Filipino 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Nina Mae J.

Batican HUMSS 1-Honesty

Malnutrisyon: Aksyonan Na Natin!


Ang malnutrisyon ay nagaganap kapag ang katawan
ng tao ay hindi nakakukuha nang sapat na sustansiyang
kinakailangan nito upang makaligtas sa mga sakit at
mabuhay nang malusog. Sinasabing ang isang tao na
napakahina kumain o maliit lamang na porsiyento kung
kumain ay matatawag na malnourished. Ngunit ang isang
tao na malabis namang kumain ay matatawag ding
malnourished kahit na kumakain siya ng tamang
pagkain.Ang problema ng malnutrisyon ay patuloy pa rin
na gumigimbal sa milyon milyong tao sa buong mundo
partikular sa mga mahihirap na bansa kabilang na ang
Pilipinas. At patuloy itong lumalala kasabay ng tumataas
na kaso ng kahirapan at lumolobong populasyon. Ayon sa
Food and Agriculture Organization (FAO), ang kaso ng
malnutrisyon sa Pilipinas konektado sa kakulangan ng
sapat na masusustansyang pagkain o kayay dahil sa
hirap na maiabot ang mga kinakailangang pagkain sa
buong populasyon. Bukod pa rito hindi din daw sapat ang
kaalaman ng lahat tungkol sa kahalagahan ng
nutrisyon.Sinasabing ang kakulangang sa protina
(protein-deficiency) ang pangunahing kaso ng
malnutrisyon sa Pilipinas. At tinatayang umaabot sa
tatlong milyon ang dumaranas nito. Dahil dito, laganap
ang kakulangan sa timbang at pagiging bansot ng mga
kabataan sa mga lugar na talamak ang kaso ng
malnutrisyon. Ayon sa FNRI, ang pagkabansot (stunted
growth) ay problemang matagal nang kinahaharap ng
bansa at sadyang nakaaalarma, mula sa 16% rate ng
pagkabansot sa mga kabataan noong 2011, dumoble ito
sa 33% rate sa sumunod na taon. Ayon naman sa World
Health Organization, 28 na milyong Pilipino ang
nanganganib na dumanas ng malnutrisyon, dahil pa rin
sa hindi maipaabot ng husto ang kinakailangang
nutrisyon sa buong ng populasyon.
Upang malabanan ang kaso ng malnutrisyon sa bansa,
nagsasagawa ng ilang programa ang pamahalaan upang
maikalat ang impormasyon sa lahat. Ipinaaabot ang
kaalaman sa kahalagahan ng nutrisyon sa mga kabataan
sa mga pampublikong paaralan, kasabay din nito ay mga
feeding program para sa lahat. Target ng pamahalaan na
mapababa ang mga kaso ng malnutrisyon, gayundin ang
bilang nga mga kabataan na namamatay dulot din ng
malnutrisyon sa pagsapit ng 2015.Ayon pa sa mga pag-
aaral ng ilang respetadong institusyon, ang mataas na
kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay tinuturo ding salik
kung bakit hindi sapat ang sustansyang nakukuha ng
bawat pamilya. Ang tinatayang 7.8 na porsyente ng
kawalan ng trabaho sa bansa ay masasabing dahilan
kung bakit hindi nabibili ang mga wastong pagkain na
kailangan ng bawat myembro ng pamilya. Dagdag pa rito
ang mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado. Ang
mga pamilya na biktima ng mga kalamidad ay
nanganganib din na maging biktima ng malnutrisyon.
Sa huli, mahirap man malabanan ang malnutrisyon sa
bansa, hindi pa rin dapat mawalan ng pag-asa na
darating at darating pa rin ang panahon na masusugpo
ang ito sa bansa. Kinakailangan lamang siyempre na pag-
ukulan ng pansin ang isyung ito, lalo na mula sa
gobyerno. Siyempre pa, kinakailangan din ang pakikiisa
ng lahat ng sektor ng lipunan nang sa gayon ay
makamtan natin ang layuning mabura ang malnutrisyon
sa mga Pilipino. Maiiwasan lamang yan kung ang lahat ng
tao ay marunong mag sumikap at hindi tamad..
pangalawa kung marunong sumunod sa batas ang lahat
ng tao ay hindi mawawalan ng kakainin ang tao

You might also like