Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Project in CL

Bakit mahalaga ang Panginoon sa mga


mag-aaral?

Ang Panginoon ang nagligtas sa atin sa mga kasalanan at


gumagabay sa atin sa lahat ng ating ginagawa. Ngunit
hindi natin siya pinahahalagaan, hindi natin napapansin
at nadadama ang mga ito, lalo na ng mga kabataan. Siya
rin ang nagbigay sa atin ng buhay na pansamantala
ngunit makabuluhan kung gagamitin natin ito nang may
kabutihan at may pagpapahalaga, upang hindi masayang
ang kanyang pagsasakripisyo para sa atin. Dapat din tayo
maglaan ng oras sa kanya upang magsilbing kapalit sa
lahat ng kanyang mga ginawa para lang maligtas ang
sanlibutan.

Marapat lang siyang pasalamatan at pahalagahan. Lalo


na ng mga kabataan na sinasabing pag-asa ng bayan sa
kasalukuyan. Maipapakita natin ang pagpapahalaga sa
kanya sa pamamagitan ng pagsamba sa kaniya, isipain
niyo na lamang sa isang linggo isang oras lamang ang
gusto niyang ilaan natin para sa kaniya ngunit di pa natin
magawa. Bigyan pansin natin siya at mahalin ang lahat
ng kanyang nilikha o ang ating kapwa upang hindi siya
masaktan. Ituring natin ang ating kapwa na kapamilya at
magmahalan tayo para maipakita na may saysay ang
kanyang mga naituro sa atin. Ang paggabay niya sa atin
sa lahat ng ating ginagawa upang hindi tayo mapahamak
at kaligtasan din natin ang kanyang iniiisip. Humingi tayo
ng tawad sa kaniya sa lahat ng ating maling ginawa.

Jesus Christ
PROJECT IN CL
Submitted to:
Miss Dianne Santolorin
Submitted by:

Group 2

You might also like