Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Para sa guro:

ANG PINAGMULAN NG PARUPARO

Punung-puno ng mga halamang namumulaklak ang kahanga-hangang


hardin ng matandang babae. Sapat na sa pagdaraan ninuman ang
masiyahan sa nalalanghap na bangong dulot ng mga bulaklak dito. Ngunit
pansinin pa rin ang munting bahay ng matanda kaya hindi kataka-takang
mapuna pati ang kahiwagaang nagaganap sa naturang bahay.
Sinasabing tuwing gabi ang kabahayan ay nagliliwanag at ang
matanda ay nagiging isang magandang dalaga. Bukod ditoy nasisilip din ng
iba ang mga duwendeng tumutulong sa babae. Ngunit pagsapit ng umaga,
ang maliit na tao ay nawawala at ang magandang dalaga ay nagbabalik sa
pagiging matanda.
Mabait at mapagbigay ang matandang babae na pinatutunayan ng kanyang
pagkakaloob ng mga bulaklak bilang kapalit ng mga isdang inihahandog sa
kanya ng mga taganayon.
Isang araw, may mag-asawang dumating sa nayon. Ang lalaki ay
mapagmataas at mapangmata. Para sa kanya, ang mga mangingisda sa
pook na iyon ay kapantay ng hayop. Mahilig siya sa magagandang bagay
kayat ang mga pangit ay kanyang kinasusuklaman.
Nang minsan siyang namasyal sa paligid, nagawi siya sa lugar ng matandang
babae at ganoon na lamang ang kanyang paghanga.
Anong gaganda ng mga bulaklak! ang nasambit niya. Makapamitas nga
nang marami.
Sa pagdungaw ng matandang babae mula sa bintana, napansin niya ang
lalaking namumutol ng mga bulaklak.
Magandang umaga sa inyo, Ginoo, magalang na bati ng matanda.
Ikasisiya ko pong mapaglingkuran kayo."
Hindi sumagot ang lalaki at sa halip ay tiningnan ang matandang may-
ari at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
Huwag mo akong pakialaman, matandang bruha! Lumayas ka sa harapan
ko sapagkat ayokong makakita ng pangit. Pagtataboy nito. Nakapandidiri
ka! Hindi ka nararapat sa kagandahan ng harding ito, sabay halakhak nang
malakas.
Hindi nakatiis ang matanda at sa galit ay biglang nanaog sa bahay. Sa
minsan niyang pag-ikot ay naging napakarilag niyang paraluman.

Sinurot niya ang lalaki at mariing nagsabing, Isinusumpa kita bunga ng


iyong kasamaang ugali! Ikaw ay mapanghamak, mapagmataas, at imbi kaya
ngayon din ay magiging kulisap ka! Mamamalagi kang aali-aligid sa
magagandang bahay tulad ng mga bulaklak.
Pagkasabi nito, ang lalaki ay nagbagong-anyo at naging isang paruparo.

You might also like