Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pananaliksik ukol sa Pagdami ng mga Oversease Filipino Workers

Isang Konseptong papel na Inihaharap sa Guro ng Asignaturang

Filipino

College of San Benildo-Rizal

Bilang Bahagi ng Katuparan ng mga Gawaing Kailangan sa Pagbasa

at Pagsusuri ng ibat ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Inihanda ni:

GLAIZA JOAN V. CRUZ

ABM-A

Pebrero, 2017
Rasyunal

Sa mundo nating ginagalawan, madami nang nagbago at patuloy na

nagbabago. Kasabay ng pagunlad ng ibat ibang mga bansa ay ang mabilis

na pag impluwensya ng teknolohiya sa mga taong tulad natin. Kasama din

dito ang pagunlad ng ekonomiya ng bawat bansa sa mundo. Bunga nito ay

ang malaking oppurtunidad pagdating sa paghanap ng trabaho para sa mga

naghahanap nito. Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging masipag pagdating

sa pag hanap buhay para sa kani-kanilang pamilya. Gagawin ng mga

magulang ang lahat upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang

kanilang mga anak. Dulot nito, may mga Pinoy na kahit may trabaho na dito

sa Pilipinas ay hindi padin sapat ang kanilang kinikita. Kung kayat

nakikipagsapalaran ang ibang Pinoy na magtrabaho sa ibang bansa, sa

paniniwalang mas malaki ang kanilang magiging sahod at makapagbibigay

ng magandang kinabukasan sa kanilang mga anak.

Layunin

Ang pangkahalatang layunin ng pag-aaral na ito ay maipakita nag ibat

ibang rason kung bakit mas pinipili ng ibang Pilipino ang maging OFW. Kung

hindi man lahat ng rason, maipakita lamang ang mga kadalasan na rason

kung bakit mas pinipili ng ibang Pilipino na maging isang OFW. Layunin na

maipakita sa maayos na paraan ang mga rason kung bakit mas pinipili ng

ibang Pilipino ang maging OFW. Ito ay di lang para sa mga OFW kung di para

din sa kamulatan ng isip ng mga mag-aaral. Panghuli, layunin nito na


makapagbigay impormasyon sa mga taong nais na lumawak ang kaalaman

ukol sa nasabing pag-aaral.

Metodolohiya

Ang pinanggalingan ng pag-aaral na ito ay batay sa naging obserbasyon

ng mananaliksik. Naisip ng mananaliksik na maaaring patuloy na tumaas ang

bilang ng mga Pinoy na OFW dahil sa globalisasyon. Tulad ng sinabi sa

panimula, ang teknolohiya ay isang naging malaking tulong na pagdating sa

ibat ibang aspeto ng ating pamumuhay.Ang paksang ito ay mahalaga at

makatutulong sa iba pang nais na saliksikin ang tulad ng paksang ito.

Mahalaga din ang pagaaral na ito dahil ang mga OFW ay nakakapagbigay

kontribusyon din sa ekonomiya ng ating bansa. Sila ay dapat nating ikatuwa

at ipagmalaki dahil naipapakita nila ang kakayahan ng mga Pilipino na

maipakita ang kanilang kakayahan sa ibang bansa.

Sinasabi na ang mga OFW o Overseas Filipino Workers ay matapang

na nakikipagsapalaran sa ibang bansa kahit walang kasiguruhan, mabigyan

lang ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Ang mga OFW ang

mga Pilipinong pinipili na magtrabaho o maghanap buhay sa ibang bansa.

