Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Parang may umaanong hangin na masakit na parang sinasakal ako

Kalian po masakit?

Pag umiinom ako ng gamot, tapos kapag humiga ako, ayun nararamdaman ko
parang may hangin sa likod ko tapos papuntang ulo ko na parang sinasakal ako sa
leeg tapos kapag minamasahe ko nawawala.

Nung una po, bakit po kayo pumunta ng hospital nung buntis pa po kayo?

Para magpa checkup, para malaman kung kelan ako manganganak talaga

Wala naman po kayong problema sa katawan kaya po kayo pumunta ng hospital?

Wala naman.

Wala po?

Wala. yung sa ano, sa puson ko. Masakit.

Humihilab po?

Oo diba buntis ako noon? Akala ko manganganak na ako.

Kalian po iyon?

Mga 8 months na.

Patingin po ng iba ninyong gamot.

Eto sa uti yan. Eto, tsaka metyldova sa ano yon, sa high blood. Eto yung iniinom ko
sa uti may uti.

Tapos nung buntis ako para daw kumapit.

Ay may uti po kayo ngayon?

Ummhmm. May uti nga ako ngayon.

Ayan yung umiinom ko pampakapit ng bata daw, pampakapit ba ng bata yan?

Nung mga nakaraang pagbubuntis nyo po, meron po ba kayo ng high blood?

oo. may high blood ako.

Bawat pagbubuntis nyo po may high blood kayo?

Oo may high blood pero bumababa din naman.

Bumababa din po pagkatapos ng pagbubuntis ninyo?


oo.

pano ninyo po nalalaman, nagpapa check po kayo ng bp?

oo. kasi ano eh, nung pina check ko yung anak ko sa center, nagpa bakuna ako,
nagpa bp ako, mababa lang yung dugo ko. Kaya nalaman kong bumabababa din
pala yung bp ko.

Sabi nyo po nung last na ininterview ko kayo nagpa checkup po kayo bago po kayo
pumunta ng bmc,

Pwede ko pong Makita yung record ninyo?

Ano yung record ko?

Yung sabi nyo po nung nagpa checkup po kayo sa perez po ba?

Oo sa perez andyan yung mga checkup ko sa perez. Kaso nung pumunta ako ng
perez. Nagpa ultrasound ako, tapos pinababalik ako, hindi ako nakabalik. Tapos di
na nila ako tinanggap. Kaya ni repair nila ako sa provincial. Tapos sabi sa ultrasound
eh. Emergency daw kaya natakot sila. Parang ni repair na nila ako sa provincial.
Parang ewan ko ba, kung ano ang nangyari sa kanila.

Kasi po mataas po yung bp ninyo.

Eh kay ano. Provincial nga pala yun.

Ano po yung nararamdaman ninyo nung nagbubuntis po kayo?

Yung sa puson ko. Sumasakit. Konti lang. tapos gumagalaw naman yung bata.

Namamaga po ba yung paa ninyo nung buntis kayo?

Ano yung tawag doon? Manas?

Opo. Namamanas.

Tapos nawawala naman.

Saan po kayo nagmamanas?

Sa paa.

Sa paa po?

Oo.

Pinindot ninyo po?

oo.
malalim?

oo.

mga ilan po?

Mga isang ano lang.

Ano po?

Mababaw lang sya.

Pag ba may manas ano baa ng ibig sabihin ninyo?

Normal naman din po sa pagbubuntis iyon pero minsan, sintomas po iyon ng sakit.

Ay ganon?

Ay yung ano po, nung nag bubuntis kayo, mabilis po ba kayong nadagdagan ng
timbang?

Sa bigat kasi, hindi ako masyadong nagpapa timbang. Kasi hindi ako masyadong
nagpupunta ng center

Sa katawan nyo po ba napansin nyo po ba na tumaba kayo?

Kasi dati diba umiinom ako, naninigarilyo ako,

Pero tingin nyo po hindi po dumagdag ang timbang ninyo nung nag buntis kayo?

Hindi naman.

Nung nag bubuntis po kayo, na experience nyo po ba na nahilo kayo, ganon, ano
pong ginagawa ninyo noon?

Wala lang, nahilo lang, parang lumindol lang ng konti tapos wala na.

Tingin nyo po ano po ang ginagawa ninyo nung bigla kayong nahilo?

Wala lang. naka tayo lang.

Nakatayo po kayo tapos?

Bigla akong nahilo. Lalo na yung biglang paglaki ng tiyan ko.

Madalas po kayong mahilo?

