Edukasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Edukasyon

Sukatin ang gawain

Ang edukasyon ay ang pangunahing problema ng sangkatauhan. Kung mabigyan


natin ng wastong anyo ng edukasyon at pagtuturo ang kahit isang henerasyon,
matitiyak natin na ang lahat na mga darating na henerasyon ay mapalaking
maayos at mamuhay sa sukdulan. Ito ay dahil sa ang bawa't henerasyon na
makatanggap ng wastong paraan ng edukasyon ay maaari at magkaroon ng
sapat na kakayahang palakihin ang susunod na henerasyon.

Sa kabilang dako, ang kabiguan sa pagpapalaki sa gayong henerasyon sa kahit


isang lipunan, at pagmasdan ang bawa't susunod na henerasyon na mas mababa
kumpara sa kanyang sinusundan, nagbigay testigo sa katotohanang ang
sangkatauhan ay hindi kamakailan man nagkaroon ng wastong pamaraan ng
edukasyon.

Pamaraan ng Edukasyon

Ang wastong pamaraan ng edukasyon ay kailangang nakabase sa pang-unawa:


1. Ang wagas na kalikasan ng sangkatauhan, lipunan, at tao (ang orihinal na
anyo;
2. Ang karaniwang layunin ng sangkatauhan, lipunan, at bawa't tao (ang kahuli-
hulihang anyo);
3. Ang mga pamaraang magdala ng bawa't tao, lipunan at sangkatauhan sa
layuning ito.

1. Hindi buo ang pagkakilala natin sa ating tunay na kalikasan. Ang karanasan sa
buhay ay nagpahintulot sa ating magpasya na ang mga tao ay makasarili at
sakim, na ang lahat ng bagay na ating ginawa ay para lamang sa kasiyahan ng
ating mga pangangailangan.

2. Ang layunin ng ating buhay, o ang guhit ng ating kapalaran, ay hindi natin alam.
Nagkulang tayo ng kaalaman sa kahuli-hulihang anyo ng pag-iiral, ang layunin na
siyang ating pinagsikapan, at organisasyong nasa pinakamabuting kalagayan ng
lipunan at ng mundo. Maaari lang nating ipalagay na hawak ng kalikasan ang
gayong impormasyon hinggil sa ating darating na mga anyo, na naglalaman ng
kaalaman tungkol sa layunin ng pag-iiral ng bawa't tao, lipunan at sangkatauhan.

3. Ang paraan upang maabot ang layuning ito ay di maaaring maisakatuparan


hanggang sa makita natin ang tungkol dito: "Ano ang layunin ng ating pag-iiral?"
Ang alamin ang ating wagas orihinal na kalikasan at ang kahuli-hulihang anyo
kung alin, ayon sa plano ng paglikha, ang kailangang maabot, ang magbigay sa
atin ng pang-unawa ano ang mga katangian na ating kailangan para
maisakatuparan ang mga pagbabagong ito. Ito din ang magpasya ng anyo ng
pundasyon ng edukasyon na dapat nating kunin.

kahalagahan ng edukasyon

Ang Edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dhil dito nakasalalay ang kinabukasan
ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan d2 sa mundo. At ito ang ating
sandata para magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan upang makamit
natin ang isang mabuting hinaharap. Ang paghahanda para sa ating kinabukasan
ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay. Ngunit may
mga hadlang din na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya marapat lang
na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang
mga ito. At ang pagkamit ng tagump[ay ay kailangan buo determinasyon, tiwala
sa sarili, may pananampalataya sa Diyos at marami pang mga katagian na dapat
nating taglayin para makamit natin ang magandang bukas. KAHIRAPAN AY DI
HADLANG SA KINABUKASAN. Lagi natin tandaan na tayo gumgawa ng ating
sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating tatahakin ay nakasalalay sa ating
mga kamay. at lagi tayo sasandal sa ating Panginoon sa lahat ng ating mga
ginagawa dahil walang imposible sa kanya kung tama at nararapat ang iyong
ginagawa.

