Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Magkapitbahay Na Kambing At Kalabaw

Magkapitbahay ang kalabaw at ang kambing. Isang umaga ay nagpunta sa kapitbahay ang
kambing. "Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming bunga ng mais. Kumain ka ng kumain
ng sariwang damo, Kakain naman ako ng kakain ng mga murang mais ang sabi ng kambing sa
kalabaw."Oo ,tayo na," ang sabi ng kalabaw."Pero hindi ako marunong lumangoy. Dalhin mo ako sa likod
mo. "Ang wika ng kambing.

Sumakay nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa ilog hanggang sa kabilang
ibayo. Kumain sila ng kumain doon. Mabilis kumain ang kambing. Ang kalabaw naman ay hihinay-hinay
kumain.Madaling nabusog ang kambing. Ang kalabaw naman ay hindi pa nabubusog. Nainip na ang
kambing. Kaya nagyaya nang umuwi."Kapitbahay, gusto ko nang umuwi. Busog na akO," ang sabi ng
kambing."Mabuti ka pa busog na," ang sagot ng kalabaw. "Maghintay kana muna."Nayamot na ang
kambing. Inisip kung paano niya mapatitigil sa pagkain ang kalabaw,

Mayroon siyang naisib. Naglulundag ang kambing. Gumawa ito ng malaking ingay.Dahil sa ingay
na iyon ay narinig sila ng mga tao. Nagdatingan ang mga tao. Nakita nilang kumakain ang kalabaw.
Hinambalos nila nang hinambalos ang kalabaw."Ano, kapitbahay, gusto mo na bang umuwi? ang tanong
ng kambing sa kalabaw."Oo, tayo na nga. Sige, lundag nasa likod ko," ang sabi ng kalabaw, at lumakad
nang papunta sa ilog.Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, huminto ang kalabaw. Tinanong niya kung bakit
nag-ingay ang kambing."Ewan ko nga ba. Tuwing ako ay mabubusog, ay gawi ko na ang kumanta at
magsayaw," ang sagot ng kambing.Lumakad na rin sa tubig ang kalabaw. Walang anu-ano ay narating
nila ang malalim na bahagi ng ilog.

Muling hum into ang kalabaw."O. bakit kahuminto? ang tanong ng kambing."Alam mo kapag ako
ay nasa tubig, ay siyempre gusto kong gumulong-gulong sa tubig," ang sabi ng kalabaw."Aba, huwag!
Paano ako, mahuhulog ako sa tubig. Hindi naman ako marunong lumangoy," ang sigaw ng kambing."E
alam mo kapitbahay, naging bisyo ko na ang gumulong-gulong sa tubig," at sinabayan nga ng gulong sa
tubig.Bumagsak sa tubig ang kawawang kambing. Hindi ito marunong lumangoy. Nalunod ang kambing.

Bakit Laging Nag Aaway Ang Aso Pusa At Daga


Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan.
Ang daigdig ay napakapayapa at animo'y isang paraiso. Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting
magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa
kanikanilang mga suliranin. Subali't ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang pangyayari.

Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng kaniyang mga
kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain.
Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang
tingnan kung ligtas ang kaniyang amo.

Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala siyang nakuhang
pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at dinala sa bubungan ng bahay.

"Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at pusa." bulong ng
daga sa sarili.

Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana ang iniwang buto. Naghanap nang
naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang buto. Dumating ang pusa na wala ring dalang
pagkain. Tinulungan niya ang asc sa paghahanap ng buto. Nakarating sila sa itaas ng bahay hanggang
sa kinaroroonan ng daga. Nagulat ang aso at pusa. Akala nila ay sadyang kinuha ng daga ang buto para
masolo niya ito.

Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan ito. Nagpaliwanag ang daga nguni't hindi rin
siya pinakinggan ng pusa. Nag-away silang dalawa kaya't ang buto ay nalaglag. Nasalo ito ng aso at dali-
daling tumakbo hanggang sa likods ng bahay.

"Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila ditl. Siguro mamaya ay magkakasundo na rin sila at masaya
naming pagsasaluhan itong buto." bulong ng asong humihingal. Dahil sa pagod at matagal-tagal ding
paghihintay sa pagdating ng dalawang kaibigan, kinain na ng aso ang ikatlong bahagi ng buto. Itinira niya
ang parte ng daga at ng pusa.

Mainit pa ang ulo ng pusa dahil sagalit nang ito ay dumating sa kinaroroonan ng aso. Inabutan
niya ang aso na kumakai ng mag-isa. Bigla niyang inangilan ang aso. Nagkasagutan silang dalawa
hanggang sa sila ay magkasakitan ng katawan. Narinig ng may-ari ng bahay ang ingay na dulot ng pag-
aaway ng aso at pusa. Inawat silang dalawa at pinaghiwalay. Naghiwalay ang aso at pusa na kapwa may
tanim na galit sa isa't isa. Iyon na ang simula ng kanilang pagiging magkaaway.

Magmula noon, sa tuwing makikita ng asc ang pusa ay kinakahulan niya ito. Ang pusa naman ay
di padadaig, lagi siyang sumasagot at lumalaban sa aso. At sa tuwi namang makikita ng pusa ang daga
ay hinahabol niya ito. Dahil naman sa takot ang daga ay pumapasok sa isang maliit na lungga at
lumalabas lamang doon kapag wala na ang pusa.

You might also like