Professional Documents
Culture Documents
Buod El Fili
Buod El Fili
Buod El Fili
Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga pasahero
patungong Laguna:
- Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, marusing ang kabila
ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitagan dahil sa kabagalan. Isang
tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na hindi naman ganap na bapor; isang organismong
hindi nagbabago; hindi buo ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad,
buong kasiyahan nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura.
- Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa ibaba
kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at mga mahahalagang tao sa
kubyerta.
- Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat, bagamat matanda siya
ay magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng bapor na sumpungin, matigas ang ulo at
tamad pa.
- Donya Victorina tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait lang Tabo dahil sa
kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung wala na lang mga Indiong nabuhay
sa mundo, hindi alintana na ang mga timonero at ang 99 porsiyento ng mga sakay nito ay mga
Pilipino na tulad niya rin (kung tatanggalin ang makapal na kolorete sa mukha at mayayabang na
damit.) Nandito siya sapagkat may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang asawang si Don
Tiburcio de Espadana at nais niya itong akiting umuwi sa kanila sa pamamagitan ng kanyang
bagong kulot na buhok.
Tatlong Fraile uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na pumunta sila sa kanan
Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang Maynila sapagkat
siya ay nag-iisip
Ang Pagtatalo:
Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at sinasabi ang
proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy sapagkat sinabi ng mga alagad ng
siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang daw ito sa tibay at mapanganib.
Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala kasing mabuting
lawa ditto sa Pilipinas,
Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema nila: Humukay ng
isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na magdaraan sa Maynila. Ang ibig
sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli
ang paglalakbay, at mapipigil ang pagtubo ng mga balaho.
Sumagot naman si Don Custodio sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking pera diyan sa
proyektong iyan.
Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay magtatrabaho at
imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang apat na buwan at pagbaunin na rin
ng pagkain ang mga manggagawa
Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng panukala.
Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto nang maliit ang
puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng Ehipto na gumawa ng mga
Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo sa Roma.
- Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hindi nila kayang
pigilin ang mga rebolusyon?
Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na suso sa ilalim ng
lawa para lumalim ito ng walang gumagawa.
Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don Custodio sapagkat
dadami ang mga pato na magbubunga ng balot.
Isagani higit na mataas, higit na malusog bagamat mas nakababata kay Basilio. Isa ito sa mga
makakata kung hindi man mambebersong lumitaw sa taong iyon sa Ateneo, may kakaibang ugali,
karaniwang ayaw makipag-usap, at malimit sumpungin at hindi kumikibo.
- Kinakausap si Basilio ni Kapitan Basilio tungkol sa kalagayan ni Kapitan Tiago. Malubha na kasi si
Kapitan Tiago sa opyo at dagdag pa nilang pinag usapan ang tungkol sa Academia de Castellano
kung saan puro balakid ang mga naitanong ni Kapitan Basilio
Paano makukumbinsi na pahintulutan: Niregaluhan si Padre Irene ng isang pares na mga kastanyo
para tumulong sa pagkumbinsi.
Lugar? Ibinigay ni Makaraig ang isa sa mga bahay niya upang gawing paaralan
Dito nalaman na si Don Tiburcio ay nagtatago pala sa bahay ng Tiyuhin ni Isagani na si Padre
Florentino.
Pakikipag-usap ni Simoun:
Inalok niyang uminom ang dalawa ng serbesa sapagkat sabi nga ni Padre Camorra ay mabuting
uminom nito, ngunit tumanggi si Isagani at Basilio. Sumagot si Basilio na kung tubig na lang siguro
ang iniinom ni Padre Camorra ay titigil ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Ang sagot naman ni
Isagani ay: napakatamis ng tubig at naiinom, bagaman lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay
sa apoy. Nagiging singaw kapag pinainitan; kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang
pumuksa sa sangkatauhan at yumanig sa dibdib ng mundo!
- dito tinawag ni basilio na Eminensya Negra o tagapayong Capuchino/ Eminensya Gris ---si Simoun
ng Kapitan Heneral
Si PADRE FLORENTINO:
Mabuting kaibigan ng kanyang ina ang arsobispo kaya ipinangakong magiging saserdote ito. Sa
gulang na 25, inorden siya nang arsobispo at noong namatay ang kanyang ina, iniwan sa kanya ang
lahat ng kayamanan nito. Ilang linggo bago ang kanyang unang misa, nagpakasal sa iba ang
kanyang mahal at dahil dito ay inilubog niya ang kanyang sarili sa kanyang parokya, at itinalaga sa
sarili ang tungkulin sa kanyang mga nasasakupan. Nang maganap ang pangyayari noong 1872,
iniwan niya ang kanyang parokya at nagretiro. Inampon niya ang kanyang pamangkin na si Isagani (
na sabi ng iba ay anak niya sa dating katipan nagn mabalo ito at ang ibang naka aalam naman ay
nagsabing: anak daw ito ng isa niyang pinsan sa Maynila.
