Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga kaugnay na pag-aaral na ito ay nagsasaad ng mga dulot ng maagang kaalaman

sa pakikipagtalik.

Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, sa Estados Unidos, ang teenage pregnancy ay

nangangahulugan na ang isang batang babae ay nagdadalang tao. Samantala, sa Britanya naman,

ang teenage pregnancy ay may legal na depinisyon kung saan masasabi lamang na maagang

nabuntis ang isang babae ay kung siya ay nabuntis bago sumapit ang kaniyang ika-labinwalong

kaarawan. Ang terminolohiyang ito, patungkol sa isang babae na wala pa sa legal na edad, na

nagkakaiba-iba sa ibat-ibang parte ng mundo, na nabubuntis. (Rosales, 2014)

Ayon sa pananaliksik nina Robertson et al., nagawa niyang alamin ang mga impormasyon

na sumusuporta sa teenage pregnancy. Ito ay ang mga sumusunod: mababang lebel ng pinag-

aralan, kahirapan, at ang hirap ng buhay ng mga anak ng mga dalagang ina. Sa mga dahilang ito,

nagkaroon ang mga pag-aaral at kampanya na naglalayong alamin ang mga dahilan ng maagang

pagbubuntis at kung paano ito malilimitahan. (Rosales, 2014)

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Kaiser Family Foundation, gumawa sila ng sarbey

tungkol sa sekswal na gawain ng mga kabataan na kung saan 29% ng mga kabataan ang

nagsabing nahihikayat sila na makipagtalik, 33% sa mga ito ang aktibo sa aspetong sekswal,

kung saan sila at ang kanilang karelasyon ay gumagawa ng mga sekswal na gawain, at 24% ang

gumawa ng sekswal na gawain na hindi naman nila talaga gustong gawin. Ang pag-inom ng alak

at ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay marahil isa sa mga dahilan kung bakit

nagkakaroon ng hindi pinagplanuhang sekswal na gawain. (Rosales, 2014)


Lumitaw sa isang pag-aaral na dumadami na ang mga kabataan na nakikipagtalik sa

kanilang karelasyon na hindi pa nila asawa. Napag-alaman din na apat sa bawat 100 kabataan

ang nakikipagtalik umano sa taong nikilala lamang nila sa internet o naging textmate. Sa ulat ni

Rida Reyes s GMA News TVs State of the Nation noong February 7,2014, sinasabing sakop

ng pag-aaral na 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study o YAFS 4 na ginawa ng UP

Population Institute at Demographic Research and Development Foundation, ang mga kabataan

na nasa edad 15 hanggang 24. Sa pag-aaral na ginawa noong 2013, lumitaw na isa sa bawat

tatlong kabataang Pinoy ang sumasabak sa premarital sex. Katumbas umano ito ng 6.2 milyon

kabataang Pinoy na kumakatawan sa 32%, na mas mataas sa naitalang 23.2% noong 2012.

Lumabas din sa isang pag-aaral na mas marami ngayon ang paraan ng sexual activities ng mga

kabataan na casual sex o pagtatalik na walang emotional attachment at nadagdagan din ang

pagtatalik ng lalaki sa kapwa lalaki. Ayon kay Josefina Natividad, director, UP Population

Institute, dahil sa modernong teknolohiya, nagkakaroon ang mga kabataan ng paraan na may

makilala. Sa ganitong pagkakataon, sinabing mahalaga umano ang magiging papel ng mga

magulang at maging ng buong komunidad na ginagalawan ng isang kabataan. (GMA News TV,

2014).

Ayon kay Lapus, dahil sa pagtaas ng bilang ng mga batang maagang nakikipagtalik at

nabubuntis sa murang edad, naisip ng ilang sektor ang pagtuturo ng sex education. Sa pagdami

ng mga taong nagiging positibo sa HIV/AIDS at iba pang uri ng sexual transmitted disease ang

dahilan kung bakit ipinakilala sa publiko ang paggamit ng condom. At ang tuluy-tuloy na pagtaas

ng bilang ng populasyon at ang mga nabubuntis ng wala sa panahon ang dahilan kaya pinalawig

ng gobyerno ang kampanya sa paggamit ng artifial contraceptives. Dahil alam na ng mga

kabataan kung paano maiiwasan ang lumalalang isyu ng maagang pagbubuntis pati na din ang
pag-iwas sa malalang sakit na maari nilang makuha sa maagang pakikipagtalik mas lalo nila

itong sinusubukan. (2014)

Isang aklat sa Tanakh at sa Bibliya ang Aklat ng Awit ng mga Awit na tumatalakay sa

pag-ibig at matinding dagsa ng damdamin ngunit may malambing na pakikipagtalik. Natatangi

ang paksang nasa kabuuan ng aklat: na kamanghamangha ang mag-mahal. Ipinagdiriwang dito

ang kasiyahang nakakamit mula sa pagmamahalan at pakikipagtalik. Nasa mga pahina ng libro

ang pananaw ng isang romantikong damdaming may dalang batubalaning kaugnay ng

pagkabighaning sekswal, at pagkakaroon ng katuwaan at pagkakatupad ng damdaming ito. Isang

huwaran ang aklat na ito, kung ano ang totoong ibig sabihin ng kasal ayon sa pananaw ng mga

Kristiyano. (2006)

Pipigilan ng Commision on Population Region 6 ang pagtaas ng bilang ng mga kabataan

na nasasangkot sa maagang pakikipagtalik at sa maagang pagbubuntis. Ito ay matapos tumaas ng

halos apat na beses ang teenage pregnancy sa rehiyon 6 na 31.5% o isa sa bawat tatlo ng mga

kabataan na nasa 15-24-anyos ay mayroon ng sexual experience. Sa isinagawang pananaliksik,

56% o mahigit kalahati sa 19,000 na mga respundyente ang nagtapat na may karanasan na sila sa

pakikipagtalik. Nagaganap pa ang karamihan dito sa mismong bahay ng babae o sa bahay ng

kanilang karelasyon. Itinataon pa nila ito kapag wala ang kanilang mga magulang sa kanilang

bahay, hindi na nalalaman ng mga magulang ng mga ito na may kalokohan ng ginagawa ang mag

kasintahan sa kanilang bahay.Teknolohiya ang isa sa mga itinuturing na dahilan sa pagtaas ng

kaso ng maagang pakikipagtalik ng mga kabataan. (Ticzon, 2014)

You might also like