Respeto - Filipino Maikling Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

RESPETO

(Maikling Kwento)

Ni: Liberty Bartolome

Seksyon: 2-AHR

Bilang Bahagi ng pangangailangan

Sa ikapagtatamo ng grade

Sa masining na pagpapahayag
"Tsk! Ano na? Bigla ka yatang dinaga? Saan napunta ang tapang mo?

Ano? Hindi ka na lumalaban ah. Bakit? Wala ka na bang lakas?!!"

Umaalingaw ngaw sa bawat sulok ng kabahayan ang boses ko dahil sa pag

sigaw sa babaeng kaharap ko ngayon habang mahigpit parin ang

pagkakahawak sa mahaba niyang buhok at pilit hinihila palabas sa malaking

pintuan ng bahay.

"Lumayas ka na kasi dito! Naiintindihan mo, huh? Punyeta ka! Isa

kang malaking kahihiyan sa amin! Diba sinabihan na kita dati na ayokong

makita ang pagmumukha mo dito sa pamamahay namin? Ang kapal din

naman ng mukha mo! Wala ka talagang hiya!" Bulyaw ko ulit habang mas

hinigpitan pa ang pagkakakapit sa kanyang buhok na kulang na lang ay

mahiwalay na sa kanyang anit dahil buhok niya rin ang hila hila ko para

mailabas siya sa bahay namin.

"Anong nangyayari dito?" Ma-awtoridad na tanong ng

dumadagundong na boses na iyon. Nakakapanindig-balahibong tono na

halata mong galit na galit. Natigilan ako sa pagsabunot sa babaeng ito na

ngayon ay di na maipaliwanag ang kalagayan dahil sa sabog na buhok at sa

mga luhang dumadaloy sa mukha niya. Isama pa na nakasalampak siya sa

sahig na sa unang tingin ay talaga namang kakaawaan mo. Pshh.

Kadramahan. Bagay lang sakanya 'yan. Hinarap ko ang papa ko at sinuklian

siya ng napakatamis na ngiti sakabila ng mga matatalim niyang titig na

sinasabing magpaliwanag ako sakanya. "Hi dad. Welcome to the Philippines!"

Masiglang bati ko at akmang yayakapin ko na siya pero isang malutong na

sampal sa kanang pisngi ang aking natanggap.

"Pinalaki ba kitang ganyan Venice? Umuwi ako para sorpresahin ka

pero ano ang nadatnan ko? Ako ang nasorpresa anak!" sigaw sa'kin ni dad at
saka inalalayan patayo ang babaeng iyon pagkatapos ay inayos ang gulo-

gulo niyang buhok.

"You don't know a thing dad!" May halong pait ang tono ng boses ko

habang sinasambit ang mga katagang iyon. Gusto ko siyang sumbatan pero

umurong bigla yung dila ko noong naramdaman kong may namumuong

mainit na likido sa gilid ng aking mata.

"At sumasagot ka na ngayon? Hindi pa ba sapat ang nasaksihan ko

Venice? Kulang na lang isubsub mo sa sahig ang Tita Chie mo!" Makakapa

mo sa boses ni daddy ang tampo sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga

salitang yun habang patuloy paring hinahaplos sa likod ang babaeng

nagpapaawa sa kakaiyak. Pssh. Magaling talagang magdrama ang walang

hiyang babaeng yan huh? Pwes magdramahan tayo ngayon.

"Buti nga yun lang ang inabot niya sakin eh. Alam mo dad

kakaladkarin ko talaga yang babaeng yan palabas ng bahay na to pero

dumating ka kasi eh," confident kong sabi habang nakapinta sa aking mukha

ang labis na kasiyahan. Hindi ako magpapatalo kung patapangan din lang

naman ang pag uusapan. Hindi ngayon.

"Talaga ngang nagbago ka na. The last time I checked hindi ka

naman ganyan. Bakit sumasagot ka na ngayon? At bakit ganyan ka na

makitungo sa tita mo?" Nagtatakhang tanong sa'kin ni dad na para bang

gulat na gulat sa inaasal ko sa harapan niya. Sino ba naman kasi ang hindi

mabibigla? Venice. Ang pangalang pagkarinig mo palang mga positibong pag

uugali na ang papasok sa iyong isipan. Magalang lalo na sa mga

nakatatanda sakanya. Mabait sa lahat na animo'y hindi marunong gumawa

ng masasamang bagay. Palakaibigan at masayahin. Mapagbigay sa kanyang

kapawa. Mapagmahal lalo na sa kanyang mga magulang. Isang kabataan na


talaga namang hahangaan dahil sa ganda ng pag uugali at busilak na puso.

Anghel kung ituring. Yan ang Venice, pero dati yun dahil ang Venice na yun

ay naglaho na. Napalitan na ng isang demonyong Venice. Yung walang

galang sa mga nakatatanda sakanya. Sumasagot sagot ng pabalang at

pasigaw. Nagmumura at palaaway na ngayon. At iba pang katangian na

talaga namang nakakadismaya.