MGA ALAMAT:
2. Buwaya na naging bato nanalangin kay San Nicolas ang isang Tsino noong tumaob ang bangka
niya at nasa aktong sasagpangin ng mga buwaya.
* Pumayag sila at nagbayad hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at ginawa siyang Kabesa o
taga kolekta ng buwis. Dahil dito naglugi siya ng malaki sapagkat pag may mga hindi nagbabayad,
siya din ang nagpupuno dito galing sa kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa
dalawandaang piso at dito na tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at
nakakapag araro sa lupa niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hindi niya ito ibibigay.
* sinampahan niya ito ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abogado. Hindi na
nakapag aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pag ka gwardiya sibil. Sa
kahuli hulihan, nakidnap si Tales at humingi ang mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng
kanyang paglaya. Ibinenta nila Juli at tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin
kaya namasukan si Juli kay Hermana Bali upang punan ang 250 Piso na kulang.
Gabi nat inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego.
Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at itoy kinakailangang bugbugin
muna ng mga Guwardiya Sibil.
Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na
idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring
Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa
kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San
Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga Sibil na walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli
ng mga Sibil ang kutserong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio.
Tanging bahay ni Kapitan Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok
na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa Kura, sa Alperes, at kay
Simoun... nagkakaunawaan na tayo, G. Simoun, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang
tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang Alperes. Isang pares na hikaw
naman ang ipinakikibili ng kura. (Bakit kaya hikaw?)
Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay
nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin.
Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang
tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.
Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at
namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa
katandaan namatay ang matanda... Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balitay ukol sa
pagkadukot ng mgs tulisan kay Kabesang Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.
Kabanata 6: Basilio
Madilim ang gabi at si Basilio ay patuloy na naglalakad tungo sa kadiliman, makalipas ang
kalahating oras sumapit siya sa isang batis kung saan may nakatindig na tila punso sa kabilang
pampang nito at isang maitim at walang hugis na bunton na mistulang isang bundok sa kadiliman.
Tumawid si Basilio tungo rito sapagkat sa tabi ng gumuhong pader ay ang isang puntod na sadyang
banal para kay Basilio ang puntod ng kanyang ina.
13 taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang ina sa gitna ng matinding pagdaralita.
Sugatan at iika-ika itong nakarating sa pook na ito sa paghahabulan nila. Hibang at tigib sa takot,
dito ito binawian ng buhay at may dumating na lalaking nag-utos na lamang kay Basilio na kumuha
ng mga panggatong. Sumunod siya at nagbalik, at nakita niya na may isa pang di kilalang lalaki na
nasa tabi ng bangkay ng nauna. Tinulungan siya nitong magparikit ng apoy na pagsusunugan nila
ng bangkay ng di kilalang lalaking namatay, at humukay sa libingan ng kanyang ina. Matapos ay
inabutan siya ng salapi at inutusang tumakas.
History ni Basilio:
Nilisan niya ang lugar na ito at nagtungong Maynila upang magpaalipin sa mga mayayaman upang
sabay nito ay makapag-aral. Nakipagsapalaran siya sa pagpunta hindi alintana ang gutom.
Dumating siya sa Maynila na nanlilimahid at may sakitnagbahay bahay siya upang ialok ang
kanyng paglilingkod ngunit walang tumatanggap sa kaniya dahil nga naman isa itong paslit na
probinsyanong may sakit na wala man lang alam ni isang salitang Espanyol. Nawalan siya ng pag-
asa at ilang ulit siyang natuksong magpasagasa na lang sa mga karwaheng dumadaan. Isang araw,
nakita niya ang karwahe nina Kapitan Tiago at Tiya Isabel at dahil sa malungkot si Kapitan Tiago sa
pagkakapasok ni Maria Clara sa Beateryo, tinanggap siya bilang utusan, walang upa ngunit
makapag-aaral siya kailanman niya gustuhin sa San Juan de Letran.
Pumasok siya sa unang taon ng pag-aaral ng Latin kahit na gusgustin at bihis dukha; pagkakita ng
kanyang mga guro sa kanyang ayos, nilayuan na siya pati ng kanyang mga kaklase. Sa loob ng
walong buwan ng pag-aaral, tangging ang pangalan niya lamang sa listahan ang masasabing
palatandaan na parte siya ng klase sapagkat ni minsay ay hindi ito tinawag o tinanong ng guro.
Pag darating ang pasko at babalik sa Sandiego si Kapitan Tiago, sinasama siya at doon niya
sinasabi sa puntod ng kaniyang ina ang mga hinanakit niya at problema. Nagsikap siya at isinaulo
ang lahat ng mga aralin kahit na hindi niya naiintindihan ito. Pumapasok kse noon ang mga bata sa
kolehiyo hindi upang matuto kundi upang matapos ang kurso. At kung maisaulo nila ang mga aklat,
wala nang maaari pang hingin kayat nakapapasa sa pagtatapos ng taon.
