Problema Sa Klasrum

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Problema sa klasrum, kagamitan sa

eskuwela laganap pa rin


by Pher Pasion
June 27, 2014

Halatang masikip at kulang ng pasilidad ang pampublikong mga eskuwela tulad ng Pres. Cory Aquino Elementary School sa
Quezon City. Pher Pasion/PW File Photo

Tatlong linggo matapos ang pasukan, pinoproblema pa rin ang mga estudyante, guro,
administrador ng eskuwela at magulang sa kakulangan ng mga klasrum.

Sa kabila ito ng sinasabing pagtugon ng Department of Education (DepEd) ng


administrasyong Aquino sa problemang pagsiksikan sa isang klasrum at guro ng aabot
sa 75 mag-aaral sa pampublikong mga eskuwelahang elementarya at hayskul.

.Tatlong linggo nang nakapagsimula ng klase, at hindi maipagkakailang lumala, mas


talamak ang sitwasyon ng edukasyon, ayon kay Gabriela Rep. Emmi De Jesus, sa
protesta sa harap ng tanggapan ng DepEd.

Kinukuwestiyon naman ng grupo ng child rights advocates na Salinlahi Alliance for


Childrens Concerns ang sinseridad ni Education Sec. Armin Luistro sa pagtugon sa
problema.

Imbes na seryosong tugunan ang matagal nang problema sa sistema ng edukasyon,


lumilikha ng ilusyon si Luistro na natinutugunan daw ng gobyerno ang
responsabilidad nito sa edukasyon, ayon kay Kharlo Manano, pangkalahatang
kalihim ng Salinlahi.
Dagdag pa niya, ilang buwan bago magbukas ang klase, inanunsiyo ni Luistro na
natugunan na ang kakulangan sa mga klasrum. Pero sa reyalidad, iyung kakulangan
noong 2010 pa lamang ang natugunan ng DepEd.

Inilahad pa ng Salinlahi ang atake sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga


probinsiya. Nakapagtala umano sila ng kaso ng Armed Forces of the Philippines na
nagsasagawa ng kontra-insurehensiyang mga aktibidad na kabahagi di umano ang
mga bata sa Mindanaw at nagdudulot ng takot at matinding kalungkutan sa mga bata,
guro, at buong komunidad. Nagiging legal pa umano ito dahil sa
DepEdmemorandum 221 na inilabas nito noong Disyembre 2013.

Tinuligsa naman ng Gabriela ang Government Assistance to Students and Teachers in


Public Education (Gastpe) ng gobyerno bilang isang panandaliang solusyon para
pagtakpan ang kabiguan ng gobyerno sa krisis sa edukasyon.

Isa sa layunin ng Gastpe ang bawasan ang labis na populasyon ng mag-aaral sa


paglipat sa mga ito mula publiko patungong pribado bilang mga iskolar.

Ang katotohanan na walang kasiguruhan ibinigay sa mga magulang kung hanggang


kailan ang subsidiya sa matrikula, at sa kabilang banda, binibigyan ang mga
pribadong paaralan ng kaluwagan para magtaas ng matrikula, ayon kay De Jesus.

Dagdag ni De Jesus, dapat inilaan na lamang umano ang badyet para sa Gastpe sa
pagpapatayo ng mga imprastraktura na tutulong para mapaunlad ang sistema ng
edukasyon sa pangmatagalan.

Binigyang diin din ng Gabriela na kailangan dagdagan ng gobyerno ang badyet para
sa publikong edukasyon. Ginamit ng Gabriela ang pag-aaral ng Unesco (United
Nation Educational, Scientific, and Cultural Organization) na nagsasabing bagamat
tumaas ang paglalaan sa edukasyon mula 13.9 tungong 15 porsyento ng pambansang
badyet mula 1999 tungong 2011, bigo pa rin nitong maabot ang rekomendasyon ng
Unesco na 20 porsyento ang dapat inilalaan.

Malinaw na nananatiling ang edukasyon sa prayoridad ng gobyernong Aquino.


Tatlong taon sa Tuwid na Daan ni Aquino, hindi ito nagdala sa atin sa mas mabuting
edukasyon para sa ating mga anak. Responbale si Aquino sa pagtuloy na paghihirap
ng ating publikong edukasyon, ayon kay De Jesus.
Ayon sa mga balita sa media, sa nakalipas na tatlong taon, ang mga Grade 7 pupils sa Caloocan
High School ang bumibili ng kanilang workbook sa subject na Pilipino sapagkat wala pang
naihahatid na kagamitan ang Kagawaran ng Edukasyon sa kanila.

Kaninang umaga, sinabi ni Bro. Armin Luistro na hindi na niya madadaluhan ang iba pang school
opening sapagkat nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao siya (at doon niya) gugugulin ang
maghanapon.

Sa school year na 2013-2014, ang mga workbook para sa Lakan Dula High School sa Tondo ay
dumating noong ikatlo hanggang ikaapat na quarter. Pagdating ng mga aklat, ang mga guro pa ang
nagpaduplicate nito at nagpapamahagi sa kanilang mga mag-aaral.

Ang kawalan ng learning materials ang isa sa mga problemang kinakaharap ng pamahalaan sa
educaton program nitong K to 12 sa tatlong taon ng pagpapaunlad.

