Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

A.

TEMA
Ang tunay na buhay ay makikita sa simpleng pamumuhay.

B. BUOD
Si Don Manuel ay mayroong tatlong anak, Si Enteng na nagnanais maging isang
manananggol, Si Ninoy na nagnanais maging manggagamot at si Renato na
pumapasok sa isang agricultural school dahil sa hilig sa pag-aalaga ng mga
halaman, pamimitas ng mga bungangkahoy at pagtatanim ng ibat ibang gulay
tulad ng kalabasa, kamatis, upo, at marami pang iba. Nang magsilaki na ang
magkakapatid at sunod sunod na makapagtapos ng hayskul, sina Enteng at Ninoy
ay ipinadala sa Maynila upang doon magsikuha ng kanilang ninanais na karera
samantalang si Renato naman ay naiwang nag-aaral naman sa agricultural school
sa kanilang lalawigan. Matapos ang ilang taong kanilang ginugol sap ag-aaral sa
kolehiyo ay nakapagtapos na ang mga magkakapatid, si Enteng ay nagging isang
manananggol, si Ninoy ay naging isang manggagamot at si Renato ay nagpatuloy
sa pag-aaral ng agrikultura. Umuwi nang sumunod na bakasyon ang magkakapatid,
si Enteng at Ninoy ay pinarangalan dahil sa kailang pagtatapos ng artes liberates,
kayat sa malaking katuwaan ni Don Manuel ay naghandog ito ng isang malaking
piging para s magkapatid at isang piknik na hindi naman dinaluhan ni Renato dahil
inuna nitong kausapin ang kaniyang mga magsasaka. Dahil sa pagiging masinop at
pagiging tapat sa trabaho, si Renato ay nakatanggap ng magandang balita na siya
ay napiling maging pensionado ng pamahalaan na naging dahilan upang
mapamangha niya ang kaniyang ama na si Don Manuel at ang kaniyang mga
kapatid na sina Enteng at Ninoy, sapagkat ang kanilang hinahamak lamang na si
Renato ay mayroon pala naming sinasabi. Anim na taon ang lumipas, si Renato ay
naging agrikultor, si Don Manuel ay nasiyahan sa pagtatapos ng kaniyang tatlong
anak, subalit nararamdaman niya ang matuling pagliit at matuling pagka-ubos ng
kaniyang mga kayamanan at ari-arian dahil sa pamamalagi nina Enteng at Ninoy sa
Maynila upang ipagpatuloy ang kanilang mga inaasam na marating sa kanilang
buhay. Lalong naubos ang mga kayamanan at pag-aari ni Don Manuel nang sina
Enteng at Ninoy ay naging abala sa kanilang mga usapin at panggagamot, sa
pagtatag ng mga kapisanan, at sa pasiyang sila ay makikilahok sa politika.
Samantalang si Renato ay napaibig kay Liling at nakipagtanan kasama nito na
siyang naging sanhi upang magsumikap lalo at makapagtayo ito ng isang magara at
katamtamang bahay sa tabi ng kanilang bukirin na mayroong mabangong halaman,
palakas at pahingahan, palayan, poultry na kinalalagyan ng higit kumulang 2,000
manok, 1,000 bibi, at 500 pabo. Nang kasalukuyang umuunlad ang kabuhayan ni
Renato, sina Enteng at Ninoy naman ay gulong-gulo sa larangan ng politika subalit
nang matapos ang halalan ay saka nila nalamang bigo ang kanilang hangarin na
mapabilang sa mga politiko, kasabay ng kanilang pagbagsak ay ang pagkakasakit
ng kanilang amang si Don Manuel, pagkaubos ng kaniyiang mga salapi at ari-arian,
pagkakasanla at pagkakapagbili sa mga pag-aaring siyang balong ng kanilang
kabuhayan. Nilapitan nila si Renato upang humingi ng tulong dahil sa kanilang
pagkakagipit, at sila ay buong puso namang tinanggap ang kaniyang mga kapatid
na dati ay minamaliit lamang siya at ang kaniyang amang pinakamamahal na
walang ginawa kundi ang suportahan silang magkakapatid sa kanilang mga
ninanais sa buhay, gayunpaman ay tinulungan ni Renato ang kaniyang mga kapatid
na tubusin ang tanggapan at klinika ng mga ito at kasabay rin nito ang
pagkakatubos ng kanilang mga pag-aaring walang pagsalang maiiliit at bilang
pasasalamat sa kanilang bagong pamumuhay, si Renato na ang naghandog ng
isang piging para sa kaniyang mga tapat na magsasaka at ilang mga matalik na
kaibigan.

C. PAGSUSURI SA MGA TAUHAN


Renato
Si Renato ay kilala bilang isang mapagkumbabang tao. Siya ay isang agikultor
na siyang naging bunga dahil sa kaniyang pagiging masikap, masinop, at masipag
sa lahat ng pagkakataon upang kaniyang marating ang ninanais na simpleng buhay.
Siya ang pinakabatang anak ni Don Manuel. Maliit pa lamang si Renato ay
makikitaan na ito ng hilig sa pag-aalaga ng mga halaman at nahilig rin sa
pagtatanim ng ibat ibang gulay tulad ng kalabasa, kamatis, upo at iba pa. Si
Renato ay nagnanais lamang magtanim ng mga halaman at isang simpleng
pamumuhay sa tabi ng bukirin. Siya ay nakapagtapos sa agricultural school sa
kanilang lalawigan. Kaniyang napangasawa si Liling na kaniyang kababata na anak
ni Don Carpio. Naniniwala si Renato na makikita niya ang tunay na buhay sa
kaniyang mga pananim, na sa huling parte ng istorya ay kaniyang pinatunayan.

Don Manuel
Si Don Manuel ay ang ama ni Renato, Enteng at Ninoy. Siya ay nakaaangat sa
buhay kung kayat kaniyang napagtapos ang kaniyang tatlong anak. Siya ay isang
mapagtaguyod na ama sa kaniyang mga anak na ibibigay ang lahat ng mayroon
siya para lamang sa kaniyang mga anak at sa mga ninanais ng mga ito sa buhay.
Buong ang kaniyang tiwala sa kaniyang mga anak, at buong puso niya itong
sinusuportahan sa mga ninanais nila na marating sa buhay. Si Don Manuel ay
makikitaan ng katangiang mapagmahal na ama sa kaniyang mga anak. Patunay
nito ang kaniyang inilahad na Magmahalan sana kayo at magtulungan. Magpatuloy
kayo sa inyong mga paniniwala kung inaakala ninyong naririyan ang inyong
maningning na hinaharap.

Enteng
Si Enteng ay isa sa tatlong anak ni Don Manuel. Bata pa lamang ay nahilig na
ito sa pagbabasa ng mga aklat at kadalasan ay nagsisipagtalo sa ano pa mang
maliit na bagay sa loob at labas ng kanilang tahanan. Noon pa man ay ninais na
nitong maging isang manananggol na kalaunay kaniyang natupad. Matapos ang
ilang taong paggugol sa pag-aaral sa Maynila, si Enteng ay nakapagtapos ng artes
liberales at naging ganap na isang abugado. Sumabak sa politika ngunit kalaunay di
nito natanggap ang minimithing pagkapanalo. Siya ay isa sa mga nagmamaliit kay
Renato na kaniyang kapatid. At naniniwalang walang mararating si Renato sa
kaniyang pagiging agrikultor.
Ninoy
Si Ninoy ay isa sa tatlong anak ni Don Manuel. Bata pa lamang ay kinakitaan
na ito ng hilig sa pagbabasa ng mga aklat at nahilig din sa pagdadala ng mga
boteng may lamang kung ano-anong katas ng dahoon at ugat ng mga kahoy. Noon
pa man ay minimithi na nitong maging isang manggagamot na kalaunay kaniya ring
natupad sa tulong ng kaniyang ama. Matapos ang ilang taong paggugol sa pag-
aaral sa Maynila, si Ninoy ay nakapagtapos ng artes liberales at naging isang ganap
na doktor. Sumabak sa politika ngunit kalaunay di nito natanggap ang minimithing
pagkapanalo. Siya ay isa sa mga nagmamaliit kay Renato na kaniyang kapatid. At
naniniwalang walang mararating si Renato sa kaniyang pagiging agrikultor.
D.1 ISIP

Nag-iwan ang akdang ito ng mga kakintalan sa kaisipan ng mga mambabasa.


Naglahad ito ng mga pahayag tulad ng Magbuhat pa sa pagtalikod ni Adan at Eba
sa Paraiso, ay itinalaga na sa atin ng Diyos ang magsaka sa pamamagitan ng
pagbibigay niya ng tatak sa ating mga ninuno. Ang pagbubungkal ng lupa ay isang
gawaing kagalang-galang at mapakikinabangan ng sangkatauhan. Nagkakamali ang
ating mga kabataan, lalo na ang mga kadalagahan, sa pag-ismid at paghamak sa
isang binatang magsasaka. Ang pag-ugit ng araro ay higit na mahirap kaysa
paghawak ng panulat, sapagkat hindi pag-iisip lamang ang aming ginagamit kundi
pati lakas at tibay ng katawan. Kailangang magtayo ng maraming paaralan sa
paghahalaman, upang mabungkal at pakinabangan ang malalawak na lupang
hanggang ngayoy nangkatiwangwang lamang. Ang halimbawa ng pahayag na ito
ay naghihikayat sa mga mambabasa na isipin ang nakaraan kung kalian minamaliit
ng mga tao ang mga magsasaka, na tunay nga namang malaki pala ang
ginagampanan sa ating buhay.