Sa pamamagitan ng pagsagot na wala man lang iniwang kuwit, nagtamo siya ng marking aprobado
sa labis na pagkamangha ng mga tagasulit. Sa ikalawang taon niya, dahil nanalo ng malaki ang
manok ni Kapitan Tiago na ipinalaga sa kanya ay binigyan siya nito ng malaking pabuya na agad
naman niyang ibinili ng sapatos at sombrerong fieltro.
Nabago ng bahagya ang kanyang palad pagtuntong niya sa ikatlong taon; Naging gurop niya ang
isang dominikong masayahin, palabiro at mapagpatawa sa mga mag-aaral, may katamaran
sapagkat sa ilang kinalulugdang mga mag-aaral niya ipinauubaya ang mga aralin. Isang araw napag
tripan siya ng guro (sapagkat sa isip nito ay may pagka-kulangkulang si Basilio kayat tinangka
niyang patunayan ito as pamamagitan ng pagtatanong dito tungkol sa aralin). Ang problema nga
lang nasagot ito ni basilio nang walang pagkakamali kaya binansagan siyang loro ng guro, at
nagbigay pa ng patawa sa klase at nagtanong pa ulit kay Basilio upang patunayan na maaliw nga
sila. Mabuti na lamang at marunong na noon si Basilio ng Kastila kayat sumagot ito na hayag ang
hangaring hindi magpapaphalakhak sa kahit sino. Dahil dito, hindi na siya tinawag pang muli.
Noong ikaapat na niyang taon, naipasa parin niya ang Latin kahit na natukso itong isuko na ang
pag-aaral May isang guro doon na itinuturing bilang pantas, dakilang makata, at may maunlad na
pagkukuro. Isang araw na kasamang namamasyal ang mga mag-aaral, napaaway ito sa ilang
kadete na humantong sa isang labo labo at hamunan. Sa pagkakataong ito, sinabi ng guro na ang
mga sasali sa sagupaan sa darating na linggo na iyon ay bibigyan niya ng mga matataas na marka,
at napatanggi si Basilio sa isa sa mga labanan na iyon. Dahil dito at sa kanyang pagsisikap nagtamo
siya ng grading sobresaliente na may kasama pang medalya noong taong din yon. Sa nakitang ito,
inudyukan siya ni Kapitan Tiago na lumipat sa Ateneo Municipal na nasa tugatog ng katanyagan
noon.
Tinapos niya ang kanyang Batsilyer sa gitnan ng kasiyahan ng kanyang mga propesor, ipinagmalaki
sya ng mga ito at inanyayahan pang daanin sa isang pagsusulit si basilio ng mga huradong
Dominiko
Noong una nais siyang maging abogado ni kapitan Tiago ngunit mahabang salaysayin pa ito bago
ito maging abogado at pagkatiwalaan ng mga kliente dito sa Pilipinas kaya naman pumayag na itong
mag medisina si Basilio sapagkat naisip niya na nakakapagtistis na si basilio ng mga bangkay kayat
magagamit ito sa lason na ilalagay sa tari ng kanyang panabong na manok ( dugo ng Intsik na
namatay sa sipili).
Ipinagpatuloy ni Basilio ang kanyang pag-aaral at sa ikatlong taon ay nakapanggagamot na, kaya
naman kumikita na siya ng sapat upang makapagbihis ng marangal at upang makapag-impok ng
kahit papaano. Huling taon na niya ngayon at dalawang buwan na lang ay magiging ganap na
doctor na siya. Pakakasalan niya si Juli at siya rin ang magbibigay ng speech sa kanyang
graduation
Kabanata 7: Simoun
Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at
yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago
ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng
paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang
ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang
mapanglaw na mukha.
Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang
iba kundi ang alaherong si Simounnapagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo
Ibarra.
Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si
basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong
itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang
ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak.
History of Simoun:
Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang nakalipas upang mag-ukol
ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alang-
alang sa kanya. Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa ibat ibang part eng
mundo upang magpayaman at maisakatuparan ang kanyang mga balak. Nagbalik siya upang
wakasan ang sistemang ito sa pamamagitan ng lalong pagpapadali sa pagkabulok nito.
Kabanata 32
Mga Bunga ng Paskin
Pinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa madibdibang bakasyon o
pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas sa gulo na nangyari. Sa unibersidad naman ay
maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at kurso. Si Pecson ay napatawang
bobo na lamang at papasok nalang na kawani sa kahit sang hukuman. Ang paglalakwatsa naman ni
Tadeo ay nagwakas at pinrangalan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunog ng mga aklat. Si Juanito
Pelaez naman ay binigyan ng almasen at pinamahala na sa negosyo ng ama. Si Makaraig ay
naglakbay patungong Europa. Si Isagani ay pumasa sa asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak
naman sa iba. Samantalang si Sandoval ay hinilo ang tribunal sa kanyang mga talumpati.
Sa kabilang bahagi si Basilio ay hindi bumagsak at hindi pumasa, dahil ito ay namalagi pa rin sa
piitan. Na kung saan kada tatlong araw ay iniinterogate, yun at yun pa rin ang mga itinatanong iba-
ibang tao lamang ang nagtatanong. Ang tanging bumibisita sa kanya ay si Sinong, binalita nito sa
kanya ang tungkol sa nangyari kay Juli.
