Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang pagunlad ay isang progresibo at aktibong proseso.

Ang pagsulong ay ang


bunga ng prosesong ito. Kung gayon, ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad.
Ang pagsulong ay nakikita at nasusukat.
Ang pagunlad ay dapat makalikha ng mas marami at lalong mabuting produkto at
serbisyo.
Ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao,
gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan,
di-pagkakapantay-pantay, at pananamantala.
Feliciano R. Fajardo (Economic Development, 1994)

Dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad: ang tradisyonal na pananaw at


makabagong pananaw ukol dito.
Sa tradisyonal na pananaw, binigyang-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng
patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita nang sa gayon ay mas mabilis na
maparami ng bansa ang kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon
nito.
Sa makabagong pananaw naman, isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na
kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
Michael P. Todaro at Stephen C. Smith (Economic Development, 2012)

Ang kaunlaran ay matatamo lamang kung mapauunlad ang yaman ng buhay ng


mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito.
Mahalagang bigyang pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan
tulad ng kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay at ng iba pang
salik na naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan.
Amartya Sen (Development as Freedom, 2008)

1. Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng


ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral.
Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng
isang bansa.
2. Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya
ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung
maalam at may kakayahan ng mga manggagawa nito.
3. Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng ekonomiya
ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan
ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo.
4. Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang
mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang
mga nalilikhang produkto at serbisyo.
Sally Meek, John Morton at Mark Schug (Concepts and Choices, 2008)

You might also like