1st HRR Grade 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Tunay na Yaman

Nakatira ang Miraya sa napakayamang kaharian sa Luzon na


pinamumunuan ni Datu Pasumbala. Ang tahanan ng datu ay napapalamutian
ng ginto at ng mga mahahaling hiyas. Ang bawat kababaihan ay may mga
alahas na gawa sa pilak at perlas. Sinasabing sa sobrang yaman ng naturang
kaharian ay ginagawa lang pamukol ng mga ibon ang mga nagkalat na
diyamante at perlas sa daan.

Maraming dayuhan ang nangahas na angkinin ang kanilang lugar. Sa


tuwing nilulusob ng mga mananakop ang kaharian, iniiwan ng mga
mamamayan ang kanilang tahanan sa bukid at nagtatago sa loob ng
tarangkahan ng palasyo habang pinapana ng mga mandirigma ang mga
kalaban mula sa itaas nito.

Isang Heneral na Espanyol noon ang sumubok na sakupin ang kaharian


ni Datu Pasumbala. Pinag-aralan niya ang taktika nito at saka bumuo ng
plano ng kanyang mga hakbang. Itinalaga ng henral ang mga puwesto ng
kanyang mga sundalo sa paligid ng kaharian. Inilagay niya ang mga ito sa na
madaling makita ngunit malayo rin upang hindi abutan ng mga pana.

Nang makita ng bantay ang mga mananakop ay agad niyang sinabihan


ang mga mandirigma. Muli ay nagtago ang mga mamayan sa loob ng palasyo
habang pinapana ng mga mandirigma ang mga sundalo. Hindi nagtagal ay
naubos ang mga pana ng mga mandirigma. At unti-unti na ring nauubos ang
imbak na pagkain ng kaharian dahil walang makapagtanim. Marami na rin sa
kanila ang nagkakasakit.

Dahil sa kalunos-lunos na kalagayan ay ilang ulit na kinausap ni Miraya


si Datu Pasumbala upang lisanin na lamag ang kaharian kapalit ng kaligtasan
ng mga mamamayan. Hindi pumayag si Datu Pasumbala, gayundin ang mga
kalalakihan ng kaharian. Ipagtatanggol nila ang yaman ng kaharian maging
kapalit man nito ay ang kanilang buhay.

Tinipon ni Miraya ang lahat ng kababaihan ng kaharian. Sinabi niya ang


panig ng mga kalalakihan at nagpasiya silang makipagkasundo sa dayuhan.

Lakas-loob na nagtungo si Miraya sa kuta ng mga Espanyol. Doon niya


kinausap ang heneral ng mga sundalo. Sinabi ng heneral na kinabukasan ng
hapon ay makaaalis nang hindi nasasaktan ang mga kababaihan dala ang
anumang yamang kaya nilang bitbitin ngunit hindi ang mga kalalakihan.
Bumalik si Mirayasa kaharian at sinabi ito sa mga kasama.

Agad na kumilos ang kababaihan. Marami sa kanila ang nagbalot ng


kani-kanilang mga ginto at alahas. Pilit na pinagkasya ng ilan sa kanilang mga
buslo ang mga mamahaling damit at perlas. Mayroon pa ngang isinakay sa
kalabaw ang kaniyang mga yaman. Nasa ganitong kalagayan ang karamihan
ang mga kababaian nang biglang napaisip si Miraya. Muli niyang kinausap ang
kanyang mga ito.

Sandali mga kasama. Maaaring maging mariwasa ang ating


pamumuhay gamit ang mga yamang ating gagawin, ngunit hindi ko masasabi
na tayo tunay na magiging maligaya. Paano ang ating mga asawa? Ang ating
mga anak na lalaki? Ang ating mga ama? Maaatim ba ninyong umalis dala ang
inyong mga yaman habang sila ay nahaharap sa kamatayan? wika ni Miraya.

Ngunit ano ang ating gagawin? Kung hindi tayo ay mamamatay tayong
lahat. Tanging babae lamang ang maaaring lumabas sa kaharian na ito dala
ang kanyang mga yaman tanong ng isang babae.

May naisip si Miraya.

Kinabukasan. Sa itinakdang oras ay lumabas na ng kaharian ang


mkababaihan. Sulong-sulong ang kanilang mga kayamanan. Ngunit anong
gulat ng mga sundalo nang makitang hindi mga ginto, perlas, damit o alahas
ang dala ng mga ito. Ang bawat kababaihan, bata man o matanda, ay bitbit
ang kalalakihan ng kaharian. Hirap man ay pilit na kinakaya ng bawat babae
na isulong ang kanilang mga asawa, mga anak na lalaki, mga kapatid, at mga
ama. Sa dulo ng pila ay makikitang bitbit ng dalawang batang babae ang
kanilang amang si Datu Pasumbala na noon ay nanginginig pa.

Dahil pakiramdam na naisahan sila, nagsimulang lumusob ang mga


sundalo, ngunit agad silang pinigil ng heneral.

Padaanin nyo sila. Ang mga kababaihang ito ay nakakikilala ng tunay


na yaman ng kanilang buhay. Nagbitaw ako ng isang pangako at tutuparin ko
iyon. Ligtas na makaaalis ang sinumang babae mula sa kaharian dala ang
kanyang pinakamahalagang yaman.

Napasakamay ng mga Espanyol ang lahat ng yaman ng kaharian ngunit


hindi nila nakuha ang pinakamahalagang yamang iniingat-ingatan ng mga
kakabaihan. Salamat sa talino at katapangan ni Miraya.

You might also like