Ang dahilan ng mga pagkabigo sa edukasyon

Ating maintindihan mula sa nabanggit na hanggang sa darating tayo sa


kamalayan ng pangangailangang linawin ang layunin ng paglikha, at saka
pagpasyahan ang paraan para maabot ang layunin, lahat ng ating mga
pagsusumikap para likhain ang wastong paraan ng edukasyon ay di
magtatagumpay. Ang pagkamakasarili ng tao ang magiging sanhi sa kabiguang ito
kung patuloy ang pagtubo nito mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod,
at para sa kapakanan ng kanyang pribadong makasariling katuparan, lalamunin
ng makasariling ugali ng tao ang lahat.

Kalutasan sa problema ng edukasyon

Kailangang imbestigahan ng malawakan ang kalikasan ng tao para ang malawak


na mga samahan ng lipunan ay magiging kumbinsido na tayo, sa totoo, ay mga
makasariling mga nilalang. Kahit na gayon ang kalikasan ng ating mundo, ang
mga tao, salungat sa natira sa kalikasan, ay hindi pinagkalooban ng panloob na
pag-uugaling programa, at sa gayon tayo ay nangangailangan nito. Ang mga
hayop ay hindi nangangailangan para sa kanilang mga anak na sumailalim sa
gayong edukasyon, dahil ang kanilang mga pag-uugaling kilos na likas ay
naitalaga sa loob ng kanilang kalikasan. Ito ay sapat para sa kanila para kumilos
ng maayos sa kanilang buong buhay. Sa lahat ng mga buhay na mga nilalang,
ang mga tao lamang ang kulang sa programa ng kalikasan para sa wastong pag-
uugali; ang mga tao lamang ang may kalayaang pumili ng kanilang mga gawain.
Ang bawa't tao na nagkulang sa kamalayang ito ay namuhay sa partikular na
pananaw sa buhay, kasama ang sariling-gawang mga layunin at sariling-gawang
katangiang mga gawain. Ang ganoong tao ay pumili at lumikha ng kanyang
sariling sistema ng edukasyon, at ang lahat na sistemang iyon ay makaranas ng
pagbagsak.

Ang lugar ng nawawalang napagkalakhang mga batas ng pag-uugali ay


kailangang punuin ng wastong paraan ng edukasyon. Hanggang sa mapag-aralan
natin ang mga batas ng kalikasan, at mapag-aralan kung paano mamuhay ng
maayos sa mundo, wala tayong maipasa sa susunod na henerasyon. Sa
karagdagan, tayo ay mananatiling alanganin kung pinalaki ba natin ang susunod
na henerasyon sa maayos, at ang buong buhay natin ay magiging sunod-sunod
na pabalik-balik na mga kamalian. Ibig sabihin nito na tayo ay pinilit na
imbestigahan ang ating kalikasan at layunin, at sa basehan sa gayong mga pag-
iimbestiga, likhain ang programa ng pag-uugali para sa ating buhay sa mundong
ito; at pagkatapos ituturo ito sa ating mga anak.

Edukasyon pagkakatugma sa pinakamakapangyarihang kalikasan

Kung obserbahan natin ang kalikasan ng ating mundo, makita natin na ang bawa't
uri ng nilalang, kung anong buhay na bagay, selula, o organo man, ay naglingkod
sa pangangailangan ng iba. Ito ang natural na mekanismo sa mundo, sa
santinakpan, at sa katotohanan. Lahat ng buhay ay kumilos gaya ng saradong
sistema ayon sa iisang programa. Para mamuhay ng maalwan sa sistemang ito,
ang sangkatauhan ay kailangang magkaroon ng pagkakahawig, homeostasis, at
pagkapareho nito. Ito ay maabot sa pamamagitan ng wastong balanse sa pagitan
ng pagtanggap at pagbigay sa bawa't tao na may kaugnayan sa nakapaligid na
kalikasan at lipunan. Ang wastong pormula ng pag-uugalli sa bawa't tao, depende
sa natural na mga katangian at nakapaligid na mga pagkakataon ng bawa't tao ay
pinag-aralan sa siyensya ng Kabala. Kaya, kung wala ang kaalaman sa
siyensyang ito, hindi natin maabot ang wasto at balanseng pakikisalamuha sa
mga taong nakapaligid sa atin, sa kalikasan at sa lipunan. Wala din tayong
maituturo sa ating mga anak.

