Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Nerie, Joshua Michael L.

Prof. Pedrialva

sy307
11/13/2016
TARIMA

I. SUMMARY.

Ang dokyumentaryo na ito ay ikininkwento ang pamamaraan ng paglikop ng pera ng mga taga
Mindanao sa mga bundok ng Davao Del Norte. Pinuntahan ni Jay Taruc ang pamilya Ugtalan
na nagmula pa sa tribung Manobo. Ang ikinabubuhay ng pamilya Ugtalan ay pagtatanim sa
patag na lupa na parte ng bundok na minana pa nila sa kanilang mga nakatatanda. Dito natin
makikilala si Arnel, isang trese (13) na taong gulang na pang anim sa magkakapatid sa kanilang
pamilya. Kahit pang anim siya sa magkakapatid, parang siya na rin daw ang tumatayong
panganay dahil sa mga magkakapatid, siya ang nagtratrabaho simula nung nag asawa na ang
mga nakatatanda niyang kapatid. Ang Tarima ay paraan ni Arnel upang kumita at makatulong sa
kanyang magulang. Ang tarima ay pagputol ng kahoy na kinakailangan ng mga factory upang
iproseso at gawing mga gamit sa pang araw araw natin (mga mwebles, mga papel, tissue).
Umaga pa lang ay inaasikaso na ni Arnel ang kanyan mga kagamitan na gagamitin sa
pagtatarima. Mahigit dalawang oras ang paglalakad para marating ang lugar na kung saan sila
puputol ng kahoy. Paano ang pagkain nila? Paano ang tubig nila? Mayroon silang dalang mga
kamoteng kahoy upang kainin pag sapit ng tanghalian. Gumawa din sila ng mga bukal upang
paginuman ng tubig. Habang naglalakad sila pabalik, pahinto hinto sila dahil nga sa bigat ng
buhat buhat nilang mga kahoy at sa pagod at sakit na nararanasan ng kanilang paa. Nung
napansin ni Jay na medyo nahihirapan na si Arnel sa pagbubuhat ng kanyang pinutol na kahoy,
nag presenta si Jay na tulungan si Arnel. Naglakad sila ng matagal ngunit di rin kinaya ni Jay
ang bigat ng kahoy. Kitang kita sa muka nya ang pagod at hirap na pinagdadaanan araw araw
ng mga nag tatarima. Mayroon silang lugar na tamabakan ng mga tarima at pabalik balik sila
ditto upang itambak ang mga naputol nilang tarima mula sa taas ng bunok. Marami rami narin
ang mga tarimang naipon sa tambakan kasi minsan, di na nakakabalik ang mga dapat bibili ng
mga ito. Araw araw nila ginagawa nila ito at nakasanayan na nila ang pagod at hirap para lang
makatulong sa kanilang mga pamilya. Tinanong ni Jay kung gusto raw ba mag aral ni Arnel.
Sinabi ni Arnel na wala rin naman siyang pera para sap ag aaral, mag tratrabaho na lang siya
upang makatulong sa knayang mga magulang at makapag ambag sa pambili ng bigas at
pagkain ng kanilang kakainin araw araw. Kapag may bibili ng tarima, kailangan ibaba mula sa
tambakan. Panibagong hirap na naman. Nang makababa na sila, nag aabang na ang bibili sa
kanila ng kanila tarima. May nirerequire na sukat ang bibili. Pag mas mababa sa 5, ito ay reject
at mababa lang ang ibibigay sa nagbuhat neto pababa. Sa kasawiang palad, reject ang nadala
ni Arnel at ang binigay sa kanya ay limang piso lamang. Medyo nakakainis pag ganon. Buong
araw ka nagtrabaho, at limang piso lang? limang piso lang kapalit ng pagod at mga sugat na
tinamo mo sa paglalakad.

---------------------------------

Noong pinapanuod namin ito, nagkaroon kami ng bagong kaisipan kung ano ba talaga
nagnyayari sa mga bulubundukin ng pilipinas lalo na sa Mindanao. Pag sinabi kasing Mindanao,
pumapasok agad sa isip natin ang mga terrorista at kahirapan. Makikita nga talaga natin na
may iilan na naghihirap sa Mindanao lalo na ang mga tribu. Magkaibang magkaiba talaga ang
way of living ditto sa manila kaysa sa probinsya. Kung ditto sa maynila ay madalas ginagamit
natin ang natutunan natin noong nag aaral tayo, doon naman sa kanila ginagamit nila ng
kanilang pisikal na kakayahan upang makatulong sila sa kanilang mga magulang. Minored edad
Nerie, Joshua Michael L.
Prof. Pedrialva

sy307
11/13/2016

pa lamang ang iba sa kanila ngunit nagtratrabaho na para sa pagkain ng pamilya nila araw
araw. Lalo na si Arnel at ang kanyang mga kasama. Halos lahat sila ay mga menorde edad na
iniisip lamang ang makatulong sa kapwa nila. Medyo nakakadismaya lang kasi parang hindi
ramdam ang presensya ng gobyerno sa lugar nila. Bakit hindi sila tulungan nung mga kmpanya
na nangangaialangan ng mga kahoy para sa mga factory nila dahil kung hindi sa mga
nagtatarima, wala silang kahoy na makukuha. Walang kahoy ang mga factory nila, wala silang
kita. Yun lang naman. Nakisalamuha at nakilahok si Jay sa mga nagtatarima at may mga ilang
parte na iniinterbyu niya ang mga ito. Naramadam niya ang hirap, pagod at pinagdadaanan ng
mga nagtatarima. Para sakin, mahirap na gawain ang pagtatarima, kung 1st time mo lang mag
tatarima, sasakit ang katawan at paa mo sa pagod. Kailangan mo muna sanayin sa pisikalan
ang iyong katawan para masanay sa ganitong uri ng gawain.

You might also like