Napabalita sa buong bayan ang ang malaking pagdiriwang na gagawin ni Simoun. Ito diumano ay
dahil sa kanyang paggaling at pamamaalam sa bansang nagpalago sa kanyang kayaman. Kuro-
kuro sa bayan na pinipilit ni Simoun ang Kapitan Heneral na manatili pa at humingi ng palugit sa
hari, pero hindi siya pinapakinggan ng Kapitan Heneral. Hindi na masyadong nakikita si Simoun at
malimit na itong makisalamuha at usap sa mga tao.
Sinabi nila na gugulatin na lang ang lahat sa pagdiriwang na gaganapin nito. Dahil sa walang
sariling bahay si Simoun, gaganapin sa bahay ni Don Timoteo ang pagdiriwang. Napabalita na din
ang magiging kasalan ng anak ni Don Timoteo na si Juanito kay Paulita Gomez. Marami ang
nagsasabi na napakaswerte ni Don Timoteo, una ay nakabili daw ito ng bahay na mura, pangalawa
ay nabenta niya ang kanyang mga yero sa magandang halaga, pangatlo ay nagging kasosyo si
Simoun, at ang panghuli ay ang pagpapakasal ng kanyang anak sa isang mayamang eredera.
Nang maalala ni Simoun ang tungkol sa kasalan ni Juanito at Paulita, napaisip siya na diba daw si
Isagani ang kasintahan ni Paulita, bakit biglang kay Juanito ito magpapakasal?Naisip niya na naging
praktikal lang si Paulita. Bakit ba hindi niya pipiliin si Juanito, na ito ay mautak, bihasa, masaya,
pilyo, anak ng mayamang negosyante, at isang mestisong espanyol kung ikukmpara kay Isagani na
isang probinsyano na nangangarap sa kanyang gubat na tingib ng linta, nanggaling sa napag-
aalinlangang pamilya, at may amain na klerigo na ayaw sa luho at sayawan na siyang gustong-
gusto ng dalaga. Natural daw na pinili ni Paulita si Juanito, at ihinambing sa teorya ni Darwin na
pinili ng babae ang lalaking higit na nababagay sa kanya at marunong makibagay kung saan
namumuhay.
Lumipas na ang kuwaresma, semana santa, mga prusisyon, at mga seremonya. Ang tanging
napabalita sa mga panahong ito ay ang pag-aalsa ng mga artilyero na hindi pinaalam ang dahilan.
Giniba ang mga bahay na yari sa mahinang materyales. Buwan na ng Abril at nalimot na ang mga
pangamba, ang tanging nasa isip ng mga tao ay ang malaking pagdiriwang na mangyayari. Ninong
daw ang Kapitan Heneral at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito. Pati nag daw ang mga
maybahay ay inaaway ang kanilang mga bana, dahil pinipilit nito na makipagkaibigan kay Don
Timoteo o kay Simoun upang maimbitahan sa naturang pagdiriwang.
Kabanata 33
Ang Huling Katwiran
Naging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at armas. Sasabay na siya sa pag-
alis ng Kapitan Heneral, na ayaw pahabain ang panunungkulan dahil natatakot sa sasabihin ng mga
tao. Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil wala na ang suhay. Ibinilin niya sa kanyang
tauhan na papasukin na lang ang binatang si Basilio dahil ito ay inaasahan niyang dumating.
Si Simoun ay lalong tumigas at lumungkot ang mukha, lumalim ang kunot sa pagitan ng kilay at
palagi na lamang nakayuko. Naawa siya sa sarili niya, pero nung Makita niya si Basilio, mas higit pa
pala itong nakakaawa, humpak na ang pisngi, gusot ang damit at gulo-gulo ang buhok. Para daw
itong bangkay na nabuhay sa sindak.
Nagsalita si Basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid, kailangan niyang gumanti, kahit na
ibig sabihin nito ay krimen sa krimen, o dahas sa dahas. Utang niya diumano kay Simoun ang
kanyang paglaya, at gusto niya ng makisapi para sa pagsiklab ng himagsikan.
Si Simoun pala nung mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa na ipagpatuloy ang himagsikan,
pero dahil sa paglapit ni Basilio tila ito ay nabuhayan ng loob. Ayon sa kanya hindi pa huli ang lahat,
maganda ang kombinasyon nilang dalawa dahil si Simoun ang mamahala sa itaas samantalang si
Basilio naman sa ibaba. Pinakita ni Simoun ang isang napakagandang lampara at nilapag sa mesa,
namangha si Basilio sa ganda nito. Sunod na binuksan ni Simoun ang aparador at kinuha ang isang
bote. Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng bote bigla itong napaurong at sinabing ang
laman ng bote ay nitro glycerine. Kinuwento ni Simoun ang tungkol sa plano niya. Ilalagay niya ang
Lampara sa gitana ng isang mesa na sinadya niya pa. Sa loob naman ng lampara nakalagay ang
nitro glycerine. Ang bahay na gaganapan ng pagdiriwang ay nalagyan na ng maraming pulbura para
walang maisasalba sa naturang pagsabog. Sinagot ni Basilio si Simoun na di na daw niya kailangan
ang kanyang tulong kasi buo na ang kanyang plano. Tugon naman ni Simoun na may iba siyang
misyon na ibibigay kay Basilio.
