Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

THE DENTURE

The not so thriller movie of 2017.


----------------------------------------------------------------------------------
POV Introduction (Kyle, Janel)
Sky, buildings habang nagflaflash ung names, production blahblah

1st scene
Setting 1: kyles place
Kyle nagsisintas ( zoom out pero di halata ung mukha)
Nagjojogging... nakaligo na...
Nagbibihis, nagbubutones, view hanggang baba lang muna.
(Janela and Jianne)

Setting 2: Janelas place (dorm)


Nagsasalamin, (baba ung unang view) (isisingit ung pagsakay ng car ni kyle)
( then zoom out naglalagay na ng lip tint janella)
Bababa ng hagdan
Jianne: so magaapply ka na talaga? (Habang nagsasapatos si janela)
Janela: Oo sayang yun e tska para makaipon narin agad.
Jianne: Bat ba kasi kailangan mo pa magtrabaho? Pwede ko namang sabihin kay
mama na pahiramin ka muna.
Janela: Hayy nako mahirap magkautang no tska mahirap na aasa ako sayo, sainyo.E
ikaw na nga nagbabayad ng rent dito oh. Gragraduate na din naman si ate kaya
makakaluwag narin siguro kami next year. Alis na ko.
Jianne: hoy kumain ka muna (Janela nasa may pinto na, babalik kukuha ng tinapay)
Jianne: Sayang kaya ung isang sem, bayaran mo na lang next year okay lang.
Janela: Ay yang kulit, pero sige kapag di ako natanggap pagisipan ko.

Setting 3: lrt station PLEASE IPUSH TO


(Janela papasok ng pinto ng lrt)
(Papasok ung scene na nagdridrive si kyle pero baba parin kita)
(Pababa na ng lrt si janela)
(Kyle pababa narin ng car)

setting 4: elevator SAN MAY ELEVATOR?????


Nasa loob na ng elevator si kyle papuntang psychologist niya ng biglang may
papasok ibang tao di si janela...
Pero si janela mageelevator rin papuntang clinic naman (kunwari siya ung
nagiinterrupt nung elevator sa scene ni kyle)
(Kunwari iisang elevator pero hindi magkaiba sila)

JANELA

2nd scene
Setting: dental clinic

Camera maraming tao naglalakad sa loob pupunta si janela naghahanap ng


pwedeng kausapin.
Judie: Hi may I help you?
Janela: Ahh hello, magaapply sana ako ng dental assistant. Open pa ba?
Judie: Ahh oo, open pa siya tara samahan kita sa head namin. Off kasi ni doc kyle
usually kasi kapag dental assistant nya siya nagiinterview e since wala siya ang
swerte mo.
Janela: swerte? Bakit? Masungit ba?
Judie: E for sure matatanggap ka, if dental student madalas naaapprove agad dito
kasi may experience na. E kapag kay doc kyle maraming ayaw yon, mapili siya.
(Judie kakatok sa office ni Bim)
Judie: Doc applying for dental assistant po. (Ibibigay yung resume)
Bim: Thank you Judie, umupo ka iha. (sabaytingin sa folder ni janela)
Bim: Oh nagstop ka? Sayang naman iha 2 years nalang graduating ka na sana. May
I know why?
Janela: Ay doc, 2 pa po kasi sa college. Yung ate ko po graduating na ngayon, siya
po muna. Mommy ko na lang din po kasi nagtratrabaho samin.
Bim: Oh so temporary ka lang dito? Hinahanap kasi naming yung willing magstay, e
kung iiwan mo din naman kami sayang, maghahanap na naman kami ng bago.
Janela: Doc sige nap o sobrang kailangan ko po to, sana po pagbigyan nyo ko.
Bim: Haayy sige. Alam ko naman na sobrang hirap talaga ng dentistry at sobrang
gastos. You will start tomorrow, kunin mo na lang kay Judie yung schedule mo and
she will tour you sa buong building para mafamiliarize ka na.
Janela: Thank you doc, sobrang laking tulong po nito sakin.
(Lalabas na sila ng pinto makakasalubong nila si Jemar)
Jemar: Oh judie sino yang kasam mo? Patient ba natin yan?
Judie: Ay hindi doc, siya ung bagong assistant ni dr. perang sinamahan ko lang kay
doc Bianca.
Janela: Hi doc, Janela po nice meeting you po.
Jemar: Nice meeting you too, buti naman at may nakuha ng assistant kay Kyle,
kawawa naman kasi si Judie imbis na sakin lang minsan inaagaw pa sakin ni kyle.
(sabay tawa)
(Judie magmamake face)
Judie: hahaaha sige po doc, una na po kami ibibigay ko pa ung schedule ni Janela,
tska itotour ko na rin siya ditto sa building.
Jemar: O sige bilisan mo ha, maraming patient na naghihintay sunod ka na agad sa
clinic ko
Judie: Opo doc,
Janela: sige po doc, see you around po.
#(Jemar tatango at magsmile lang)
(Judie and Janela lakad lang)
JUDIE: Eto na ung clinic ni doc kyle. Kakatok ka muna kapag may kailangan o may
pasyente ha, wag pinakekealaman gamit nya hanggat di nysa sabihin sayo. Tska un
nga wednesday off nya. Gusto non malinis gumawa, ayaw ng tanong ng tanong.
Janela: Sobrnag sungit ba niya at walang nakakatagal sa kanyang dental assistant?
Nilalayasan siya ganon?
Judie: Uy hindi naman, bigla na lang di pumasok ung dati e. Ewan ba namin don
hindi naman un napagalitan yun or ano. Ni hindi nga nagsabi na aalis na siya. Dito
yung lab, dito mo ipapadala ung mga for denture procedures o kaya yung iba pang
ipapagawa sayo. Wala ngayon si Hans e siya yung dental technician natin makikita
mo rin bukas yun.
(si jemar hinahanap si Judie)
Jemar: Ayun Judie I need you, may patient.
Judie: Okay doc, wait lang ha if you want libot ka lang tulungan ko lang si doc.
(Jemar and Judie gagawin ung STEP 1 TO 2 OD UP TO PRELIMINARY
IMPRESSION)
(judie papuntang lab sabay hinahanap din si janela gagawa na ungg STEP 3
STUDY CAST
Janela: Nandito ka na pala, okay na alam ko na naman ung pasikot sikot dito hindi
na siguro ako malilito. Thank you ha, see you tomorrow!
Judie: Sure sure ingat!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------
3rd scene