Hindi. Isang beses lang tapos hindi na naulit.

Dati po sabi nyo po high blood po kayo palagi kapag nag bubuntis, ano po ginagawa
sa inyo?
Bumibili ako ng pineapple juice dati. Super high blood ako noon kasi umiinom ako.
Jusko kinabukasan hilong hilo ako. Sukang suka ako. Noong mahilig ako mag iinom.
Sukang suka ako.

Buntis po kayo noon?

Hindi. Hindi ako buntis noon.

Noong buntis po kayo?

Umiinom din ako dati. Dito.

Mga ilang beses po?

Kapag sumesweldo ako, mga sa loob ng isang lingo, tatlong beses.

Noong nakaraang pag bubuntis ninyo po, sa iba ninyo po ng anak, high blood din po
kayo? Ano pong ginagawa ninyo noon sa iba ninyong anak? Noong high blood kayo?

Wala. Ganun din. Layas ako. Nag aahente ako ng gamit. Nasa navotas kasi ako.

Sa hospital po, nagpa hospital po ba kayo?

Ah yung una kong anak sa kumadrona.

Tapos po,

Yung pangalawa kong anak, si jl, sa kumadrona din. Yung pangatlo. . . si joy. .

Wala po kayong iniinom na gamot noon?

Wala. Wala naman akong iniinom na gamot.

Pero sabi po ng kumadrona, mataas po ang bp ninyo?

oo. kasi lahi naming high blood eh. Nasa lahi ba yung high blood?

Opo. Namamana po kasi sya.

Tingnan mo yung kapatid ko 130 bp. Hindi naman sya buntis.

Opo. Pero diba po noong high blood po kayo, wala po kayong ginawa noon?

Wala. Yung sinasabing ano, maintenance na araw araw na ibinibigay, hindi ko


naman sinusunod iyon e.

Kahit po hindi gamot. Kunwari po sa halamang gamot. . kunwari po, sa halamang


gamot. Ganon po

Ah kapag hina high blood ako noon?


Opo.

Wala hinihila ako ng higaan noon kapag hina high blood ako para akong hinihila ng
higaan.

Paano po nakaka apekto sa inyo ang pag taas ng bp, paano po nakaka apekto sa
buhay ninyo noon?

Ano kasi kapag tumataas ang bp ng isang tao, iba iba ang nararamdaman. Minsan
kasi nahihilo, ganon

Minsan naman inaantok. Ganon. Kailangan lang kasi balanced.

Nag papahinga na lang po kayo?

Oo nagpapahinga na lang ako. Diba minsan kasi, ang taas ng tibok ng puso ko noon.

Noong bata po kayo, ano pong sakit ninyo?

Noong bata kasi ako payat kasi ako noon e. sipunin ako.

Nagka sakit po ba kayo noon dati?

Wala naman. Mahina lang resistensya ko. Payat ako. Ganon.

Nakumpleto po ba ninyo ang bakuna ninyo noong bata kayo?

Hindi ko na maano iyon eh. Hindi ko na maalala kasi ano eh nanay tatay ko nag
aano sa akin noon eh

Naaksidente na po ba kayo?

Ano, nabalian ng buto. Noong despedida ng kapatid ko. nadulas ako sa floor.

Sa shoulder?

Diba kapag nag bbp, sinasabi ko, naputulan ng buto.

Ano po ang nangyari? Lumabas po ang buto ninyo?

Hindi. Hindi naman sya lumabas. Ano,

Nabali?

Oo nabali. Noong inano sya, tawag doon.. ultra. .

X ray po?

X ray. Sa tondo hospital una. Na x ray. Nakita naka ganoon, naka hiwalay,
nakahiwalay yung buto. Tapos inanohan, ,
Binendahan?

Oo dianala naman ako sa orthopedics. Doon ako binendahan. Kaya may record ako
sa orthopedics. Sa hospital.

So doon po na hospital kayo?

Oo

Ilang beses pa po kayo na hospital dati?

Wala na. yung nangyari lang sa akin na ano, yun lang.

Ayun lang po?

Oo yung sakit sakit wala na naming ano.

Tsaka po ngayon.?

Oo

Yung sa last po ninyong anak? Ilang beses po kayong na hospital nung nanganak
kayo?

Si jl yon, walo, walong taon iyon. walo, pito, anim, ,

Ano po yung madalas ninyong iniinom na gamot?

Pagka hina high blood?

