Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 56

PROSPERO R.

COVAR
Ang wika ay natatanging kultura.
Kagaya ng sining, ito ay
may kakayahang maglarawan
ng kapaligiran.
Pagsasama ng ibat-ibang tunog mula sa
bibig ng tao.

Ang palatunugan ay isinaling pasulat.

Sa pasalita o pasulat na porma ng wika,


nakapaloob ang kultura ng bayan.
Balarila ang batas ng wika
na sinusunod sa wastong
paggamit ng kataga, salita, at
pangungusap sa komunikasyon.
pinakamaliit na yunit ng wika

pundasyon ng materyales na ginagamit


para makabuo ng kataga o salita
Ang sinaunang wikang Tagalog ay binubuo ng
isang pantig subalit sa kinalaunan ay inulit-ulit
ang pantig.

Halimbawa:
sat-sat, sit-sit, sut-sot,
patpat, pit-pit, put-put
KP : ka
KPK : kat
KKP : tra
KKPK : trak

Walang katinig o patinig na nagsasarili bilang


isang pantig. Ang lahat ng salitang Tagalog na
nagsisimula sa patinig ay may glottal stop sa
unahan nito.

Halimbawa:
oo = qoqo (KPKP)
?
Ang pantig, kataga, at salita ay inuuri ayon sa
kung ito ay:

1. Nagsasarili

a. Mga salitang binubuo ng isang pantig


lamang
- si, kay, sa

b. Kataga
- ako, ikaw, siya
2. Nangangailangan ng tulong

- Mga salitang-ugat

Mga paraan upang makalikha ng bagong mga


salita:
a. pag-uulit : bahay-bahay

b. pagkakaroon ng panlapi

- unlapi (maybahay)
- gitlapi (bumuhay)
- hulapi (buhayin)

c. pagtatambal : bahay-kubo, kapitbahay


PANGNILALAMAN PANGKAYARIAN

- mga salitang-ugat - mga kataga

- tumutukoy, umaangkop, o
nag-uugnay sa mga salitang
- may taglay na kahulugan sa
pangnilalaman upang
simuno o panaguri
makabuo ng parirala o
pangungusap

(1) pangngalan, (1) pangatnig, (2) pang-


(2) panghalip, (3) pang-uri, angkop, (3) pang-ukol, at (4)
(4) pandiwa, at (5) pang-abay pantukoy
turing sa bahagi ng pananalitang
pangnilalaman na ngalan ng tao, hayop,
halaman, lupa, tubig, hangin, pangyayari,
hinagap, haraya, at lahat ng bagay sa
kapaligiran...
1. Payak: araw

2. Inuulit: araw-araw

3. Maylapi: umaraw, arawan

4. Tambalan: anak-araw, madaling-araw


PAMBALANA PANTANGI

nagsisimula sa malaking
nagsisimula sa maliit na
titik na tumutukoy sa
titik na tumutukoy sa
tangi o tiyak na mga
pangkalahatang ngalan
ngalan

Halimbawa: Halimbawa:

bayani Jose Rizal


sabon Safeguard
tinapay Gardenia
TAHAS BASAL

kongkreto, materyal tumutukoy sa kasiwaan

Halimbawa:
Halimbawa:
pag-ibig, kalayaan,
upuan, lupa, hangin
katahimikan
Walang
Lalake Babae Di Tiyak
Kasarian

tandang inahin manok itlog

Jun-Jun Grace bata laruan


PALANSAK DI PALANSAK

tumutukoy sa isang
isa-isang tukoy sa bagay
kalipunan o karamihan.

Halimbawa: Halimbawa:

buwig, saging
hukbo sundalo
kapuluan isla
- Ayon sa listahan nina Santiago at
Tiangco (2013), mayroong 88 na panlapi.

1. unlapi: malinis

2. gitlapi: luminis

3. hulapi: linisan

4. kabilaan: kalinisan
salitang humahalili o pumapalit sa
pangngalan

Halimbawa:

Si Karen, Agnes, at Aaron ay naglalaro.


Sila ay naglalaro.

may apat na uri: (1) panao, (2) pamatlig,


(3) panaklaw, at (4) pananong
PANAUHAN
KAILANAN
UNA IKALAWA IKATLO

ISAHAN ako ikaw siya

DALAWAHAN kata, kita kayo sila

MARAMIHAN tayo, kami sila


panghalip na nagsasaad ng pagturo sa bagay
nagpapahayag ng layo o lapit ng bagay na
tinutukoy

Halimbawa:

ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, ganito, ganyan,


ganoon, dito, diyan, doon, narito, nariyan, at
naroon

yari, nire, dine, here, ganire, narini


nagsasaad ng saklaw

Halimbawa:

Tao sinuman
Bagay alinman
Panahon kailanman
Lugar - saanman
ginagamit sa pagtatanong