"Bakit hindi dad?! Anong dahilan para hindi ko siya pakitunguhan ng

hindi maganda? Sige nga dad. Sabihin mo nga kung bakit?"

Paghamon ko sakanya pero isa nanamang samapal ang natanggap

ko na talaga namang napakalakas dahil pakiramdam ko humiwalay ang

pisngi ko sa aking mukha. "hindi pa ba sapat na dahilan ang asawa ko na

siya Venice? She's your mom now! Kaunting respeto naman!" bulyaw ni dad

sa mukha ko na kulang na lang isaksak niya sa utak ko ang mga sinabi niya.

"Psh. Correction dad. Kabit. At kahit kaylan hindi sumagi sa isip ko na

maging mommy ko siya! Yan? Yang babaeng yan!? No way dad! No fucking

way!" sigaw ko habang dinuro duro ang babaeng nasa likuran ni dad na

patuloy parin sa paghikbi at hinahayaan lang kaming magsagutan ni dad

dito. Hindi man lang magawang awatin kami ni dad!

"Yan ba dad?!! Yan ba ang babaeng gusto mong maging mommy

ko?" natatawa kong tanong kay daddy.

*PAK! *PAK! Dalawang sampal na mas lalong masakit sa dalawa

pang nauna na nakapagpagising sa aking diwa. Dalawang sampal na animo'y

nagsasabing maging matapang ako at hindi iiyak na kahit ni isang butil ng

luha walang tutulo mula sa aking mga mata lalo na sa harapan nilang

dalawa. Kaya kong tiisin ang sakit na dulot ng pisikal na atake ni daddy kahit

na gustong gusto ko nang humagulgol sa harapan niya at yakapin siya ng


mahigpit. Pero hindi. Kailangan kung magmukhang matapang kahit na ang

sakit sakit na. Wala akong ibang nararamdaman kundi ang hapding dulot

nito na talaga namang tagos na tagos sa aking katawan.

"You know nothing or even a single idea about why dad.

Nakakapagtaka ba kung bakit ganito ako makitungo sainyo ngayon? Why

don't you ask your whore mistress para naman malaman mo kung bakit? But

I bet magpapaawa lang yan at uutuin ka. At ikaw naman pauuto diba? What

do I exp..." di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinampal nanaman ako

ni dad. Isa nanamang sampal na nakapagdulot ng pag ikot ng paningin ko at

napasalampak na ako sa sahig.

"Kung hindi mo kayang ibigay ang pagtanggap mo sa tita Chie mo,

Venice kahit respeto lang sakanya bilang asawa ko o kahit bilang tao man

lang maibigay mo. Respeto Venice!"

Galit. Yan ang makikita mo sa mga mata ni daddy habang binibigkas

ang mga katagang iyon. Isang galit na dragon na isang maling galaw ko lang

bubugaan na ako ng nag aalab na apoy na animo'y kanina pa niya

pinipigilang ilabas. Doon na tumulo ang kanina ko pang pinipigilan na luha.

Hindi dahil sa hapdi ng pisngi ko dulot ng mga sampal na natanggap ko

kundi dahil sa hinanakit na nararamdaman ko. Hindi kasi niya ako

naiintindihan eh. Ganon na ba ako kasamang anak na pati sarili kong ama

ayaw na sa'kin? Mahirap bang intindihin ang ayoko sa babaeng itinuturing

niyang asawa ngayon? Sa mga nakaraang taon maayos naman kami ni

daddy kahit wala na si mommy noon pero bakit ngayon biglang ganito na?

Bakit mas kinakampihan na niya ang babaeng 'yan kumpara sa sarili niyang

anak? Pero ang mas mahirap tanggapin ay ang nagagawa na niya akong

saktan dahil lang sa babaeng mahal na mahal niya.


"Respect? Respeto ba kamo dad? I'm afraid I can't give it to that

fucking girl beside you! Kahit sa panaginip hindi ko kayang respetuhin ang

ganyang babae dad. Sorry to say pero she really is not worth it to respect"

Lamlam ang aking mga mata dahil sa pag iyak ko pero hindi

nakaligtas sa aking paningin ang palad ni dad na bumwelo para sampalin

nanaman ako. Sige. Hahayaan ko lang siyang saktan ako kung sa tingin niya

yun ang nararapat gawin para tumigil na ako sa mga sinasabi ko.

"Dad, hindi nga naman siya karespe-respeto. Sa tingin mo kaya dad

sino ang rerespeto sa babaeng kahit sarili niya di magawang respetuhin?

Sino kaya ang rerespeto sa babaeng kung makahithit ng sigarilyo wala nang

bukas? Sino kaya ang rerespeto sa babaeng kung makainom ay siya ang

may-ari ng factory ng alak? Sino ang taong rerespeto sa babaeng kung

magdamit parang magsiswimming sa boracay? Sino..."

