Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Maituturing na isa sa pinaka-importanteng kontribusyon ng mga

pag-aaral at pananaliksik ay ang paghahatid ng bagong kaalaman na siyang

nakatutulong upang maging mas madali at maunlad ang pamumuhay ng

mga tao.

Sa unang tagapagsalita, kanyang tinalakay ang ukol sa maling

konsepto na pinaniniwalaan ng mga tao ukol sa salitang preservatives.

Ayon sa kanyang pag-aaral, karamihan sa mga taong kanyang nakausap ay

naniniwalang masama ang naidudulot ng paggamit o pagtangkilik ng mga

produktong may halong preservatives. Ngunit, nang may madiskubreng

bagong imbensyon ukol sa paggamit ng biopreservatives na

nakatutulong sa pagpapanatili ng malinis na pagkain at naiiwasan ang

pagdami ng mikrobyong maaaring maging sanhi ng pagsakit ng tiyan at iba

pa, ay negatibo ang naging reaksiyon ng mga respondents.

Naging layunin ng kanyang pananaliksik na maiayos ang konsepto ng

mga tao ukol sa salitang preservatives. Dahil dito, sa aking palagay ay

isang di-karaniwang pag-aaral ang kanyang ginawa sapagkat Siyensya ang

naging konsepto ng pananaliksik na ginawa niya ngunit naiugnay niya pa rin

ito sa kanyang kurso na Communicative Language. Para sa akin, malaki ang

kontribusyon ng pag-aaral na ito sapagkat nagkakaroon ng tamang konsepto

ang mga tao ukol sa mga bagay na noong una ay inaakala nilang

nakakasama lamang.
Sa ikalawang tagapagsalita naman, isang napaka-komprehensibong

pananaliksik ito para sa akin. Bukod sa kakaiba ang konsepto nito mula sa

nakasanayan kong mga pag-aaral ay direktang masuri kung ang resulta ng

kanyang pag-aaral ay tagumpay.

Ang kanyang pag-aaral ay tungkol sa isang application sa Android

phones na magdedetermin kung ang isang kabute ay maaaring kainin o

hindi. Sa kanyang pag-aaral ay lumabas namang 89% na gumagana ang

application na ito bagaman may nalalabing 11% na hindi ito gumagana, sa

tingin ko ay sapat na iyon upang sabihin na tagumpay ang kanyang pag-

aaral. Subalit, base sa kanyang pagtatalakay ay kinakailangang maayos ang

pagkakakuha ng litrato upang maayos na madetermin kung ang kabute ba

ay may lason o wala. Isa pa, maaaring may ilang kabute rin daw na hindi

kayang tukuyin kung ito ay maaaring kainin o hindi.

Sa kabuuan, ang mga pananaliksik tulad nito ay nakatutulong lalo na

sa aming hindi pa nakarating sa puntong ito. Isang pundasyon ito upang

makabuo kami ng komprehensibo at kapaki-pakinabang na mga

pananaliksik.
Isang Repleksyong Papel

Ukol sa

Pananaliksik

Ipinasa ni:

Bb. Arlyn Apple B. Elihay

Ipinasa kay:

Prof. Angelina Piquero

You might also like