SISTEMA NG EDUKASYON SA KOLEHIYO

NI DR. EDBERTO M. VILLEGAS


Bulatlat.com

Ang sistemang edukasyon ng Pilipinas ay gingagamit lamang bilang instrumento ng estado sa paghubog ng
kamalayan at kakayahan ng mga kabataang Pilipino upang sila ay manilbihan para sa iilang naghaharing uri sa ating
lipunan at palaganapin ang mga kaugalian at pamaraan ng pamumuhay ng mga uring ito. Ang namamayaning uri sa
Pilipinas, ang komprador na burgesya at panginoong may-lupa ay pangunahing tinatangkilik ang interes ng kanilang
padrono, ang imperyalistang Estados Unidos. Sa kontekstong ito natin mauunawan lamang ang kalikasan ng
edukasyon na pinapairal ng gobyerno sa ating lipunan.

Ang Edukasyon ay Instrumento ng Uri na Hawak ang Estado

Dahil ang edukasyon ay isa lamang instrumento ng ating estado na kontrolado ng imperyalistang EU at dahil ang
pinakamahalagang instrumento ng pananatili ng kasalukuyang sistema ay ang paggamit ng dahas laban sa lumalaking
rebelyon sa kanayunan, ang edukasyon ay binibigyan ng mas maliit na prayoridad sa badyet ng gobyerno kung
ikukumpara sa militar. Ngunit, higit sa lahat, ang nangunguna sa badyet ng gobyerno ay ang pagbayad nito ng utang
panlabas sa mga dahuyang institusyon, kagaya ng IMF-WB at sa mga bangko ng imperyalismong EU at kanyang mga
kapitalistang kaalyado. Habang tumatakbo ang panahon, bumababa ang paglaan ng badyet sa edukasyon, samantalang
ang pagbayad naman sa utang panlabas at pondo para sa militar ay tumataas.

May batas na ginawa pa noong panahon ni Marcos, ang PD 1177, na naglalaan ng prayoridad sa pagbayad sa utang
panlabas ng Pilipinas na kasalukuyan ay umaabot na ng 58 bilyong dolyar (may balak pa ang rehimen ni Macapagal
Arroyo na umutang ng panibago sa halaga ng $500 milyun ). Halimbawa sa ginawang badyet sa taong 2004, sa
kabuuang P861 bilyong, P271.5 bilyon o 31.4% ang nireserba sa pambayad ng utang ng Pilipinas. Taon-taon lumalaki
ang tinatakdang pambayad ng utang panlabas ng Pilipinas; sa taong 2003 ito ay lumubo ng dagdag pa ng P58 bilyon.

Hambingin naman ang badyet para sa militar na tumaas mula sa P42.5 bilyun noong 2003 tungo sa P45 bilyun sa 2004
laban sa badyet sa lahat ng state colleges at universities (SCUs) na P15.68 bilyun lamang para sa taong 2004. Para sa
PNP naman ang badyet sa taong 2004 ay P33 bilyun. Kaya daw tinataasan ang badyet sa pagamit ng dahas ay para
kalabanin ang mga terorista sa Pilpinas sa sugo ni Uncle Sam. Sa kabuuan, ang porsiyento ng badyet ng Department
of Defense sa 2004 ay 5.21%, kalusugan (1.5%), pabahay (0.3%) at edukasyon (kasama na ang para sa elementarya at
sekundaryang baytang, kung saan mayroon tayong milyun-milyong estudyante ) ay 15.4%. (Mula sa Badyet ng
Pamahalaan para sa Taong 2004 at manipesto ng Anak Bayan Youth Party at iba pa, Dec. 10, 2003)