Sa pagputok ng lampara pumunta siya sa bodega ni Quiroga at kunin ang mga nakatagong mga
armas dun. Si Basilio ang inatasan niyang mamuno sa pamimigay ng mga baril sa mga tao. Sinabi
ni Simoun na isali at isama ang lahat ng kalalakihan, ang tatanggi ay papatayin, dahil magsusupling
lang din ito ng duwag na lahi. Tinukoy niya din na sa pagputok ng lampara ay sabay na susugod
pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya daw hindi nagtagumpay ang unang balak ng
himagsikan sapagkat kulang daw ito ng pagpaplano at koordinasyon, pero ngayon na may tiyak na
silang signus sa pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay magtatagumpay.
Kabanata 34
Ang Kasal
Hinanap sa kung saan-saan ni Basilio Isagani. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay pero hindi niya
talaga ito Makita. Bigla niyang inimagine ang sarili kung ano ang magaganap at mararamdaman
niya pagkatapos ng himagsikan. Magkakaroon daw sa wakes ng katarungan ang pagkamatay ng
kanyang ina at kapatid. Ang higpit lamang na tugon ni Simuon sa kanya ay lumayo siya sa kalye
Anloage. Hindi na tinukoy ni Simoun kung anong pagdiriwang at kung saan ito gaganapin, basta ang
alam ni Basilio ito ay isang malaking pagdiriwang na gaganapin sa isa sa mga bahay sa kalye
Anloage. Pumunta ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago upang kumuha ng mga ilang gamit. Marami
siyang karwahe na nakita na nakaprada sa kalye, at napansin niya ang bahay na puno ito ng mga
palamuti at mga nakabitin na mga kung anu-ano at doon niya napagtanto na ang pagdiriwang na
tinutukoy ni Simoun ay ang gaganapin sa dating bahay ni Kapitan Tiago. Biglang may dumaan na
karwahe na sakay si Juanito Pelaez at isang babae na nakabelo. Ang pagdiriwang pala ay para sa
pag-iisang dibdib ni Juanito kay Paulita Gomez? Biglang nalito si Basilio dahil sa kanyang
pagkakaalam ay si Isagani ang kasintahan ng dalaga, naawa siya kay Isagani.
Napaisip na naman siya, na ano kaya siya kung hindi siya nabilanggo at nakilahok? Malamang ay
nakapagtapos na siya ng medisina, nanggagamot na siya at malamang ay nag-asawa na din.
Naalala niya si Juli, ang kawawang si Juli, biglang nagtiim ang kanyang bagang at napuno ng poot
ang kanyang damdamin, dapat niya ding ipagtanggol ang nangyari sa kanyang kasintahan. Nakita
niya si Sinong na nagmamaneobra ng karwahe na sakay si Simoun. Puno na ang bahay.
Ang pinakamapanpansin sa loob ng bahay ay ang pagkagalak ni Don Timoteo, feeling fulfilled
diumano sa mga kaswertehan at karangyaan na nararanasan nito ngayon. Lahat ng gamit sa bahay
ni Kapitan Tiago ay pinalatan, hindi na sana ginalaw ni Simoun ang mga litograpiya ng mga santo
pero pilit itong pinapalitan ni Don Timoteo ng mga matitingkad na kulay ng kromo. Nilalait ni Don
Timoteo ang gawa ng mga Pilipino dahil higit na maganda ang mga bagay na yari sa Europa.
Ang mesa na pinasadya ni Simoun ay wala sa loob ng bahay, ito ay nasa asotea at dito nakalaang
uupo ang mga pinakamamalaking Diyoses ng bayan.
Kabanata 35
Ang Pagdiriwang
Unang dumating sa pagtitipon ang mga mababang bathala ng bayan. Nagsidatingan ang mga
empleado ng gobyerno. Bati doon bati dito si Don Timoteo, may nagkomento na tuwang-tuwang daw
nag matanda at para nang papet! Tsaka dumating ang magnobya. Sadyang mapansin na nasisikip
na ang frak na suot ng pilyong si Juanito. Hindi na daw ito makapaghintay hanggang mamyang gabi
at mapag-isa na ang dalawa. Napagod din si Don Timoteo sa kababati sa mga taong dumalo at ito
ay naipin dahil hindi pa dumadating ang Kapitan Herenal. Dumating na ang matataas na Diyoses,
sina Padre Irene, Padre Salvi, at iba pang mga pari. May pumansin sa mga kromong nilagay ni Don
Timoteo, hindi daw ito nababagay at minamantsahan lamang ang mga dingding ng bahay. Nagalit
ang Don, at minungkahing nanggaling sa iyon sa Europa, napakamahal, at walang mabibiling ganun
sa Maynila. Natigil nalang si Don Timoteo nang dumating ang Kapitan Heneral, nataranta siya kung
ano ang gagawin, kung siya ba ang unang kakamay o hihintayin niyang iabot ng Kapitan Heneral
ang mga kamay nito sa kanya. Tinugtog ang Marcha Real. Malungkot ang Kapitan Heneral sapagkat
ito ay aalis na. Napaisip siya sa pagpipilit ni Simoun na magtagal pa, pero sabi niya sa sarili na
delikadesa muna bago ang lahat.