Kahit po ano, kung nilalagnat, , ,

Ay biogesic, mefenamic, tapos nung ano kapon pala nagkaroon ako ng pigsa sa
dede noon. Sabi nya ipa bubusbos. Anlakilaki ng pigsa ko. Hindi ko na pina busbos.

Noong buntis po kayo noon?

Hindi naman. Hindi naman ako buntis noon.

Hindi. Hindi naman. Ano, hindi ako buntis noon. Noong nakaraan lang. anlaki ng
pigsa ko. Hindi ko dinala sa hospital talga. Kasi 600? Pabusbos? Ginawa ko,
nilakasan ko loob ko. Ako na lang nag busbos. Piniga ko.

Okay naman po noong ginawa ninyo?

Okay naman. Tapos yung pardible, nilagyan ko ng alcohol.

Oo yung pinaka ngusngos. Diba binabad ko sa alcohol yung pardible para di ako ma
tetano. Tapos yon, ginanon ko, parang ako yung doctor eh. Hehehe kasi inano ko
yung ngusngos sa ibabaw ayun piniga ko angdaming nanana. Nakakdiri nga eh.
Tapos inano ko ng bulak tapos yung pinaka ilalim noon may nanang nana pa din.
Tapos piniga ko ulit. Tapos inano ako ng doctor ng locsasilin tapos yung sa kirot.
Yung mefenamic? Matalab naman. Noong isang lingo naman wala na. Yung sunod
kay jl? Alin? Yung anak mo. Jl? Si joy. Sino pa? yung pang apat namatay. Ahh si joy.
Yung pang apat ko namatay.

Bale ilan po yung anak ninyo lahat?

Pang animi to. Tapos may namatay akong pang apat.

Babae po, lalake?

Lalake yung namatay.

Kapag po sinisipon kayo, ano po iniinom ninyong gamot?

Neozep. Tapos minsan hindi na ako umiinom ng gamot kapag walang pera. Tubig.
Puro tubig. Puro tubig nalang. Tapos pag sa uti naman pag wala akong mabilign
gamot, tubig na lang. sabaw ng buko kapag binibigyan ako, nanghihingi ako sa mga
kaibigan ko.

Yung mga pamilya ninyo po may mga high blood din? Sino po?

Halos lahat ng ano, kapamilya namin.

Sino sino po?

Nanay tatay ko, kuya ko, pareng jao ko tsaka ate josie ko. may high blood iyon.

High blood po?

Sya. High blood din sya eh. Araw araw nga may hapon dito eh. Nakamura san

Ano po yung hapon?

Araw araw nag mumura. Hahahaha. Pag gising sa umaga, high blood.

May diabetes po ba?

Wala naman. Kasi kapag diabetes kasi. Pansin ko, pagka may sugat, diba ang tagal
gumaling? E mabilis naman yung akin.

Eh sa pamilya po, wala pong diabetes?

Diabetes, alam ko nanay ko diabetes. Kaso ano. Ewan ko ba kung diabetes talaga
sya. Sabi nya lang eh.

High blood nap o sya tapos diabetes pa?


oo. tapos meron sya sa puso. Ganon. E kung ako me sa puso ako diba sa roller
coaster bawal me sakit sa puso? E sumakay ako ng roller coaster. Hindi naman ako
namatay. Hindi ako inatake.

Opo.

Diba naka warning doon bawal may sakit sa puso. Diba. Kaya napatunayan kong
wala akong sakit sa puso. Tsaka yung inopera ako. Na cs ako. Kuing may sakit ako sa
puso, nanigas na ako. Bawal iyon diba?

Opo.

Noong bago po kayo ma hospital, kamusta naman po yung lagay ninyo?

Bago ako ma hospital, ano naman, wala naman akong ibang nararamdaman na ano.
Pero pag dating ko sa bahay masakit lang puson ko. Pero kapag ano wala naman,

Pero nung nasa hospital nap o kayo?

Noong nasa hospital na, yung hindi na ako pina uwi,

Opo.

Nararamdaman ko yung puson ko medyo sumasakit sakit lang. yun lang. para bang
regla. Ganon lang. ganun pala yung hindi ka hinihilaban ng tyan. Yung cesarean.

Opo. Wait lang po.

PART 2.

Abnormal lang ata yung utak ko e. hahaha

Ulitin po natin yung sa tanong dito. Kamusta po kayo noong bago po kayo ma
hospital?

Ano, ok lang. bago ma hospital?

Opo. Yung katawan ninyo po.

Ayun nga yung puson ko parang may sumasakit sakit ng konti. Ganon. Tapos diba
nagpa ultrasound ako noon?