Ang Kalunos-lunos na Kalagayan ng mga Estudyante at Gurong Pilipino

Dahil sa palagay ng imperyalismo EU sa kanyang direktang pagsusuperbisa sa sistemang eduskasyon ng Pilipinas sa


pamamagitan ng WB na ang mga paaralan ng estado ay mahigpit na hawak na niya, bale wala dito ang kapakanan ng
mga estudyante at mga gurong Pilipino. Ganito din ang paninindigan ng estado ng Pilipinas hinggil sa katayuan ng
mga mag-aaral at guro ng bayan. Ang interes lamang ng estado sa edukasyon sa Pilipinas ay gumawa ng mga
kurikulum na palalaganapin ang tubo ng mga imperyalistang TNC at kanyang mga kakamping Pilipino. Kaya, bahala
nang maghigpit ng sentoron ang mga guro at magsiksikan ang mga estudyante sa mga klasrom. Kalunos-lunos ang
kalagayan ng mga estudyante at guro sa mga pambublikong paaralan. Batay mismo sa estadistika ng gobyerno, may
kakulangan ng 49, 000 na klasrom at may 2,381, 943 na mga desks/armchairs sa ating mga paaralan. Ang ratio ng
bilang ng libro sa mga estudyante ay 0.33 sa mga pampublikong paaralang pang-elementarya at 0.6 sa hayskul. Kaya
ang kalidad ng edukasyon ay pababa ng pababa. Halimbawa, sa 1999 Third International Math and Science Study, ang
Pilipinas ay pumuesto ng 36th sa kabuuang 38 na bansang sumali.

Nananatili din ang kababaan ng sahod ng mga 500,000 guro sa elementarya at sekundaryong paaralang pambuliko
mula P4,000 hanggang P6,000 bawat buwan (sa karaniwan) na take-home pay pagkatapos ng mga deductions at bayad
sa utang. (Datos ng Alliance of Concerned Teachers) Kaya di kataka-taka libo-libong guro ang nabibiktima ng mga
utangang 5-6 at nagsasyadline bilang mga tindera ng mga kendi, siopao, at iba pa sa kanilang mga paaralan.

Ang Pakikialam ng Imperayalismong EU sa Programa at Kurikulum sa Edukasyon ng Pilipinas

Mula pa noong panahon ni Marcos, ang WB ay nagdidikta na ng mga programa at kurikulum sa mga paaralan ng
Pilipinas, tulad ng Philippine Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) ni Marcos noong 1972, ang
Education Act of 1982, ang Education Commission ni Cory Aquino, ang Education 2000 ni Ramos at ang Presidential
Commission on Education Reforms (PCER) at Higher Education Modernization Act (HEMA, 1998) ni Estrada at ni
Macapagal-Arroyo. Ang lahat ng mga programang ito ay naglalayun upang lumikha ng mga estudyanteng Pilipino na
may mahusay na kakayahan na kailangan ng negosyo ng imperyalismo at mahubog ang kamalayan ng mga kabataan
upang mahalin ang kultura ng imperyalismo. Pinagtitipid din ng IMF-WB ang gobyerno ng pondo na sanay ilalaan
para sa edukasyon upang makabayad ang huli ng kanyang utang panlabas. Nagaalala ang imperyalsimo na sa laki ng
kasalukuyang depisito ng Pilipinas na umaabot na sa P220 bilyun na dulot din ng pagbayad sa utang panlabas at
pangungurakot ng mga opisyal ng pamahalaan na baka mag-default ang Pilipinas sa pagbayad sa utang panlabas. Kaya
sa PCER ni Estrada at Macapagal-Arroyo, tinutulak ng IMF na bigyan ng fiscal autonomy ang mga paaralan ng
pamahalaan upang humanap ang mga ito ng mga paraang makakalap ng sariling pondo. Pinapairal din ang dahan-
dahang pribatisasyong ng mga SCUs. Ang PCER ay lalong pinapalala ang komersyaslisasyon ng mga paraalang
publiko dahil pinapayagan na ang mga paaralang ito lalo na ang mga SCUs na magtaas ng tuition at mag-tie-up sa
bisnes. Bahagi din ng PCER ang paghintulot sa mga dayuhan na magtayo ng mga paaralan sa ating bansa.

