Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 60

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang bawat grupo ng tao o lipunang may sariling kultura at kabihasnan ay

lumilikha at lumilinang ng wikang angkop sa kanilang pangangailangan.

Pangangailangan ito ng buong lipunan at hindi ng isang partikular na tao lamang.

Sinasabi lamang na napakahalaga ng wika katulad ng pagpapahalaga sa mga

tao. Ayon nga sa pahayag ni Lumbera (2007). Pambansang Alagad ng Sining sa

Literatura, ang wika ay parang hininga sa bawat sandali ng buhay ay nariyan ito.

Palatandaan ang wika na buhay ang tao at may kakayahang umugnay sa kapwa

na gumagamit din nito. Mula sa pahayag na ito masasabing mahalaga ang wika,

na ang wika ay instrumento upang maipahayag at maipabatid ang mga naiisip.

Hinalintulad nya ang wika sa hininga, na hindi magkakaunawaan nang walang

wika tulad ng kung walang hininga walang masasabing buhay.

Binanggit naman ni Baluca et.al, (2006) na ang baryasyon ng wika ay

isang katotohanan sa lipunan na nakabukod sa mga tradisyon ng mga tao at sa

mga salik panlipunan na nakikilala sa ibat ibang grupong sosyal, kultural at

etniko.

Dagdag naman nina Mangahis et. al (2005) ang wika ay may mahalagang

papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa

maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

1
Malinaw na ang wika ay ginagamit sa pakikipagtalastasan. Samakatuwid

ang wika ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon ng isang grupo o

tao sa isa pang grupo. Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang

pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o

makipagtalastasan ang isang grupo ng mga tao.

Ano ang nangyayari kapag ang ibang mga kultura at ang kanilang mga

wika ay biglang nagkatagpo sa isat isa? Isang dahilan ang pananakop,

kalakalan ay nagiging pagitan ng mga bansa, at maging ang pagkabilanggo sa

mga kampong piitan ay nagpadama sa mga tao ng pangangailangang maglagay

ng tulay upang maalis ang puwang sa komunikasyon dahil sa hindi pagkakaroon

ng iisang wika. Ang palakaibigang katangian ng tao ay nasasalamin sa wika.

Kaya, kapag nagtagpo ang mga kultura ipinababanaag ng wika ng mga kulturang

iyon ang katibayan ng gayong pagtatagpo sa loob ng mga salinlahi. Isa sa

magandang halimbawa rito ay ang Navotas.

Ang Navotas ay isang lungsod sa kalakhang Maynila sa Pilipinas na nasa

hilagang kanluran ng Metro Manila na may sukat na 10.77 kilometro kwadrado.

Sinasakop ng bayan ang isang makipot na mahabang lupa sa may silangang

pampang ng Look ng Maynila. Nasa diretsong hilaga ng Maynila ang Navotas,

kanluran ng Lungsod ng Malabon at timog ng Obando, Bulacan.

Ang Navotas ang tinaguriang Kapital sa Pangingisda ng Pilipinas, na

umaakit sa mga mamimili at mamumuhunan ng isda sa buong Maynila at sa mga

kalapit na rehiyon nito. Ang pagiging sentro nito sa industriya ng pangingisda ay

2
dulot ng pagiging malapit nito sa tubig na may napakalaking kontribusyon sa

kabahayan ng mga mamamayan nito. Sa 2,580 na establisiyento sa Navotas,

362 ang nabubuhay sa baklad at tahungan, 7 sa palaisdaan, 15 korporasyon ng

pangingisda, at 23 sa mga barko at sasakyang pandagat. Nagpapakita lamang

na sentro ng kabuhayan ng Navoteo ang pangingisda.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay lumikha ng Teknikal na Bokasyonal o

Tech - Voc Unit, sa ilalim ng Bureau of Secondary Education upang ipakita nito

ang kahalagahan sa K to 12 Basic Education Reporm Program ng kagawaran.

Ayon pa DepEd, dapat palakasin ang Tech - Voc Education dahil ito ay isa sa

mga tatlong pangunahing strands sa ilalim ng K to12 , para narin ihanda ang

mga nagtapos ng high school sa mundo ng trabaho at madaling makahanap ng

trabaho na angkop sa kanilang kasanayan. Ang bagong yunit ay inaasahang

pinuhin ang mga nasa Grade 11 na sumasaklaw sa Tech - Voc ng agrikultura ,

pangingisda at iba pa sa ilalim ng labintatlong mga pampublikong Tech-Voc

High Schools na sinimulan noog taong panuruan 2012-2013 .

Ang wikang Filipino ay naiintindihan ng halos lahat ng Pilipino dahil

tinuturo ito sa mga paaralan. Sa kasalukuyan ginagamit din ito sa kolehiyo bilang

wikang panturo at sa pagpapahayag alinsunod sa layuning maintelektwalays ang

umuunlad na pambansang wika. Ang pagsusuring ginawa ng mga mananaliksik

ay may kinalaman sa pagtatagpo ng ibat ibang kultura maging ang wikang

kanilang ginagamit. Nais mailarawan ng mga mananaliksik ang Baryasyon,

Rehistro ng wika na ginagamit sa malawakang pangingisda sa Navotas at

malaman ang semantika o kahulugan ng mga salita nito batay sa paggamit ng

3
pangungusap ng mga ispiker. Nais ng mga mananaliksik na talakayin ang

wikang ginagamit ng mga mangingisda.