Nasa harap ng bahay ni Kapitan Tiago si Basilio, minamasdan ang mga taong pumapasok sa
pagdiriwang, nagdalawang isip siya dahil sa dami ng madadamay na mga inosenteng buhay. Nakita
niyang bumaba sa karwahe si Padre Salvi at Padre Irene, at naisip niya na pabayaang magbayad
ang mga mabuti kasama ang mga makasalanan. Dumating si Simoun na hawak ang lampara, na
sadyang napakaganda at kaayaaya, sumond dito ang pagdating ng Kapitan Heneral. Naawa ulit si
Basilio at tinangkang pumasok sa bahay ngunit hindi siya pinapasok,dahil sa napakaaba ng
kanyang bihis. Pinigilan siya at binalaan na tatawagin ang isang pares ng beterana, pag pinagpilitan
niya pang pumasok sa pagdiriwang. Malugod na tinanggap an lampara na hawak ni Simoun, lahat
ay manangha at pinuri ang lampara. Nasunod sa plano ito ay nilagay sa gitna ng mesa na pinsadya
ni Simoun. Hinay-hinay na umalis si Simoun na hindi na napansin ng mga tao sa loob dahil sa
pagkamangha sa lampara. Makaraan ang ilang minuto lumabas si Simoun na bahagyang
namumutla. Parang tinutukoy nito na wala na itong magagawa dahil tapos na ang pagtaya o :Alea
Jecta Est. Sa pagsakay niya sa karwahe ay sinabi niya na bilisan ang pagpunta sa Escolta. Dahil
doon naisip ni Basilio ang kanyang kaligtasan, naglakad-takbo papalayo si Basilio sa bahay,
nababangga ang sino mang makasalubong sa daan. Bigal siyang nabunggo kay Isagani at itoy
niyaya niya papalayo sa bahay. Sinagot naman siya ni Isagani na bakit daw ito aalis, pag pinatagal
niya mag-iiba na si Paulita bukas. Sinabi ni Basilio na may malaking sakuna ang darating, mamaya
niya ikukuwento ang detalye, ang importante ay mapalayo sila sa bahay ni Kapitan Tiago. Pero
pinagpilitan pa rin ni Isagani ang tumuloy sa pagdiriwang. Mabilis na umalis at naglakad papalayo si
Basilio. Matapos nun, at napaisip si Isagani at napagtagpi-tagpi ang, mga sinabi ni Basilio. Nawala
sa isip niya ang pag-aalinlangan, at selos, at tanging nasa isip niya ay ang maisalba ang buhay ng
kanyang minamahal, si Paulita.
Sa loob pala ng pagdiriwang ay may isang papel ang pinasapasa na may nakasulat na Mane thecel
phares at sa ilalim nito ang pangalan at lagda ng isang nagngangalang Juan Crisostomo Ibarra.
Nagtanong ang Kapitan Heneral kung sino ito, at sinagot naman siya na ito nga ay matagal ng
patay, isang pilibustero. Nagpatuloy ang kasiyahan. Napaisip si Don Custodio sa mensahe ng sulat,
kamatayan ng lahat sa gabing ito? Bigla niyang nabitawan ang kanyang hawak na kubyertas, baka
sila ay lalasunin sa pagkain.
Namatay ang ilaw ng lampara, nagkagulo at inutos ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa uoang
magkailaw ulit. Ngunit biglang may taong kumuha sa lampara at dalian itong tumalon palabas ng
bahay patungong ilog. Nagsigawan ang mga nakakita, at nagkagulo ulit dahil may magnanakaw
daw! Hindi na nila ito nakilala dahil dalian itong tumalon sa ilog.
KABANATA 36
MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB
SI Ben Zayb ay dali-daling umuwi sa kanilang bahay at nagsulat ng ukol sa nangyari sa kasalan. Sa
kanyang mabulaklak na salaysay ay kung anu-ano ang mga kasinungaling inilagay at ginawa.
