Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aking Alagang Aso

Naalala ko pa nung minsang umuwi kami ng aking Mama sa Vinzons.


Bumisita kami kasama ang aking magulang upang batiin ang aking Lola
dahil kaarawan nya. Habang naghahanda ng pagkain ang aking Mama,
tinawag ako ng aking Lolo. Sabi nya may ipapakita daw sya sa akin. Agad
akong sumunod at laking gulat ko ng makita ang isang asong
napakaganda. Tinanong ako ni Lolo kung gusto ko ang aso. Sumagot ako
ng opo.

Nagustuhan ko ang ang aso sapagkat kulay kayumanggi at sadyang


nakakatuwa. Mababa lang sya at may maamong mukha. Noong iniuwi
naming sya sa bahay ay kahol sya ng kahol. Kaya sinabi ko sa aking Papa
na siguro ay nagugutom sya. Agad nag-isip ang aking Ama ng pwedeng
makain nya. Subalit wala kaming mahanap na pwedeng ipakain. Naisipan
naming pumunta sa grocery upang maghanap ng dog food at nakakita
naman kami.

Sa pag-uwi naming, agad kong pinakain ng dog food ang aking


alagang aso. Agad nya itong inubos at tuwang-tuwa kami. Tinanong ako
ng aking Ama kung anong pangalan ng aking aso. Agad kong naisip na
pangalanan syang Chuchay dahil sa angkin nyang kagandahan at
kakulitan. Simula noon ay kumakahol at lumalapit sya kapag tinatawag ko
syang Chuchay.

Tanong:

1. Ano ang ibinigay ng Lolo sa kanyang apo noong bumisita sya sa


bahay nila?
2. Bakit nagustuhan ng apo ang aso?
3. Ano ang binili nila sa Grocery para sa aso?
4. Bakit pinangalanan ng apo na Chuchay ang aso?

You might also like