Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGSUSURI NG NOBELA/AKLAT

I. BALANGKAS NG NOBELA
Mga Ibong Mandaragit
Mga Ibong Mandaragit ang pamagat ng libro dahil sumisimbolo ito sa
hindi pagkakapantay-pantay ng tingin sa mga tao sa lipunan. Sa libro makikita ang
diskriminasyon sa kulay, ginagamit itong basehan kung ano ang katayuan ng isang tao. Kung maputi
ka, mataas at magaling ka ngunit kung ikaw ay maitim, kahit anong gawin mo mababa pa din ang
magiging pagkilala at pagtingnin sayo ng mga tao. Para itong mga ibon na iba-iba ang sukat, kung
ito ay malaki, itoy kakatakutan, tila ba ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Sa isipan nito lahat
ay takot sa kanya, kungkaya makukuha niya anuman ang gustuhin niya.

Amado V. Hernandez
Si Amado V. Hernandez ay isang bantog na manunulat. Siya ay kilala sa kanyang tapang sa
pagpapahayag ngkanyang mga kuro - kuro ukol sa mga, di maikakailang sakit ng lipunan. Siya ay
isinilang noong ika-13 ng Setyembre taong 1903 sa Hagonoy, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay
sina Juan Hernandez at Clara Vera. Nang siya ay sumapit na sa hustong edad, napangasawa niya si Atang
dela Rama, kilala bilang Reyna ng Sarswela. Sila ay biniyayaanng isang anak, at pinangalanan nila itong
Rene Hernandez.Siya ay sa Gagalangin Tondo na lumaki at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa
Manila High School at sa American Correspondence School, naging iskolar din siya sa Harvard
University. Sa murang edad pa lamang ay kakikitaan na siya ng hilig at talento sa pagsulat.

II. BUOD
Pangunahing Tauhan:
Mando Plaridel
Dolores Montero
Magat
Tata Matyas
Iba pang Tauhan:
Don Segundo Montero
Donya Julia Montero
Karyo

Tagpuan:
a. Lugar
Sa bahay Tata Matyas sa Bundok ng Sierra Madre
b. Panahon
Panahon ng Hapon 1944 base sa nilalaman
Pangyayari
a. Pasakalye/ Simula Nagsimula ang kwento sa kalagitnaan ng taon 1944 kung kailan
humihina na ang imperyo ng mga Hapon dito saPilipinas. Inatake ng mga Hapon ang
Sampitan sa tangkang agawin ang Infanta mula sa mga gerilyerong Pilipino,nagkaroon ng
sagupaan. Dahil sa kakulangan sa mga armas na pandigma ay halos naubos ang hukbo ng
mga Pilipino.Isa sa mga nakaligtas ay si Mando. Habang tinatahak ni Mando ang kagubatan
upang makaligtas ay nakilala niya sinaKaryo at Martin. Sabay-sabay na tinahak ng tatlo ang
daan patungo sa bahay ni Tata Matyas na isa ding gerilyero noongkapanahunan pa niya.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga sina Martin at Karyo samantalang sa labas ng bahay ay
nag-usap sina Tata Matyas at Mando.
b. Simula ng Problema Ang kaban na anakiy isang maletang makapal at may sadyang
bitbitan din ay yari sa primera klaseng asero. Kung kinapitan man ng kalawang ang labas
dahil sa nalagak nang mahabang panahon sa buhanginan at tubig na alat ng dagat, ay hindi
naman naagnas, buo at matibay pa rin. Sa malas ay hindi titik na nakaukit na nagsasabing
ang kahang itoy yari sa isang siyudad sa Europa.
c. Pananabik / Pataas na aksyon - Hindi pinalampas ang maraming buwan pagkatapos ng
giyera ay tinotoo ni Don Segundo Montero ang kanyang banta. Ibabalik sa dati ang mga
bagay-bagay sa asyenda. Ipinatawag niya ang katiwalang si pastor at ipinag-utos ditong
tupdin agad ang kanyang order. Pairalin mo ang dating kondisyon, matigas na sabi ni Don
Segundo. Hati sa gastos , hati sa ani. Umpisahan mo nang singilin ang aking mga pautang,
kaibigan sa parti ng mga balasubas na yan. Mangyariy nasa tumbong ang kanilang
konsiyensiya, bulalas ni Montero, at idinugtong na parang ultimatum, Ang ayaw sa
kondisyones koy lumayas. Hindi baleng maggubat ang aking lupa kesa paglunggaan ng
mga ahas na yan.
d. Kasukdulan / karurukan - Sa tulong ng mapang ibinigay ni Tata Matyas, hinanap
nina Mando kasama sina Karyo at Martin angdagat kung saan sinasabing itinapon ang mga
kayaman ni Simoun, natagpuan nila ito sa Atimonan. Sa kabila ngtagumpay ay namatay si
Karyo dahil sa isang pating na sumalakay sa kanya samantalang si Martin naman ay pinatay
niMando dahil sa pagiging sakim nito.Nagwakas na din ang digmaan at muling nagkaroon
ng kapayapaan at katahimikan, ngunit kaakibat nito ay ang pagbalik din ng di
makatarungan at mga makasariling gawain ng mga nakakaangat sa buhay.
e. Wakas Nagtayo si Mando ng isang pahayagan at tinawag niya itong Kampilan. Umalis at
nangibang-bayan si Mandoupang magkaroon ng salapi para sa kanyang pahayagan.
Ipinagkatiwala niya ang ito sa mga dati ding gerilyero na sinaTata Matyas, Magat, Andres,
Rubio at Doctor Sabio. Bukod sa isang pahayagan ay nagtatag din si Mando ng
isangpaaralan na tinawag niyang Pamantasan ng Kalayaan na naglalayon na mapabuti at
mapangalagaan ang mga kabataan.

