Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ALAMAT NG NIYOG

Noong unang panahon may mag-asawang taimtim na nagdarasal upang magkaroon ng


anak. May dalawang taon nang nagsasama ang mag-asawang Juan at Maria ngunit
wala pa rin silang mga supling.

Lahat na halos ng mga alam nilang paraan upang magka-anak ay kanila ng


sinubukan. Nagawa na nilang magsayaw sa kalye kasama ng iba pang mga mag-
asawang hindi rin magka-anak; nasubukan na rin nilang uminom ng ibat ibang
dahon-dahon na ayon sa matatanda ay makapagbibigay ng kanilang ninanais at kung
ano-ano pang mga seremonyas. Ngunit wala pa ring supling ang nabuo sa
sinapupunan ng babae.

Nawawalan na ng pag-asa ang mag-asawa nang sa wakas ay nabuntis din si Maria.


Ngunit maselan siyang magbuntis. Halos buong maghapon ay nakahiga lamang ito
sapagkat palagi siyang nahihilo at naduduwal. Hindi lamang iyon, marami din siyang
hinihiling na kainin o di kayay pagmasdan.

Dahil sa matagal nilang inantay ang magkaroon ng anak, ibinibigay ni Juan ang
lahat ng pinaglilihian ng kanyang asawa maski pa mahirapan ito sa paghahanap.
Lahat ng mga kakaibang prutas, ibat ibang luto ng pagkain at kung ano-ano pang
hinihiling ni Maria ay pinipilit na hanapin ni Juan upang hindi magdamdam ang
asawa at hindi mapasama ang bata sa kanyang sinapupunan.

Isang araw, may iba na namang pinaglilihian si Maria. Gusto raw niya ng prutas na
bilugan ang hugis at sa loob nito ay may tubig at may puting laman na parehong
ubod ng sarap at nakakabusog. Naghanap si Juan ng prutas na sinasabi ng kanyang
asawa ngunit wala siyang makita na may ganoong paglalarawan. Maging ang mga
kapitbahay na kanyang pinagtanungan ay walang alam na prutas na may ganoon
bunga. Umuwi si Juan na bigo sa paghahanap ng nasabing prutas.

Dahil hindi nakakain ng pinaglilihian niyang prutas ay dinamdam ito ni Maria. Ayaw
niyang kumain ng kahit ano maliban sa pagkaing kanyang inilalarawan. Siya ay unti-
unting nanghina at nagkasakit. Nagmakaawa si Juan na kumain ang asawa dahil sa
buntis pa man din ito ngunit ayaw talagang kumain ni Maria hanggat matikman niya
ang hinahanap na prutas.

Patuloy na nanghina si Maria at di kalaunan ay namatay. Dahil sa lungkot, inilibing


ni Juan ang asawa sa kanilang bakuran. Ilang buwan ang nagdaan at may kakaibang
halamang umusbong sa pinaglibingan kay Maria. Inalagaan ito ni Juan dahil naaalala
niya ang yumaong asawa sa halamang ito.

Dumaan pa ang dalawang taon at nagkabunga ang halaman na ngayon ay isa ng


matayog na puno. Kumuha ng bunga si Juan at nang biyakin niya ito ay may laman
itong parang tubig at puting laman. Tinikman ni Juan ang prutas at ito ay ubod
sarap. Muli niyang naalala ang prutas na pinaglilihian ni Maria noon na ganoong-
ganoon nga ang paglalarawan. Sa pagkakataong iyon, alam niya na ang puno ay ang
kanyang namayapang asawa na si Maria.

ALAMAT NG PANIKI
Noong unang panahon, noong bata pa ang mundo ay nagkaroon ng malaking hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mababangis na hayop at ng mga ibon.
Pinagtatalunan nila kung sino ang mas may karapatang manirahan sa malago at
mayamang kagubatan. Parehas na ayaw magbigayan ang dalawang pangkat at pinipilit
na sila ang mas nararapat kaysa sa isa. Dahil dito nag-away-away ang mga
mababangis na hayop at mga ibon. Naglabanan sila upang makita kung sino ang tatagal
at mananaig.

