Professional Documents
Culture Documents
Odiongan 2
Odiongan 2
Odiongan 2
REAKSYONG PAPEL
Daluyong
LAZARO FRANCISCO
Isinumite ni:
Odiongan, John Philip
CHS David
Isinumite kay:
Maam Melisa Cabasi
I.BUOD
Nang umagang iyon ng Mayo 21,1955 habang nakaupo sa isang kareta sa ilalim ng punong kawayan
ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na hinuhulugan niya taun-taon. Balo na siya at
naisip na ipamana niya ito sa kanyang anak na si Ernesto. Batid niya na napakalaki ng utang na loob
sa mga taong tumulong sa kanya (Padre Amando, Ms. Sachez at Koronel Roda). Naisip niya na
anyong siya ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na paibigin si Ms. Sachez kahit batid niyang huli
ay may pagtingin sa kanya.
Malapit sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na nililigawan ni Bidong.
Ayaw ng mga magulang nito sa huli sa kadahilanang ito ay mahirap at sa masamang pagkakakilala
rito.
Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sachez ay kanyang nasalubong ang kanyang
kaibigan si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino na nais ni Don Tito na gawin
siyang katiwala ng kanyang asyenda. Maruhat at pinuno ng mga bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na
anak nito. Tinutulan ito ni Lino dahil sa nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga
balak ni Padre Amando.
Pagkatapos nito, ay dumalas ang dalaw ni Lino rito. At sa bawat pagdalaw ng una ay
unti-unti naming naipagtatapat ang kanyang nakaraan. Tinanggap naman ito ni Lino ngunit ang babae
na rin ang nagsabing binibigyan niya ito ng hanggang Agosto 20 upang magbago ito ng pasya.
Samantala, parang nagpipiyesta ang mga tao sa pnyahan nang palagdain sila ni Padre
Amando sa kasunduan sa Pamumuwisan na simula ng pagbuwag ng tenancy system. Ang bagay na ito
ay lubos na nakaligalig kay Don Tito.
Sa minsang pagdalaw ni Lin okay Didang ay iniwanan niya si Bidong ng baril at sinabing
maging handa. Pagbalik niya ay hindi niya ito dinatnan dahil ito pala ay nangharang ng bus ang
nakuhang salapi ay ipinamigay sa mga dukha ng Maruhat. Hinangad ni Lino na ito ay pagtakpan.
Sa kabilang dako, sa hangad na mapaglubag ang loob ni Don Tito at ang anak nito ay
ibinigay niya si Bidong bilang kapalit nbiya sa pagiging bodyguard. Nalalapit na noon ang Linggo ng
Wika at naghahanda ng palatuntunan si Ms. Sachez. Pinadalhan ni Ms. Sanchez ng paanyayahan si
Lino sapagkat mananalumpati ang kanyang anak na si Ernesto. Ngunit nakatanggap ito ng balita sa
kanyang kaibigang si Albino na nanganganib ang buhay ni Bidong.
Hindi nakadalo si Lino sa palatuntunan. Sa halip hinanap niya si Bidong na tumakas sa
asyenda ni Don Tito. At nakita buya ang pagtugis at pagpatay rito. Ang bangkay ni Bidong ay dinala
ni Lino sa simbahan at pinagpayuhan siya ni Padre Amando na huwag maghiganti.
Si Ms. Sanchez naman ay palubha ng palubha dahil sa hindi niya pagkita kay Lino. Dahil
dito, hiniling ni Padre Amando na hanapin si Lino at bago mamatay si Ms. Sachez ay kanyang
nasilayan si Lino.
II.May Akda
Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay pang-apat na anak ni Eulogio
Francisco at Clara Angles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi
sa Nueva Ecija. Siya ngayon ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino.
Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Ilan sa mga
isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng
Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at
ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman niya ang
panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang
pambihirang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino.
V.Mensahe
Ang mensahe ng nobelang ito ay ang tungkol sa ating lipunan ngayon dahil talamak na ang
paninilbihan ng mga mahihirap sa mga mayayaman, ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito
naman ay sinasamantala ng mga ganid na tao
Sa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng mga asyendero sa mga magsasaka na kung
ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga taong tumutulong upang maging maunlad ang kanilang
asyenda. Bagkus, dapat pa nilang turuan at tulungan ang mga ito
Hindi tamang sabihin o gawin na para makabayad ng utang na loob ay kailangan mong
magsakripisyo ng iyong sarili o damdamin. Sa kalagayan ni Lino, kanyang isinasantabi ang kanyang
naramdaman para lamang pagbigyan si Koronel Roda.
VI. Repleksyon
Gustong-gusto ko ang kuwento dahil ito ay napapanahon at mukhang makatotohanan ang mga
kuwento niya. Hindi ko makalimutan ang mga pangyayari dahil inuulit ng may-akda ang ilang tagpo
nang sa gayoy ang ilang pangyayaring maaaring malimutan o makaligtaan ay maaalala pa rin ng mga
mambabasa at ito rin ang nagustuhan ko sa nobela.
Napakabuti ng aklat na ito sa ating lahat. Dahil dito malalaman natin ang samotsaring
mga problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kong paano ito
lulusutan. Ang problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng
tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang kahirapan para maiahon ang sarili sa
kahirapan. Ang pag-ibig ang nag-uugnay sa dalawang taong nagmamahalan. Walang lihim na hindi
nabubunyag. Habang may Buhay ay may Pag-asa.