Ang Estratehiya ng Imperyalismo sa Pribatisasyon ng Edukasyon

Ang pribatsisasyon ng edukasyon sa Pililpinas ay bahagi lamang ng pandaigdiganng estratehiya ng WTO at WB upang
papasukin ang mga TNCs sa Information Technology (mga computer company) sa larangan ng edukasyon
pampubliko. Tinuturing ng WTO, isang institusyong hawak ng mga kapitalistang korporasyon, na ang larangan ng
edukasyon ay isang mayamang mina na hindi pa nabubungkal para pagtubuan kagaya na ibang larangan sa serbisyo na
matagal nang ginagatasan ng mga TNCs, halimbawa sa pangbabangko at mga restoran at fast food. Sa pinapairal na
General Agreement on Trade and Services (GATS) ng WTO ay kasama ang serbisyong edukasyon sa mga serbisyo na
tinatarget ng mga TNCs. Ang isang nangungunang lobbyist sa mga pulong ng WTO tungkol sa GATS na inumpisahan
noong Pebrero 2000 sa Geneva ay ang tinatawag na Global Allance for Transnational Education na pinapamunuan ni
Gleen R. Jones, CEO ng virtual university Jones International Inc. Nais ng WTO na gawing market-based ang
education sa kolehiyo at alisin ang mga state-funding. Ang prinsipyong free universal education na nakasaad sa Article
13 ng UN International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights ay binabangga ng GATS at World Bank.

Ang WB ay nagtatag din ng Alliance for Global Learning na nagiispesialize sa tinatawag na e-learning na ginagamit
ang computer. Ang Alliance na ito ay pinoponduhan ang mga IT rooms, nagsasanay ng mga guro at umuugnay sa mga
gobyerno ng mga bansa upang gumawa ng mga intervention program. Ang mga isponsor ng mga ganitong programa
ay mga malalaking bangko tulad ng JP Morgan at Goldman Sachs, ang consultancy firm Ernst & Young at mga TNCs
sa IT kagaya ng Sun Microsystem at 3 Com. Nakikita kasi ng mga TNCs lalo na yung mga nasa IT na ang edukasyon
sa daigdig, sa partikular sa kolehiyo at sa adult education, ay isang malaking bagong industriya na maaaring pasukin.
Ang kabuuang gastos sa edukasyon sa daigdig ay 2 trilyon dolyar o 1/20th ng GDP ng mundo. Sabi nga ni Gleen R.
Jones: Education is one of the fastest-growing of all markets. Private training and the adult education industry are
expected to achieve double-digit growth throughout the next decade. (Internet) Ngunit, ang pandaigdigan estratehiya
ng imperyalismo, sa partikular ng EU, na sa kasalukuyan ay nababalot sa krisis ng sobrang-produksyon, na pagtubuan
pati ang larangan ng edukasyon ay maghigpit na tinutulan ng mga estudyante at mga guro sa Europa sa pamumuno ng
National Union of Students in Europe (ESIB) at ng mga guro sa kanilang organisasyon, ang European University
Association (EUA).