III. PAGSUSURI
Problema
Ang mga paghihirap na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan na inilarawan ng
may-akda. Halimbawa na lamang ang pagpasalang kay karyo. Maging ang pagiging dayuhan ng
iba sa ating bansa ang siyang naging isang problema dito gaya na lamang ng mag-asawang
Montero.
Pahiwatig
Napag-usapan nila ang dalawang magigiting na akda ni Jose Rizal, and Noli meTangere at
ang El Filibusterismo. Nangagahulugan ito na naging gabay niya ang ibang akda n gating
pambansang bayani at may kinalaman ang nilalaman nito sa pakikibaka para sa kalayaan.
Simbolismo
Malinaw ring naipakita ang ibat ibang katayuan sa buhay; ang mga mayayaman sa katauhan
nina Don Segundo Montero, Gob. Oscar Doblada, Hen. Bayoneta at iba pang nakakataas na
walang ginawa kundi ang magpakasasa sa kayamanan, at ang mga mahihirap sa katauhan ni
Mando Plaridel, Tata Matyas, Magat at iba pang naghahangad ng pagbabago sa bulok na
sistema.
IV. KONGKLUSYON
Isa lang naman ang layunin ng Mga Ibong Mandaragit, ito ay ang hingkayatin tayong kumilos para
sa pagbabago. Sa pamamagitan ng nobelang ito ay naipahayag ng may-akda ang kahalagahan ng
kalayaan lalo na sa pamamahayag, paglaban sa katarungan, pagtanggol sa karapatan ng mga mahihirap,
pagmamahal sa Inang Bayan o nasyonalismo at pag-angat ng ating lipunan. Lahat ng ito ay nakapaloob
sa akda na siyang magdudulot sa atin ng kasiyahan at inspirasyon kapag mababasa ito. Kung susuriin
ang ibat ibang aspekto ng nobela, makikitang mas marami itong mabuting aspekto kaysa mahinang
aspektosa lipunan. Mabuting aspekto nito ay ang mga naging pakikibaka ng mga tauhan para sa
paglutas ng mga suliraning ito.

V. REAKSYON
Masayang malaman na may tulad ni Amado V. Hernandez ang nagsusulat ng ganitong mga uri ng
nobela. Nawa ay mahikayat tayong mga mambabasa na kumilos para sa layunin nito ng pagbabago.
Buksan natin ang ating mga isipan sa mga suliranin kinakaharap ng ating bansa. Para sa mga paaralan,
magandang maging halimbawa at maipabasa sa mga mag-aaral ang nobelang ito upang yumaman pa
ang ating kaalaman sa panitikan at makagawa ng ganitong uri ng mga sulatin. Karapat- dapat lamang
irekomenda ito sa mga aking kamag-aral upang kapulutan din nila ng aral. Ang aral na aking natutunan
ay huwag maging gahaman dahil maari itong magbunga ng kasakiman at masamang epekto sa ibang tao
na nasa paligid natin.
MGA IBONG MANDARAGIT
ni AMADO V. HERNANDEZ

Ipinasa ni: Rexson Magsino

Ipinasa kay: Sir. Bernard Ferrer

You might also like