"TAMA NA!!!" sigaw ni dad na kulang na lang mapigti ang ugat sa

kanyang leeg dahil sa sobrang gigil sa akin at akmang susuntukin na ako

pero hinawakan lang niya ako ng mahigpit sa magkabila kong braso at

tinitigan ako mata sa mata. "bakit dad? Ayaw mong marinig ang saloobin

ko? Ayaw mong malaman kung bakit ayaw ko sa babaeng yan?" natatawa

kong tanong at nakipagtagisan rin ng titig sakanya. Syempre!

Magtatangatangahan at magbibinhibingihan nanaman siya panigurado.

Ganyan naman siya eh. Mas sinusunod ang kabit niya kesa sa sarili niyang

anak. "tama na! Sabi ko tama na!!!" sigaw ulit niya at binitiwan ang

pagkakahawak niya sa braso ko. Napasabunot na lang siya sa kanyang

buhok at napatingala sa kisame ng bahay na sa tingin ko kinakalma niya ang

sarili niya. "No dad. You should know everything. Okay lang naman sa'kin

kung naninigarilyo o umiinom siya ng alak eh. Ang ayaw ko lang naman ay
ang pagiging gahaman niya sa pera at sa pagiging maluho niya. Dad kung

ikaw kaya mong tanggapin at respetuhin ang babaeng gabi-gabi iba iba ang

lalaking kasakasama at ikinakama at sa babaeng may mga drug

parafernaliang ininatago, pwes ako hindi!" Matapang kung wika at tinapunan

ng masasamang tingin ang babaeng dahilan ng pag aaway namin ni dad

ngayon. "wag ka nang magkaila tita. Hindi ako tanga para hindi malaman

ang mga ginagawa mo sa loob ng bahay na to. Sa tingin mo ba pagkatapos

mo akong palayasin sa mismong pamamahay namin at ipadala sa lugar na

iyon hindi ko na malalaman ang mga katarantaduhang ginagawa mo? Doon

ka nagkakamali. I have my own ways tita" sambit ko habang tinititigan siya

na para bang sinasabi kong wag na siyang magsinungaling dahil na-korner

na siya. "Now answer me dad. Does she deserve my respect? Don't expect

me to treat and even respect her as my mom dahil alam kong alam mong

mali. Wala ka kasing alam dad dahil malayo ka at matagal ka ring wala sa

bahay na to. Ikaw lang naman ang iniisip ko eh. Ayokong pagtawanan ka ng

ibang tao lalong lalo na yung magmukha kang tanga dahil sa babaeng yan.

Anak mo ako dad, mahal kita at kung hindi ka naniniwala sakin...... Bahala

ka na. Nasabi ko na ang lahat dad. Alam mo naman ang tama sa mali diba?

Ikaw nga ang nagturo sakin eh" Pangungumbinsi ko kay daddy habang hindi

parin tinatanggal ang masama kong tingin sa babaeng sinungaling na yun.

"Richard makinig ka sakin. Nag bago na si Venice maniwala ka. Gaya nga ng

sinabi ko sayo na na kailangan mo nang umuwi dahil nalulong sa druga ang

anak mo at dinala ko siya sa rehab center pero nakatakas siya kanina kaya

sinugod niya ako dito. Pero nakatawag na ako sa center papunta na sila"

Wika ni tita Chie na kulang nalang magmakaawa sa harapan ni dad.

"I'm not an addict whore!!!" sigaw ko sakanya at akmang

sasabunutan ulit pero nahawakan na ako ng dalawang lalaking nakasuot ng


puting blouse at panatalon. Naramdman ko nalang ang pagbigat ng aking

mga mata at panghihina ng aking katawan pagkatapos akong turukan ng

isang maliit na injection ng isang babaeng naka puti rin at may suot pang

globes at face mask.

"Paumanhin po Mr. and Mrs. Garcia. Nagkaroon po ng problema sa

security kanina kaya nakatakas ang inyong anak"

"Okay lang po doktora. Sana maging okay na siya"

"Huwag po kayong mag alala Mr. Garcia dahil ginagawa po namin

ang lahat ng makakaya namin para sa paggaling ni Venice. Sadyang

mabagal lang talaga ang proseso pero makakaasa kayong within six months

may pagbabago nang magaganap sa behavior niya. Ganito lang talaga ang

epekto ng therapy sa pasyenteng nalulong sa droga. Nagiging marahas sila

at may mga instances na nakakaranas ng mga hallucinations o mga illusions

kaya kung ano ano ang nasasabi at nagagawa nila. May mga pagkakataon

ding nananakit sila ng ibang tao and worst ipinapasa nila sa iba ang mga

ginagawa nila" Rinig kong usapan nila bago tuluyang tangayin ng hangin ang

gising kong diwa.

You might also like