Ang Millennium Curriculum o Curriculum 2002 ng Departement of Education

Sa paggawa ng kurikulum para sa mga paaralan ng Pilipinas, ang imperyalismo ay aktibong nanghihimasok, mula pa
noong pagpondo ng WB sa panahon ng martial law sa pagsulat ng mga textbook na tinatangkilik ang pagsisilbi ng mga
kabataang Pilipino para sa negosyo ng mga kapitalista (ang programang EDPITAF) hanggang sa kasalukuyan sa
pagpapairal ng tinatawag ng DepEd na Millennium Curriculum o ang Curriculum 2002 para sa elementarya at
sekondaryang baytang. Sa ilalim ng Millennium Curriculum, inaalis ang mga asignatura na may kaugnayan sa
pagtuturo ng kasaysayan at sibikong kamalayaan at iba pang panlipunang pagaaral, at pinagsama-sama ang mga ito sa
isa lamang asignatura na pinamagatang PAGSIKAP. Kinolaps ang mga asignatura sa limang core areas ang English,
Filipino, Math, Science at Pag-Sikap. Pinahaba ang oras ng pagtuturo ng English at Math at ginawa muli ang English
bilang midyum ng pagtuturo. Ang mga pagbabago na ito sa kurikulum para sa elementarya at haiskul mula Grade 1 to
10 ay batay sa isang pag-aaral na ginawa ng WB-ADB na pinamagatang Philippine Education for the 21st Century:
The 1998 Philippine Education Sector Study o (PESS). Pinayo ng PESS ang streamlining ng Philippine education
at pagkukulaps ng mga asignatura lalo na yung may kaugnayan sa pagbibigay ng panlipunang kamalayan sa mga
estudyante. Ang pakay kasi ng WB at kanyang alalay na ADB ay upang makatipid ang Pililpinas sa badyet sa
edukasyon, at siyempre upang makabayad ng utang panlabas. Kasabay din nito ang pagbuwag sa mga asignatura na di
kailangan ng bisnis ng imperyalismo at natuturuan pa ang mga kabataan na magkaroon ng kamalayang panlipunan at
kritikal na pagiisip. Sa bagong kurikulum, nanganganib ang kabuhayan ng maraming guro na matatanggal dahil ang
kanilang mga asignatura ay di na kailangan, sa partikular yung mga nagtuturo ng panlipunang aralin. Ngunit ang papel
ng ating mga paaralan bilang mga tagalikha ng mga gradweyt ng mahusay sa kakayahan na kailangan ng negosyo ng
mga malalaking korporasyon, kagaya ng mga call center, tiga-silbi sa fast food, salesman, mekaniko at iba pa, ay
nagreresulta sa sobrang lakas paggawa sa ating lipunan. Dumarami ang bilang ng mga taong di-makahanap ng trabaho
na mga bagong gradwado taon-taon sapagkat lumalaki ang sobrang pwersa sa gawa, na nadadagdagan ng mga 750,000
katao bawat taon. Sa kasalukuyan, ang bilang ng walang trabaho sa ating lipunan ay 13% ng kabuuang lakas paggawa
ng bayan (ayun mismo sa estadistika ng gobyerno), pinakamataas sa buong Asya.

Ayun din sa PESS: The daunting medium-term challenge for Philippine education, therefore, is how to preserve the
quantitative gains of the past, improve equity and raise quality and to achieve all of these objectives during a period
of limited or zero growth in the public budgetary allocation to education as a whole. (PESS, p. 11, italics dinagdag)
Ang ibig sabihin ng WB-ADB ay paano mapapairal ng gobyerno ng Pilipinas ang mahusay na pagtutupad nito sa
pagalaga sa interes ng imperyalismo sa harap ng pagtitipid sa edukasyon. Ang sagot ikulaps ang mga asignatura at
tanggalin ang mga guro na di kailangan ng bisnes ng mga TNCs. Batay sa ganitong layunin ang PESS ay nagsaad:

Given lower-cost labor in the Peoples Republic of China and some other Asian countries, and rising labor costs at
home reinforced by minimum wage regulations, the Philippines future comparative advantage lies not in unskilled-
labor production, but rather in low-end high-tech areas, such as electronics manufacturing and tourist services,
requiring at least a secondary school education of reasonable quality.(PESS, p.1)

