Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pagsasaling-Wika

Ayon kay Savory:


Sa Europa, ang kinikilalang unang tagasaling-wika ay si Andronicus, isang
Griyego. Isinalin niya nang patula sa Latin ang Odyssey ni Homer.
May isang pangkat ng mga iskolar sa Syria ang nakaabot ng Baghdad sa
pagsasalin sa Arabic ng mga isinulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at
marami pang ibang kilalang mga pantas.
Dakong ikalabindalawang siglo sinasabing nagsimula ang pagsasalin ng
Bibliya. Sa wikang Aleman, ang kinikilalang pinakamabuting salin ay ang kay Martin
Luther (1483-1646). Sa katotohanan ay dito nagsimulang makilala sa larangan ng
pandaigdig na panitikan ang bansang Alemanya.
Sa panahon ng unang Elizabeth nagsimula ang pagsasaling-wika sa Inglatera
samantalang ang pinakatuktok naman ng larangang ito ay sa panahon ng ikalawang
Elizabeth. Ang pambansang diwang nangingibabaw ng panahong iyon ay
pakikipagsapalaran at pananampalataya.

Mga Salin ng Bibliya:


1. Aramaic wika ng kauna-unahang teksto ng Matandang Tipan
2. Griyeyo salin ni Origen noong ikatlong siglo na nakilala sa Septuagint
3. Latin salin ni Jerome noong ikaapat na siglo

John Wycliffe kauna-unahang nagsalin ng Bibliya sa wikang Ingles noong ikalabing


apat
na siglo

Unang Yugto ng Kasiglahan:


Masasabing nagsimulang magkaanyo ang pagsasaling-wika sa Pilipinas noong
Panahon ng Kastila kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristyanismo. Subalit gaya ng
nasasaad sa kasaysayan, naging bantilaw o urong-sulong ang naging sistema ng
pagpapalaganap ng wikang Kastila sapagkat hindi naging konsistent ang
Pamahalaang Espanya sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Indios na kanilang
nasakop. Sa halip, lumaganap ang Kristyanismo sa masang Pilipino sa pamamagitan
ng kanilang mga katutubong wika.

Ikalawang Yugto ng Kasiglahan:


Nagtuluy-tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga pyesang orihinal na nasusulat
sa wikang Kastila, kaalinsabay ng mga pagsasalin sa wikang pambansa ng mga
nasusulat sa Ingles. Karamihan sa mga isinaling dula ay itinanghal sa mga teatro na
siyang pinakapopular na libangan ng mga tao sapagkat wala pa nooong sinehan o
televisyon. Mapapansin din ang dami ng mga salin sa ibat ibang genre ng panitikan
sapagkat sa Panahon ng Amerikano nagsimulang makapasok sa Pilipinas nang
maramihan ang mga iyon mula sa Kanluran.

Ikatlong Yugto ng Kasiglahan


Ito ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa
Ingles, tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa kaugnay ng
pagpapatupad sa Patakarang Bilinggwal sa ating sistema ng edukasyon. Kaugnay ng
nasabing kautusan, mas marami ang kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles.

Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan


Sa panahong ito, isinalin ang mga katutubong panitikang di Tagalog.
Kailangang-kailangang isagawa ang ganito kung talagang hangad nating makabuo ng
panitikang talagang matatawag na pambansa.
Mabanaggit ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na isinagawa
ng LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary
Language Teacher Education ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong na pinansyal ng
Ford Foundation. Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at
Pagsasalin.

Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga


pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wikain ng bansa: Cebuano,
Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte Pampango, Pangasinan. Pinagdala sila ng
mga piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang vernakular upang magamit sa
ikalawang bahagi ng proyekato.
Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong workshop-
seminar na nilahukan ng mga piling tagapagsalin na ang karamihan ay mga
edukador na kumakatawan sa nabanggit na pitong vernakular ng bansa. Nagkaroon
pa rin ng mga pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature, Muslim at iba pang
panitikan ng mga minor na wikanin ng bnasa.

Ikalimang Yugto ng Kasiglahan


Pinondohan ng Toyota Foundation ang isang proyekto hinggil sa pagsasalin ng
mga piling panitikan ng ating mga kalapit-bansa. Ang nasabing Translation Project
ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng Solidarity Foundation.
Sa larangan ng drama, patuloy pa rin ang pagsasalin ng mga banyagang
akda. Sina Rolando Tinio at Behn Cervantes at ibang kilalang mandudula ng bansa
ang nagsipanguna sa ganitong uri ng pagsasaling-wika.
Sa pagsasaling-wika sa Pilipinas, ang tanggapang maituturing na nangunguna
at kinikilala sa larangang ito ay ang Komisyong sa Wikang Filipino na sadyang itinatag
ng pamahalaan upang siyang mangalaga sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng
wikang pambansa.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagpagsaling-Wika (Nida at


Savory)
Tungkulin ng isang tagapagsaling-wika ang mailipat niya sa wikang kanyang
pagsasalinan ang diwang ipinahahayag sa wikang isinasalin. At upang maging
maayos ang kanyang pagsasalin, dapat din niyang unawain hindi lamang ang
nakikitang nilalaman ng paksa kundi gayundin ang natatagong kahulugan nito, ang
mga emosyong napapaloob sa mga salita at ang estilo na siyang nagbigay-kulay at
ganda sa diwang nais ipahayag ng awtor.