Ipinakita ang pagkabayani daw ng Kapitan Heneral at ang katapangan ni Padre Irene sapagkat ito
ay dumaan sa ilalim ng mesa sa paghahabol sa nagnakaw ng lampara. Nagsulat, nagbura,
nagdagdag at nagkinis si Ben Zayb upang lumabas na dakila ang kanyang sulatin at pawang
katotohanan lamang. Kinabukasan sa kanyang pgakamangha ay ibinalik sa kanya ang kanyang
lathala at hindi naimprinta sapagkat ayaw daw ng Kapitan Heneral na may lumabas na kahit anong
balita ukol sa nangyari ng nakaraang gabi sa kasalan. Ito ay lubhang ikinalungkot ni Ben Zayb at
ayon sa kanya maihahantulad daw ito sa pagpatay sa isang anak na maganda at matapang na
dalaga! Ang gayong karaming paghihirap ay hindi pwedeng walang gantimpala sa Diyos kung kayat
wala pang isang araw at mayroon na namang isang balita siyang tinanggap na pwedeng isulat at
malathala! Ang balita : Ang mga tulisan ay lumusob at nakakuha ng mahigit sa dalawang libong
piso at sinugatan ang pari at dalawa pang alila. Ang kura ay nagkasira-sira ang kamay sa paggamit
ng isang silya bilang pananggol!. Ang itinala naman ni Ben Zayb ay apatnapu o limampung tulisan
sa paraang pataksil,l mga rebolber, itak, eskopeta, pistola, leong nananandata, silya, mga tatal,
sinugatan ang walang kaawa-awasampung libong piso. Hindi pa nakontento si Ben Zayb sa
narinig kung kayat pumunta sya sa pinangyarihan ng krimen at doon ay napag-alaman na si Padre
Camorra ay nasugatan lamang ng munti sa kamay at isang bukol sa ulo, ang tulisan ay tatlo lamang
at pawang itak ang ginamit, ang halagang ninakaw ay limampung piso! Ang mga tulisan ay nahuli at
sinabi na ang may pakana ng lahat ay isang lalaking kamukha ni Simoun sa kanilang
pagkakalarawan. Noong una ay hindi makapaniwala ang mga maykapangyarihan at mga pari subalit
ng mapansing nawawala nga si Simoun ay naniwala na din at sya ay ipinahahanap sa mga guardia
sibil.
v Makikita natin si Ben Zayb na isang walang kwentang tao at nagpapanggap na matalino subalit
hindi naman. Ipinapahiwatig dito ni Rizal ang kamangmanagan at pagbabalatkayo ng mga Espanol
noong panahon na iyon at dahil sa kanilang mabulaklak na pananalita ay napapaniwala ang mga
indio. At makikita din natin na sa kabanatang ito unang nalaman ng mga maykapangyarihan na si
Simoun ang ulo ng mga tulisan.
KABANATA 37
ANG HIWAGA
Ang lugar ay sa bahay ng pamilya Orenda, mayamang mag-aalahas. Narito ang ama ng tahanan na
si Kapitan Toringgoy, ang totoong ngalan ay Domingo, ay kanyang asawang si Kapitana Loleng, ang
kanilang mga anak na dalaga na sina Tinay, Sensia at Binday. Narito din sa kanilang tahanan ang
kasintahan ni Sensia na si Momoy at si Isagani na dumalaw sa bahay na iyon. Ang pinakasentro sa
mga tauhan ay si Chichoy na siyang pinapakinggan ng lahat sapagkat ikinukwento niya ang
nangyari sa kasalan ng nakaraang gabi at kung sino ang may pakana ng lahat ng kaguluhan. Lahat
ng tainga ay nakikinig sa kanya habang sinasabi nya ang sako-sakong pulbura na natagpuan sa
buong bahay at mabuti na lamang at walang nanigarilyo kundi sabog sana ang buong bahay at
patay ang lahat ng tao at mga bisita maging ang mga prayle at ang Kapitan Heneral. Sinabi din ni
Chichoy na ang may kagagawan ng lahat ay walang iba kundi si Simoun na nagpapanggap na
kaibigan ng Kapitan Heneral at ngayon ay pinaghahanap na siya ng kinauukulan. Hindi
makapaniwala ang lahat ng nakarinig at si Kapitana loleng ay nag-alala sapagkat lahat daw ng
kanilang pinautang ay nasa kasalang iyon at maging ang isa pa nilang bahay ay nasa tabi ng bahay
na pinagdausan ng nasabing kasalan.
v Sa kabanatang ito ay makikita natin kung gaano kabilis lumaganap ang usapan sa buong bayan
(gaya ng paglaganap ng usapan sa paghahanda ni Kapitan Tiago sa pagdating ni Ibarra sa Noli at
sa mga usap-usapan sa pag-aaway ni Ibarra at Padre Damaso). Makikita din natin dito na may
pagkatsismoso ang mga Pilipino at may iba na walang inisip kundi ang kanilang kayamanan. Dulot
na din siguro ng kahirapan dati kung kayat sa oras na nagkaroon ng pera ay lubha ng kumakapit
dito ang mga Pilipino.
KABANATA 38
KASAWIAN
Ipinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at Tano at ang kanyang lolo na si Tandang Selo.