Ipinapairal ng PESS ang teorya ng mga kapitalista na ang edukasyon ng isang bayan ay iaayun sa comparative
advantage nito sa mga kapitalistang bansa sa harap ng kumpitesyon ng ibang bansa sa Pangatlong Daigdig. Kaya,
kailangang gamitin ang Curriculum 2002 upang makahubog ng mga manggagawa na semi-skilled at huwag na ng mga
unskilled dahil marami na nito ang ibang bansa kagaya ng Tsina. Ang mga semi-skilled na manggagawa ay kailangan
sa sektor ng serbisyo at marunong ng Inggles.

Ang Revised General Education ng Unibersidad ng Pilipinas (RGEP)

Gusto kong talakayin sa puntong ito ang pagbabago ng kurikulum sa aking paaralan, ang Unibersidad ng Pilipinas, ang
tinatawag na Revised General Education Program (RGEP). Sa ilalim ng RGEP ay di na kinakilangan kunin ng lahat ng
mga estudyante sa UP ang mga asignatura tulad ng History 1 (History of the Philippines) at Social ScienceII (Social
and Political Thought). Pinapaubaya sa mga estudyante sa partikular sa mga freshmen at sophomore ang pagpili kung
anong asignatura sa GE ang kanilang pag-aaralan. Siyempre, dahil ang mga estudyante natin ay produkto ng isang
sistema sa hayskul at elementarya (kasama dito ang mga pribadong paaralan), kung saan ang pinapalaganap ay kultura
ng kapitalismo, ang idibidualismo at liberalismo na nakabatay sa pansariling interes, ang malamang kunin ng mga
estudyante sa ilalim ng RGEP ay mga asignaturang pagkakakitaan (kagaya ng mga computer course) o di kaya
madaling ipasa. Ang dating GE program ng UP na kinakailangang kunin ang mga asignatura na nagpupukaw ng
kamalayang nasyonalismo (History I) at nagtatalakay sa ibat-ibang teoryang panlipunan ay nahubog sa panahon na
umigting ang nasyonalismo sa UP lalo na noong First Quarter Storm. Ang dating GE na napanalunan ng mga
estudyante at guro sa mahabang pakikibaka upang gawing relebante ang edukasyon sa UP ay binuwag na noong
nakaraang taon (2003). Ang hangad namang ipribatize ang UP sa impluwensa ng WT0 at WB ay nakalahad sa mga
panukulang batas na House Bill 455 at Senate Bill 2587 na nakahain ngayon sa Kongreso at mahigpit na tinututulan ng
mga estudyante at guro ng aking pamantasan. Noong nakaraang Oktubre, nabugbog ng mga pulis at militar at naaresto
ang mga estudyante at guro ng UP na nag-rali laban sa dalawang panukalang batas na ito sa harap ng Senado.
Sa kasalukuyang kalagayan ng ating sistemang edukasyon na walang kasarinlan at ginagamit lamang ng pamahalaan
upang paunlarin ang interes ng mga nagsasamantalang uri, ang tunay na emansipasyon ng mga kabataan sa mga ideya
at ugali na nilalako ng mga dayuhang impersyalista ay di kailan mangyayari. Ang mga ideya at kakayahan na
binibigyang-diin sa ating mga paaralan sa loob ng sistemang ito ay lalong pinapaigting ang mala-kolonyal na
katangian ng ating lipunan. Halimbawa, ang mga teoryang nilalako ng mga asignatura sa economics sa ating mga
paaralan tungkol sa supply at demand analysis na nakabatay sa assumption that all other things held constant o ang
pananaw ng ceteris paribus, na siyang batayan ng Macroeconomics at Miccroeconomics ng mga neo-classical
economists, ay isang ideyalistang pamaaraan ng pagaanalisa ng ekonomiya na pabor sa interes ng mga mayayaman,
lalo na ng mga TNC. Marami pang ganitong mga maling ideya na ikinakalat ng mga bayarang teorista ng mga
kapitalista sa ating mga paaralan, kagaya ng relative autonomy of the state, kung saan nakuha ni Macapagal-Arroyo
ang ideya niyang strong republic, ang mga ideya ng post-modernismo na iniinganyo ang mga tao na asikasuhin na
lamang ang kanilang sariling kalayaan at huwag sumali sa anumang organisasyon, at iba pa pang teorya.. Ang mga
ideyang ito ay pinapalagnap ng mga direktang bayaran ng mga imeperyalista na mga gurong Pilipino, lalo na sa School
of Economics at Political Science Departments ng UP, o ng mga guro na walang kamuang-muang na ang tinuturo pala
nilang teorya ay ang mga pabor sa mayayaman dahil wala naman silang natutunan sa ating paaralan kundi ang mga
teoyrang ito.