Patuloy ang labanan buong araw. Tumitigil lamang ito sa gabi upang makapagpahinga
ang mga hayop upang sa susunod na araw ang may lakas sila upang ipatuloy ang
pakikipaglaban.

Ngunit may isang hayop ang hindi niya malaman kung saan siya papanig. Ito ay si
Paniki. Palibhasa hindi niya kasi malaman kung mahahanay ba siya na isang mabangis
na hayop o di kayay ibon. Ayaw niyang kumampi sa matatalo kung kayat ang ginawa
niya ay nagmasid-masid muna ito sa di kalayuan at pinanood ang nagaganap na
labanan. Nang sumapit ang hapon at nakita niya na lumalamang ang mga ibon laban sa
mga mababangis na hayop ay dali-dali itong lumapit sa kampo ng mga ibon at
nakihalubilo.

Nakita ng mga ibon si Paniki at tinanong siya kung bakit siya asa kanilang kampo
samantalang isa naman daw siyang mabangis na hayop. Mabilis na pinabulaan ni Paniki
na siya as isang mabangis na hayop; siya raw ay isang ibon. Hindi nga bat meron din
daw siyang mga pakpak tulad nila. Nakumbinsi niya ang mga ibon at siya ay isinama sa
kanilang pagdiriwang.
Kinabukasan ay ganoon ulit ang ginawa ni Paniki. Nanatili siya sa isang mataas na puno
at nagmasid-masid ulit muna ito at inantay kung sino ang mukhang nananalo. Dahil
lumamang naman sa pagkakataong iyon ang mga mababangis na hayop, sa kanila lumapit
si Paniki.

Masayang nakihalubilo si Paniki sa mga mababangis na hayop. Ngunit tulad din ng mga
ibon, tinanong nila kung bakit siya nasa kanilang kampo samantalang isa siya sa mga
kaaway. Pinabulaanang muli ito ni Paniki. Isa daw siyang mabangis na hayop dahil tulad
nila meron din siyang matatalim na mga pangil. Ang mga ibon ay wala nga namang mga
pangil tulad nila kaya isinama din nila ito sa pagdiriwang.

Araw-araw ay ganoon nga ang ginawa ng tusong si Paniki. Natutuwa siya sa husay ng
kanyang naisip. Hayaan na lang daw na mapagod ang mga mababangis na hayop at ibon
sa pakikipaglaban basta sa kampo ng panalo siya sasama; hagikgik nito. Nanonood nga
muna ito at saka lang bumaba sa nananalong grupo.

Isang araw, napagod na ang mga diwata sa away ng mga mababangis na hayop at mga
ibon. Ipinatawag nila ang mga ito at pinagkasundo. Nagtalaga sila ng mga dibisyon
kung saan maninirahan ang bawat hayop. Sa wakas ay natapos din ang matagal na
labanan.

Nagsisipag-uwian na ang mga mababangis na hayop at ibon sa kanikanilang itinalagang


mga lugar nang makita nila si Paniki. Dahil sa nakita nila at nalaman ang ginawa nitong
pagpapalit-palit ng panig sa nananalong kampo, wala sa mga ito ang may gustong
kasama siya sa kanilang pangkat. Pinagtabuyan ng mga mababangis na hayop at ng mga
ibon ang kawawang si Paniki.

Simula noon ay hindi na nga nakikihalubilo si Paniki sa kahit anong hayop. Dahil sa
hiya, tuwing gabi na lamang ito mag-isang lumilipad upang humanap ng kanyang
makakain.

ALAMAT NG IBONG MAYA


Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga
ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa


kanyang ina. Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang
mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain
ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon
natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa
kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng
binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si
Rita roon.

Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing
sa loob. Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang
tinatawag ngayong maya.

You might also like