Opo.

Kaya nalaman kong manganganak na ako kasi nagpa ultrasound ako ng pangalawa.

May mga practices po ba kayo na ginagawa para mag stay na healthy? Noong bago
po kayo ma hospital?

Wala naman. Kumakain lang ako sa araw araw.


Kunwari po may ginagawa po ba kayong exercise, naglalagay po kayo ng dahoon sa
ulo,

Wala. Wala. Parang albularyo?

Opo, ganon

Pamahiin.

Diba po umiinom po kayo dati?

Dati.

Noong bago po kayo na hospital, umiinom po kayo noon?

Hindi na. 2 months ako na hinto noon.

2 months po kayo na hinto? Pero po noong bago po noong 2 months na iyon,


umiinom po kayo?

Hindi na. hininto ko na.

Yun po. Mga 8 months, 7 months sa navotas po ba?

Ay nagkakaroon nga pala ako ng ano. Sa hangin. Yung parang may kurikong sa ulo.
Ano ba tawag doon?

Parang sugat po?

Di naman totally na sugat.

Dandruff?

Oo baka sa hindi pag ligo iyon.

Noong nag bubuntis po kayo umiinom po kayo o naninigarilyo?

Noong buntis ako? Oo noon naninigarilyo ako.

Mga ilang stick po?

Mga tatlo. Ganon.

Tapos po yung pag inom?

Ano madalang lang. yun nga. .

Tatlong beses sa isang lingo?

Pero po noong na hospital kayo?


Hindi na. hindi na ako umiinom at naninigarilyo.

Simula noong ano. Hindi na.

Noong mga nakaraang sinsasabihan kayo ng doctor, madali lang po bang sundin
para sa inyo iyon?

Oo madali lang.

Pero yung gamot nyo po, naiinom nyo po ba ng tama?

Oo noong nireresetahan ako ni doctor dami ko kayang nagastos sa gamot.


Dalawang libo. 1.7 lahat lahat.

Nahihirapan po kayo pag sa pera na po.

Sinabi mo pa. kung saan saan na nga kami nag hahagilap. Eto pa nga o. inano ni
doc. Para bumaba yung dugo ko. Ang dami kaya. Methyldopa yan ano . .

Naging tulong naman po ba sa inyo ang mga doctor at mga nurse sa hospital?

Oo naman napakalaking tulong.

May mga sinussuggest po ba kayong mga gagawin.

Wala naman. Kung di nila ako tinulungan, hindi ako makaka raos sa panganganak.

Noong nasa hospital nap o kayo, ano pong kinakain ninyo?

Yung ano. Biskwit, tubig. Noong unang ano ko wla pa akong kinain kasi sabi nga
wala pa.

Tapos lunch po, tinapay din.

Hapunan?

Kumain ata ako ng konting kanin noon.

Ano pong ulam ninyo?

Yung nasa hospital na.

Tapos kinabukasan po,

Kumain na din ako.

Ano po? Agahan po?

May tokwa ata yun eh tapos may baboy.

Tapos noong lunch po?


Tilapia.

Noong dinner po?

Baboy iyon.

Naka ilang rice po kayo?

Isa lang. hindi ko nga naubos e

Kamusta naman po yung gana ninyo sa pagkain bago po kayo ma hospital?

Bago ako ma hospital, ang lakas ko kumain. Sabi ko nga kay doc Dacanay, yung nag
aano sa akin,

Opo.

Malakas talga ako kumain ng kanin e

Noong na hospital po kayo? Kamusta naman po yung gana ninyo sa pagkain?

Ano gusto ko nga kumain ng kumain kaso ayaw naman nila ako pakainin.

Bawal daw po.

Ganuin pa din. Magana pa din ako sap ag kain.

Tapos po meron po ba kayong na experience na problema bago po kayo ma hospital


sa pagkain po?

wala naman.

Wala naman.

Pero noong nasa hospital po kayo?

Wala naman. Na experience sap ag kain?

Wala naman.

Pero yun lang po, pinag babawalan po kayo kumain?

Gusto ko nga lahat ng bawal kainin eh. Kasi gutom na gutom na ako eh tapos sabi
nya magkaka ano ano daw yung bituka ko e

Kulang po ba yung ngipin ninyo? Na bunutan nap o kayo dati?

Isa lang.

Isa lang.
oo. e lahat naman buo yung ngipin ko.

Nung bago po kayo ma buntis, ilang beses po kayo umihi sa isang araw?

Bago mabuntis? Para nga akong bibabalisawsaw e. mga tatlo o mga apat na beses.

