Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

madalas na pagdumi, pagdami ngdumi, o pagiging matubig ng dumi.

Kung
hindi mawala ang pagtataepagkaraan ng ilang araw, maaaring maging sanhi
ito ng masmalubhang mga problema.Ang pinakamalubhang komplikasyon ng
pagtatae ay ang
panunuyo ng katawan (dehydration).
Kung nagtatae ka, ang iyongkatawan ay nauubusan ng tubig at ng mga
importanteng mineral

nakailangan sa maayos na pagtakbo ng katawan (tulad ng sodium


atpotassium). Kung patuloy

pa rin ang pagtatae pagkatapos ng ilanglinggo, itoy nagiging dahilan ng


pagkawala ng mga

nutrients osustansya sa katawan. Ito ay nagpapapayat (wasting).


Ano ang sanhi ng pagtatae?
Impeksyon sa tiyan o sa bituka (bowels) Pamamaga ng bituka Mga
gamot laban sa HIV o mga kondisyong nauugnay dito(antibiotics)
Ang impeksyon at pagtatae
Ang mga mikrobyo tulad ng bacteria, parasites, fungi o virus aymaaaring
maging dahilan ng impeksyong mauuwi sa pagtatae. Parasites tulad ng
Cryptosporidum, Giardia at Entamoeba Viruses tulad ng CMV
(cytomegalovirus) Fungi tulad ng yeast o Candida Bacteria tulad ng MAC
(Mycobacterium avium complex) atSalmonella
Paano magagamot ang pagtatae?
Uminom ng maraming tubig. Maraming tubig sa katawan angnawawala
kapag nagtatae. Uminom ng maraming clear fluids paramapalitan ang
nawalang tubig. Baguhin ang diyeta o umiwas sa: dairy products, mga
pagkaingmamantika, mga prito at pagkaing maraming taba; maaanghang
napagkain; caffeine (mula sa kape, tsokolate, tsaa at soft drinks); apple
juice; whole wheat bread, mais o dagdagan ang kain ng: saging, kani

ANO ANG GAMOT SA PAGTATAE O DIARRHEA?


Gaya ng ating nabanggit, maraming kondisyon na nagdudulot ng diarrhea,
at ang paggagamot ay naka-depende kung anong kondisyon ito. Karaniwan,
ang pagtatae ay titigil sa loob ng ilang araw; hayaan lang ang katawan na
ilabas ng ilabas ang anumang nagdudulot ng pagtatae, at palitan lamang
ang tubig na nawala sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at iba pang
likido. Subalit kung patuloy ang pagtatae at may ibang mga sintomas,
magpatingin na sa doktor.
Sa pangkaraniwang uri ng pagtatae, ito ang mga prinsipyo ng gamutan na
kailangang tandaan:
(1) Uminom ng maraming tubig at iba pang mga likido gaya ng sopas, juice.
Para sa mga bata ng nagtatae, ang pag-inom ng mga Oral Rehydration Salts
(ORS) ay napakahalaga. Kaya nilalagyan ng swero ang mga bata sa ospital
ay upang iwasan ang dehydration o kakulangan ng tubig at mga
electrolytes; maiiwasan ang dehydration o ang pag-dala sa ospital kung
magagawa ang pagbalik ng tubig sa pag-inom lamang.
(2) Iwasan ang pag-inom ng mga over-the-counter na gamot sa pagtatae
gaya ng Loperamide. Isa sa mga dahilan kaya nagtatae ang katawan ay
upang ilabas ang kung anumang bagay na nagdudulot ng pagtatae gaya
halimbawa kung may nakaing masama o panis. Ang mga gamot na ito ay
baka makasupil sa pagpapalabas na ito.
(3) Iwasan ang mga pagkain na maraming taba, gatas o mga pagkain na
maraming gatas, alak, at kape, sapagkat ang mga ito ay maaaring
magpalala ng pagtatatae.
(4) Gamutin ang sanhi ng pagtatae. Kung ay pagtatae ay hindi pa nawawala
makalipas ang ilang araw, at kung ang dumi ay may dugo, o kung may ibang
sintomas gaya ng lagnat at pagsusuka, magpatingin sa doktor upang suriin
kung anong nagdudulot ng pagtatae. Kung ang pasyente ay hindi makainom
ng tubig upang mapalitan ang nawawalang tubig sa pagtatae, baka
kailanganin rin na i-confine sa ospital upang masweruhan

. Magtimpla ng ORS-Oral Rehydration Solution (Sa isang baso ng tubig


maglagay ng 2 kutsaritang asukal at kutsaritang asin. Paghaluin ito at
inumin). Huwag magbigay ng inuming matamis o maraming asukal sa
kadahilanang mapapalubha ang pagtatae. Ang mga gulaman at popsicles ay
maaaring alternatibo sa solid food at mga clear fluids sa mga bata na hindi
nais uminom ng tubig o humigop ng sabaw. Sa mas nakakatanda ay
maaaring magbigay ng BRAT diet (banana, rice, apple, tea). Ang banana ay
may taglay na Potassium. Ang Chamomile tea ay nakakarelax ng
pakiramdam. Tiyakin na makapagpahinga ng mabuti ang maysakit.

Para sa pagtatae (walang pagsusuka)


Magbigay ng sapat na inumin gaya ng sapat na dami ng formula o gatas.
Iwasan ang pinatamis na mga juice o softdrinks. Magbigay din ng mga
matigas na pagkain gaya ng cereal, oatmeal, tinapay, noodles, carrots,
dinurog na saging, dinurog na patatas, applesauce, tuyong toast, crackers,
pretzels, sabaw na may kanin o noodles at mga nalutong gulay.
Kung malala ang pagtatae, magbigay ng ORS sa pagitan ng pagpapakain.
Kung mabuti ang pakiramdam ng iyong anak pagkaraan ng 24 oras,
ipagpatuloy ang normal na diyeta.
TANDAAN: Maaaring sensitibo ang ilang bata sa lactose na nasa gatas o
formula. Maaaring lumala ang kanilang mga sintomas. Kung mangyari iyon,
gumamit ng ORS sa halip na gatas o formula sa panahon ng karamdamang
ito.
MAG-FOLLOW UP sa iyong doktor gaya ng ipinapayo. Tumawag kung hindi
bumuti ang iyong anak sa loob ng 24 oras o kung tumagal ang diarrhea
nang higit isang linggo. Kung nakakuha ng sample ng dumi (pagtatae
(diarrhea)), maaari kang tumawag pagkaraan ng 2 araw (o gaya ng ipinag-
utos) para sa mga resulta.

MAKAKUHA NG MABILIS NA ATENSYONG MEDIKAL kung mangyari ang


alinman sa sumusunod:
Paulit-ulit na pagsusuka pagkaraan ng unang apat na oras sa mga inumin
Panapanahong pagsusuka nang higit sa 48 oras
Madalas na pagtatae (higit sa 5 ulit sa isang araw); dugo (pula o maitim na
kulay) o mucus sa pagtatae
Dugo sa suka o dumi
Labis na iritable, inaantok o nalilito ang bata
Namamagang tiyan o mga senyales ng pananakit ng tiyan
Walang ihi sa loob ng 8 oras, walang luha kapag umiiyak, "nakalubog" na
mga mata o tuyong bibig
Lagnat na 100.4F (38C) oral o 101.4F (38.5C) rectal o mas mataas, o
gaya ng ipinag-utos ng iyong healthcare provider

You might also like