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin


Ayon kay Nida, ang katangiang ito ang first and foremost requirement of any
translator. Tungkol sa wikang isasalin, hindi raw sapat na nakukuha niya ang
general drift ng kahulugan ng kanyang isinasalin o kayay mahusay siyang
kumonsulta sa diskyonaryo. Kailangang maunawaan din niya ang maliliit na
himaymay ng kahulugan, ang bahagyang pandamdaming taglay ng mga salita, at
ang ginamit na estilo na siyang bumuo ng flavor and feel of the message.

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa


pagsasalin
Ito ay tumutukoy sa kaalaman sa kakanyahan ng dalawang wikang kasangkot
sa pagsasalin. Kailangang maunawaan ng tagapagsalin, halimbawa, ang pagkakaiba
sa balangkas ng Ingles at Filipino. Iba ang balangkas ng pangungusap, sistema ng
paglalapi at pagbuo ng mga parirala na hindi maaaring ilipat sa Filipino. Ang
kaalamang ito ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri o pagbatid sa
tunay na diwang nais ipahatid ng awtor, gayondin sa wastong paggamit ng mga
salita, wastong pagbubuo, pagsusunud-sunod atbp.

3. Sapat na kakakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag


Ang ginamit na parirala ni Nida rito ay capacity for literary expression.
Magkaiba ang kakayahan sa wikang pampanitikan kaysa karaniwang kakayahan sa
paggamit ng wika. Kung ang isasalin ay tula, higit n mabuting ang maging
tagapagsalin nito ay isa ring makata sapagkat iba ang hagod ng makata. Iba ang
kanyang paraan ng paghahanay at pagpili ng mga salita.

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin


Ang isang guro, halimbawa, na hindi nagtuturo ng biology ay hindi magiging
kasinghusay na tagapagsalin ng gurong nagtuturo nito. Nakalalamang ang
tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit na
nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa


pagsasalin
Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit
nito. Ang Ingles ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng
kanilang kultura; ang wikang Filipino ay gayundin sa pagpapahayag ng kulturang
Pilipino. At gaya ng alam natin, ang Amerika at Pilipinas ay dalawang bansang
lubhang malaki ang pagkakaiba sa kultura.
Sa gayon, masasabi nating walang wikang higit na mabisa kaysa ibang wika.
Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa
pagpapahayag ng sariling kulturang kinabubuhulan nito.

Definisyon:
Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin.

Dahilan Kung Bakit Mahirap Magsalin ng Tula


Sinasabing mas mahirap magsalin ng mga tekstong di-teknikal sa teknikal. Sa
mga tekstong teknikal, kapag nauunawaan ng tagapagsalin ang nilalaman ng
kanyang isinasalin, ang problema lamang niya ay ang mga katawagan o
terminolohiyang gagamitin. At ito namay problemang napakadaling lutasin sapagkat
maaari naman niyang hiramin sa isinasaling teksto ang mga katawagang gagamitin
sa kanyang salin.
Samantala, nainiwala ang teorista at praktisyuner na higit na mahirap ang
pagsasalin ng tula sapagkat:
1. mas mahirap unawain ang diwang ipinahahatid ng makata
2. gumagamit ang mga makata ng tayutay
3. kailangang pangalagaan ang estilo ng awtor lalo na kung kumbensyunal ang
pagkasulat nito
4. magkaibang kultura ng orihinal na sumulat at ng tagapagsalin
5. panahon ng pagkasulat

Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsasalin


1. Basahin muna nang buo ang isasalin upang maunawaan ang pangkalahatang
diwang
napapaloob dito bago magsimula sa pagsasalin.
* Magtala ng mga salitang naiisip mong mahirap tumbasan sa pagsasalinang
wika.

2. Isagawa ang unag burador ng salin


*Alalahaning isalin ang diwa hindi lang ang mga salita.

3. Iedit o pakinisin ang salin.


* Hayaang dumaan ang salin sa refrigeration.
a. kayarian ng pangungusap
b. pagkakaltas ng mga salita o pangungusap na borkloloy lamang
c. pangungusap na malabo ang diwang pahatid
d. salitang hindi angkop sa sa antas na pinag-uukulan ng salin
e. gamit ng mga salita/ispeling
f. mga pang-uganay

*mula sa aklat na Pagsasaling-Wika ni Alfonso O. Santiago

You might also like