Lindsay and kyle


Sa office ng psychiatrist
(nagsusulat yung start nito)
Lindsay: Do you think its just a dream or it really happened?
(ipapakita lang ung kamay ni kyle)(ung kamay na parang di mapakali
(zoom out kay kyle )
Lindsay: can you tell me again your childhood?
Kyle: I dont have any friendsa and I dont remember any happy memories when I
was a child.
Lindsay: You told me that your mom left u when ur 7, and ur dad died just 3 years
ago.
Kyle: Tatango
Lindsay: What about this girl? Whats her name again?
Kyle: aprille. Shes my girlfriend.
Lindsay: Can you tell something about her?
(flash back nung college sila kung pano nagkakilala)
Kyle: I met her in dent school. Were classmates, best friends and yeah we fell
inlove. Were so happy, we help each other, we care for each other. Shes the one of
the reason why I became the cum laude and become top 2 in board exam. And
yeah bigla na lang nagbago lahat
Lindsay: did you broke up?
Kyle: tatango she cheated on me..
Lindsay: what did she do?
(papakita dito ung cheating scene ni aprille and Jonas)
Lindsay: What did you do to her?
Kyle: nothing, we dont talk anymore
Lindsay: but youre aware that shes missing right? Do you know anything about it?
Where did she go?
(tahimik na tatayo si kyle palabas ng room)
sabay tayo si lindsay
Lindsay: Kyle, please help yourself take your medication regularly.
4th scene
Setting kyles condo
Ipapakita yung mga diploma nya dun sa room niya habang nagpapalit siya ng damit
Tapos hihiga siya ng kama nakatitig sa kisame ng matagal nakafocus sakanya ung
camera tapos makakatulog
(mapapaginipan nya si aprille umiiyak tinatawag siya)
Then magigising siya na parang kapos sa hininga.
(camera focus sa mata ung biglang dilat)
(si kyle uupo sa kama ung parang mapapaisip, then puntang banyo naghihilamos
Camera angle e sa likod nya pero may mirror kaya nakikita ung mukha niya
naghihilamos at parang may iniisip nga.
Tapos iinom siya ng gamot bago umalis ng condo
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------
5TH scene
DENTAL CLINIC
Si kyle kunwari nakalabas na ng elevator
2 chismosang patient, ang babati sakanya sa reception area
Liezel and Lhay: Good morning doc!
Kyle: Good morning!
Liezel: Ang gwapo talaga ni doc no?
Lhay: Oo nga e, sobrang gwapo, at alam ko cum laude pa yan noong grumaduate.
Liezel: Totoo ba? Matalino pa pala. May girlfriend kaya siya?
Lhay: Balita ko may girlfriend siya.. dati!! Kaya lang iniwan siya. May iba raw
ung babae tapos ayun hindi na nagpakita.
Liezel: Grabe nakakaawa naman pala si doc akalain mong iiwanan pa ng babae yan.
(papasok sila bim at janela papunta kay kyle)
(sa may pintuan)
Bim: Oh ano ready ka na bas a first day mo?
Janela: Ngingiti, aba opo doc super pinaghandaan kop o to.
(Kakatok ng pinto si bim)
Kyle: Come in!
Bim: Good morning. Doctor perang, (abot kamay shake hands)
Kyle: Good morning too doc! Whos the girl besides you?
Bim: Oo nga pala, this is Janela ur new assistant.
Janela: Hello po doc, (iaabot ung kamay ni janela kay kyle)
Kyle: (titingnan nya lang yung kamay) nice meeting you Janela.
(tapos nung hindi inabot ni kyle ung kamay nya si janela naawkwardan ung itsura
nya e ung parang AH EH PANO BA GAGAWIN KO lalayo nya bigla ung kamay niya)
Bim: O pano, iwan ko na kayo ha kyle ikaw na bahala dito ha, eto ung file niya if
ever may gusto ka pang malaman sakanya, pero sa tingin ko naman wala kang
magiging problema dahil dental student siya.
Kyle: okay doc thank you see you around.
Janela: Thank you doc (kay bim) (alis na rin si bim)
Kyle maglalakad sa harap ng table sasandal don habang binabasa ung file ni Janela
(tapos si janela hindi alam ung gagawin so parang di siya mapakali)
Kyle: Okay ka lang ba? Gusto mo ban g tubig o ano bat namumutla ka ata?
Janela: Ahhh e doc wala po, baka po may gusto pa po kayong malaman about
sakin? O baka po may mga ibibilin po kayo?
Kyle: Just follow what I want and for sure alam mon a naman mga gagawin mo as
my assistant at bilang dental student hindi ka na dapat turuan. Tama ba? Kapag
walang pasyente you can do what ever you want, just be here whenever I need you.
Janela: Okay po doc copy po. E doc ano pa po? Wala na po ba?
Kyle: Just Close the door.
Janela: Doc, po? Bakit po? Ano pong gagawin natin?
Kyle: Close the door when you leave!
Janela sa labas ng pinto: Ayy ano bay an. Porket gwapo natutulala ka. Sabay sampal
sa sarili.
Jemar mapapadaan
Jemar: Huy okay ka lang?
Janela: Ahh e opo doc.
(Sabay sila maglalakad)
(si kyle sa loob tinitingnan ung picture nila ni aprille)
(maaalala nya uli ung college days nila papasok ditto ung paggawa ng INDIVIDUAL
TRAY AND BORDER MOLDING STEPS 4-5)
may patient na sa labas.
Janela: Hello po maam, ano pong name?