Si Kabesang Tales ay isa ng kilabot na tulisan at tinatawag ng Matanlawin. Si Tano ay isa ng
Guardia Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si Tandang Selo ay isa na ding tulisan. Makikita
natin dito si Tano/Carolino at kasama pa ang ibang indiong guardia sibil na nagpapahirap sa mga
bihag nilang pinaghihinalaang tulisan. Walang awa nilang pinapalakad sa ilalaim ng init ng araw ang
mga ito ng walang saplot sa paa at uhaw na uhaw at di man lang maabutan ng tubig. Si Carolino
sapagkat mabait ay pinagalitan ang kanyang kasamahang si Mautang sa paghahagupit sa mga
bilanggo kapag natutumba at di na makayanang maglakad. Sinabi ni Carolino na maawa ito
sapagkat tao din naman ang mga bilanggong iyon at katulad din nila, subalit hindi sya pinakinggan
ni Mautang. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga tulisang lumusob sa kanilang
paglalakbay sa gilid ng gubat na iyon at nagkaroon ng palitan ng putok, namatay si Mautang at iba
pa nitong kasamang guardia sibil. Nang may isang tao silang nakita sa itaas ng bato sa bundok ay
iniutos kay Carolino na ito ay barilin sapagkat tulisan din iyon. At ginawa nga ni Carolino. Nang
matapos ang putukan, tinignan nila ang mga tulisang nagkamatay din at doon ay nakita ni Carolino
ang isang mukhang hindi nya maaring kalimutan, at iyon ay walang iba kundi ang kanyang Lolo
Selo. Siya ang nakapatay sa kanyang Lolo Selo. At si Tano ay parang nawalan ng lakas at imik.
v Makikita natin dito ang irony ng buhay nila Tandang Selo, Kabesang Tales at Tano. Sila ay
nagkahiwa-hiwalay ng landas sapagkat sila ay napilitan. Ito ay hindi nila kagustuhan! Dahil sa
paghihirap at kasamaang dinulot sa kanila ng mga prayle ay nawalan sila ng kabuhayan at
nagkahiwa-hiwalay. Dahil dito ay napilitan silang maghigante sa kanilang sari-sariling paraan. At si
Tano ay nagdurusa sa kanyang trabaho. Makikita din natin na sa kabanatang ito huling binanggit si
Kabesang Tales at Carolino at sila ay nanatili pa ring tulisan at guardia sibil. Walang klarong
paglalahad kung ano talaga ang nangyari sa kanila.
KABANATA 39
ANG PAGTATAPOS
Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino, ang amain ni
Isagani. Walang tanong-tanong ay buong pusong tinanggap ng indiong si Padre Florentino si
Simoun at pinagyaman ang maysakit. Inisip na lamang nya na kaya ganoon si Simoun ay dahil
umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral kung kayat hinahabol sya ng mga naiinggit sa
kanyang kayamanan at yaong kinuhanan nya ng mga kayamanan. Nang araw ding iyon ay may
dumating na sulat na nagsasabing may huhulihin silang tao sa bahay ni Padre Florentino buhay man
o patay ay huhulihin nila ito. Sa pag-aakala ni Don Tiburcio de Espadana na noon ay nakikitira kay
Padre Florentino na sya ang huhulihin at dahil kagagawan iyon ng kanyang asawa ay dali-dali syang
nag-empake at umalis upang hindi abutan ng mga guardia sibil. Kahit anong paliwanag ni Padre
Florentino na si Simoun ang pinatutungkulan ng sulat ay hindi naniwala si Don Tiburcio at umalis pa
din ito. Samantala, hindi alam ni Padre Florention kung ano ang gagawin kay Simoun, patatakasin
ba ito o ano, kung kayat sinabi niya kay Simoun ang ukol sa sulat at nagulat siya sapagkat ayaw ni
Simoun na tumakas at ngumiti pa ito ng pauyam. Umalis ang pari at pagbalik ay napansing
nahihirapan si Simoun kung kayat kanyang tinanong at sinabi nito na Opo, konti lang pongunit sa
loob ng ilang sandali ay matatapos na din ang paghihirap ko! At nalaman ni Padre Florentino na
uminom pala ng lason si Simoun. Mas nanaisin pa daw nitong mamatay kaysa mahuli ng buhay
ninuman. Bago malagutan ng hininga si Simoun ay ipinagtapat niya kay Padre Florentino ang lahat
ng kanyang lihim na siya si Crisostomo Ibarra na nagbagong anyo upang maghigante subalit siya ay
nabigo. Ayon kay Pdre Florentino ang kanyang pagkabigo ay kagagawan ng Panginoon sapagkat
hindi Nito nais ang paraan na pinili ni Simoun. Ang kailangan ng bayan ay magtiis at gumawa upang
makamtam ang kanyang layunin at tanging pag-ibig lamang ang makapagliligtas. Sa pagtatapos ng
kanilang usapan ay wala ng buhay si Simoun at itinapon na ni Padre Florentino ang baul ng
kayamanan ni Simoun sa dagat Pasipiko.
v Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit pinanindigan pa din
na dapat makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga Kastila. At
hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita
din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan Nito. Nakita
din natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra na
nagpanggap na si Simoun