D.2 DAMDAMIN
Ipinahihiwatig ng akdang ito ang wagas na pagmamahalan ng isang pamilya.
Na nangyayari talaga ang hindi pagkakaunawaan sa loob ng isang pamilya. At kahit
pagbali-baligtarin ang mundo, sila pa rin ang iyong pamilya. Pamilya na hindi dapat
naghihilaan pababa, bagkus ay matutong suportahan ang isat isa sa kani-kanilang
minimithing marating sa buhay.
Nais iparamdam ng akdang ito ang wagas na pagmamahal ng isang ama. Na
hindi laging ang mga ilaw ng tahanan ang handing magsakripisyo para sa kaniyang
anak. Maging ang mga haligi ng tahanan ay handing ibigay ang lahat kahit wala
nang matira sa kaniya para lamang masuportahan ang ninanais ng kaniyang mga
anak sa buhay. Handa nilang ibuhos ang lahat masilayan lamang ang kanilang anak
na masayang nararating ang tuktok ng buhay. Na walang halaga ang salapi,
kayamanan at mga ari-arian sa kaniya, bastat masuportahan lamang ang kaniyang
mga anak sa ninanais nito sa buhay. Ipinararating ng akdang ito, na ang
pagmamahal ng isang magulang ay walang katumbas.

D.3 KAASALAN
Matututuhan sa akdang ito, na ang pamilya ay pamilya. Ano man ang
pagdaanan na pagsubok ng isang pamilya, matuto pa ring panghawakaan ang isat
isa dahil sila ang tunay mong kayamanan. Ang pamilya ay hindi matutumbasan ng
kahit na ano pa man, di sila matutumbasan ng ano mang salapi, kayamanan o mga
ari-arian.
Matututuhan rin sa akdang ito, na huwag magtanim ng galit sa iyong pamilya
ano pa man ang gawin nila sa iyo. Dahil balang araw matutuhan rin nila ang
kanilang mga pagkakamali, at sa oras na dumating ang araw na ito huwag kang
magdadalawang isip na sila ay iyong muling tanggapin ng buong puso. Dahil ano pa
man ang kanilang nagawang kasalanan, sila ay pamilya mo pa rin. At kahit
gumunaw man ang mundo, mananatili pa rin kayong konektado sa inyong mga
puso.
Matututuhan rin sa akdang ito na wag maliitin ang mga magsasaka. Dahil
ang tunay na buhay ay matatagpuan sa isang simpleng pamumuhay ng isang tao.
Hindi kailangan ng isang tao ang napaka-engrandeng bahay kung hindi rin naman
pala ito matitirhan dahil sa labis na pagt-trabaho upang magpayaman. Sapat na ang
maliit at preskong kubo bastat nakakakain sa araw-araw ng salu-salo ang mga
nakatira rito at masaya at buo ang pamilyang naninirahan dito. Ito ang tunay na
kahulugan ng salitang tahanan.
Matututuhan natin sa akdang ito na wag maghangad na makalipag ng
mataas, dahil ito ang magiging dahilan ng iyong pagkabagsak. Dapat matutong
makuntento ang isang tao sa kung ano ang mayroon siya. Wag magnanais ng
sobra-sobra sapagkat lahat ng sobra ay masama. Matutong maging masaya at
laging magpasalamat sa Maykapal sa kung ano ang dumarating sa iyo mabuti man
o masama. Dahil ang lahat ng mga ito, ay may katumbas na kahulugan at ang
kailangan lamang gawin ay pagkatiwalaan ang plano ng Diyos para sa iyo.
Matututuhan sa akdang ito na wag kang magpapaapekto sa sinasabi ng iba.
Patuloy mong abutin ang sinisigaw na mithiin ng iyong damdamin dahil ito ang
magdadala sa iyo sa mga minimithi mong marating sa buhay. Hindi maiiwasan na
ibaba ka ng ibang tao, ngunit ang kanilang mga sasabihin ay dapat tanggapin mo
ng positibo at ito ang iyong gawing inspirasyon upang mas lalo pang pag-igihan na
matupad ang iyong mga pangarap. Patunayan mo sa mga taong ito na kahit nariyan
sila at binababa ka kaya mo pa ring magpatuloy at harapin ang pagsubok sa buhay.
Wag kang panghihinaan ng loob, at laging isipin ang mga taong nariyan sa iyong
likod na patuloy na sumusuporta sa laban ng iyong buhay. Sa pamamamgitan nito,
magbubunga ang iyong paghihirap at iyong makakamtan ang katas ng iyong mga
pinaghirapan at pinagdaanan.
E.
Ang estilong ginamit ng manunulat ay naglahad ito ng mga pahayag na
talaga namang tatagos sa puso ng kaniyang mga mambabasa. Nag-iiwan ang mga
pahayag na ito ng kakintalan sa isip ng mambabasa na totoo nga namang
nangyayari sa tunay na buhay ng isang tao. Ang mga pahayag na binitawan ng mga
tauhan sa kwentoo ay nagbibigay ng leksyon sa mga mambabasa, kung saan
mapapaisip ang kaniyang mga mambabasa sa kung paano nga ba mag-isip talaga
ang mga tao sa panahon ngayon.
Ang estilong ginamit ng manunulat ay ginawa nito ang istorya kung saan
mauunawaan ng mga mambabasa ang akda kahit na mayroon itong ilang mga
matatalinhagang salita, epektibo pa rin nitong naiparating sa mambabasa ang
kaniyang mga ideya.
Isa pang estilo na ginamit ng manunulat ay kung saan inihayag nito ang
sitwasyon ng mga tauhan sa kung saan makaka-ugnay ang kaniyang mga
mambabasa dahil ang mga pangyayari sa akdang ito, ay tunay nga namang
nangyayari sa totoong buhay maging sa panahon ngayon.

A. TEMA
Kayang isakripisyo ng ina ang lahat para sa kanyang anak, maging ang sarili
nitong kaligayahan.

B. BUOD
Si Ofelia ay ang mahal na mahal na anak ni Donya Carmen at Don Manuel na
isa sa mga kilalang masalapi sa Bayan ng B., hilig niya ang literatura at musika at
lahat ng kaniyang nais at iniibig ay sinusunod ng kaniyang mga magulang kung
kayat sa loob ng kanilang tahanan ay tinuturing siya ng kaniyang dalawang utusan
bilang isang reyna, siya ay mayroong radyo de combinacion at upang masunod
ang kaniyang hilig ay ibinili siya ng kaniyang ama ng isang piyanong Aleman na siya
naming kaniyang tinutugtog kung ibig niyang malibang. Si Ofelia ay nagnanais
makahanap ng binatang may mga katangiang makisig, matamis ang mga salita at
isang binatang may pangalan sa panitikan na siyang makapagpapatibok sa
kaniyang puso dahil ang puso ni Ofelia ay alipin ng sining. Ngunit dahil sa
mapaglaro ang tadhana, hindi ang kaniyang ninanais na binata ang kaniyang
nakatuluyan, bagkus ay isang binatang nagngangalang Renato na siyang
namumuno sa kanilang mga lupain dahil siya ay ulila na sa ama at ang tanging
mahal na ina na si Aling Doray ang kaniyang kasama sa buhay, si Renato ang nais
ipakasal sa kaniya ng kaniyang mga magulang kung saan ang binatang si Renato ay
anak ng isang mayaman na angkan sa Bayan ng T dahil na rin sa alam ng mga
magulang ni Ofelia na mayroon itong magandang kinabukasan kay Renato.
Pagkaraan ng ilang linggo, kahit na tutol si Ofelia rito ay idinaos ang pag-iisang
dibdib nina Ofelia at Renato sa simbahan ng B na siya naming nagbunga ng isang
supling. Nagdaan ang mga araw, sumasarap-sarap na rin ang pagsasamahan nilang
mag-asawa dahil si Ofelia ay mahal na mahal kay Renato kung kayat ang lahat ng
kaniyang mahiling ay nasusunod na nagbubunga sa maganda at mapayapang
pagsasama nilang mag-asawa. Ngunit matapos ang ilang buwan ay napansin ni
Ofelia na si Renato ay laging namamalagi sa bukid at ang hinaharap ay ang
pagtatakal ng mais, ang pagbababa ng niyog o ng pagpapagapas ng palay kung
kayat si Ofelia ay laging mag-isa sa kanilang tahanan na siyang nagpapalungkot sa
kaniya. Nang idinaos ang pista sa bayan ng B, naroon si Ofelia at ang kaniyang
tanging kasama ay ang mahal na kaibigian na si Blanquita upang maglakad-lakad at
magsaya, nang kanilang mapansin ang isang lalaki na nag-aalok ng panghuhula na
siya naming naka-agawa ng pansin sa kanilang atensyon kung kayat kanila itong
pinuntahan ngunit hindi raw maaaring silang dalawa ang pumasok kung kaya ay si
Ofelia muna ang nauna upang magpahula at ang dalagang Blanquita ay naiwan sa
labas. Nahulaan ng Propesor Marlika na darating ang isang araw na kaniyang
matatagpuan ang isang tanyag na lalaki na angkop sa kaniyang matagal nang
pinapangarap, at hindi nga naman nagkamali ang Propesor Marlika, ang landas ng
kaniyang iniidolo na si Linares del Rio at ni Ofelia ay nagtagpo sa pamamagitan ng
pagsulat ni Ofelia kay Linares. Nagpatuloy ang kanilang komunikasyon sa isat isa at
sa hindi inaasahang pangyayari ng dalawa, si Linares ay nagkaroon ng pagtingin
kay Ofelia at gayun din naman si Ofelia kay Linares. At nang dumating ang araw na
nagbalak na si Ofelia na iwan si Renato at ang kaniyang anak dahil sa labis na
pagmamahal kay Linares, nang sila ay huminto sa isang bahay dahil sila ay nasiraan
sa daan doon niya nakita ang isang ama kasama ang anak nito na wala umano ang
ina dahil iniwan na sila, ito ay nagdulot ng kakintalan sa puso ni Ofelia kung kaya ay
pumasok sa kaniyang isipan ang naiwang anak na mawawalan ng ina kung sakaling
siya ay iiwan din niya, nagresulta ito sa pagdedesisyon ni Ofelia na huwag na ituloy
ang kanilang binabalak ni Linares at bumalik na sa kanilang tahanan, ito ay dahil sa
kaniyang anak.

