Editoryal-Labanan Ang Droga

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CHARLIE D.

FAJA

PAMAMAHAYAG PAMPAARALAN

Editoryal:

Takdan
Ngayong tag-ulan, dengue na naman

g
Ayon sa PAGASA, papalapit na ang rainy season. Maaaring sa susunod na

Aralin
linggo ay maranasan na ang pagpasok ng tag-ulan. At kapag tag-ulan, tiyak na
mapupuno na naman ng tubig ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng
sasakyan, mga paso ng halaman at marami pang iba na paboritong tirahan ng mga

sa
lamok na tinatawag na Aedes Aegypti. Ang lamok na ito ang may taglay na dengue.
Madaling makikilala ang lamok na ito sapagkat may batik-batik na puti sa katawan

Asigna
at kadalasang sa araw nangangagat.

turang
Ayon sa Department of Health (DOH) kinakailangang maglinis ng kapaligiran
ang mamamayan. Alisin o sirain ang mga bagay na maaaring tirahan o pangitlugan
ng mga lamok. Linisin ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig. Mabilis dumami
ang mga lamok at sa isang iglap ay ikakalat nila ang lagim ng dengue. Maaaring
mamatay ang biktima kapag hindi nadala sa doktor. Karaniwang biktima ng dengue
ay mga bata. Taun-taon ay tumataas ang bilang ng mga nagkaka-dengue. Ngayong
Inihanda kay:
2015, umabot na sa 25,000 ang nagkaroon ng dengue. Mataas umano ang kaso ng
dengue sa Metro Manila, Calabarzon area at Central Luzon. Ang paglobo ng mga
nagkaka-dengue ay maisisi na rin sa kawalang disiplina ng mga tao na patuloy na
pinarurumi ang kapaligiran. Kung saan may maruming lugar, naroon ang lamok.
ANESA PANDAY - MANGINDRA, MALT
Propesor
May mga ginawang eksperimento ang pamahalaan kung paano malilipol ang
mga lamok. Katulad ng mosquito traps na unang sinubukan sa Bukidnon noong
2010 na napatunayang nabawasan ang kaso ng dengue. Ganundin ang ginawa sa
Ballesteros at Claveria sa Cagayan na nabawasan din nang malaki ang dengue
cases. Ginawa rin ito sa Catarman, Northern Samar at epektibo.

CHARLIE D. FAJA 1
CHARLIE D. FAJA

PAMAMAHAYAG PAMPAARALAN

Ipagpatuloy ang kampanya laban sa dengue at mag-eksperimento pa.


Magkaroon nang malawakang information campaign sa buong bansa ukol sa
nakakamatay na dengue. Ituro sa mga bata ang pagwasak sa mga tirahan ng
lamok.

Mga Katangiang Taglay ng Editoryal:

Ang editoryal ay tumatalakay sa paglaganap o pagtaas


ng kaso ng dengue tuwing kapanahunan ng tag-ulan.
Napapanahon ito dahil dumaranas ng La Nia ang kalakhang
bahagi ng Mindanao. Karamihang laman ng balita ngayon ay
ang paglobo ng mga pasyente sa mga ospital dulot ng kaso ng
dengue.

Malinaw na ipinakikita sa unang talataan ang mga lugar


na pinamumugaran ng lamok na Aedes Aegypti, ang carrier ng
pangunahing pamuksa ng buhay ng tao sa buong mundo. Binigyan din ng linaw ang
katangian ng lamok na ito kaya mas madali itong maibukod sa iba pang klase ng
lamok sa pamayanan.

Batay sa laman ng artikulo, ikinatwiran ng pamunuan ang paglobo ng mga


biktima taon-taon kaya kailangang alisin at sirain ang mga bagay na maaaring
tirahan o pangitlugan ng mga lamok. Dahil sa mabilis dumami ang mga lamok,
madaling kapitan ng sakit na ito ang mga tao lalo na ang mga bata. Dagdag pa
nito, tumataas rin ang kaso ng mga namamatay dulot ng dengue dahil hindi agad
naidala sa doktor o pagamutan ang mga biktima. Karamihan ng mga nabibiktima ay
mga nasa kalunsuran o matataong lugar tulad ng Metro Manila.

Bilang patunay, ang tala o datos ay kinalap mula sa Kagawaran ng


Kalusugan o DOH. Kalakip nito ang istatistika kaugnay sa mga biktima ng dengue
noong taong 2015. Bukod pa rito, binanggit rin sa simula ang ahensiyang PAGASA
na talagang panahon na ng tag-ulan kaya hindi maitatatwang magkaroon ng
paglaganap ng mga sakit sa panahon ng tag-ulan.

CHARLIE D. FAJA 2
CHARLIE D. FAJA

PAMAMAHAYAG PAMPAARALAN

Hinihikat nito ang publiko na maging disiplinado kasama na rito ang


paggamit ng mosquito trap bilang pamuksa sa salot na lamok. Pinatotohanan ang
bisa nito batay sa eksperimentong isinagawa sa ilang lugar sa Pilipinas na may
mataas na kaso ng dengue.

Uri ng Editoryal:

Napapabilang ang artikulong ito sa mga editoryal na


nanghihikayat. Bagamat sa simula hanggang sa sumunod na
talata ay nagtataglay ng paninindigan o posisyon ng
pamunuan tungkol sa paksa, mga katibayang inilahad at
konklusyon ng diskurso, mababakas sa dulo ng talataan ang
panghihikayat sa mga mamamayan na ipagpatuloy ang
kampanya laban sa dengue. Dagdag pa ang malawakang
information campaign at pagtuturo ng paraan kung paano
puksain ang mga lamok.

CHARLIE D. FAJA 3

You might also like