Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gaya nang nabanggit noong isang taon, ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa pamamagitan

ng pagsasagawa ng ibat ibang aktibidad ukol rito sa mga paaralan sa buong bansa. Kabilang na
dito ang mga patimpalak gaya ng sabayang pagbigkas, dula-dulaan, sayaw-awit o sayawit, at iba
pa.

Ang Buwan ng Wika ay isa sa mga pangunahing pinagdiriwang sa lahat ng antas ng paaralan
sa buong bansa taon-taon, ito man ay elementarya, sekondarya, o maging sa kolehiyo. Ayon sa
Komisyon ng Wikang Filipino o KWF, ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay
Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.

Ayon sa Memorandum #79 s. 2015 ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education), isa


sa layunin ng pagdiriwang ngayong taon ay ang maipakita ang kahalagahan ng wika na higit pa
sa pambansang kaunlaran. Maaaring gamitin ng mga paaralan ang mga sumusunod na sub-
tema:

1) Filipino: Wika ng Kaunlarang Pangkultura

2) Filipino: Wika ng Kaunlarang Pang-ekonomiya

3) Filipino: Wika ng Kaunlarang Panglipunan

4) Filipino: Wika ng Kaunlarang Panteknolohiya

Ngunit, paano nga ba nagsimula ang tradisyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika? Ito ay
sinimulan ni Pangulong Sergio Osmea noong 1946 nang kanyang ideklara ang Marso 27
hanggang Abril 2 ng bawat taon bilang Linggo ng Wika.

Ayon sa Proklamasyon #35, ito ay bilang papugay kay Francisco Baltazar, isa sa pinaka-
prominenteng manunulat na Filipino na siyang may-akda ng Florante at Laura at Orosman at
Zafira. Siya ay pinanganak sa Bigaa, Bulacan (ngayoy Balagtas, Bulacan na) noong Abril 2,
1788.

Nang siya ay maging pangulo, nilipat ni Ramon Magsaysay sa Marso 29 hanggang Abril 4 ang
petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Kalaunan, sa pamamagitan ng Proklamasyon #186 ay
muling nilipat ni Magsaysay ang petsa ng Linggo ng Wika. Ito ay nilagay na sa Agosto 13 to 19
bilang pag-alala sa araw ng kapanganakan ni Pangulong Manuel Quezon, ang kinikilalang Ama
ng Wikang Pambansa.

Ang dating Linggo ng Wika kalaunan ay naging Buwan ng Wika ayon sa atas
ng Proklamasyon 1041 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 1997. Mababasa
sa pahinang ito ang buong teksto ng nasabing proklamasyon.

You might also like