B. TAUHAN
OFELIA
Si Ofelia ay anak ng mayamang pamilya na si Donya Carmen at Don Manuel.
Si Ofelia ay may taglay na kagandahan na siyang nakapang-aakit sa mga
kalalakihan ng bayan ng B. Siya ay itinuturing na reyna sa loob ng kanilang tahanan
ng kaniyang dalawang utusan. Siya ay sunod sa luho ng mga magulang dahil lahat
ng kaniyang ninanais ay ibinibigay ng mga ito. Siya ay mayroong radyo de
combinacion. Mayroon din siyang piyanong Aleman na ibinili para sa kaniya ng
kaniyang ama para maaari niya itong tugtugin tuwing nais niyang malibang. Dalawa
ang kaniyang automobil, isa para sa kaniyang pang-araw araw at ang isa naman ay
kaniyang ginagamit kung siya ay magsisimba at nagpapasiyal o tuwing siya ay
luluwas ng Maynila. Si Ofelia ay may hilig sa literature at musika. Ang kaniyang
pinapangarap o hinahanap na katangian sa isang binata ay makisig, matamis-
mangusap at may pangalan sa panitikan. Si Ofelia ay mapangarapin, ang kaniyang
damdamin ay alipin ng sining. Kaniyang iniidolo si Linares del Rio. Hilig niya ang
pagbabasa ng mga pahayagan, ng mga kuwento, at nobelang Tagalog. Mahilig din
siya sa panonood ng mga pelikulang Tagalog , at pakikinig sa mga palatuntunan sa
radyo, lalo na ang mga palatuntunang Tagalog. Siya ay mayroon nang asawa at
isang anak.

LINARES
Si Linares del Rio ay isang awtor ng mga nobela. Ang ilang mga akdang
kaniyang ginawa ay isinapelikula na pawa naming nagatatagumpay. Marami ang
humahanga sa kaniya dahil sa kaniyang estilo ng pagsulat ng hindi masagwa at
matamis na mga palasintahan. Si Linares ay kadalasang maririnig sa mga
palatuntunan sa radyo, na kung minsan ay nagtatalumpati ngunit kadalasan naman
ay bumibigkas siya ng mga tula. Si Linares del Rio ay nasa ituktok ng kaniyang
tagumpay sa larangan ng panitikan. Binata pa bagamat may kaunti nang gulang,
ngunit matamis mangusap, siya ay magiliw at maapoy sa pag-ibig. Siya ay isang
tanyag na nobelista, makisig magbihis at palaging masaya. Taglay niya ang
katangiang bukas ang palad para sa lahat kung kayat siya ay maraming kaibigan.
Dahil sa mga katangian na ito, hindi kataka-takang sundan-sundan siya ng tingin ng
kaniyang mga tagahanga, maging dalaga at maging may asawa man. Kalaunan ay
nahulog ang kaniyang puso kay Ofelia. Ngunit hindi ito umayon ang tadhana sa
pagmamahalan na ito kung kayat naputol din ang koneksyon nila sa isat isa.

RENATO
Si Renato ay isang binatang anak ng isang mayaman na angkan na kumita ng
unang liwanag sa bayan ng T. Si Renato ay hindi nakatapos ng anumang
karunungan, bagamat nakarating din sa mga paaralan. At ang dahilan, sapagkat
siya ay masasakitin. Si Renato ay ulila na sa ama at ang tanging nabubuhay na
lamang ay ang kaniyang mahal niyang inang si Aling Doray. Si Renato ay makisig at
magandang lalaki. Si Renato ay mahilig sa karunungan ng pagsasaka. Dahil siya
ang namamahala sa kanilang mga lupain. Si Renato ay palagi sa bukid, at ang
hinaharap ay ang pagtatakal ng mais, ang pagbababa ng niyog o ng pagpapagapas
ng palay. Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa na si Ofelia at lahat ng hinihiling
nito ay nasusunod. Si Renato ay pabayang asawa at mas lalong pinagtutuunan ng
pansin ang kanilang lupain kaysa sa kaniyang pamilya. Mahalaga para sa kaniya
ang kaniyang mga kabuhayan.
D.1
Itinatatak ng akdang ito sa isip ng mambabasa, ang laganap na pagkasira ng
pamilya noon at hanggang sa ngayon. Na isa sa mga dahilan nito ay ang tradisyon
noon na pagpapakasal ng mga magulang sa lalaking akala nila ay karapat-dapat
para sa kanilang anak. Na ang tradisyon na pagpapakasal sa hindi mahal ng isang
tao ay maaaring magbunga sa isang wasak na pamilya. At ang nagiging koneksyon
na lamang ng mag-asawang hindi naman nagmamahalan ay ang kanilang nabuong
supling. Ang kanilang anak ang nagsisilbing tali na nagkakabit sa kanila upang hindi
nila bitawan ang isat isa. Ang halimbawang ito na kumintal sa isip ng mga
mambabasa ay laganap pa rin maging sa panahon ngayon, ngunit ang kaibahan
nga lamang ay aksidente nang nakabubuo ng supling ang mga kabataan ngayon na
siyang nagiging dahilan upang sila ay magpakasal.

D.2
Nais iparamdam ng manunulat ng akdang ito sa kaniyang mga mambabasa
ang awa sa mga pangunahing tauhan. Na sila rin ay mga biktima ng isang tradisyon
na inaakala ng mga nakatatanda noon ay makabubuti sa kanilang mga anak.
Makararamdam ka ng awa dahil ang kanilang tapat na pagmamahalan sa isat isa
ay tila mayroong pader na kay hirap tibagin. Hindi nila maisakatuparan na
maiparamdam ang kanilang pagmamahalan sa isat isa dahil mayroong mga bagay
na higit na kailangan pang isaalang alang.
Nais ring iparamdam sa mga mambabasa ng akdang ito ang wagas at walang
kapalit na pagmamahal ng isang ina para sa kaniyang ina. Na maging ang sariling
kaligayahan nito ay handa niyang ipagpaliban para sa isang supling na kaniyang
binibitbit sa kaniyang sinapupunan ng siyam na buwan. Na kahit na ano pa mang
tukso ang dumating sa kaniyang buhay ay kakalimutan nito para sa kaniyang anak.
Isa pang halimbawa ng emosyon na ipinaparamdam ng manunulat sa
kaniyang mga mambabasa ang pagkabigo ng dalawang nagmamahalan. Na dahil sa
ibang mga bagay na higit na mas matimbang kaysa sa kanilang pagmamahalan.
Dahil hindi lahat ng pagkakataon ay pagmamahal ang dapat na pairalin ng isang
tao. May mga bagay talaga na dapat timbangin upang malaman kung ano nga ba
talaga ang dapat na pairalin.
D.3
Matutuhan sa akdang ito na hindi sa lahat ng pagkakataon ay sariling
kaligayahan dapat ang isinasaalang-alang. Dapat ay matuto ang isang tao na
timbangin ang mga bagay-bagay sa kung ano ang mas matimbang. Dahil sa
pamamagitan nito, makatutulong ito sa mga tao na makapagdesisyon ng tama.
Matutuhan na hindi sa lahat ng oras ay sarili mo lamang ang dapat na iyong isipin.
Matutuhan rin ng mga mambabasa sa akdang ito na wag maging bihag ng
desisyon ng ibang tao. Dapat ay matutuhan ng isang tao na tumayo sa sarili nitong
paa. Matuto dapat ang mga tao na gumawa ng sarili nilang desisyon, nang sa huli
ay wala kang dapat sisihin na ibang tao sa iyong hindi pagiging masaya sa mga
pangyayari sa iyong buhay. Wag maging bihag ng paniniwala ng ibang tao na
taliwas sa pinaniniwalaan mo. Ngunit dapat pa ring isaalang alang ang kabutihan sa
hindi, nang sa gayon ay wala kang pagsisihan sa huli.
Isa pang aral na matutuhan sa akdang ito ng mga mambabasa ay ang
pagsasakripisyo ng isang ina para sa kaniyang anak. Na lahat ay kayang isakripisyo
ng isang ina maging ang sariling kaligayahan nito ay kaya nitong balewalain para
lamang sa ikabubuti ng kaniyang anak. Nalalaman na mas matimbang ang isang
anak kaysa sa kung ano pa mang ibang bagay na maituturing din na mahalaga ng
isang ina.
Matutuhan mula sa akdang ito na ang kulturang pagpapakasal sa isang tao
na hindi naman mahal ng isang tao ay walang maidudulot na kabutihan sa isang
tao. Ang pinaka-pangunahing kailangan sa isang mag-asawa ay ang pagmamahal.
At kung ikaw man ay maipapakasal sa hindi mo mahal ay magbubunga lamang ng
hindi maganda. Dahil hindi magiging epektibo ang inyong pagsasamahan kahit
lumipas man ang maraming taon.