Lhay: Lhay alfonso, ung magpapaextract
Janela: Okay po maam, tara po nasa loob si doc.
(maglalakad sila papunta sa room ni kyle)
Janela kakatok: Doc may patient, si ms, lhay po for tooth extraction
Kyle: Okay iready mo na ung mga materials.
Janela: Ms. lhay upo na po kayo, ichecheck po kayo ni doc.
lhay: Ang gwapo talaga ng dentist nyo dito.
(janela matatawa at tatango nalang)
Kyle: Okay janela you can leave us, kaya ko naman to magisa.
(janela lalabas mapapakamot ng ulo)
Kyle: Open your mouth.
(gagawin ung procedure biglang maaalala ni kyle ung bata siya ung tinutukso tukso
siya)
Lhay: doc doc! Okay ka lang ba? Doc! Aalis na lang po ako..
(magflaflashback ung sa car sila ni aprille pero putol putol lang hind lahat)
Baballik sa present
Si lhay tumakbo palabas, hahabulin dapat ni kyle kaso nagmamadaling tumatakbo
si janela
Janela: Maam okay lang ba kayo bakit po? Maaam! (pahabol at pasigaw nyang sabi.
Si kyle nilock ung pinto at nagmamadaling kunin ung gamot sa bag nya. (uminom)
Janela: kumakatok. doc! Doc! Okay lang ba kayo? Bat po umalis ung pasyente?
Anong nangyari?
Kyle nagayos muna ng sarili: Biglang sumakit ung ulo ko, nasigawan ko siya.
Janela: ano po? Okay nap o ba kayo? Kuha ko lang po kayo ng gamut.
Kyle: Hindi Im okay, uminom na ko. Pasensya na, just go.
Lumabas si janela susundan lang ng camera.
Tapos ung camera magstop dun sa door na nandon sila Jemar at Judie
Ginagawa nila ung FINAL IMPRESSION STEP 6
Pero ung start ng camera e ung kamay ni Jemar na hawak hawak ung tray na may
final impression na
Jemar: Okay na po ung impression maam, dadalhin lang po sa lab ng assistant ko.
Judie: If you want maam you can take ur lunch while waiting po
Jemar: Sige Judie dalhin mo na sa lab, maraming patients ngayon para masimulan
na nila.
(judie labas ng door papunta kila hans and jas)
Judie: Haay, nakakapagod ngayon no?Ang daming patients.
Jasmin: Sinabi mo pa, ang dami nga naming gawa ngayon.
Hans: Oh judie, for boxing na ba yan? Akin na.
(STEP 7 BOXING)
Judie: Thank you
Jasmin: Kumusta pala ung bagong assistant?
Hans: Mukhang okay naman kasi wala pa naman akong naririnig na umiiyak.
(tawanan sila)
Judie: Okay naman siya, feeling ko magtatagal nay an magkasundo naman ata sila
ni doc perang
Jasmin: Sana nga, pangilang beses nap alit na yan ng assistant e. Halos hindi nga
natin nakikilala ung iba dahil paiba iba.
Hans: E pano mga sensitive masigawan lang aayaw na sila.
Jasmin: Pero si Marinell, akala ko magtatagal nay un ditto bat ba bigla na lang di
pumasok yon.
(STEP 8 MASTER CAST)
Judie while mixing dental stone ibibigay kay hans
Judie: E hindi ko nga rin alam, wala na lang paramdam hindi rin naman nagbigay ng
resignation letter yun
Hans: Baka naman umuwi na ng probinsya matagal na nung balak umuwi diba.
Jasmin: Di ba last time sinundo un ng boyfriend nya baka nakipagtanan na.
Judie: Haay nako hayaan na natin, pagdasal na lang natin na nasa maayos siyang
kalagayan.
6TH scene
Sa labas kahit anong labas, may nagpopost ng missing person. (missing person si
marinell siya ung dating dental assistant)
Si airel and mm sa ibat ibang part pinopost nila yung iba pinamimigay then
pupunta silang dental clinic
Airel: Good morning po
Janela: Good morning maam, any appointment po?
Mm: Ay wala magtatanong lang sana kami if may balita kayo kay Marinell?
Janela: Marinell po? Sorry po hindi ko po kasi siya kilala bago lang ako ditto
Airel: Dental assistant siya dito, ilang lingo narin kasi siyang nawawala e.
Janela: Nawawala po? (makikita nya si Judie naglalakad) Judie! Hinahanap nila si
Marinell
Judie: Marinell? Yung assistant ba ni doctor perang? Bakit? Hindi na siya pumapasok
ditto e
Mm: Talaga ba? Hala, anon a bang nangyari don? Hindi narin siya umuuwi sa
apartment naming. Magiilang linggo na.
Airel: Wala ba siyang nasasabi sainyo kung san siya pumunta?
Judie: Wala e, hindi kaya umuwi na siyang probinsya?
MM: probinsya? E kakatawag lang ng magulang niya samin, tinatanong nga kung
uuwi daw ba siya ng bicol.
Janela: Hala, baka naman tumuloy saibang kamaganak, nawalan siguro ng
cellphone kaya hindi nakakatawag.
Airel: Sana nga po ganon na lang, pero eto poi wan narin po naming ung number
naming sainyo baka po maisipang tawagan kayo o bumalik ditto.
Mm: Salamat po mauna na kami.
Judie: O sige salamat balitaan naming kayo agad.
(Judie nagtataka)
Judie: nawawala si marinell? Tama ba yung narinig ko?
Janela: Oo judie, wala ka bang alam na pwede nya pang puntahan?
Judie: wala na, hindi naman din palakwento un pero ang alam ko lang talaga uwing
uwi ng probinsya yon.
Janela: hindi na talaga ligtas ngayon no, tanungin ko kaya si doc baka may nasabi
sakanya total assistant nya yon.
Judie: sige Mabuti pa nga.