Kasama na po yung sa gabi?

Hindi pa. madami ako umihi.

Marame?

Kahit ngayon eh kapag umiihi ako andami kong iniihi e

Sa pag dumi po, bago po kayo mabuntis, nahihirapan po ba kayo?

Hindi naman ako nahihirapan.

Noong nasa hospital po kayo, ilang beses po kayo umihi?

Ano, naka catheter kasi ako kaya hindi ko na mabilang.

E nung after po mag operasyon?

Hindi ko na mabilang eh.

Mga ilan po?

Nung umihi ako noon sa banyo, siguro tatlong beses.

Noong tumatae po?

Nahihirapan nga ako tumayo noon eh.

Meron po ba kayong almoranas?

Oo meron.

May uti din po kayo?

oo.

ngayon po may almoranas kayo?

oo.

bago po kayo mag buntis, ano po mga nagagawa ninyo sa bahay? Nagwawalis,

ayun nga, nag wawalais, nag liligpit din ako dito. Kaso nga tamad na tamad ko noon
e. gusto ko palagi naka higa.

Sapat naman po baa ng energy ninyo para mag linis ng bahay noon?
Nung huli, tamad na tamad ako.

Noong nasa hospital po kayo, ano pong ginagawa ninyo?

Naka higa.

Naka higa lang po?

oo.

sa pag bibihis po, may nakakatulong po kayo?

Hindi na.

Sa paliligo po?

Hindi din. Wala din naman kasi akong katulong eh

E sap ag punta po sa cr?

Ako din. Sariling sikap.

Noon pong nasa hospital kayo, anong oras po kayo natutulog?

Nasa hospital?

Opo.

Maaga.

Ano pong oras?

Basta maaga. Pagka kain ko noon, tulog na agad ako e.

Anong oras po kayo nagigising noon?

Konting oras lang naman. Halimbawa dalawang oras lang naman, tatlong oras.
Tapos noong sa huli na. hindi na ako makatulog.

Kapag umiinom po ba kayo ng gamot, nakakatulog po ba kayo? Inaantok po ba


kayo?

Oo lalo na kapag yung ano sa dugo.

Yung bago po kayo ma hospital? May iniinom po kayong gamot?

Diba yung sa buntis ko nga kaso hininto ko na din.

Ano poi yon?

Yun nga.
Ah yung bago po kayo ma hospital? Iniinom nyo nap o iyon?

Oo yung buntis pa ako, inistop ko na iyan.

Ano po iyon?

7 days. Inistop ko na yan noong 7 days.

Eto pa oh.

Eto din po iniinom ninyo bago po kayo ma hospital?

oo. buntis pa ako noon.

Pero ni riseta po ng doctor iyon?

Oo. Si Dacanay.

Edi nagpa checkup po muna kayo sa bmc bago po kayo nag punta doon ulit?

Nagpa checkup ako sa provincial. Tapos sa perez pala muna ako nag punta. Sa
perez po tapos po sa provincial.

oo. ganon.

Kalian po kayo nagpa checkup noon?

6 ng march.

Kapag gising ninyo po sa umaga, bago po kayo ma hospital, sapat naman po baa ng
lakas ninyo? Yung pagka gising po, ganon

Pag gising ko, sa umaga, hinahanap ko agad pagkain.

Ano po yung pakiramdam ninyo?

Okay lang naman.

Hindi naman po kayo pagod?

Hindi naman. Parang gusto ko lang yung ano.

Natutulog po kayo sa hapon? Mga ilang oras po kayo natutulog?

Dalawang oras. Ganon bago ako magising.

Sa pandinig po, mahina po ba pandinig ninyo?

Malakas naman. Sa paningin, maganda naman yung paningin ko.

Bago at noong nasa hospital po , maayos naman po?


Sa pag galaw po, sa pag lalakad?

Okay naman,

Okay nap o.

Noong nasa hospital po kayo

Kasi noong inoperahan ako, ang sakit ng tahi ko. E ngayon nakaka straight body na
ako.

Paano po pag nakakaramdam po kayo ng sakit, ano po ang ginagawa ninyo?

Pag nakaka ramdam ako ng sakit, iniisip ko sat ahi lang iyon. Gagaling din yon.
Tapos umiinom ako ng gamot.

Opo.

Dito masakit. Sa kaliwa masakit.

Bago po kayo ma hospital, ano po ang tingin ninyo sa sarili ninyo

Payat. Tapos ano.