E. ESTILO
Ang estilong ginamit ng manunulat na si Remigio Mat. Castro ay gumamit
siya ng kaunting matatalinhagang salita na makatutulong upang bigyang-diin sa
kaniyang mga mambabasa ang damdaming nangingibabaw sa mga tauhan.
Kasabay nito, ay gumamit rin ng mga simpleng salita ang manunulat nang sa gayon
ay mabisang maintindihan ng mga mambabasa ang kaniyang layunin at nais
iparating sa mga mambabasa.
Isa pang estilo na ginamit ng manunulat ay ang malinaw na paglalarawan at
pagpapakilala sa mga tauhan na maaaring maging epekto sa kanilang mga ikinikilos
at pag-uugali sa ibat ibang mga sitwasyon. Nagbibigay ito ng mga tanda sa mga
mambabasa sa kung ano ang mga nakaaapekto sa mga pagbabago o sa mga
paggawa ng desisyon ng mga tauhan. Tulad na lamang ng pagmamahal ni Ofelia
kay Linares, sinabi sa umpisang bahagi ng kuwento na ang tipong lalaki na nais ni
Ofelia ay isang binatang makisig, matamis-mangusap, at may pangalan sa panitikan
na siya namang tinataglay ng binatang si Linares. Kung kayat agad na nahulog ang
loob ni Ofelia kay Linares dahil ang mga tinataglay nito ay angkop sa deskripsyon o
paglalarawan na ipinahayag ng manunulat sa tauhang si Ofelia.
Isa ring estilo na ginamit ni Remigio Mat. Castro ay ang pagiging detalyado sa
pag-uusap usap ng mga tauhan sa kuwento. Sa pamamagitan ng estilong ito,
malinaw na nasusundan ng mga mambabasa ang mga pangyayari sa kuwento.
Malinaw na naipapakita sa mga mambabasa ang mga pangyayari o sanhi na
nagbubunga sa isang tiyak na pangyayari.
A. TEMA
Hindi lahat ng taong nariyan para sa atin ay mananatiling nariyan pa rin.

B. BUOD
Nagmamaktol si Corazon dahil taliwas si Fidel na kaniyang katipan sa
pagsama niya sa pangkat ni Gng. Pangaldan na nagnanais iharap sa kapulungan
ang balak na batas hinggil sa diborsiyo, kung saan ay higit na hindi pinasasang-
ayunan ni Fidel dahil hindi pa man naluluklok sa pwesto ay pagwawasak na ng mga
tahanan ang iniisip ni Gng. Pangaldan. Nagdaramdam ng lubos si Fidel, ngunit
mahinahon pa rin ito gaya ng dati, tinitipid sa kaniyang dibdib ang kaniyang mga
hinanakit, patunay na lubhang napakamahal sa kaniya ni Corazon, matimbang higit
sa kaniyang buhay. Ngunit hindi nagpatinag si Corazon sa argumento nila ni Fidel
dahil naniniwala siyang sa pamamagitan ng pagtulong kay Gng. Pangaldan ay
kinalulugdan siya ng mga lahat sa kaniyang mga talumpati kahit saan sila pumunta,
at dahil na rin pinangakuan siya ni Gng. Pangaldan na kung siyay magtatagumpay,
ay siya ang magiging dahilan ng pagkawagi nito. Hindi naging maganda ang
kinalabasan ng argumento ni Fidel at Corazon, ito pa ang naging dahilan ng
kanilang tuluyang pagkakahiwalay at pagkakawala ng koneksyon sa isat isa. Kabi-
kabila ang pag-awit ng mga bata sa kantang sitsiritsit ng kanilang makita ang
langkay-langkay ng mga babaeng nagdaraan patungo sa mga hayag na miting,
kasunod nila ang sambuntong kalalakihan na sa halip na magalit ang mga
nakaririnig ng kantang ito ay natatawa pa sa awit-lansangang ito na kung tutuusin
ay tila masakit-sakit din nga ang kahulugan. Galak na galak ang Kalipunan ng mga
kababaihan sa Lawaan dahil nagtagumpay si Gng. Salud Candelaria Pangaldan,
laban sa tatlong lalaking nakatunggali sa halalan na naging resulta upang siya ang
maging kauna-unahang babaeng naging kinatawan sa kapulungan ng lalawigang
Lawaan, dahil siya ay namumukod, at umuungos sa lahat, isa siyang lider,
sanggunian, at siya pang ipinanglaban sa pagka-espiker samantalang ang kaniyang
naging kalihim ay walang iba kundi si Corazon Kalawag. Nang malaman ito ni Fidel
ay mas lalo itong nag-alangan kay Corazon dahil sa kaniyang paniniwala na ang
babaeng Filipina ay lubhang kapita-pitahan, sa tingin ni Fidel ay bumababa ang uri
sa mga hayag na pook kung kahalubilo sa mga lalaki, na sa isang salita ayon kay
Fidel ay ibig niyang manatili sila sa dating dambana: sa sinapupunan ng tahanan.
Samantalang si Corazon ay tila isang maningning na tala sa kaniyang pagsikat, nasa
kaniya na ang lahat ng magandang katangian ng isang dalagang makabago tulad
ng ganda, yaman at takino at tuwing magugunita niya si Fidel Arce Villa ay tila
palibak pa at may halong paghamak sa isang lalaking makaluma na isang beses
naging malaking parte ng kaniyang kahapon. Ngunit isang araw naging usap-
usapan si Corazon dahil siya ay nakita na nanaog sa bahay ng isang lalaking kilala
ng lahat sa kalikutan kung kayat napilitan ang mga magulang nito na ipakasal si
Corazon Kalawag kay Inocencio Yupangko na isang tsuper, ang balitang ito ay
mabilis pa sa takbo ng elektrisidad at umabot na kaagad sa Lawaan. Humiling si
Corazon ng hiwalayan at dahil sa pakiusap ng ina ni Corazon ay si Fidel Arce Villa
ang nagsilbing abugado ni Corazon, at nang matapos ang usapin napawalang bisa
ang kanilang kasal, sa sobrang kagalakan nin Corazon dahil sa pag-aakalang may
nararamdaman pa ito para sa kaniya ay sinabihan niya itong sabihin mong iniibig
mo pa ako ngunit tumugon si Fidel hindi ako maaaring magsabi ng isang bagay na
hindi ko na dinaramdam ngunit huwag mong akalaing sinisisi kita kung nakinig
ka lamang sa akin sanay kumaba ang dibdib ni Corazon dahil alam na niya ang
ibig iparating ni Fidel at doon ay inamin niya ang pagkatalo, at nooy diy nanaog;
wala mang umaawit ngunit tila naririnig pa rin niya ang kantang-lansangang
sitsiritsit.

C. TAUHAN
CORAZON
Si Corazon Kalawag ay isang babaeng makabago na taglay ang lahat ng
magagandang katangian. Taglay niya ang magagandang katangian tulad ng ganda,
yaman, at talino na siyang nagdala sa kaniya sa rurok ng kasikatan. Siya ay isang
dalaga na noon ay kabiyak ni Fidel Arce Villa. Siya ay kabilang sa pangkat nina Gng.
Pangaldan. Siya ay kilala bilang mapagmataas na tao na laging ang gusto niya ang
dapat na masunod. Kilala siya dahil kinalulugdan siya ng mga tao sa kaniyang mga
ginagawang talumpati. Siya ang tipo ng tao na hindi makapapayag na may
tumaliwas sa kaniyang pinaniniwalaan. Mataas ang kaniyang pangarap sa buhay,
isa rito ang maging tanyag na kalihim ni Gng. Pangaldan. Pilit na naipakasal kay
Inocencio Yupangko. Ngunit kalaunan ay nakipag diborsiyo ito kay Inocencio
Yupangko.

FIDEL
Si Fidel Arce Villa ay isang abogado. Lubhang mahal na mahal ang dating
kasintahan ni Corazon Kalawag na higit na mas matimbang sa kaniyang buhay. Siya
ay isang mapagmahal na binata na ibibigay ang lahat ng kaya niyang gawin para sa
kaniyang iniibig. Siya ay mapagpasensyang kasintahan na handang kipkipin sa
dibdib ang kaniyang mga hinanakit. Si Fidel ay tutol sa mga kababaihan na
makisalamuha sa mga kalalakihan. Dahil siya ay naniniwala na ang mga babaeng
Filipina ay lubhang kapita-pitagan. At sa tingin niya ay bumababa ang uri sa mga
hayag na pook kung kahalubilo sa mga lalaki. Samakatuwid, ibig ni Fidel na manatili
lamang ang mga kababaihan sa dating dambana sa kung saan naroon ang
sinapupunan ng tahanan. Si Fidel ang klase ng tao na hindi nagtatanim ng sama ng
loob sa kung sino man ang nakagagawa ng hindi maganda sa kaniya.
GNG. PANGALDAN
Si Gng. Salud Candelaria Pangaldan ay isang kinatawan sa kanilang
lalawigan. Siya ang nanalo bilang kauna-unahang babaeng naging kinatawan sa
kapulungan ng lalawigang Lawaan laban sa tatlong lalaking nakatunggali sa
halalan. Si Gng. Pangaldan ang siyang namumukod tangi at umuungos sa lahat.
Siya ang lider, sanggunian, at siya pang ipinanglaban sa pagka-espiker sa kanilang
lalawigan. Malaki ang kaniyang tiwala kay Corazon na kalaunan ay naging kaniyang
kalihim. Hindi siya marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong sa
kaniya upang marating ang rurok ng kaniyang tagumpay.