Halimbawa:

ano, ano-ano, alin, alin-alin, kanino, kani-kanino


nagsasaad ng katangian o uri ng mga
pangngalan at panghalip

1. Payak: ganda

2. Inuulit: gandang-ganda

3. Maylapi: maganda

4. Tambalan: kayumangging ganda


1. Isahan: kabayan, kapatid

2. Dalawahan: magkabayan, magkapatid

3. Maramihan: magkababayan, magkakapatid


1. Lantay o Pangkaraniwan:
- bango

2. Katamtaman:
- may kabanguhan

3. Masidhi:
- mabangong-bango
Ayon kay Gonzales-Garcia (1999), may
limang uri ng pamilang:

1. Patakaran: isa, dalawa, tatlo

2. Panunuran: pang-una, ikalawa, ikatlo

3. Pamahagi: kalahati, katlo, katlo-apat

4. Palansak: buwig, kawan, tali

5. Patakda: mamiso, tigsampung piso


nagsasaad ng kilos at galaw

1. Payak: takbo

2. Inuulit: takbo-takbo

3. Maylapi: tumatakbo

4. Tambalan: lakad-takbo
1. PERPEKTIBO / PANGNAKARAAN
- nagsasabi ng kilos na natapos na
- tinatawag ding aspektong naganap.

Halimbawa:

Tumakbo siya papalayo sa akin.


Naglaro sila ng piko.
Niluto niya ang isda.
2. IMPERPEKTIBO / PANGKASALUKUYAN
- nagsasaad ng kilos na laging ginagawa
o kasalukuyang nangyayari.
- tinatawag ding aspektong nagaganap.

Halimbawa:

Naliligo ako araw-araw.


Naglalaba si Aling Mila.
Nanunuod ng TV ang buong pamilya.
3. KONTEMPLATIBO / PANGHINAHARAP
- ang kilos ay hindi pa nasisimulan o
naisasagawa. Ito ay gagawin pa lamang.

- tinatawag ding aspektong magaganap.

Halimbawa:
Sasayaw si Maria sa pista.
Mag-aaral na talaga ako mamaya.
Magagawa mo ba ang utos ko?
- ibat ibang tungkuling ginagampanan ng
pandiwa sa panaguri ayon sa paksain ng
simuno
1. TAGAGANAP
ang simuno ang gumagawa ng kilos
- Bumili si Cristy ng pagkain.

2. LAYON
- ang simuno ang layon ng pandiwa
- Binili ni Cristy ang pagkain.

3. TAGATANGGAP
- para kanino?
- Ibinili ni Cristy ng pagkain ang kanyang ina.
4. GANAPAN
simuno ang lugar na ginaganapan ng kilos
- Pinuntahan ni Cristy ang palengke para
bumili ng pagkain.

5. KAGAMITAN
- ang simuno ang kasangkapan o bagay na
ginagamit upang maisagawa ang kilos
- Ipinambili ni Cristy ng pagkain ang kanyang
suweldo.
6. SANHI
- simuno ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos
- Ikinatuwa ni Helen ang pagbili ni Cristy ng
pagkain para sa kanya.

7. DIREKSIYUNAL
- paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos
- Pinasyalan ng mag-ina ang mall.
inuuri ang pandiwa

inilalarawan ang uri ng kilos at galaw ng


pandiwa

may dalawang kayarian ng pang-abay:


a. engklitik o katagang pang-abay
b. salita o parirala
paningit; hindi nagpapalipat-lipat ng
lunan o posisyon

Halimbawa:
Natapos na ang palabas.

(ba, daw/raw, pala, man, kasi, din/rin, tuloy,


muna, kaya, naman, nga, pa, na, yata,
lamang/lang, sana)
1. PAMANAHON:
a. May pananda
nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing,
buhat, mula, umpisa, hanggang

b. Walang pananda
kahapon, kangina, ngayon, mamaya,
bukas, sandali,

c. Nagsasaad ng dalas
araw-araw, tuwing umaga,taun-taon
2. PANLUNAN
- tumutukoy sa pook na pinangyarihan o
pangyayarihan ng kilos

Halimbawa:

Sa
Kay/Kina
3. PAMARAAN
- sumasagot sa tanong na paano

Halimbawa:

Niyakap niya ako nang mahigpit.


Mabilis siyang lumakad.

4. PANG-AGAM
- marahil, siguro, tila, baka, wari
- Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa bansa.
5. KUNDISYONAL
- kung, kapag, pag, at pagka

6. PANANG-AYON
- oo, opo, tunay, sadya

7. PANANGGI
- hindi, ayaw

8. PANGGAANO
- Bumigat ako nang tatlong kilo.
- Tumagal nang isang oras ang pagpupulong.
9. KAWSATIBO
- binubuo ng parirala o sugnay na
pinangungunahan ng dahil sa

10. BENEPAKTIBO
- binubuo ng parirala o sugnay na
pinangungunahan ng para sa

11. PANGKAUKULAN
- pinangungunahan ng tungkol sa, hinggil sa o ukol sa
Ang wika ay kultura;
at nakapaloob ang
kultura sa wika.

You might also like