Professional Documents
Culture Documents
Pray Over in Baptism in The Holy Spirit - Tagalog Version
Pray Over in Baptism in The Holy Spirit - Tagalog Version
Pray Over in Baptism in The Holy Spirit - Tagalog Version
PAUNA (INTRODUCTION)
Kapatid na ___________________, bago tayo magsimula sa gagawin nating pagdarasal para sa iyo [Pray-over], nais
kitang tanungin kung:
Mayroon pa bang ibang nakakaabala sa iyong pag-iisip (concerns) bukod sa napag-usapan natin noong
nakaraang _____________ nang mag-usap tayo ng sarilinan (one-on-one)?
Anong regalo mula sa espiritu santo (spiritual gift) ang nais mong hingin sa ating Paginoon?
Kapatid, ihanda mo ang iyong sarili sa pananalangin. Ipanatag mo ang iyong kalooban. Isandal mo ang iyong likod. Ilagay
mo ang iyong mga kamay sa harapan. Buksan mo ang iyong mga palad tanda ng pagbubukas-loob mo sa ating
Panginoon. Isipin mo ang ating Panginoon na nasa iyong harapan ngayon. Sabihin mo sa kanya lahat ng iyong
nararamdaman at isiping ikaw ay kanyang minamahal at ipadala ang Kanyang Banal na Espriritu upang ikaw ay tulungan
sa iyong pagbabagong-buhay.
Kapatid, tayo ay magbigay-puri sa ating Panginoon ngayon. Samahan mo kami sa pagpupuring ito. Isipin mo ang mga
salita, titulo at mga katangian na magbibigay puri at parangal sa ating Panginoon.
Mga kapatid, sabay-sabay tayong magbigay-puri sa Kanya! PINUPURI KA NAMIN, SINASAMBA KA NAMIN,
MINAMAHAL KA NAMIN, IKAW ANG HARI NG MGA HARI, PANGINOON NG MGA PANGINOON, IKAW ANG DAAN,
ANG KATOTOHANAN AT BUHAY, ANG MABUTING PASTOL, HARI NG LANGIT AT LUPA, SAMBAHIN ANG NGALAN
MO.
I. PANIMULANG PANALANGIN (Opening Prayer)
PAGSUSUKO (Surrender) at PANGANGALAGA (Shielding)
Dakilang Ama, isinusuko naming ganap ang aming mga sarili sa iyo pati na ang aming mga mahal sa buhay, asawa, mga
anak, magulang at mga kapatid. Isinusuko rin namin ang aming mga tahanan, mga kasangkapan, mga kagamitan at lahat
ng aming mga ari-arian.
Makapangyarihang Ama, sa ngalan ng iyong Anak na si Hesus, pangalagaan mo kami sa pamamagitan ng kamahal-
mahalang Dugo ni Hesukristo. Ipagkaloob mo rin sa amin ang pangangalaga ng aming Ina na si Maria.Ipadala mo ang
iyong mga anghel sa pamumuno ni Muguel Arkanghel upang proteksiyonan kami laban sa lahat ng masasamang
espriritu.
Maawaing Ama, sa ngalan ng Anak mong si Hesus, idinadalangin naming sa iyo ang aming kapatid na si
____________________________, na sanay bigyan mo ng lakas upang ganap na niyang talikuran at iwasan ang lahat
ng kanyang mga kasalanan. (Sabihin ang kasalanan).
Itinataas din namin sa Iyo, Panginoon, ang mga kahilingan, pangangailangan at mga suliranin ng aming kapatid. (Sabihin
ang mga kahilingan).
Panginoon, sa ngalan ng iyong Anak na si Hesus, hinihiling namin para sa aming kapatid ang mga sumusunod na regalo
mula sa Banal na Espiritu Santo: (Sabihin ang spriritual gifts na nais ng kapatid)
PRAYING IN TONGUES
Kapatid, tayoy muling magbibigay puri sa ating Panginoon sa pamamagitan ng praying in tongues. Isipin mo na ang
Paginoon ngayon ay nasa iyong harapan at bigyan mo siya ng papuri.Ibuka mo ang iyong bibig at sabihin ang kahit na
anong salita na magbibigay papuri at pasasalamat sa ating Panginoon. Ngayon mo sabihin sa Kanya kung gaano mo siya
Kamahal. Maari mong gayahin ang aming sinasabi sa simula. Pagkatapos ay hayaan mong ang Banal na Espiritu ang
magturo sa iyo. Maari mo ring sabihin ang salitang Aleluya ng mabilis at tulo-tuloy.
Ama naming nasa langit, sa ngalan ng Iyong Anak na si Hesus, pinupurit pinasasalamatan ka naming sa pagpapadala
mo ng iyong Banal na Espiritu upang samahan at igabay an gaming kapatid na si
________________________________. Tulungan mo siya, Panginoon, na magkaroon ng isang tunay na buhay-
Kristiyano. Maraming salamat sa pagpapatawad mo sa kanyang mga kasalanan at naway bigyan mo siya ng lakas upang
mpaglabanan ang lahat ng tukso. Lubos din kaming nagpapasalamat sa pagdinig mo sa kanyang karaingan,
pangangailangan, kahilingan at suliranin. Panginoon, ikaw ang nakakaalam kung ano ang mabuti para sa kanya kaya
ipinauubaya na naming sa iyo ang lahat.
Tulungan mo an gaming kapatid na mabatid niya ang misyon niya sa buhay, ang iyong kalooban para sa kanya. Naway
magkaroon siya ng pagkakataon na magamit niya ang ipinagkaloob mong mga handog na espirituwal para sa ikatatatag
ng iyong simbahan at para sa iyong ikaluluwalhati.
Palakasin mo ang kanyang pananampalataya sa Iyo at sanas maging tapat siya sa kanyang pangako na magbagong-
buhay na at maging isang tunay na Kristiyano.
Note: Kamayan at yakapin ang iyong kapatid bago ihatid sa kanyang upuan.
Pagdating sa kanyang upuan, pagbilinan na huwag aalis sa upuan hanggat maari.
Sabihin na patuloy siyang manalangin sa ating Panginoon, magpasalamat sa lahat ng biyaya at tulong na
makamit at humingi ng tulong kung paano niya maisasabuhay ang lahat ng kanyang natutunan.