7THSCENE
Janela: Hi doc! Pwede po ba kayong makausap?
Kyle: Tungkol saan? Umupo ka
Janela: doc (iaabot ung binigay na flyer nila mm)
Kyle: Ano to?
Janela: doc nawawala daw po ung dental assistant nyo dati, baka po nakapagsabi
sainyo e.
Kyle: Wala, wala akong alam ditto, at bakit ko naman malalaman kung san siya
nagpunta? (PASIGAW)
Janela: Doc sorry po, baka lang po alam nyo lang
Kyle: Hindi ko nga alam bat ba ang kulit mo, lumabas ka na at baka may
pasyentengnaghihintay sa labas, hindi ung ibang tao ba inaatupag mo.
(janela lalabas ng parang natatakot)
(kyle titingan lang ung flyer na parang naiistress siya)

8thscene

DORM
(pauwi si janela pagod na pagoda ng itsura)
(hihiga si janela sa kama, ung biglang higa)
Jianne: Oh? Pagod na pagod lang? Kamusta trabaho?
Janela tahimik lang nakatulala
Jianne: huy? Nakakailang linggo ka pa lang nababaliw ka na sa pagod?
Janela tatayo papasok sa banyo or what para magbihis
Janela: E sobrang daming patient, akala ko madali lang ang hirap pala.
Jianne: Ayo slang yan, masasanay ka rin. Ginusto mo yan, walang pumilit sayo.
(sabay tawa)
Janela labas ng banyo: Uy uy uy! Pahiram naman ng laptop, may isearch lang ako.
Jianne: Nasa table ko kunin mo, ano ba yang isesearch mo
Janela: Alam mo ba nawawala pala ung dental assistant na pinalitan ko
Jianne: Hala, bakit san daw nagpunta? Baka naman nakipagtanan lang yun alam mo
naman ngayon.
Janela: E hindi ko rin alam eto hahanapin ko siya baka mamaya active naman pala
sa facebook.
(search lang ng search nakatulog na ata uli si Jianne)
Janela: Hindi naman na siya active since nung nawala nga siya, hay ano kaya
nangyari dun
Jianne: Huy, tama nay an matulog ka na. Anong oras na oh
Janela: Oo eto na
(lights off)

9TH SCENE
(NANANAGINIP ULI SI KYLE)
(JOGGING TAPOS NAKIKITA NYA SI APRILLE SA BAWAT PALIGID)
(TAPOS PAPASOK DITO UNG BIGLANG MABABANGGA SIYA NI KIM)

CLINIC
JANELA: Doc sino po siya? (Nakita nya si kyle tulala lang nakatingin sa picture nila ni
aprille)
Kyle: ha? Ano? Sino?
Janela: Yung nasa picture po, girlfriend nyo po? Sorry po hindi kop o naiwasang
Makita nung naglilinis ako dito.
Kyle: Ahhh oo, ex girlfriend..
Janela: Mahal nyo pa no?
Kyle: Bat ba tanong ka ng tanong? (magugulat si Janela)
Kyle: Sorry, ayoko na siyang pagusapan pwede
Janela: Sorry doc, tawagin ko na po ung patient sa labas. Pasenya na po.
(papasok ung patient)
(gagawin ung VERTICAL DIMENSION AND CENTRIC JAW) STEPS 10-11
(Ipapakita lang na ginagawa yon)
(then parang magiiba lang ng view then ung scene na naglalakad si Janela sa labas
ng clinic then mapapahinto siya makikita lang uli ni Janela si Kyle na tulala
tinitingnan lang ung picture ni Aprille)
(flashback MOUNTING ANTERIOR SETTING STEPS 12-13)

10THSCENE
PSYCHIATRIST VISIT
SWIMMING SCENE

11THSCENE
1ST SETTING : CLINIC KYLE
CONCON SCENE 1ST VISIT
2ND SETTING: JEMAR CLINIC
(NEED NG PATIENT NA ITTRY UNG DENTURE NYA)
Step 14 anterior fit in
Jemar: Okay naman po ba sir/ maam? Hindi po ba nahuhulog?
Sagot si patient
Jemar: Hindi naman po maluwag o masakit po ba?
Sagot uli
Jemar: Okay po, as of now wala po tayong pronlema sa anterior nyo, ipapadala ko
na po to sa lab ng masimulan na ung sa posterior nyo, bali ang next appointment po
natin ay sa Thursday para po sa trial and fitting na po.
Sasagot patient. Thank you doc

12THSCENE
Setting1: dental clinic
CONCON SECOND VISIT
(papasok na dito ung scene ni aprille sa car na papatayin)
(after mapakita non present scene ni concon ung habulan na sa labas)
After iuntog sa pader ni concon ipapakita na hihilahin siya ni kyle
Hila tapos ipapakita ung scene na binubunutan nya si concon
Setting2: SA SECRET ROOM NI KYLE MADILIM BALI ANG SPOTLIGHT E UNG PARANG
GUMAGAWA SIYA NG DENTURE DON (POSTERIOR SETTING STEP 15)
Bali ung ngipin na yon e ngipin ni concon
(ung itsura ni kyle ditto basing basa ng pawis, puro dugo sa paligid)