Mahabang proseso ang kinakailangan upang maging isang ganap na OFW

dahil mdami ang hinihingi na requirements upang makapasa sa inaaplyan


na trabaho sa bansang nais ng isang tao na pagtrabahuhan. Sakripisyo nga

kung ituring ang ginagawa nila dahil sila ay nawawalay sa kanilang mga

pamilya sa mahabang panahon. Dahil din sa mataas na pangarap ng mga

Pilipino, madami ay pinipili na magibang bansa na lang dahil doon mayroon

nung kanilang natapos na kurso noong kolehiyo. (leadershipnetwork.com)

Mayroon na mga trabaho tulad ng pagiging doctor dito sa Pilipinas ay

pagdating sa ibang bansa ay ikaw ay isang nurse. Malaki ang naging agwat

nito dulot na din ng kulang na taon ng pag-aaral kung kayat naisabatas ang

K-12 kung saan may dagdag na dalawang taon sa mataas na paaralan na

magiging oras sa preperasyon para sa mga studyante bago sumabak sa

kolehiyo.

Mayroong 12 na milyong Pilipino ang nagtratrabaho bilang OFW sa ibat

ibang bahagi ng mundo. (jhojovillas.com) Ngunit nabanggit din, na hindi

lahat ng mga Pilipinong OFW ay gumiginhawa ang buhay, ayon kay Jhojo

Villas. Ayon sakanya, may mga Pilipino na hindi marunong magisip ng wasto

ukol sa kung paano magbudyet ng kanilang natatanggap na sahod sa

pagtratrabaho. Sa kabila nito, madami padin ang mga Pilipino na

gumiginhawa ang buhay matapos maging isang OFW.

Isa sa mga maraming dahilan kung bakit mas pinipili ng mga Pilipino

ang maging OFW ay ang paniniwalang mas malaki ang sahod sa ibang

bansa. Mayroong mga posisyon sa trabaho na inaalok dito sa Pilipinas na

may mas mababang sahod kumpara sa alok ng parehong trabaho sa ibang


bansa. Kasunod ay ang pagkaroon ng mas mataas na Potential Benefits

galing sa pinagtratrabahuhan na kumpanya. (sikretosanegosyo.com) Isa din

sa mga rason ay tinatanggap ng ibang bansa ang kahit sino man sa kahit

anong edad. May mga trabaho kasi dito sa Pilipinas na namimili ng tao batay

sa edad sa paniniwalang hindi na nila kaya ang trabaho. Meron ding mga

trabaho dito sa Pilipinas na nangangailangan ng magandang personalidad

upang pumasa. Mayroong mga Pilipino na hindi natatanggap sa trabaho

dahil sa sinusunod na pamantayan. Isa pa sa mga maaaring rason ay

pwedeng mayroong kamag-anak ang isang Pilipino na nais mag-OFW sa

bansang nais puntahan.

Pagdating sa pagkuha ng datos para sa pag-aaral na ito, ang mga

impormasyon na makukuha ay galing sa internet, ibat ibang artikulo, at

galing sa mga pahayagan. Kung papalarin, maaari din magkaroon ng sarbey

sa mga magulang ng mga mag-aaral na nag-aaral sa College of San Benildo

Rizal na OFW ukol sa nasabing pag-aaaral. Pagkatapos makakalap ng

impormasyon, agad itong susuriin at bibigyang interpretasyon. Ang mga

artikulo galing sa internet at pahayagan ay babasahin ng mananaliksik at

isasama sa pagaaral. Mula sa mga impormasyon at datos, masasagot ang

mga katanungan ng mananaliksik na naghudyat para saliksikin ang paksang

ito.
Inaasahang Awtput

Inaasahang magiging matagumpay ang pag-aaral na ito. Ang

mananaliksik ay nagbuhos ng oras at pagpapakahirap upang mabuo at

matapos ang pagaaral na isinagawa. Ang pag-aaral na ito ay magiging isang

malaking tulong sa mga susunod pa na pagsaliksik ng mga susunod na

henerasyon ng mga mananaliksik.

TALASANGGUNIAN

- Vizarra, Patrica. Patuloy na Pagdami ng mga OFW Pebrero 2014


- Villas, Jhojo. 7 Dahilan Kung Bakit Marami Pa Ring Pamilyang OFW

ang Naghihirap Marso 2015


- Anna. Ang Edad ng Globalization at Ang Modernong OFW Marso

2014

You might also like