Kapag naipatupad na ang kabuuan ng K-to-12 program sa 2016, mahigit isang milyong
mag-aaral ang madadagdag sa total public school population ng bansa. Sa ngayon
mayroong mahigit 21 milyong papasok sa kindergarten, Grade 1 hanggang 6 sa elementary,
at first year hanggang fourth year sa high school. Magdadagdag ng dalawang taon pa ang
K-to-12 sa pre-college program; na magtataas ng karagdagang pangangailangan na
kailangang harapin.

Mangangailangan ng karagdagang mga silid-aralan para sa karagdagang isang milyong


mag-aaral sa bawat school year. Kahit ngayon, hindi sapat ang mga silid-aralan, dahil sa
backlog na natitipon sa loob ng maraming taon. Sa isang milyon pang mag-aaral,
kailangang magkumahog ang gobyerno upang mapunan ang lumalaking kakulangan.

Nakikipag-areglo ang gobyerno sa pribadong Higher Education Institutions (HEIs) ng bansa


upang gamitin ang kanilang iba pang pasilidad, kabilang ang kanilang teaching staffs, bilang
probisyon para sa senior high school (Grades 11 at 12), pati ang mga voucher na
ipagkakaloob sa lahat ng junior high school graduate ng public schools. Ang areglong ito
ang tutugon sa pangangailangan para sa karagdagang silid-aralan at kuwalipikadong mga
guro pati na ang inaasahang problema sa labor sa HEIs pagsapit ng 2016 kapag kakaunti
ang college freshmen.

Ito ay isang mahalagang solusyon sa mga taon ng transisyon sa K-to-12 implementation. Sa


dakong huli, kailangang pangalagaan ng gobyerno ang mga batang mag-aaral sa public
schools sa bansa na may sariling mga silid-aralan, sariling kagamitan sa pagtuturo, at
sariling faculty.

Nitong mga huling linggo, may ilang opisyal, kabilang si Sen. Antonio Trillanes IV, at mga
organisasyon, partikular na ang Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities in
the Philippines, ang nagpahayag upang igiit sa gobyerno na repasuhin ang K-to-12 program,
sa pangambang hindi pa handa ang bansa para rito. Balak nilang maglunsad ng isang
demonstrasyon sa Mayo 9 sa Rizal Park sa Manila.

Mas mainam para sa gobyerno ang tingnan ang kanilang puntos, inilista ni Sen. Trillanes
bilang kakulangan sa resources, kakulangan sa kasangkapan, kakulangan sa silid-aralan, at
kakulangan sa mga guro. Maaari rin nitong pagnilayan ang karagdagang gastusin na
kailangang balikatin ng mga magulang upang mapanatili nilang nasa paaralan ang kanilang
mga anak nang dalawang taon pa.

Marahil ang malaking bahagi ng problema ay ang kakulangan sa pamamahagi ng


impormasyon, kakulangan sa konsultasyon, at kakulangan sa koordinasyon ng mga
kaugnay na sektor. Sa susunod na mga buwan, makita nawa natin ang mas maraming
pagsisikap na ituwid ang lahat ng kakulangang ito upang ang K-to-12 ay maging isang
tunay na haligi ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas, sa halip na problema na tinatanaw
ngayon ng nakararami.
Share this:

Kakulangan sa pasilidad, silid-aralan at mga silya ang sumalubong sa maraming estudyante na


nagbalik-eskwela kahapon sa ilang lalawigan.

Sa Zamboanga City, walang nagamit na classroom ang ilang estudyante sa Santa Barbara Central
School dahil hindi pa ito naayos matapos masira noong 2013 siege.

Hindi naman sila maaaring ilipat sa ibang paaralan dahil siksikan na rin ang mga estudyante.

Pati ang mga guro, wala ring magamit na faculty room dahil under renovation pa ito.

Ganito rin ang problemang nasalunga ng grade 7 students ng Iloilo City National High School.

Sa susunod na taon pa matatapos ang kanilang classroom kaya sa Central Elementary School
muna sila magsasagawa ng klase.

Sa Angeles at San Fernando City naman sa Pampanga ay wala ring classroom ang daan-daang
estudyante na tutuntong sa senior high school.

Wala ring la mesa at iba pang gamit ang faculty rooms at kulang sa armed chairs kaya sa mga
monoblock muna uupo ang mga estudyante.

Sa Philippine Science of Technology High School naman sa Baguio City ay skeletal form pa lang ng
building ang naitatayo kahit simula na ng pasukan.

Hindi rin aspaltado ang daan na dagdag pahirap sa mga estudyante ngayong tag-ulan.
Under construction rin ang building para sa senior high school students sa pinakamalaking
pampublikong paaralan sa Baguio City.

Ayon sa DepEd, hindi natapos sa takdang deadline ang pagtatayo ng mga gusali dahil nagkaroon ng
aberya sa panig ng builders.

Sa Bulacan naman ay problema rin ang kawalan ng classrooms at palikuran bukod pa sa mababang
attendance ng senior high school students.

Anim na libong estudyante lamang ang dumagsa kahapon kumpara sa kabuuang 7,099 na nagpa-
register.

Ayon sa DepEd, maaaring hindi pa pumasok ang ibang estudyante dahil hindi pa handa ang
kanilang mga gamit o kaya ay umiwas muna sa magulong senaryo kapag first day of school.

You might also like