D.1
Itinatatak ng akdang ito sa isip ng kaniyang mga mambabasa, na ang mga
kababaihan ay may karapatan namang bumoto at makiisa sa mga halalan ngunit
dapat ay pag-ingatan ang dangal at huwag basta-basta makihalubilo sa mga
kalalakihan, dahil maaari itong mag-resulta sa hindi pagkakaunawaan ng mga taong
mapanghusga. Lalo na sa panahon ngayon na talamak na ang mga kabataan na
unti-unti nang kinakain ng ating sistema. Hindi na nila iniisip ang mga matang
nakapalibot sa kanila. At ginagawa na lamang nila ang kanilang mga kagustuhan ng
hindi iniisip kung tama pa ba ito o hindi.
Isa pang nais iparating sa isip ng mga mambabasa ang realidad ng buhay
kung saan ang mga tao ay ganid sa kapangyarihan. Sa panahon ngayon ay dahil sa
pagnanais ng mga tao na magkaroon ng kapangyarihan, hindi na nila iniisip ang
mga tao sa kanilang paligid, nalilimutan na nilang pasalamatan ang mga taong
naging bahagi ng kanilang mga narating sa buhay.

D.2
Nais iparamdam ng akdang ito sa kaniyang mga mambabasa ang
pagkahinayang sa isang tapat na pagmamahal na nasayang lamang dahil sa
pagiging ganid sa kapangyarihan. Pagkahinayang sa mga panahong ipinagpalit para
lamang sa kapangyarihan na hindi rin naman pala tatagal. Pagkahinayang sa
pagkakataong kung kailan huli na ang lahat ay tsaka niya lamang napagtanto na
hindi na pala maibabalik ang nakaraan kung kailan sila ay masaya pa.
Ang nais na iparamdam na emosyon ng akda sa kaniyang mga mambabasa
ay ang lungkot dahil sa ginawang pagpili ni Corazon sa kaniyang nais kaysa kay
Fidel na mahal na mahal siya higit pa sa kaniyang buhay. Si Fidel na ibibigay ang
lahat ng hindi kailanman tumaliwas sa kaniyang ideya, ngunit nang dumating na
ang pagkakataon na tumaliwas ito sa ideya. Nagbunga ito sa hindi pagkakaunawaan
na siyang nagbunga sa pagputol ng kanilang koneksyon sa isat isa.
Nais iparating ng akda sa kaniyang mga mambabasa ang mga emosyon ng
pangunahing tauhan na makatutulong upang epektibo o mabisang makarating sa
mga mambabasa ang damdamin ng mga tauhan.

D.3
Matutuhan mula sa akdang ito na wag tayo maging ganid sa kapangyarihan.
Matuto tayong maging makuntento sa pagiging masaya at wag na maghangad pa
ng sobra-sobra. Dahil balang araw ang kapangyarihan na ito ay mawawala rin na
parang isang bula. Wag nating hayaang kainin tayo ng sistema na ang pagiging
isang makapangyarihan ang magdudulot sa isang tao ng tunay na kasiyahan. Dahil
ang tunay na kasiyahan ay matatagpuan lamang sa piling ng isang taong tapat
kang mamahalin maging sino at ano ka man. Isang taong pagtitiisan ang iyong pag-
uugali. Ang labis na paghangad sa mga bagay na hindi na karapat-dapat ay walang
maidudulot na maganda sa isang tao.
Matutuhan rin mula sa akdang ito na laging nasa huli ang pagsisisi. Bago pa
man tayo gumawa ng isang desisyon ay dapat pag-isipan muna natin ito ng mabuti.
Dahil ang maling bunga ng pagdedesisyon ay maaaring maghatid sa iyo sa hindi
magandang resulta. Ang bawat gagawin natin ay dapat laging isinasaisip at
isinasapuso. Hindi lamang maaaring isip ang gamitin, hindi rin dapat puso lamang
ang ginagamit. Matuto dapat ang mga tao na balansehin ang isip at puso nang sa
gayon ay matamo natin ang ating inaasam na magandang bunga. Wag nang
hintayin na mawala ang isang tao o bagay, bago natin maisip ang tunay na
kahulugan at kahalagahan nito sa ating buhay.
Matutuhan dito sa akdang ito na hindi habambuhay kayang pagtiisan ng
isang tao ang iyong pag-uugali. Dapat ay matuto kang baguhin ang hindi mo
magandang pag-uugali nang sa gayon ang mga tao sa iyong paligid ay hindi
mawala sa iyo. Matuto dapat tayo na isipin ang mga tao na nakapaligid sa atin,
dahil sila ang tumulong o tutulong sa atin sa mga panahon na tayo ay nahihirapan
sa pagharap ng mga pagsubok sa ating buhay.
Nais ituro sa atin ng akdang ito na walang permanente sa mundo. Ang mga
bagay na nasanay tayo na nasa atin ay balang araw mawawala. Lalo na kung hindi
ito nabibigyan ng pagpapahalaga. Dahil sa paglipas ng panahon, unti-unting
mawawala o magbabago ang mga ito. Kaya habang may oras at panahon pa tayo,
bawat segundo, minuto, oras, araw, buwan at mga taon ay pahalagahan ang mga
ito. Ipakita natin ang kabutihan at tunay na pagmamahal dahil hindi natin alam
kung kailan sila magsasawang intindihin ang mga pag-uugali natin na hindi mainam
sa ibang tao. Itinuturo ng akdang ito, na matuto dapat ang mga tao na maging
sensitibo sa kaniyang kapaligiran para sa ikabubuti ng lahat.
Matutuhan sa akdang ito na wag magtatanim ng sama ng loob sa isang tao.
Dahil balang araw, kusang maiintindihan ng isang tao ang kaniyang pagkakamali. At
sa oras na dumating ang panahong ito, huwag kang magdadalawang-isip na
tanggap at patawarin ito. Dahil panahon lamang ang iyong kailangan upang ang
sakit at sugat ay maghilom. Ngunit maaaring mapatawad mo nga ang isang tao,
ngunit ang bagay na iyong nagawa ay hindi na maaari pang burahin sa isip ng isang
tao. Kaya karapat-dapat na laging mag-iingat sa mga bagay na iyong gagawin
sapagkat maaari mo itong pagsisihan habambuhay.

E. ESTILO
Ang estilo na ginamit ng manunulat na si Rosalia de Leon Aguinaldo sa
kaniyang akdang Sitsiritsit ay naghayag ito ng mga sitwasyon kung saan mai-
uugnay ng isang tao ang kaniyang mga karanasan ng kaniyang mga mambabasa.
Ang mga sitwasyon na nagaganap sa akda ay salamin o repleksyon ng tunay na
buhay ng isang tao, kung saan maihahalintulad niya sa kaniyang sariling mga
karanasan.
Isa pang estilo na ginamit ni Rosalia de Leon Aguinaldo ay maayos at
organisado ang kaniyang paglalahad ng pagkakasunod sunod ng mga pangyayari
na epektibong makatutulong sa kaniyang mga mambabasa na mabisang
maintindihan ang mga pangyayari sa akda.
Kapansin pansin rin sa akda na ginamit ng manunulat ang estilong paggamit
ng mga simpleng salita na mabisang makatutulong sa kaniyang mga mambabasa
na maintindihan ang kaniyang nais iparating sa kaniyang akda. Mga simpleng salita
na makatutulong sa mga mambabasa upang kaniyang maiparating ang mga layunin
ng akda.
Isang estilo rin na ginamit ni Rosalia de Leon Aguinaldo ang pagsulat ng mga
pahayag na makaka antig sa puso ng kaniyang mga mambabasa kung saan
mararamdaman ng mga mambabasa ang nararamdaman ng mga karakter na
makapagpapadala sa mga emosyon ng mga mambabasa.

A.TEMA
Pagpapakilala sa kakaibang ugali ng mga Filipino at kakaibang tradisyon na
maituturing na isang tatak-Filipino.