13th scene
Psychiatrist visit don magkikita na uli sila ni Kim
Kim: Hi, kyle diba?
Kyle: yeah, pano mo nalaman?
Kim: Kaibigan ko kasi ung psychiatrist mo
Kyle: Ahh, okay so ikaw anong name mo
Kim: Kim, uhm tara coffe tayo nagmamadali ka ba?
Kyle: Hindi naman pero sigurado ka ba?
Kim: Tatango hihilahin na nya si kyle
Then change setting coffee shop
Kim: So dentist ka pala?
Kyle: Oo
Kim: Alam mo ba, takot ako sa dentist. Feeling ko nga papatayin ako kapag nasa
dental chair. Wala ka pa namang napapatay no? (Pabiro nitong sabi)
Kyle: Magugulat? Patay? Wala pa namang namamatay sa kamay ko.
Kim: Ikaw naman. Joke lang naman yun ang seryoso mo masyado.
Kyle: Ngingiti lang.
Kim: Tara na?
Kyle: San tayo pupunta?
Kim: Ikaw kung san mo ko gusting dalhin.

(pupunta na sila dun sa lumang bahay ni kyle)


(papatayin na dapat ni kyle si kim kaso un na nga nashoot na tong scene na to kaya
okay na)
14th scene
Bali ditto e parang MV LANG pero ditalaga
(papasok ditto ug shape of you)
(papakita na nagkakamabutihan na sila kim at kyle)
(scene lang ng dates and happy moments)
(un nga magiging sila)

15thscene
Sa bahay ni kim
Natutulog sila, magigising na lang si Kim dahil nananaginip na naman si kyle
Kim: kyle, kyle, okay ka lang.
(magigising si kyle)
Kyle: hahawakan ung braso ni kim ng mahigpit (san ka pupunta
Kim: aray kyle, kukuha lang kita ng tubig ano ba
Kyle: Sorry sorry nabigla lang ako
Kim: Okay ka lang ba?
Kyle: hihingang malalim at himas lang ng mukha tas tatalikod kay kim
Kim pupunta kukuha ng tubig tatawagan si Lindsay
Kim: sorry nagiisng ba kita?
Lindsay: hindi naman pero bakit?
Kim: Si kyle e, nananaginip parin siya, pang ilang beses na to. Tapos ngayon medyo
iba narin mga kinikilos nya e..
Lindsay: Baka hindi nya iniinom mga gamot nya, tinanong mob a siya? Simula ng
maging kayo hindi narin naman siya nagpaparegular check up.
Kim: Totoo ba? Ang sabi nya kasi okay na ung treatment nya.
Lindsay: Okay na e kung hinid naman pala niya iniinom ng tama ang mga gamot
nya diba, kausapin mo siya at kung mapipilit mo pabalikin mo siya ditto
Kim: okay thankyou.
(ung mukha ni kim worry)

Pupunta siya uli kay kyle, makikita nya na nakatayo si kyle then yakap behind.
Kim: Ayos ka na ba? Nagaalala ko sayo
Kyle: Sorry, natakot ba kita
Then maghaharap na sila
Kim: iaabot ung tubig, ung gamot mo nasaan
Kyle: Nasa bahay, hindi ko dala
Kim: Sabi ko naman sayo dalhin mo un palagi, sobrang importante nun sayo. Kung
hinahayaan mo lang ako na sa bahay nyo ko e di nababantayan ko sana ang
paginom ng gamot mo.
Kyle: Alam mo namang ayoko don
Kim: bakit ba kasi aayw mo kong napupunta don? May tinatago ka bas akin?
Kyle: wala wala, yayakapin nya lang si kim

16th scene
Dental clinic
BIM MAGTRITRIAL AND FITTING STEP 16
Bim: ieexplain sa patient ung gagawin nya
(need uli natin ng patient na may CD para ung denture nya ung magamit na
sample)
Tapos lalabas si bim pupuntang lab para sa festooning pero makikita nya si Janela
Bim: Oh janela, ilang araw na bang absent yang si Doctor Perang? Ni hindi ako
sinasagot sa mga tawag or text ko.
Janela: Hindi ko rin po alam doc, wala naman po akong number ni doc perang kaya
hindi ko matawagan.
Bim: Ahh okay sige, ano kayang nangyari don.
Janela: Daldalhin po bay an sa lab doc?
Bim: Oo bakit
Janela: Akon a po doc, wala rin naman po akong masyadong ginagawa ako na po
magdadala
Bim: O sige salamat ha pakisabi kay hans for festooning nay an kukunin ng patient
tomorrow salamat

