Ang Kabataan Sa Makabagong

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG KABATAAN SA MAKABAGONG HENERASYON

Ang tangi ko lamang pong layunin ay mabigyan ng kamalayan ang ating mga

kababayan at mga 0magulang.sapagkat nakikita ko na parang walang pakialam

ang iba sa atin lalo na tungkol sa mga kabataang nakikita nating palaboy-laboy sa

mga lansangan.nasaan na ang mga kabataang pag-asa ng bayan?ika nga ng ating

pambansang bayani(Dr.JOSE P.RIZAL)ang mga kabataan ang pag-asa

ng bayan.ito bay mababaon na lamang ba sa limot?huwag naman po nating biguin

ang ating pambansang bayani.kaya tayo poy kumilos habang may

panahon pa.mga Magulang makinig kayo!huwag ninyong pabayaan na lamang ang

inyong mga supling sapagkat kayo ang magtuturo ng daang

kanilang tatahakin.Kayat habang may panahon pay kumilos tayo bigyan natin ng

magandang kinabukasan ang mga susunod na henerasyon.kaya po nakapag sulat

ang inyong lingkod hinggil dito ay sa kadahilanang kahit saang dako ako pumaroon

ay nakikita ko po kawalang pag-asa ng bansang ito.sa mga kalunsuran man o sa

mga lalawigan patunay ang mga kabataang ligaw ng landas na dapat sanay nasa

mga paaralan.ngunit nasaan sila?naroon sa mga lansangan nakikipag laro kay

kamatayan maka amot man lang ng konting barya at ang iba naman ay lulong sa

droga ito ang dahilan kaya kahit mga musmos pay nakakagawa na ng mga

karumal-dumal na mga krimen.Ito ba ang mga kabataangpag-asa ng ating bayan?

isa itong malaking suliranin sa ating Bansa.kaya dapat na hindi ipag-sa walang

bahala sapagkat kapakananng ating lipi ang nakataya dito kayat pakiusap sa mga

magulang alagaan ninyo ang inyong mga supling.hindi katuwiran ang kahirapan

sapagkat ang kahirapan ay kakambal na natin noong tayo


ay ipinanganak.ang tamaan ay huwag magalit!sapagkat may klase ng mga

magulang na gusto pa nilang mag trabaho ang kanilang mga anak kahit ala pa sa

panahon imbes na mag aral.meron namang mga magulang na luho ng katawan ang

inaatupag imbes na alagaan ang mga anak.Anong klaseng mga magulang kayo?!!

Huwag naman po nating ipahiya ang lahing kayumanggi na minsay kinilala sa

lahat ng dako hanggang sa kasalukuyan. Sa aking palagay kahit na ilng medalya

pa ang makuha ng ating pambansang kamao ay hindi kayang ikubli ang tunay na

imah ng ating inang Bayan.kaya mga kababayan ko kumilos tayo habang may

panahon pa huwag nating hintayin na dayuhan pa ang magsabi na linisin mo ang

iyong bayan.hindi po lalabas tayong kahiya-hiya sa mga taga ibang Bansa?kaya

habang may panahon pa sagipin natin ang ating mga kabataan sa

bagamundong kalagayn.Ito po ang aking saloobin mga minamahal kong mga

kababayan magtulungan tayong akayin sa mga mabubuting gawi ang ating mga

kabataan..FILIPINAS

You might also like