B.BUOD
Ang kuwentong isinalaysay sa loob ng kuwentong ito ay nagtamo ng
gantimpala sa timpalak sa kuwento ng El Renacimiento Filipino sa paksang Mga
Karaniwang Ugali sa ilalim ng sagisag na Mefistofeles, ang kuwentong ito ay
nagsimula nang yanigin ang isang nayon sa kumalat na balita na ang Tisyo na
maituturing na sigla sa mga tahanan sa pook na yaon, si Tisyo na maituturing
kasayahan, at sa kasayahan ay takot ang lungkot. Dahil sa naging sobrang malapit
na si Tisyo na maaga nang nagtungo sa langit sa kaniyang mga kanayon, halos
lahat ng magkakanayon ay nangagsitungo sa bahay ng patay, at nangagsitungong
may luha sa mata, ballot ang kaluluwa ng lambong ng hapis at sa mga labi ay
dalanging isaluwalhati siya ni Bathala. Nang dumating si Mefistofeles sa bahay ni
Tisyo ay naroon na si Dapit-Hapon, Ben Ruben, Pipit-puso, Huling bayani, Crispin,
Ibbara, Resureccion, Geranio, Celso, ang mabining Palaspas, Kintin Kulirat, Pedro
Manibat, at si Palabiro na siya namang kapwa mga makata ni Tisyo. Ang ilan sa mga
ito ay naroon sa mesang pinaglalaruan ng mga libangang pangkaraniwan na sa mga
lamayan; mayroong nagtitrisyete, mayroong nag-uunguyan, ilan namang
nagrerebesino samantalang sa kabilang dako ay may isang pulutong na
nagbubugtungan, at sa pook nila ay madalas marinig ang alingawngaw na bugso ng
tawa. Sa pulutong na nagbubugtungan na mga ito ay tatlong palabiro ang
namamayani: Si Kintin Kulirat na pusong bata pa, bagamat ang mukha ay kulu-
kulubot na at ang ulo ay panot; si Pedro Manibat na binahaginan ng diwa ni Tisyo; at
si Palabiro na pati si Kristo ay pinagkulay berde sa isang dula niyang di pa
natatanghal. Nang matapos ang kanilang bugtungan na ayon sa kanila ay laos na,
sila naman ay naglahad ng mga maiikling kuwento, si Pedro Manibat ay nagkuwento
tungkol sa isang mananahi na inatasang magsukat ng gawa sa isang Kastila ng
kaniyang amo, si Palabiro naman ay nagkuwento tungkol sa isang ama na mayroong
tatlong babaeng anak na walang alam kundi pawang mambububo ang kanilang
hanap, at si Kintin Kulirat naman ay nagkuwento tungkol sa kuwentong hindi niya
kuwento kundi kuwento lamang ng isang nagkuwento. Nang pumanhik sa bahay ng
patay sina Mefistofeles agad niyang nakita ang bangkay ni Tisyo na nakaburol na sa
isang higaan, ngunit nang tinangka niyang lumapit sa patay upang mausisa ang
kaniyang kalagayan ay di ito pinayagan ng namatayan na asawa dahil ito umano
ang buong pagsamong hiling ng kaniyang asawa. Ngunit nang subukang tanungin
ito ni Mefistofeles ay hindi ito sumagot at tila ayaw ipagtapat ang tunay na dahilan
at walang sinasabi kundi ang Tisyo ay nagbilin nang gayon at ang biling ito ay
kaniyang tinutupad lamang. At nang dumating ang oras ng pagpapainom ng
kinaugaling kape, ang lahat ng dalaw ay inanyayahan sa loob ng salas at sa sahig
nito pinaupo, at nang oras na upang ang mga tasa ay itaas upang paunlakan ang
mabangong kape, isang malutong at pabirong tawa ang namayani at narinig ng
mga bisita na nagmumula sa lugar ng patay. Ikinagulat ito ng mga bisita, ang ilan
pa ay nabitawan ang mga hawak na tasa, ang ilan naman ay nagtakbuhan sa
sobrang pagkagulantang sa mga pangyayari ngunit, nagsalita ang bangkay ni Tisyo
at sinabing siya ay hindi namatay at hindi rin nabuhay, ito lamang ay isang biro
upang si Mefistofeles ay may maisaling kuwento sa timpalak ni matandang Marti, na
ang hinihingi ay isang kasaysayan ng mga ugaling karaniwan sa isang lamayan,
isang pangyayaring may sariling uri, kulay, lasat tatak: tatak-Filipino.

C. TAUHAN
Mefistofeles
Si Mefistofeles ay isang makata na nagtamo ng gantimpala sa timpalak sa
kuwento ng El Renacimiento Filipino sa paksang Mga Karaniwang Ugali na
nalathala sa pahina 116 ng nasabing lingguhan noong ika-7 ng Hulyo 1913. Si
Mefistofeles ay isang mapagmasid sa kaniyang kapaligiran. Siya ay maraming
kakilalang mga kapwa niya makata. Isa siya sa mga labis na nagmamahal kay Tisyo
na isa ring makata tulad niya. Naging pangunahing dahilan upang isagawa ni Tisyo
ang napakalaking biro na kaniyang nagawa sa buong buhay niya.

Tisyo
Si Tisyo ay isang makata na kilala bilang isang masayahin, palatawa at siyang
nagbibigay rin ng kasiyahan sa mga tao sa kaniyang kapaligiran. May mga tawa
siyang daig ang halakhak ng masayang Momo. Nagkunwaring patay na ngunit hindi
naman pala. Tumulong kay Mesfistofeles upang makamit ang gantimpala sa
timpalak sa kuwento ni matandang Martin. Maraming kaibigan si Tisyo na kapwa
niya mga makata. Si Tisyo ay isang uri ng tao na kung ano ang kaniyang naiisip na
ideya ay kaniyang gagawin kahit maapektuhan ang ibang tao sa kaniyang paligid.
Siya ay mahilig sa mga kakaibang bagay o gawain na hindi basta-basta nagagawa
ng isang tao. Handa siyang isugal ang kaniyang sarili upang masubukan lamang
ang mga kakaibang gawain na nakatambay sa kaniyang isipan.

D.1
Ang kakintalan na naiwan ng akdang ito sa isip ng kaniyang mga mambabasa
ay ang kakaibang kultura ng mga Filipino. Tulad sa akdang ito, ipinakita dito ang
kakaibang kultura o tradisyon ng mga Filipino sa tuwing may burol. Naging ugali na
ng mga Filipino ang paglalaro ng ilang mga libangan pangkaraniwan sa mga
lamayang tulad ng nabasa sa akdang ito. Halimbawa nito ang larong nagtitrisyete,
larong unggoy-ungguyan at ilang mga naglalaro ng rebisino. Ilan sa mga larong ito,
ay kadalasan nang matatagpuan sa tuwing may lamayan. Sa pamamagitan ng mga
larong katulad nito, nakakakuha ang mga namatayan ng kaunting pera sa
pamamagitan ng paglalagay ng tong ng mga kasapi sa naglalaro ng nasabing
libangan.
Ilan pa sa mga maikikintal sa isip ng mga mambabasa na gusting iparating
ng akdang ito ang kaugalian ng mga tao na magtipon-tipon o magkasama-sama
upang sabay-sabay gunitain ang taong pumanaw. Sa paraang ito, maipapakita sa
pumanaw at sa pamilya nito ang simpatya at ang lungkot na kanila ring
nararamdaman sa pagpanaw ng isang tao. Ang mga kadalasan na dumadalo rito ay
ang mga kaibigan, kamag-anak, mga kababata at iba pang malapit sa puso ng
taong pumanaw na.
Isa pang kaugalian na inukit ng akdang ito sa isip ng kaniyang mga
mambabasa ay ang mga pananaw ng ilang mga dumadalo. Na kesyo ayon sa iba,
ay dapat hindi maglungkot ang mga tao, bagkus ay maging masaya lamang upang
ang kaluluwa rin ng taong ito ay maging masaya rin. Ang iba naman ay
naniniwalang dapat lakasan ang hagulgol, dahil kapag malakas umano ang iyong
iyak ang kahulugan umano nito ay maraming tao ang nalulungkot sa pagkawala ng
taong pumanaw.
Isa pang halimbawa ng maikikintal sa ating isip ay ang pagsubok ng mga
Filipina noon na maging Kastila. Simula sa mga asal nila at maging sa kanilang
pananalita. Isang patunay nito ay ang kuwentong inilahad ni Pedro Manibat tungkol
sa isang mananahi na nautusan ng kaniyang amo na magsukat ng gawa ng isang
Kastila. Nang turuan ito ng dapat na kaniyang sabihin sa Kastila na kaniyang
kakausapin, ay unti-unti niya itong nalimutan dahil nga hindi siya isang bihasa sa
wikang Kastila. Ngunit nang dumating ang kaniyang kasamahan na nagkataong
marunong magsalita sa wikang Kastila, sinabihan niya ito na nasa iyo pala ang
aking Kastila. Sinisimbolo nito ang pag-angkin ng Filipina sa wikang Kastila na
kaniyang natutuhan, na sa kaniyang pagkaka-unawa ay para lamang sa kanya.
Isang patunay na noon pa man ang mga Filipino ay wala nang pagmamahal sa sarili
nitong wika.

D.2
Ang emosyon na nais iparamdam ng akdang ito sa kaniyang mga
mambabasa ay una pagkalungkot dahil sa pagkakapaliwanag ng manunulat sa kung
ano ang klase ng tao si Tisyo. Na siyang magpaparamdam sa kaniyang mga
mambabasa sa kung ano ang nararamdaman ng mga tao o kanayon ni Tisyo na
nakadaramdam ng sobrang kalungkutan dahil sa biglaang pagkawala ng isang
taong Malaki ang naging parte ng kanilang mga naransang kasiyahan tuwing
nakikita nila ito.
Ngunit matapos ang ilang pagbunyag ng mga sanhi ng pangyayari, ang
damdamin na nais iparating na ng akdang ito sa kaniyang mga mambabasa ay ang
pagkalito. Pagkalito sapagkat nagulat ang mga mambabasa ng ibunyag ni Tisyo na
hindi pala siya patay, na isa lamang pala iyong malaking biro para sa kaniyang
kaibigang si Mesfistofeles.
At ang pinakahuling emosyon na ipinarating ng akdang ito sa kaniyang mga
mambabasa ay ang katuwaan o kasiyahan. Sa pamamagitan ng pagsabi sa dulo na
ang malaking biro na ginawa pala ni Tisyo ay para kay Mefistofeles na lalahok sa
timpalak sa kuwento ng El Renacimiento Filipino ni matandang Martin na may
kaugnayan sa mga karaniwang ugali ng mga Filipino. Na sa tulong ng malaking biro
ni Tisyo ay nabigyan ng gantimpala si Mefistofeles.