17thscene sa lab
Hans: Oh bat nakasimangot ka?
Janela: ah e pano wala naman akong ginagwa masyado, hindi parin pumapsok si
doc
Jasmin: hala, baka nawawala narin si doc ha?
Janela: Nako wag naman sana.
Hans: E kung try mong puntahan sa bahay niya baka may sakit lang
Jasmin: ay oo nga magisa pa naman yun baka walang nagaalaga baka kailangan ng
dalhin sa hospital
Janela: Ay oo nga no ilang araw ko nading napapansin na wala sa sarili ung si doc,
laging matamlay
Oh hans, pafestoon na raw to sabi ni doc aravilla kukunin nay an tomorrow. Una na
ko ha, magoff ako ng maaga ngayon. Bye. Festooning STEP17
Bago umalis si janela may tumatawag sa phone
Janela: hello, 99 dental clinic may I help you
Kausap sa phone: Ahhm itatanong ko lang po if kalian po ung huling visit ng kapatid
ko? Concepcion Cajayon ung name
Janela: Ahhm wait lang po ha, sino pong dentist nya
Kausap: Doctor Perang
Janela: Ahhm maam matagal na po ung last visit nya January 28 pa po
Kausap: Yun din po ung huli naming kta sakanya, nawawala po ung kapatid ko. Hindi
po naming alam san na nagpunta ang alam lang naming e may follow up checkup
siya dyan. Pwede bang makausap ung dentist nyo?
Janela: Ay maam ilang araw nadin pong absent si doc
Kausap: Ganon po ba? Sige po salamat po
Janela: Maam tawag po kayo uli kapag may balita na po sa kapatid nyo.
(janela nung ibaba ung phone nagtataka siya)
Janela naglalakad, takot na takot feeling nya may sumusunod sakanya
Ung sound effect nito e ung pasuspense na ewan
Tas biglang may kumapit sa likod nya.si hans
Mapapasigaw si janela
Wag po wag nyo po akong kidnapin sige na po maawa kayo sakin!
hans: JANELA! JANELA HUY!
Janela: mapapadilat. Huy hans! Ano ba bakit ba kayo sumusunod dyan. Papatayin
mo naman ako sa takot.
Hans: e kanina pa kya kita tinatawag dyan hinid mo ko nililingon, ung phone mo
nakalimutan mo!
Janela: Ay salamat, grabe ka naman kasi akala ko ako na susunod na mawawala e
kala ko kidnapper ka.
Hans: hahha osige na, ingat ka bat ka kasi naglalakad dyan e.
Janela: nagtitipid ako, haha sige ingat.

18THSCENE
BARANGAY SCENE
Airel: ilang araw na nawawala si marinell ano bang nangyari don? Tinatawagan na
ko ng magulang niya bakit daw hindi umuwi nung pasko
Mm: Oo nga e, e kahit naman sa dental clinic na pinagtratrabahuhan niya hindi rin
alam bigla na lang din daw hindi pumasok
Airel: nakipagtanan kaya tong babaeng to?
Mm:wala namang nababanggit si marinell na nobyo satin. tara pumunta na tayong
barangay ng maaksyunan na to.
(pupunta silang barangay)
Airel: Magandang umaga po, irereport lang po sana naming ung nawawala naming
kaibigan
Mm: halos 4 na lingo na pong nawawala halos lahat po napagtanungan na namin.
Totoong barangay tanod: San ba siya huling nakita?
Airel and Mm magititinginan)
Airel: ang huling usap po namin e pauwi na siya. Tapos hindi naman po siya
nakauwi.
Mm: tintawagan naming pero wala na naman pong sumasagot.
Tanod: wala bang nobyo tong kaibigan nyo?
Airel: wala po siyang nababanggit.
Tanod: kaano ano ba kayo ng nawawala?
Mm: roommate po kami. Nangungupahan lang po kami e. hinahanap na nga po siya
ng mga magulang niya
Tanod: dapat malaman to ng kapamilya nya, tawagan nyo ng sila ang makipagusap
sa mga pulis. Umuwi na kayot ipapakalat ko tong flyers nyo tatawagan na lang
naming kayo kapag may balita na tungkol sa kaibigan nyo.
Airel and MM: Salamat po.
(flashback nung scene ni marinell before madeads)
Marinell: Hala may nakalimutan pala kong ibigay kay doc, nandon pa kaya sya sa
clinic.
(itetext nya si kyle if nakauwi na)
(kyle: im on my way home)
(marinell: doc okay lang po iabot ko tong resignation letter ko, ng hindi na po ako
pumasok bukas)
(kyle: okay)
(makikita nya si kyle kasama si aprille)

19thSCENE

JONAS AND KIM NAGIINUMAN


AAMIN SI JONAS NG FEELINGS NYA FOR KIM, HINDI NYA ALAM JOWA NA PALA NI KIM
SI KYLE SO AYON FRIENDZONE SIYA.

Then ayun makikita ni kyle sila non, ipapakilala dapat ni kim si kyle kay Jonas kaso
ayun nakit nyang sweet ung dalawa

20THSCENE
TATAWAGAN SIYA NI KIM PERO DI SIYA SASAGOT
TTRY TAWAGAN NI KIM SA DENTAL OFFICE MALALAMAN NYA NA DI NA TO
PUMAPASOK
KIM: Hello, can I speak to dr. perang
Janela: Ahhm sorry maam, doctor perang is still absent.
Kim: Absent? Kailan pa?
Janela: Since last week po
Kim: Oh, okay thank you.
Janela: May I know whos in the line po?
Kim: Kim, his girlfriend anyway thank you bye
Janela: Girlfriend? Eto ung nasa picture siguro? Ay wait so baka magkasama sila
nitong mga nagdaang araw e bat tatawag dito? At alam ko break na sila diba? Ay
ang chismosa ko talaga.
(Dadaan si doc aravilla)
Janela: Good morning doc!
Bim: Good morning
Ung camera kay bim lang nakasunod papunta na kay hans
Bim: Goodmorning hans, okay na ba ung pinagawa ko?
Hans: Ay opo doc, okay na siya eto po doc
Bim: Salamat.
(lakad uli papuntang clinic)
Gagawin na nya ung installation and final delivery STEP18

