito ang kanyang

pagiging isang manggagamot, nobelista, makata, dalubwika, pintor, iskultor, magbubukid,

naturalista, at kagawad sa mga tanyag na mga institusyon.

Ito rin ay makakatulong hindi lamang para sa mga mag-aaral na bahagi ng kanilang aralin

sa Filipino at History, kundi para rin ito sa mga bata, kabataan at maging sa mga matatanda at

mga dayuhan. Ang ilan sa kanila ay kilala lang si Dr. Jose Rizal sa piso, isang monumento sa

Luneta, kalsada, probinsya, eskwelahan o unibersidad, at kurso sa kolehiya. Kaya nga ang

pelikulang ito ay para mas lumawak ang kanilang kaalaman at kung sino nga ba talaga si Rizal.

At imulat tayo sa kalgayan ng ating bansang Pilipinas noong panahon ng Kastila


Kahit na sa umpisa ay nalilito ako kung alin ang sa nobela ni Rizal at sa tunay na buhay

niya at paulit-ulit ang pagbabalik tanaw sa buhay niya at kahanga-hanga sa kakaibang

pagsasalaysay, binigyan ko pa rin ito ng 5 bituin dahil bukod sa magagaling na mga

ngasipagganap at sa teknikal na aspeto, ay talagang pinagkagastusan ito. Ang isa sa mga

pinakamahusay na eksena sa Pelikula ay ang paghaharap ni Rizal at Simoun sa bisperas ng

kanyang kamatayan, na kakaiba at nagbibigay ng mahusay na koneksyon sa nobela at buhay ni

Rizal. Humigit kumulang na Php 80 milyon ang inilaan para dito. Pero bawing-bawi naman sila

dahil mahigit Php 136,7 milyon lang naman ang kanilang kinita. Bukod diyan, kahanga-hanga

ang pelikulang ito dahil sa mga karangalan na nakamit at kasama na rin diyan ang Best Picture;

(70 Local and International Awards): 16 mula sa 1998 Metro Manila Film Festival, 11 sa 199

FAMAS Awards, 6 sa 1999 Gawad Urian, 8 naman sa Star Awards for Movies at pasok din ito sa

Berlin International Film Festival noong 1998 at sa Toronto Film Festivals na nanalong

2nd runner-up sa Audienmce awards.

Ipinapakita rin dito na kahit hindi mo ibuwis ang iyong buhay para sa bayan, ay maaari pa

rin tayo na maging isang simpleng Jose Rizal na makakatulong sa ating bansa mula sa pagtulong

sa kapwa, pagpupulot at paglilinis ng basura sa kalsada, pagsunod sa batas at kahit sa simpleng

pagsusulat tungkol sa mga magagandang balita sa Pilipinas at ipinagmamalaki ang pagiging

isang Pilipino.

You might also like