D.3
Isang halimbawa ng aral na ating mapupulot sa akdang ito ay wag natin
hayaaang baguhin tayo ng ibang tao ng naaayon lamang sa kanilang kagustuhan.
Dapat matutuhan ng mga tao ang mahalin ang sarili nitong wika. Dahil ito isang
pribilehiyo para sa isang bansa na magkaroon ng sariling kultura, tradisyon at higit
sa lahat ay sariling wika. Na noon pa man ay nagpasalin-salin na sa tulong ng ating
mga ninuno. Kaya hindi dapat ito binabaliwala lamang. Dapat mahalin at
pahalagahan ang ating kultura, tradisyon at wika ng buong puso nang sa gayon ay
mapaunlad pa natin ito at mapayaman. Walang makagagawa nito kundi tayo rin na
mga Filipino. Dahil kung hindi natin ito pahahalagahan at mamahalin, tayo rin
mismo na mga Filipino ang mahihirapan. Dahil maaari itong magresulta sa hindi
pagkakaunawaan at pag ito ay nagpatuloy pa at hindi napigilan, maaari itong
magbunga ng pagkawala ng mga ito sa atin.
Isa pang halimbawa ng aral na ating mapupulot sa akdang ito ay habang
ikaw ay buhay pa ay magpakita ka ng kabutihan sa iyong kapwa, ikaw ay mag-isip
ng maaari mong iwan na mabuting kakintalan sa kanilang mga isipan na siyang
tatatak sa kanilang isip pag ikaw ay pumanaw na. Sa ganitong paraan, tuwing ikaw
ay kanilang maaalala ang kakintalan na ito ang magiging simbolismo mo na siyang
habambuhay na maiiwan sa isip ng mga tao. Halimbawa nito sa akda ay ang
pagiging masiyahin ni Tisyo at ang kaniyang paghatid ng kasiyahan sa ibang tao. Ito
ang naiwang kakintalan ni Tisyo sa kaniyang mga kanayon, kamag-anak at
kaibigan. Ito ang higit na kanilang natatandaan sa tuwing naiisip nila si Tisyo.
Ngunit dapat tandaan na ang karapat-dapat lamang na iwan mong kakintalan ay
naaayon pa rin sa kung ano ang mabuti.

E. ESTILO
Ang manunulat na si Rosario Almauro ay gumamit ng estilong malikhain.
Simula sa kaugalian ng mga tauhan at maging ang mismong tauhan ay
napakamalikhain ang pagkakagawa. Pati na rin ang mga pangyayari sa kuwento ay
siyang nakabibigla sa kaniyang mga mambabasa dahil sa pagkamalikhain na
paraan niya ito inihayag. Tulad ng pagkabigla niya sa kaniyang mga mambabasa na
si Tisyo ay hindi naman pala patay, at hindi rin nabuhay. Ang manunulat ay nag-
iwan ng mga katanungan sa isip ng kaniyang mga mambabasa na siyang nagiging
dahilan upang ang pagbabasa ng kaniyang akda ay ipagpatuloy pa ng kaniyang
mga mambabasa.
Mahusay rin ang pagkakagamit ng manunulat na si Rosario Almauro sa
estilong pagkakabago ng ambiance ng kuwento. Mula sa pagiging malungkot at
pagsusumamo ng mga tauhan, pumasok ang mga kapwa makata ni Tisyo na siyang
nabigay ng ilang mga bugtong na siya ring magpapaisip sa mga mambabasa ng
mga sagot, at mga kuwentong katatawanan ngunit may laman na siyang susundan
ng mga mambabasa, na kung minsan pa ay aakalain nang mambabasa na parte na
ito ng kuwento. Ngunit isa lamang pala itong kuwento rin ng ikinu-kwento ng
kuwento. At pagkatapos ng parte ng tatlong makata, pumasok ang kakaibang
pangyayari na siyang gumalantang sa mga mambabasa na ang pagkakamatay pala
ni Tisyo ay isa lamang malaking biro, na may mababaw na dahilan. Sa
pamamagitan ng estilong ito ng mambabasa, nagbibigay ito ng kasiyahan sa mga
mambabasa na patuloy na basahin ang kaniyang akda mula umpisa hanggang dulo.
Isa pang estilo na ginamit ng manunulat sa akdang ito ay ang paggamit ng
ilang mga matatalinhagang salita na mas lalong mapapaisip ng malalim sa
kaniyang mambabasa. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, natuturuang magsuri
ang kaniyang mga mambabasa sa kung ano ang nilalaman at nais iparating ng
teksto. Lalo nat may ilang mga pahayag sa akdang ito na hindi lamang basta biro,
kundi patama na rin sa mga tao noong panahon na isinulat ang akdang ito ng
manunulat.

A.TEMA
Hindi masama ang magmahal ngunit matutong magtira para sa iyong sarili at
para sa iba.
B. BUOD
Si Roberto na kilala rin bilang Roberting ay isang binatang makisig na
nagmana sa kaniyang mga magulang ng malaking kayamanan na, siya ay may isa
pang kapatid na nagngangalan naming Nido na kung ikukumpara sa kaniya ay hindi
masigla na gaya ni Roberting. Si Roberting ay nabihag ng kagandahan ni Rita na
isang mestisa na napakagara at napakainam ngunit walang ibang kayamanan kundi
ang kaniyang kariktan, dahil nga sa may kaya ang pamilya ni Roberto boto agad
ang ina ni Rita sa binate kung kayat makalipas ang anim na buwang pagliligawan
ng dalawa ay kumalat na sa buong nayon ang balitang pagpapakasal ni Roberto at
Rita. Matapos ang kanilang kasal ay nagtungo sila sa Sibul upang doon sila ay
magpakawili kasaliw ng maiinam na awitan ng mga ibon at hiik-hiik ng mga walang
may na kuliglig, at pagkalipas ng ilang buwan sila naman ay pumunta sa Maynila
kung saan napuna ng madla ang kagaraan ni Rita na siya namang hinangaan ng
mga binibini at mga ginang lalong lalo na ang mga ginoo. Lahat ng nais ni Rita ay
ibinibigay ng kaniyang asawang si Roberto kung kayat itinuring siya bilang isang
reyna ng kagaraan, sapagkat walang makapapantay sa kaniya sa kamahalan ng
kaniyang mga isinusuot na damit at mga magagarang hiyas, at higit sa lahat ay ang
kaniyang kakisigan sa pagbibihis ay siyang nakakaakit na tunay, kaya kung
saanman siya pumaroon ay animoy makapal na bangaw ang mga ginoong aali-
aligid kay Rita. Ang lahat ng ninanais ni Rita ay ibinibigay ni Roberto sa kaniya,
maging ang auto ay kanilang pinapalitan kada anim o pitong buwan dahil nais ni
Rita na laging bagong modelo ang mayroon sila, isa pang halimbawa ang mga
alahas ni Rita na hindi lilipas ang limang araw na walang natatanggap si Rita na
magong edereso o bagong mga hiyas. Maging sa mga isinusuot ni Rita ay magagara
rin dahil hindi ito nagsusuot ng makalawa ng isang terno, subalit sa lahat ng mga ito
hindi inaasahan ni Roberto na darating ang araw kung kailan lahat nang samahang
kaniyang kinaaniban ay pawing nagdudulot ng pangulugi at hindi pagtutubo, sang-
ayon sa huling ginawang pagtutuos dahil sa laganap na krisis na nakapanlulumo.
Isang araw, nilapitan ni Roberting ang kaniyang kapatid na si Nido upang
manghiram ng tatlong libong piso upang ito ay ipambayad sa kaniyang
pinagkakautangan na si Enriquez na siyang napakasakit magsalita, isa rin itong
usurerong may maitim na kaluluwa, kaya nais na niyang magbayad rito upang
tigilan na ang panggugulo sa kaniya. Kung dati ay dali-daling bubuksan ni Nido ang
kaniyang kalupi at nakangiting iaabot kay Roberting ang salapi, ngayon ay ibang-iba
na ang kapatid nito, hindi ito umiimik, matalas ang tingin sa kapatid niyang si
Roberting at tila ay nakakunot ang noon na siyang nakapagpangatal kay Roberting.
Kaniyang pinagsabihan si Roberting na huwag niyang mahalin ng napakalubha ang
kaniyang asawa, hindi man kasalanan na asawa niya ay kasalanan naman ni
Roberting dahil sinusunod niya ang kapritso ni Rita at kung ito ay magpapatuloy pa
ay magbubunga ito sa paghihirap na hindi niya man lang nalalaman. Ito ay
nagpabukas sa isip ni Roberting na tunay ngang siya ay bagsak na at nanasok na
siya sa pinto ng kadukhaan na siyang nagpaluha sa kaniya sa unang pagkakataon,
kung kayat nagdesisyon si Roberting na kunin na lamang ang sarili niyang buhay
ngunit habang hawak niya ang rebolber narinig niya ang tinig ng kaniyang asawang
si Rita na siyang nagpabalik sa kaniya sa tamang pag-iisip, nabitawan niya ang
rebolber at hindi niya sinasadyang nakalabit ito at natagpuan na lamang nila na ang
punglo ay tumama sa noo ni Rizal.

B. TAUHAN
Roberto
Si Roberto na kilala rin bilang Roberting ay isang binatang makisig na anak ng
isang mayamang pamilya na siya na ring nagmana ng malaking kayamanan ng mga
magulang nito. Siya ay mayroong nakababatang kapatid na nagngangalang Nido.
Siya ay nabihag ng ganda ni Rita at kalaunan ay naging asawa niya. Siya ay isang
mapagmahal na asawa na handang ibigay ang lahat ng kapritso ni Rita. Si Roberto
ay klase ng tao na tinatakbuhan ang mga problema na hindi niya kayang harapin.
Hindi siya marunong humanap ng paraan upang ito ay kaniyang masolusyonan.

