Cardiovascular Exercise

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Cardiovascular exercise

Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang cardiovascular exercise ay uri ng ehersisyong naglalayong palakasin ang puso ng isang
indibidwal sa pamamagitan ng pagpapataas ng heart rate o bilang ng tibok ng puso kada isang
minuto. Kapag tumaas ang heart rate, di na kailangan ng puso ng mas malakas na pwersa para
tustusan ng dugo ang katawan.

Uri ng cardiovascular exercise


May dalawang uri ng cardiovascular exercise: indoor at outdoor. Ang indoor exercise ay
kinabibilangan ng mga ehersisyong maaaring gawin nang hindi na kinakailangang lumabas.
Ginagamitan ang mga ito ng ibat ibang bagay pang-ehersisyo gaya ng treadmill, elliptical
trainers, at stationary bike. Ang outdoor exercise naman ay mga ehersisyong ginagawa sa labas
gaya ng pagtakbo, paglangoy, at pagbibisikleta na nangangailangan ng mas malawak na lugar.

Intensity ng pag-eehersisyo
May tatlong intensity ang pag-eehersisyo: high intensity, moderate intensity at low intensity. Ang
high intensity ay ang mga kumplikado at mahihirap na uri ng ehersisyo. Ang moderate intensity
naman ay ideyal na intensity sa mga normal na workout. Samantalang ang low intensity ay
kadalasang ginagawa sa mga sesyong pang-warm-up.

Iskedyul ng pag-eehersisyo
Ang benepisyo ng cardiovascular exercise ay hindi lubusang nakasalalay sa sidhi, intensity, at
bilis ng pag-eehersisyo. Nakadepende rin ito sa regularidad ng pag-eehersisyo. Para sa maximum
benefit, ang isang indibidwal ay kinakailangang magkaroon ng epektibong iskedyul at
determinasyon upang sundin ito. Ayon sa mga eksperto, ang ideyal na iskedyul para sa
cardiovascular exercise ay 20 hanggang 60 minuto sa loob ng dalawa hanggang apat na araw
kada linggo.

Benepisyo ng cardiovascular exercise


Bukod sa pagkakaroon ng mas malakas na puso, ang cardiovascular exercise ay mayroon pang
ibang benepisyong pangkatawan. Halimbawa, nakapagpapabawas ito ng timbang sapagkat
sumusunog ang ehersisyo ng mataas na lebel ng calories. Bukod dito, nakaiiwas sa sakit sa puso,
alta presyon at diabetes ang isang taong regular na nag-eehersisyo. Lumalakas din ang kanyang

baga at nagkakaroon siya ng toned muscles.


100 beats a minute
A normal resting heart rate for adults ranges from 60 to 100 beats a minute. Generally, a lower
heart rate at rest implies more efficient heart function and better cardiovascular fitness. For
example, a well-trained athlete might have a normal resting heart rate closer to 40 beats a
minute.

Tara na at Mag-laro ng, Tumbang Preso!

Naaalala mo pa ba ang larong ito? Nasubukan mo na bang maglaro nito? Naranasan


mo na ba ang hirap ng pagiging taya sa larong ito? O kaya naman ay naranasan mo
ng mag kulang ang dala mong tsinelas? Kung OO ang sagot mo sa lahat ng tanong
na ito, ikaw ay isang certified pinoy.

Mga Gamit:
-Lata
-Tsinelas

Ang Layunin:
Maitumba ang lata at makuha ang mga inihagis na tsinelas bago pa maitayo ang
naitumbang lata.

Paano Laruin?
Depende na sainyo kung gaano kalayo. Pumila at isa-isang tumira gamit ang
tsinelas upang maitumba ang lata. Pagtinamaan ang lata dapat ay makuha ng mga
tumira ang kanilang mga tsinelas bago pa maitayo ng taya ang lata. Pag naitayo na
ang lata, kung sinoman ang maabutan ng taya na kumukuha pa ng tsinelas ay ang
magiging taya.

Mga Patarakan:
1. Hindi pwedeng tayain ng taya ang mga manlalaro na hindi hawak ang kanilang
tsinelas.
2. Hindi pwedeng bumalik sa manuhan ang manlalaro na hindi dala ang kaniyang
tsinelas.
3. Hindi pwedeng mangtaya ang taya sa manuhan or base.

You might also like