Professional Documents
Culture Documents
Daisy
Daisy
Ayon sa mga pediatrician at mga dalubhasa, ang pagpapasuso sa mga sanggol sa unang 6 na
buwan ay makatutulong nang malaki hindi lamang sa kalusugan ng bata kundi pati na rin sa
kalusugan ng ina
Mas madaling pagtunaw. Mas naaangkop ang gatas ng ina sa kakayanan ng tiyan ng sanggol
na tumunaw ng kinakain kung ikukumpara mga tinitimplang gatas. Dahil dito, mas mababa ang
posibilidad ng pagtatae o hirap sa pagdumi sa mga bata.
BENEPISYO NG PAGPAPASUSO SA MGA INA
Ilan ding pag-aaral ang nakapagpatunay na may mabuti ring naidudulot sa kalusugan ng ina
ang pagpapasuso sa bata.
Hindi lamang sa kalusugan makatutulong ang pagpapasuso sa mga bata, bagkus makatutulong
din ito sa pagpapaunlad ng buhay ng mga magulang.
Walang basura o kalat na naiiwan. Dahil ang gatas ay direktang nanggagaling sa suso ng ina,
walang kalat o basura na nalilikha kung kayat nakatutulong din sa kapaligiran ang
pagpapasuso.