Napakaraming masasayang ala-ala ang nabuo sa aking
bayan kasama na ang aking pamilya, kaibigan at mga kabarangay. Marami din naman mga pangyayari na hinde maganda ang naranasan ko sa lugar na eto pero dito rin ako natuto kung paano bumangon at mangarap. Sa lugar na ito ako isinilang, dito narin nabuo ang aking isipan, at nagsimula ng buhay kasama ang mahal kong pamilya.
Labo ang pangalan ng aking bayan, sa bayan na ito ay isang
unang klaseng bayan sa lalawigan ng Camarines Norte, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 81,388 sa 15,786 na kabahayan. Ang bayan na ito ay binubuo sa 52 barangays ito ang mga sumusunod; anameam, Awitan, Baay, Bagacay, Bagong Silang I, Bagong Silang II, Bakiad, Bautista, Bayabas , Bayan-bayan, Benit, Anahaw (Pob.), Gumamela (Pob.), San Francisco (Pob.), Kalamunding (Pob.), Bulhao, Cabatuhan, Cabusay, Calabasa, Canapawan, Daguit, Dalas, Dumagmang, Exciban, Fundado, Guinacutan, Guisican, Iberica, Lugui, Mabilo I, Mabilo II, Macogon, Mahawan-hawan, Malangcao-Basud, Malasugui, Malatap, Malaya, Malibago, Maot, Masalong, Matanlang, Napaod, Pag-Asa, Pangpang, Pinya (Pob.), San Antonio, Santa Cruz, Bagong Silang III (Silang), Submakin, Talobatib, Tigbinan, Tulay Na Lupa.
Sa Barangay ng Malatap ako naninirahan, ang barangay na
ito ay madalas dinadayo ng mga tao dahil sa ganda ng paliguan na tinatawag na malatap falls. Ang malatap falls ang isa sa pinaka magandang tanawin at paliguan na kung saan naghihikayat sa mga tao upang madayo ang lugar ng malatap. Upang mas lalo dayuhin ang lugar na ito, itinayo ang Hanging Bridge, sa lugar na ito ay may malawak, malinis at magandang paliguan na kung saan ay mas lalong dinayo ng mga tao. Ang malatap ay dinadayo din sa tuwing may kapistahan na nagaganap. Sa araw ng kapistahan ang bawat isa ay nagsisiyahan, nagiinuman at pumupunta sa ibat-ibang bahay upang duon mananghalian o makisalamuha sa kasiyahan. Sa ganitong araw ang aking ama at ina ay pinaghahandaan ang kaarawan na ito, nararapat lang na paghandaan ito dahil dito na kukumpleto ang aking angkan maliban sa bagong taon.
Sa aking bayan ay napakaraming mga kaganapan,
magagandang tanawin, at kabuhayan na dahilan kung bakit dinadayo ang aking bayan. Ang saltahan falls, malatap falls at binuang falls ay mga ilan lamang na dinadayo sa bayan ng labo, karaniwan, dito ginaganap ang pagpipicnic, at pagpipiktoryal. Pag dating naman sa marangal na hanap buhay sa bayan ng labo ay ang pagsasaka, paggagawa ng tsenelas na galing sa pinya o pineapple at marami pa na iba na pweding pagkakitaan sa bayan na ito. Busigon Festival, ay kaganapan na kung saan ay isa sa dahilan kung bakit dinadayo ang lugar na ito ng mga tao na nanggaling pa sa malalayong lugar. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa ipinagmamalaki ng bayan ng labo. Ang bayan ng labo habang tumatagal ay unti-unting pinapakaganda at pinapaunlad ng mga namumuno tulad na lamang ng pag aayos ng mga kalsada o Widening Road, sa ganitong paraan ay maiiwasan ang aksidente at mas lalo pa gaganahan ang mga dayuhan na pumanta ditto. Ang proyekto na ito ay isa rin sa paraan para mabigyan ng hanap buhay ang mga mamamayan ng labo.
Ang bayan ng Labo na aking bayan ay pinag-mamalaking