Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Ekonomiks

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakakikilala sa mga sekundaryang sektor ng sektor ng industriya,
2. Naipapahayag ang sariling ideya at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
sektor ng industriya sa ekonomiya ng bansa.
3. Nakapag-uuri ng mga pahayag base sa tatlong pangunahing suliranin ng
industriya.
4. Nakabubuo ng malikhaing slogan tungkol sa sektor ng industriya.

II. Paksang Aralin: Ang Sektor ng Industriya, Kahalagahan, at Kahinaan ng sektor


Sanggunian: Ekonomiks, pp. 388-396
Kagamitan: yeso, pisara, larawan, marker, manila paper

III. Konsepto
A. Paghahanda
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtatala ng lumiban
5. Balik-aral
6. Pagganyak
Atasan ang mga mag-aaral na kumuha ng isang gamit sa loob ng
kanilang bag. Pumili ng mag-aaral na syang maglalarawan sa gamit na
kanyang pinili at kung anong materyales ito nagmula.
7. Panlinang na Gawain
Unang Gawain:
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng
paksang tatalakayin. Tukuyin ang ibat ibang industriya sa loob ng mga
sekondaryang sektor at katangian ng mga ito para mabuo ang Concept Map.
Unang Pangkat: Pagmimina
Pangalawang Pangkat: Konstruksyon
Pangatlong Pangkat: Pagmamanupaktura
Pang-apat na Pangkat : Utilities

Pangalawang Gawain:
Sa limang pangkat na binuo sa unang gawain, magkakaroon ng brainstorming
tungkol sa kahalagahan ng sektor ng industriya. Ilathala ang naisip na ideya
sa kahalagahan ng sektor sa kalahating papel. Bibigyan ang bawat pangkat
ng limang minuto para paghandaan ang gawain.
Pangatlong Gawain: (lecture method)
Ang guro ay magdidikit ng salita sa pisara- Policy Inconsistency, Inadequate
Investment, Macroeconomic Volatility and Political Instability. May mga
pariralang ipapakita ang guro sa mga mag-aaral at ito ay kanilang ihahanay o
igu-grupo sa tamang salita na nasa pisara.
8. Malayang Talakayan
1. Bakit nasasabing ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi
upang matamo ang kaunlaran sa bansa?
2. Sa inyong palagay sa apat na sub-sektor ng sektor ng industriya, alin ang
may malaking kontribusyon sa pagbababa ng unemployment rate sa bansa?
Bakit?
3. Sa inyong palagay, ano ang sanhi kung bakit gustong magtayo ng negosyo
ang mga dayuhan sa bansa? At bakit ang ilan sa mga investors ay umaatras?

9. Pangwakas na Gawain
a. Pagbubuod
1. Ano ang sektor ng industriya?
2. Anu-ano ang mga nakapaloob na mga sub-sektor ng industriya?
3. Anu-ano ang kahinaan ng sektor ng industriya?
b. Pagpapahalaga
Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin para makatulong sa sektor ng
industriya, lalung-lalo na sa mga produktong lokal?

c. Paglalapat
Gumawa ng sariling slogan tungkol sa katangian at kahalagahan ng sektor ng
industriya. Gawin ito sa isang short bondpaper.
Pamantayan sa Paggawa ng Slogan
Angkop sa tema- 10 pts.
Pagkamalikhain- 5 pts.
Orihinalidad- 10 pts.
Kalinisan- 5 pts.
IV. Ebalwasyon
Punan ng angkop na salita ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang sagot
sa kahon.
1. Ang _______ ay sektor na kung saan ang mga metal, di-metal, at
enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing
tapos na produkto.
2. Ang _______ ay tumutukoy sa kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng
mga polisiyang susuporta sa pagpapalakas ng industriya.
3. Ayon sa _________ ni Walt Rostow na nagsasaad na ang kaunlaran ay
matatamo kung susundan ang dinaraanang proseso ng mga mauunlad na
bansa.
4. Binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, kuryente, at gas ang sektor
ng __________.
5. Pangunahing layunin ng sektor ng ______ ay maiproseso ang mga hilaw na
materyal o sangkap na materyal upang makabuo ng mga produktong
ginagamit ng tao.

Industriya Policy Inconsistency


Utilities Inadequate
Investment
Pagmamanupaktura Balitao et al.
Pagmimina Modernization Theory
V. Takdang-aralin
Sa isang short bondpaper, kumuha ng larawan sa dyaryo, magazine o sa
internet ng isang isyung kinakaharap ng sektor ng industriya. Ipaliwanag ang
ipinahihiwatig ng larawang pinili.

INIHANDA NI:
MARIE MICHELLE D. LASPINAS

You might also like