21TH SCENE SI KYLE SA BAHY NYA NABABALIW NA


GALIT NA GALIT LAHAT NG PWEDENG IKALAT IKAKALAT NYA, LAHAT NG PWEDENG
SIRAIN SISIRAIN NYA
IBABATO NYA LAHAT
MAGDRADRAMA SIYA
KYLE: BAKIT LAHAT NA LANG INIIWAN AKO, LAHAT NA LANG SINASAKTAN AKO.
MASAMA BA KO? PANGET BA KO? SAWANG SAWA NA KO. UHHHHH.
THEN PUPUNTAHAN NYA SI JONAS. DON MAGAAWAY NA SILA
MAKIKITA NYA SI JONAS
KYLE BIGLANG SUNTOK KAY JONAS
JONAS: (SUSUNTOK SI JONAS)ANONG PROBLEMA MO?
KYLE: SUBUKAN MO LANG ULI LUMAPIT KAY KIM HINDI LANG YAN MATITIKMAN MO
JONAS: BAKIT SINO KA BANG BALIW KA?
KYLE: BOYFRIEND NYA, WAG NA WAG KONG MAKIKITA YANG MUKHA MO KUNDI
MAPAPATAY KITA
JONAS: WALA KONG GINAGWA KAY KIM, MAGKAIBIGAN LANG KAMI. KUNG ALAM KO
LANG NA MAY SIRA PALA SA ULO YUNG BOYFRIEND NYA EDI SANA BINALAAN KO NA
PALA SIYA
(KYLE SUSUNTOK ULI HINDI NA MAKAKALABAN SI JONAS KASI NABUGBOG NA SIYA NI
KYLE)
(AALIS SI KYLE PUPUNASAN UNG DUGO SA MAY BIBIG NYA)
(SAKAY SA KOTSE PUPUNTA KAY LINDSAY)

22TH SCENE
Kyle: pawis na pawis umiiyak
Lindsay: oh anong nangyari sayo? Bakit ka may dugo? Kyle okay ka lang ba
Kyle: hindi ko na alam, hindi ko na alam gagawin ko, walang nagabbago sakin
pakiramdam ko palala pa ko ng palala, tulungan mo ko, dinadalaw nila ko sa
panaginip ko, mga boses na niririnig ko sa paligid ko hindi ko na alam. (sobrang
iyak)
Lindsay: ano? Dinadalaw? Kyle? Bat ka may dugo?
Kyle: ininiwan nila ko lahta, niloloko nila ko lahat. Tama lang sakanila yon!
Lindsay: kyle anong ginawa mo? Kyle
Kyle: sinaksak ko, sinakal ko, doc pinatay ko ata sila. Hindi ko alam, totoo ata doc.
Pinatay ko sila! Mga manloloko sila
Lindsay tinext si kim kung nasaan siya (si kim otw na sa bahay ni kyle)
Lindsay: tutulungan kita, sabihin mo lang lahat.
Kyle: umiiyak parin. Hindi ko alam, hindi ko sila gusting saktan sila ang nananakit
sakin.
Lindsay unti unting tatawag ng pulis pabulong pero mahahalata ni kyle
Kyle ibabato ung phone: anong ginagwa mo! Tatawag kang pulis? Isusumbong mo
ko?
Lindsday: hindi hindi. Tutulungan ka nila
KYLE: sinungaling ka. (tatalian si Lindsay, tska lalagyan ng chuhcu ung bibig)
Lindsay: magpupumiglas. Pero di parin siya makakatakas.
Daldalhin ni kyle sa basement ng bahay niya.