Yung tingin ninyo po sa sarili ninyo bago kayo ma hospital.

Ano, parang di mapakali.

E noong nasa hospital nap o kayo?

Panatag na. kasi nasa hospital na.

Hmm

Napapansin nyo po yung pisikal na pagbabago sa katawan ninyo noong bago po


kayo ma hospital?

oo. napapansin ko.

Yung mga nararamdaman ko, yung mga saumasakit sa puson ko.

Ano po yung mga bagay na nagpapagalit sa inyo bago po kayo ma hospital?

Yung naiiinis lang ako. Pagka di kami nagkaka intindihan magkapatid.

Madalas poi yon?

Hindi naman. Binabalance ko lang yung sarili ko.

Ano po yung gamot na iyon?


Nasan po yung mga dati ninyong gamot?

Ayan madami dyan e.

Noong nasa hospital po kayo, ano po ang nagpapa galit sa inyo?

Yung kirot ng sugat.

Kamusta naman po yung relasyon sa pamilya po?

Kasi wala na akong asawa. Sa mga anak ko, sila yung tinitingnaan ko.

Dalawa, yung tatlong anak ko nasa maynila.

Nung nasa hospital po, kamusta naman po ang relasyon sa pamilya.

Sino po yung tumulong sa inyo na pamilya.?

Yung kapatid ko. Sya lang.

Ano po yung problema ng pamilya? Mag bigay po kayo ng isa?

Sa pera.

Paano po na reresolba iyon?

Kasi kailangan mag hanap buhay ka.

May dumedepende po bas a inyo?

Yung nag susuporta po?

Sya po ang tumutulong sa sakin ngayon e.

Noong bago po kayo ma hospital. Sino po.?

Nag huhugas ako ng pingan.

Yung kapatin ninyo na po nung nasa hospital?

oo.

ano po yung nararamdaman ng mga sumosopora sa inyo?

Sya, okay naman. Noong nasa hospital kayo?

Bukal naman sa kanila ang pag tulong?

Gumagamit po ba kayo ng contraceptives noong may asawa pa kayo?

Noong 1st time ko mabuntis sa anak ko. Gumamit ako noon. Matagal.
Noong after po ng pangalawa, kay baby po, gumagamit pa po kayo?

Nag condom ako. Isang araw lang. di ko na tinuloy. Ang dami nga pinamigay ko
lang.

Noong bago po kago mag buntis, na istress po kayo?

oo. kasi pangangailangan sa buhay,

ano po yung naka tulong noong na istress kayo?

Sa kapatid ko. Tinulungan ako sa stress ko.

Umiinom po ba kayo o naninigarilyo para mawala po yung stress?

Hindi naman.

Noong huli nap o kayo tumigil diba. Pero naninigarilyo po kayo dati diba?

Kasi ang nararamdamdan kop ag nag iinom e na iistress ako e, lalo nap ag
naninigarilyo.

Sino po yuing pinaka nakatulogn sa inyo sa stress ninyo?

Yung sarili ko. Natulungan ko kasi natanggal ko sya eh. Wala naman ibang
makakatulong kundi saraili nyo lang e.

Ano po yung mga pinaka malaking pagbabago sa buhay noong nakaraang taon?

Noong nawala yung mga bisyo. Pati yung asawa ko.

Na istress lang po kayo sa asawa ninyo.

oo.

pano nyo po na hahandle iyon pag na iistress po kayo?

Nanonood na lang ako ng tv para di ako mapraning.

Ano po ang pinapahalagahan ninyo ngayon?

Mga anak ko na huwag magkasakit.

Kamusta naman po ang relihiyon? Bago ma ospital?

Hindi ako nakakapunta ng simbahan pero nag dadasal ako.

Ano po yung paniniwala ninyo ngayon?

Naniniwala ako sa sarili ko na kumbaga na huwag ako gagawa ng masama sa sarili


ko.
Sa toto lang ispiritwal tayo e. naniniwala ako na anadnyan lang sya.

Babalik pa po ba kayo sa hospital?

Sa 27 may checkup.

Babalik po kayo?

Kung may perang pam balik.

Ano pong sabi ng doctor sa inyo na dapat at hindi dapat kainin?

Mga tinapay tsaka soup lang.

Mag exercise lang. wag palagi nakahiga.

May tinanong po ba kayo tungkol sap ag tatalik?

Wala naman.

Sa gamot po?

Gusto ko magpa riseta ng gamot kaso nakalimutan na.

Ano ano po yung mga gamot ninyo?

Ayan. Ayan oh.

You might also like