Araling Bilang 2: Arkitektura o Natural na Likas na Ganda ng mga Tanawin
Ang ating bansa ay biniyayaan ng magagandang tanawin na may natural na likas na
ganda na sadyang nakakaakit sa mga dumarayong turista. Ang mga ito ay mas lalong napaganda sa tulong ng arkitektura na ipinakikita ng pagiging malikhain ng mga Pilipino. Sadyang kaakit-akit na pagmasdan ang ating magagandang tanawin.
ALAMIN
Sa pagguhit at pagpinta ng magagandang tanawin kinakailangan ng
sapat na kaalaman sa paggamit ng guhit at kulay. Nabibigyan ng mga ito ng buhay ang ating likhang sining kung gagamitan ng complimentary colors.
Ang complementary colors ay ang mga kulay na magkasalungat sa
color wheel. Ito ay dalawang kulay na kung saan ay makakalikha ng vibrant o matingkad na kulay.
Tingnan ang larawan kung paano ginamit ang complementary color.
GAWIN
Pagguhit at Pagpinta ng Magandang Tanawin
Kagamitan: lapis, papel, water container, wator color at brush
1. Umisip ng disensyo mula sa napag-usapan o nakitang larawan sa talakayan na nais
mong iguhit. 2. Iguhit sa pamamagitan ng lapis. 3. Maglagay ng lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang paggagawaan. 4. Isawsaw ang brush sa water color at ipang-kulay ayon sa kulay ng tanawin. Ulit-ulitin ang pagpipinta hanggang sa makuha ang kulay ng ginagayahan gamit ang complementary color. 5. Patuyuin 6. LInisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
TANDAAN
Sa watercolor painting, maipapakita ang ganda ng isang tanawin sa paggamit ng
complementary colors. Maging gabay ang color wheel sa pagpili ng kulay na gagamitin sa pagpipinta upang mas maging maganda ang likhang sining. Sa pamamagitan ng complementary colors ay mas magiging makatotohanan ang dating ng mga larawan.
SURIIN
Panuto: Bigyan ng kaukulang puntos ang antas ng iyong naisagawa batay sa rubrik at pamantayan na nasa ibaba.
Napakahusay Mahusay Hindi gaanong
PAMANTAYAN mahusay (3) (2) (1) 1. Naiguhit at nakulayan ko ba ang larawan ng magagandang tanawin sa ating bansa? 2. Naipakita ko bas a aking larawan ang paggamit ng complementary colors? 3. Nasiyahan ba ako sa paggamit ng watercolor? 4. Naipagmalaki ko ba ang aking likhang-sining sa pamamagitan ng watercolor painting?