Ang Pangangailangan ng Isang Rebolusyong Kultural

Upang tunay na palayain ang kaisipan ng mga Pilipino sa mga maling kamalayan na pinapalaganap ng mga
kapitalista, nararapat pukawin muli ang diwa ng nasyonalismo sa ating mga kabataan. Kailangan palaganapin ang
maka-masa at siyentipikong pamamaraan ng pagaaral ng ating kasaysayan at lipunan at itakwil ang mga teorya na
nagpapanggap na siyentipiko na kinakalat ng mga kapitalista kagaya ng ideyalistang pananaw na ceteris paribus sa
economics. Nararapat labanan din ng mga mulat na kabataan ang mga bahid ng pyudalismo sa ating kultura, ang mga
pamahiin at iba pang atrasadong ideya na pinapalaganap ng mga relihiyon kung saan ang mga lider nito ay kakampi
din ng mga nagsasamantalang uri na nais kontrolin ang masang Pilipino..

Maaring gawan ang isang rebolusyon kultura kung saan ang mga kabataan ay magiging pangunahin at aktibong
lalahok sa loob at labas ng mga paaralan. Nangangaliangang makilahok ang mga kabataang na sinasandatahan ng
magpalayang teorya ng dyalektikal at istorikal materyalismo sa mga lugar kung saan naroroon ang batayang masa ng
Pililpinas, sa mga pagawaan at kanayunan. Ang katotohanan ng isang ideya ay nalalaman lamang sa praktika, kaya
kailangan lumabas ang mga estudylante sa kanilang mga klasroom at makisalamuha sa mga organisasyon ng batayang
uri, sa mga teach-in, fora, simpo, rali at live-in. Sa loob naman ng mga kampus, mahalagang hikayatin ang mga ibang
estudyante na nagiging biktima ng mga maling ideya na sumali sa mga organisasyon na naglalayun makamit ang isang
lipunang Pilipino na nakabatay sa adhikain ng nasyonalismo, na may maka-masa at kritikal na pagiisip. Maaari itong
matupad sa mga paaralan sa pamamagitan ng paghawak sa mga dyaryo ng mga progresibong estudyante o pagkuha sa
mga liderato sa konseho ng mga estudyante.

Ang rebolusyong kultural na ito ay maaaring maging bagong sigwa ng dekada na ito sa hanay ng mga aktibistang
kabataan.. Ang rebolusyong kultural ay mabisang kasangkapan upang mapabilis ang tagumpay ng kilusan ng mga
mamayang Pilipino upang makamtan ang isang may-kasarinlan at makatarugang lipunan. Ang kasalukuyang panahon
ng ating bansa, kung saaan milyun-milyung mga Pilipino ay nawawalan na ng pagaasa sa umiiral na sistema, ay
napakainam sa paglaganap ng rebolusyong kultural na ito na sasabay sa pakikibaka ng masa upang buwagin ang mala-
kolonyal at mala-pyudal na istruktura ng ating lipunan at magtatag ng bagong sistema. Bulatlat.com

You might also like