Emilio Aguinaldo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Emilio Aguinaldo

Si Emili Aguinaldo y Famy[1] (22 Marso 18696 Pebrero


1964) ay isang Pilipinong heneral, politiko at pinn ng
kalayaan, at ang unang Pangulo ng

Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899


1 Abril 1901). Isa siyang bayaning
nakibka para sa kasarinlan ng
Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang
bigong pag-aalsa laban sa Espanya
noong 1896. Makaraang magapi ng
Estados Unidos ang Espanya noong
1898, ipinahayag niya ang kalayaan
ng Pilipinas at umupo bilang unang
pangulo ng Pilipinas noong Hunyo
1899. Malakas ang kaniyang loob
subalit nilarawang baguhan sapagkat
naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang
hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga
hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli
niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899
hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang hul ng mga
Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban
sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa
Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie
hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan
noong 1946. Tumakbo siya blang pangulo noong 1935
ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga
hulng panahon ng kaniyang bhay, nagsilbi siya sa
Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2] Siya rin ang
pinakabatang pangulo ng Pilipinas.

Kabataan

Ipinanganak siya sa Cavite el Viejo, Cavite noong 22


Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad
Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay isang
gobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino, Tagalog at
Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan.
Bilang bata, nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa
niyang lola at maya-mayang nag-aral ng elementarya sa
paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880.
Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa
Colegio de San Juan de Letran, ngunit, tumigil siya noong
nasa ikatlong taon na siya para tulungan ang kaniyang
nabiyudang ina na patakbuhin ang kanilang bukid. Sa
edad na 28, si Miong ay naging cabeza de barangay sa
Binakayan, ang pinakaprogresibong barrio sa Cavite el
Viejo. Hinawakan ang posisyon na ito ng 8 taon. Noong
1893, ipinasa ang Maura Law na ibinago ang sistema ng
lokal na gobyerno, binago nito ang tawag na
gobernadorcillo sa capitan municipal. Kaya noong 1895,
si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite el Viejo na
tinawag na capitan municipal..
Rebolusyong Pilipino

Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang


sikretong organisasyon na pinamumunuan ni Andres
Bonifacio, at dedikado itong organisasyon upang
maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang
kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit
niya ang nom de guerre na Magdalo, para kay Maria
Magdalena. Ang kaniyang sangay ng Katipunan na
pinamumunuan ng pinsan niya na si Baldomero
Aguinaldo ay tinawag ding Magdalo.
Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang
lungsod ng San Juan, Metro Manila). Ngunit sa simula ay
hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan
ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni
Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina
Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo
sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng
mga Espanyol ng panandalian.
Noong 17 Pebrero 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang
Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni
Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa
Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto
Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at
tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang
probinsiya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng
Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami
laban sa Espanya.
Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang
dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at
Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na
mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na
magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit
para sa kaniya na ang Katipunan ay gobyernong ganap,
pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na
sinimulan sa Kumbensiyong Tejeros sa Tejeros, Cavite
noong 22 Marso 1897. Nawala rito ang pamumuno niya
kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito
ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw
nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi
nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas
ang kaniyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi
lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang
kumbensiyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa
Morong, Rizal
Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong
pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang
kaniyang awtoridad, pinagbintangan ang paksiyon ni
Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas
sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si
Bonifacio at ang kaniyang mga kapatid at sa isang mock
trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensiyahan ng
kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang
tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni
Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan,
at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang
magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng
firing squad noong 10 Mayo 1897 sa Bundok Buntis na
malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon,
Cavite.
Biak-na-Bato

Habang tumitindi ang tensiyon, napilitan sina Aguinaldo


na lumikas papunta sa mga bundok. Dito pinirmahan niya
ang Kasunduan ng Biak-na-bato. Isusuko ni Aguinaldo ang
kaniyang gobyerno at itigil ang digmaan kapalit ng
$800,000 (Mehikano) bilang kapalit. Pinirmahan ito noong
Disyembre 14 at 15, 1897. Noong Disyembre 23, umalis
sila sa Pilipinas papuntang Hong Kong para lumikas. Ang
dala nilang $400,000 (unang installment) ay dineposito
sa mga bangko sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo
ang gobyerno at tinawag niyang Kataas-taasang Konseho
ng Bayan.
Isang rebolusyonaryong heneral, si Francisco Makabulos,
ay nagtatag ng Komiteng Ehekutibong Sentral na siyang
naging pamahalaan habang wala sina Aguinaldo. Kahit
pumirma si Aguinaldo, tuloy pa rin ang paghuli ng mga
Kastila sa mga Pilipinong sumama sa rebolusyon. Dahil
dito, nagsimula muli ang rebolusyon.
Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng
Espanya at Estados Unidos. Sa Labanan sa Look ng
Maynila, nanalo ang American Asiatic Squadron na
pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop
ang Maynila. Si Dewey ang nagbigay ng transportasyon
kay Aguinaldo pabalik ng Pilipinas. Bumalik bigla si
Aguinaldo sa kaniyang posisyon at linusob ang Manila.

Deklarasyon ng Kalayaan, Diktadura, at Gobyernong


Rebolusyonaryo
Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-
Amerikano, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong 19
Mayo 1898.
Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang pinn ng
buong militar at nagtatag ng gobyernong diktaturyal na
siya bilang diktador.
Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa
bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at binsa ang
Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay
sinulat sa baybay-Kastila ni Ambrosio Rianzares Bautista,
isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumsa.

Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng


dekrito ang opisyal na pagtatag ng kaniyang diktadurya.
Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na
rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin blang
pangulo.

Name:Nyle Jeff A.Patalinghug Grade 6 Borja


To:Mrs.
Malinao

You might also like