Professional Documents
Culture Documents
Is Google Making Us Stupid
Is Google Making Us Stupid
Nicholas
Carr nanabuo mula sa kanyang kuryusidad o pagiging mausisa patungkol sa
mundo ngteknolohiya. Sa aklat ni G. Carr na pinamagatang The Shallows:
What the Internet is doing to our Brains,ipinaliwanag niya ang kanyang
opinyon kung paano tayo nababago ng teknolohiya, partikular, ang
malawakang paggamit ng Internet. Ayon sa kanya, ang kaisipan ng tao ay
matagal nang nahulma sa pamamagitan ng mga sangkap ng utak; mula sa
alpabeto, mapa, mga nailimbag na akda (literary works), orasan, hanggang
sa kompyuter. Mga ebidensyang makasaysayan at siyentipiko na nailahad
nagbabago ang ating mga persepsiyon at pagkakaunawa sa mga ito bilang
tugon sa mga karanasan. Ang teknolohiya na ginagamit natin sa
pagsasaliksik, pag-iimbak, ang pagbabahagi ng impormasyon ay maaaring
ibahin ang ating landas.
Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob
ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa
na lamang nito ay ang unang praktikal na teleskopyo noong ika-17 na siglo. Ito ay nagsilbing mahalagang
instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya na nagbigay daan para sa
hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga
basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para sa
pagtuturo sa ika-21 na siglo.
Ibat ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong asignatura o paksa
ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang
ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang
mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa
makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon
ay ang mga kompyuter na maaaring maka-access ng internet.
Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay gumagamit na ng mga kompyuter
na may access sa internet. Mayroon silang tinatawag na computer laboratory kung saan natitipon ang lahat
ng mga kompyuter. Nang dahil dito, mas naging maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon.
Mas epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.
Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng ibat ibang aspeto ng kaalaman at ng
edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan
ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto
sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.
https://colombierebears.jimdo.com/2011/01/31/teknolohiya-tulong-sa-
edukasyon/
MAGSALITA NGAYON
http://www.hermosa.gov.ph
para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. !alaki ang naidudulot nito
para sa pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong mamamayan
at sa mga estudyante (M. Underwood, 2009)