Artikulo Xiii

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ARTIKULO XIII

KATARUNGANG PANLIPUNAN AT
MGA KARAPATANG PANTAO PAGGAWA

Sek. 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat,
organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga
pagkakataon sa trabaho/empleyo para lahat.

Dapat nilang garantiyahin ang mga karapatan ng lahat ng mga manggagawa sa pagtatatag ng
sariling organisasyon, sama-samang pakikipagkasundo at negosasyon, mapayapa at magkakaugnay na
pagkilos, kasama ang karapatang mag welga ng naaayon sa batas. Dapat na may karapatan sila sa
katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa trabaho at sa sahod na sapat ikabuhay.

Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pag babalangkas ng patakaran at desisyon na may
kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas.

Dapat itaguyod ng Estado ang prinsipyong hatiang pananagutan ng mga manggagawa at mga
employer at mga preperensiyal na paggamit ng boluntaryong mga pamamaraan ng pagsasaayos sa mga
hidwaan, kabilang ang konsilasyon, at dapat ipatupad ang pagtalima rito ng isat isa upang maisulong
ang katiwasayang industriyal.

Dapat regaluhin ng Estado ang mga ugnayan ng mga manggagawa at mga employer, dahil sa
pagkilala sa karapatan ng paggawa sa karampatang bahagi nito sa mga bunga ng produksyon at sa
karapatan ng mga negosyo sa makatwirang tubo sa mga pamumuhunan, at sa paglawak at paglago.

You might also like