Rita
Si Rita ay isang dalagang mestia na napakagara at mapakainam. Si Rita ay
walang ibang kayaman kundi ang kaniyang kariktan. Na siya naming nagpabihag sa
puso ni Roberto. Na kalaunan ay kaniyang pinakasalan at naging asawa. Si Rita ay
itinuturing na reyna ng kagaraan sapagkat walang makapantay sa kaniya sa
kamahalan ng mga damit at mga alahas na kaniyang isinusuot, at ang kaniyang
kakisigan sa pagbibihis na siyang nakapagpapaakit sa mga ginoo. Siya ay
hinahanggan ng mga binibini, pati na mga ginang at lalo lalo na ang mga
kalalakihan. Si Rita ay may ngiti para sa lahat, ang ugali niyang ito ang siyang
naging panghalina at nakapagpa-akit ng tunay, kung kayat kahit saan man ito
pumaroon, animoy makapal na bangaw ang mga ginoong aali-aligid sa kaniya.
Nido
Si Nido ay anak ng isang mayamang pamilya. Siya ay mayroon
nakatatandang kapatid na nagngangalang Roberto o kilala rin bilang Roberting. Si
Nido ay hindi masiglang gaya ni Roberting. Siya ay matulungin sa ibang tao lalong-
lalo na sa kaniyang pamilya at kapatid. Siya ang tumulong kay Roberto na ipatindi
sa kaniyang kapatid na hindi lahat ng ninanais ng kaniyang asawa ay karapat-dapat
niyang ibigay. Dapat ay matuto siyang magtira para sa kaniyang sarili, at matutong
magbalanse ng mga bagay-bagay. Kaniyang ipinaliwanag sa kaniyang
nakatatandang kapatid, ang dapat niyang gawin o dapat niyang ikilos nang sa
gayon ay hindi na siya matuluyan pang malugmok sa buhay.

D.1
Nais ng akdang ito na mag-iwan ng kakintalan sa isip ng kaniyang mga
mambabasa na ugali ng mga tao na mamili ng kanilang mga mapapangasawa
batay sa panlabas nitong kaanyuan o kaya naman ay batay sa kung gaano ito
kayaman. Nagiging ugali na ito ng mga tao, na sa dalawang bagay lamang na ito
bumatay at hindi na sa kung mahal nila ang isang tao o hindi. Ikinikintal sa isip ng
mga mambabasa na noon pa man laganap na ang ganitong pag-uugali ng isang tao
na nauuna ang pagtingin sa panlabas na kaanyuan, bago mo tuluyang mahalin ang
isang tao. Na kadalasan naman ay hindi nagtatagal dahil sa hindi nila tunay na
minamahal ang isat isa. Ngunit sa akdang ito, napatunayan ng mga tauhan na
hindi sila tumingin lamang sa panlabas na kaanyuan o sa dami ng kayamanan.
Kanilang ipinakita na kahit sila ay naghihirap na, patuloy pa rin nilang ipinaramdam
ang pagmamahal sa isat isa.
Ikinikintal din ng akdang ito sa isip ng kaniyang mga mambabasa ang
kaugalian ng mga Filipino noon pa man na mangutang sa ibang tao, upang takas an
ang kanilang mga problema. Na noon pa man ay laganap na ang ganitong sistema
ng mga Filipino na sa tuwing sila ay nagigipit, sila ay lumalapit sa ibang tao upang
mangutang. Ito ay halimbawa ng isang kaugalian, o maituturing na rin na sakit ng
mga Filipino na sa hanggang ngayon ay wala pa ring nahahanap na gamot.
Isa pang halimbawa ng kakintalan na iniwan ng akdang ito sa kaniyang mga
mambabasa ay ang simbolismo ng punglo sa noo ni Rizal. Sa pamamagitan ng
paggami nitong simbolismo, gumagana ang isip mga mambabasa. Isa sa mga
paliwanag ng simbolismong ito ay ang pagiging bayani ni Rizal sa ating mga
Filipino.
D.2
Ang damdamin na nais iparating ng akdang ito sa kaniyang mga mambabasa
ay ang tapat na pagmamahalan ng dalawang mag-asawa. Nais antigin ng akdang
ito ang damdamin ng mga mambabasa na hanggang sa dulo ay ipinakita nila ang
pagmamahal sa isat isa. Na sa dulo ay naintindihan na nila ang isat isa, at
nalaman nilang silang dalawa ang mayroong pagkakamaling nagawa.
Nais rin iparamdam ng akdang ito sa kaniyang manunulat ang inis dahil sa
sobrang daming ninanais ni Rita. Dahil sa kaniyang hindi pagiging sensitibo upang
malaman na hindi lahat ng kaniyang nais ay maibibigay lagi ni Roberto. Inis dahil
pilit si Ritang humihingi ng mga bagay-bagay kahit hindi niya naman ito tunay na
kailangan. Inis sapagkat hindi na inisip ni Rita ang kalagayan ng kaniyang asawa
bagkus ay ang kaniyang mga sariling kagustuhan lamang ang ipinapairal.
Isa pang halimbawa ng emosyon na nais iparating ng akdang ito sa kaniyang
mga mambabasa ay ang lungkot, lungkot sa naging kinahinatnan ng masaga at
magarang buhay nina Rita at Roberto. At dahil sa kanilang pagiging pabaya, at hindi
pag-iisip ng mga desisyong kanilang ginagawa, nauwi ang masaga at magarang
buhay na ito sa kadukhaan. Lahat ng kanilang kayamanan ay nawala ng parang
isang bula, at tila di na nila alam ang kanilang gagawin lalo na si Roberto na siyang
haligi ng tahanan.

D.3
Isang halimbawa ng aral na ating mapupulot sa akdang ito ay ang pag-iisip
bago magdesisyon. Ang mga bagay-bagay ay dapat timbangin muna ng husto nang
sa gayon ay wala kang pagsisihan sa dulo. Sa pamamagitan ng matalinong
pagdedesisyon, ang mga bagay na nakasanayan mong nariyan at ang kayamanan
ng kay tagal mong pinaghirapan ay hindi basta-bastang mawawala sa iyo.
Isa pang halimbawa ng aral na matatagpuan sa akdang ito ay ang pagiging
sensitibo at matutong makiramdam sa iyong paligid. Wag mong hahayaang bulagin
ka ng kayamanan para hindi mo makita na ang mga tao sa paligid mo ay
nahihirapan na dahil lamang sa iyo. Dahil sa iyo na sarili lamang ang iniisip, dahil sa
iyo na kagustuhan at mga ninanais lamang ang laging nasusunod. Dahil sa iyo na
nagnanais ng katanyagan at kasikatan para lamang kainggitan ng ibang tao. Wag
kang maghahangad ng sobra-sobra. Matutong maging kuntento at maging masaya
sa kung ano ang kusang ibinibigay sa iyo at hindi dahil pinipilit mo lamang na
magkaroon ng mga bagay na iyong ginugusto.
Mapupulot din sa akdang ito ng mga mambabasa na wag mong hayaang
mawala ang mga bagay na mahalaga sa iyo bago mo malaman ang halaga nito.
Habang nariyan pa sila ay isipin mo rin ang kanilang nararamdaman, ang kanilang
mga pinagdaraanan, ang kanilang mga pinaghihirapan. Dahil minsan tayo pa ang
nagiging pangunahing dahilan kung bakit sila ay naghihirap sa buhay. Ang iyong
asawa ay naghahangad lamang ng iyong ika-sasaya ngunit hindi dapat ito inaabuso.
Ang pagmamahal ang higit na pinakamahala kaysa kahit na anong magarang
sasakyan, damit at mga alahas pa na iyan.
At ang pinakahuling aral na umaangat sa akdang ito ay ang wag mong
ibibigay ang lahat-lahat sa iyo. Matuto kang magtira para sa iyong sarili, at para rin
sa iba. Dahil ang pagbibigay ng lahat para lamang sa iisang taong mahal mo ay
hindi na maituturing na pagmamahal, ito ay maituturing na katangahan. Hindi
naman masamang ibigay ang ninanais ng iyong kasintahan o asawa, ngunit dapat
ay matuto ka ring magsabi ng hindi lalo nat kung alam mong hindi naman gaanong
mahalaga ang bagay na ito, at kung hindi naman ito karapat-dapat na bilhin.
Matutong magbalanse ng mga bagay-bagay dahil hindi lamang ito para sa iyo, ito
rin ay para sa lahat ng umaasa sa iyo.

E. ESTILO
Isa sa mga estilo na kapansin-pansin kay Severino Reyes ay ang
pagpapahayag ng mga tauhan ng mga aral sa buhay. Sa pamamagitan nito, higit na
tumatatak sa isip ng kaniyang mga mambabasa ang mga kaasalan na ito dahil
mararamdaman ng mga mambabasa na tila sa kanila ipinararating ng mga tauhan
ang mga pahayag na kanilang binibitawan.
Isa pang halimbawa ng estilo na ginamit ng manunulat sa kaniyang akda ay
ang pagiging organisado ng mga pangyayari at paglalagay ng mga bilang ayon sa
mga pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Sa ganitong paraan, maayos na
naipaparating ng manunulat ang kaniyang layunin sa pagsulat ng akdang ito.
Isa ring halimbawa ng estilo na ginamit ng manunulat na si Severino Reyes
ay ang paggamit ng ilang mga matatalinhagang salita upang bigyang-diin ang ilang
mga salita. Samantalang gumamit rin naman ito ng mga simpleng salita na siyang
makatutulong sa mga mambabasa na higit na maunawaan ang kuwentong kaniyang
inilalahad. Mahusay niya ring nabigyang diin ang mga simbolismo sa kuwento tulad
ng punglo na tumama sa noo ni Rizal. Na siyang naging epektibo upang mapagana
ng manunulat ang isip ng kaniyang mga mambabasa.

You might also like