22th scene:
First setting si Janela: hinahanap nya sa clinic ni kyle ung address nito,
maghahalungkat siya kahit sinabi ni kyle na ayaw nitong pakialaman ang gamit nya,
makikita nya ung isang bill na may address nito. Pupunta siya kay kyle
2nd setting:
Si kim pupunta rin kay kyle
Makikita nya na bukas to, nakalimutang isara.
Papasok siya, ung itsura nya ung sobrang natatakot
Kim: pahanap, kyle! Kyle! Si kim to, naiwan mong bukas ung pinto sorry pumasok
na ko. nasaan ka
(may creepy na background song parang naiwang bukas din ni kyle ung radio or
what basta creepy)
Lalakad lang siya, makikita nya ung paligid. Pupunta siyang bedroom ni kyle. May
makikita siyang CD, nakalagay kyle, from MAMA.)
(laman nung CD e video ng nanay nya na humihingi ng sorry kung bat siya iniwan,
umiiyak, sana mapatawad siya hindi siya gustong iwan ung ganon, tapos may part
dun na kakanta ung nanay ng ili-ili kung hindi ka makatulog kakantahan ka ni
nanay)
Tas si kyle nasa likod nya na pala: BAT KA NANDITO?
Si kim nagulat: ha? Pinuntahan ka akala ko nandito ka
KYLE: Pasigaw diba sabi ko sayo ayokong pumunta ka ditto biglang sasabunutan si
kim
KIM: Aray nasasaktan ako, ano ba bibisitahin lang kita dahil ilang araw mon a kong
hindi kinakausap ano ba bitawan mo ko
Kyle: anong Nakita mo?
Kim: wala ung video lang ng mama mo bakit ba aray ko kyle!
Kyle: maiiyak. (medyo tatakbo ng palayo si kim) sige iwan mo rin ako! Gayahin mo
sila lahat!
Kim: ano? Hindi hindi kita iiwan.
Kyle: sinungaling! Alam ko kim alam ko. magsama kayo ng lalaki mo!
Kim: lalaki? Ano ba yang sinasabi mo!
(maflaflashback lahat, ung pangiwan ng nanay nya, ung pagpatay nya kay apriller
ung pagpatay nya kay concon, marinell)
Kyle: Ang kapal ng mukha mo magsinungaling huling huli ka na! sasabunutan uli
nya si kim
Kim: aray ko! sinabi kong wala! Bat baa yaw mong maniwala!
Kyle: dahil sinungaling kayong lahat!
Kim: makakawala tatakbo, sa isang kwarto takot na takot umiiyak
Kyle: hahabulin siya. Kakatok sa pinto! Malumanay, kim, buksan mo ung pinto, sorry
na kung natakot kita, hindi na kita sasaktan buksan mo lang to sige na. (e ayaw
buksan ni kim) magagalit siya uli. Pasigaw na KIM! BUKSAN MO TO!
Kim: hindi alam gagawin hahanap siya ng pwedeng pamalo or what kay kyle.
(maririnig nya wala na si kyle) lalabas sya dahan dahan tas biglang nasa likod nya si
kyle hahawakan siya pero makakalabas pa siya. Iyak lang ng iyak si kim
makakapasok siya dun sa kwartong walang lock so wala na siyang takas
Kyle: kim, wag ka ng umiyak, hindi kita sasaktan, papasok na ko ha. Wag ka na
umiyak
Kim: (pakalmado na siyang umiiyak) kyle, oo hindi na ko takot, eto na hindi na ko
tatakbo wag mo lang ako sasaktan ha, kunwari yayakapin nya pero itutulak nya si
kyle pero maabot siya ni kyle sabay tulak sakanya. Tapos parang nabalian si kim
maiiyak iyak.
(si janela makakapasok na ng condo dahil hinid nga to nailock kahit si kyle
nakalimutan)
Janela: doc! Doc! Nandyan po ba kayo? Si janela po to doc, bukas po ung pinto.
Kyle: sorry kim, sorry. Ssshhhh. Tahimik ka lang ha. (maririnig nya si janela)
Si janela lakad lang ng lakad makikita nya nakakalat ung mga gamit. Madadaanan
nya lahat. Tapos makikita nya ung secret room ni kyle, makikita nya lahat na
nandon, ung picture ni aprille, ni marinell, ni concon, ung mga denture sa paligid,
puro dugo, lahat ng gamit nya don duguan lahat tapos kung ano ano pang creepy
things na nakasulat sa mga wall ganon.
Tas dahan dahan siyang lalabas don, pagkastep nya nasa likod na nya si kyle.
Magugulat siya mapapaupo siya sa takot, tas aatras siya ng takot ng takot.
Kyle: bat ka pa nagpunta ditto? Gusto mo bang magaya sakanila?
Janela: magaya? Bakiiiit po doc?
Kyle: Pinatay ko sila, isa isa ko silang pinatay. Nagtataka ka diba, bat sila nawawala?
Alam mon a ba kung bakit?
Janela: doc, wag po maawa po kayo sakin.
Kyle: maawa? Bakit? Naawa ba sila nung iwan at lokohin nila ko? HINDI! Kaya bat
ako maaawa?
Janela: doc, hindi ako magsusumbong, patakasin nyo lang ako,
Kyle: Ano ko tanga? Parepareho lang kayo! Mga sinungaling!
(janela makakatakbo) habulan lang sila ni kyle)
Si janela makikita si kim.
Kim: tulungan mo ko, (paiyak) hindi ako makagalaw..
Janela: Ano anong nangyari sayo. (bubuhatin si kim) mabilis lang
Kyle: kukuha ng kutsilyo hahayaan nya lang muna makatakas ung dalawa.
(janela makikita nila ung basement door papasok sila don) si kyle nasa likod na nila,
malapit na. si kim madadapa,
kim: sige na tumakbo ka na, takbo! Si kyle nasa tapat nya.. kyle please maawa ka
sakin, mahal mo ko diba.
Kyle: sorry kim biglang saksak kay kim.
(si Janela nasa taas na makikita nya na hinihila ni kyle si kim tapos biglang lingon si
kyle sa taas Nakita siya) tatakbo na uli siya mahahabol siya ni kyle.
Magpupumiglas siya, biitawan mo ko!matutulak nya si kyle, madadapa siya. May
maririnig siyang boses, makikita nya si Lindsay.
Lindsay sisigaw kahit nakatape ung bibig nya. Tatanggalin ni janela ung tape sa
bibig nya tska ung tali sa likod.
si Lindsay nanlalaki ung mata sa takot kasi nasa likod na ni janela si kyle hinila ni
kye si janela
janela pasigaw: tumakbo ka na!
si Lindsay tumakbo
Janela sisipain si kyle bitawan mo ko
Kyle hahatakin ung buhok ni janela
Kyle: san sa tingin nyo kayo pupunta? Wala ng makakatakas ditto
Lindsay: Kyle please, hindika nagiiisa maraming nagmamahal sayo maniwala ka
sakin, tutulungan kita. Hayaan mo na kami, bitawanan mon a siya.
Kyle: umiiyak(doc, hindi na ko gagaling doc, ganto na ko habambuhay BALIW! Dahil
wala na namang magmamahal sakin, iiwan nyo lang ako lahat) lahat kayo!
Janela: tumakbo ka na! tumawag ka ng pulis!
Lindsay: hindi hindi. Naniniwala parin akong gagaling ka! Please kyle, bitawan mo
na siya
Si janela makakapiglas, makakatakbo uli, titingnan ni kyle si Lindsay tapos
hahabulin si Janela, si janela makakakita siya ng bakal, ipapalo kay kyle maraming
beses, mabibitawan ni kyle ung kutsilyo. Puro dugo na so inexpect nya patay na si
kyle. Makikita ni Lindsay, takot na takot
Lindsay: Napatay mo? (umiiyak na natatakot) lalapitan si kyle.
Janela: Umiiyak din ( hindi ko alam, tara na tara na)
After credits ipapakita ung recall

You might also like