Batayang Teyoretikal

Ayon kay Constantino (2005) nabubuo ang mga Barayti ng wika mula sa

bawat indibidwal na may kani-kanyang paraan ng paggamit ng wika na

nagsasama upang makabuo ng bagong anyo ng wika sa dimensyong heograpiko

(diyalekto) at dimensyong sosyal (sosyolek).

Ang barayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging

katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo -

sitwasyonal na makatutulong sa pagkilala sa isang partikular na baryasyon

o barayti ng wika.Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at

anyo ng salita. Ang Diyalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa

buhay. Ang register o rehistro ay barayting kaugnay ng panlipunang papel na

ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Pinag-aaralan din

ang register ayon sa larang/ field o sa aktibidad at sa bokabularyong sangkot.

Ang estilo ay maaring pormal, kolokyal, at intemeyt o personal. Sa

isang pangkat-wika o speech community makikita ang baryasyon ng

wika sa pamamagitan ng: a.) mga taong bumubuo rito; b.)

pakikipagkomunikasyon ng tao; c.) interaksyon ng mga tao; d.) sa mga

katangian ng pananalita ng mga tao; at e.) sa sosyal na katangian ng mga tao.

Nasa kamalayan na ang barayti ng wika na nakikita sa katayuang

panlipunan ng isang indibidwal. Ang sosyolinggwistikong teorya ay

panlipunanatang speech(langue) ay pang-indibidwal.

4
Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na

ang mga relasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito.

Para naman kay Saussure (1915), ang wika ay hindi kumpleto sa

sinumang indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang ito sa loob ng isang

kolektibo o pangkat. Gayundin makikita ang paghahalo ng mga barayti ng wika,

diyalekto at rehistro sa dalawang paraan: a) code switching o palit-koda at b)

panghihiram. Sa pagkakaiba-iba ng anyo ng wika ay dahilan sa lokasyong

heyograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal at edukasyonal na

katangian ng isang partikular na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang

wika. Sa Linguistic Convergence, ipinapakita na sa

interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa

pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa at pakikisama

o kaya'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Ang Linguistic divergence

naman kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para ipakita o ipahayag ang

pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad.

Nabubuo ang sosyolek sa pagsasama-sama ng mga tao bunga ng

pagkakaroon nila ng magkakatulad na gawain o hanapbuhay, relihiyon, at ng

makapagbubuklod sa kanila. Kahit pa nasa Filipino o Tagalog ang

pagpapalitang-kuro, mapapansing parang may hindi maunawaan sapagkat may

mga salita o idyoma na tanging sila lamang ang nakaaalam.

5
Batayang Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa baryasyon, kahulugan at rehistro ng

wika na ginagamit sa pangingisda sa Navotas. Ang mga mananaliksik ay

nagkaroon ng interes na pag-aralan at saliksikin ang pinagmulan at ang

semantika na nangingibabaw sa Navotas Fish Port upang magkaroon ng

malinaw na pananaw tungkol sa konsepto ng barayti ng wika at semantika sa

larang ng pangingisda.

Dagdag pa, batay sa ipinahayag nina Mangahis et. al (2005) ang wika ay

may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang

midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na

susi sa pagkakaunawaan. Samakatuwid ang wika ay isang proseso ng

pagpapalitan ng impormasyon ng isang grupo o tao sa isa pang grupo. Ito nga

marahil ang instrumento para magkaunawaan o makipagtalastasan ang isang

grupo ng mga tao.

6
Paradimo ng Pag-aaral

Wika na ginagamit sa Navotas Fish Port

Kahulugan ng mga Rehistro ng Wika sa


Baryasyon ng wika salita Pangingisda

Pag record ng

Pag iinterbyu Pagtatala mga sinasalita

Baryasyon, Kahulugan at Rehistro ng wika sa


pangingisda sa Navotas

At

Makabubuo ng isang Mini Dictionary

7
Pigura 1

Tumutukoy sa modelong inilarawan kung paano ginawa ng mga

mananalikisik ang pagkuha ng Baryasyon at kahulugan ng rehistro ng wika sa

pangingisda sa Navotas Fish port. Mula sa itaas ng modelo ipinapakita ang

unang sasaliksikin, iyon ay ang wikang ginagamit sa Navotas. Kasunod na

tatlong kahon ay tumutukoy kung ano ang maaaring makuha ng mga

mananaliksik mula sa pag-aaral. Kasunod ulit na tatlong kahon ay tumutukoy

kung paano masasaliksik ang mga impormasyon at datos, at ang huling kahon

ay ang kalalabasan at magiging awtput ng pananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng mga mananaliksik na tugunan ang paksang, Baryason,

Kahulugan at Rehistro ng Wika sa Pangingisda sa Navotas. Ang pananaliksik na

ito ay naglalayon ding masagot ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Paano nabubuo ang mga salitang nangingibabaw sa larang ng pangingisda

sa Navotas?

2. Ano-ano ang kahulugan ng mga salita sa larang ng pangingisda sa Navotas?

3. Paano ginagamit ng mga mangingisda ang mga salita sa

pakikipagkomunikasyon?

4. Paano ito makatutulong sa pagpapaunlad ng K to 12 Basic Education

Reporm Program?

8
Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga wikang nangingibabaw na

ginagamit sa pang-araw-araw ng mga mangingisda sa Navotas Fish Port.

Limampung mangingisda sa Fish Port at limampung karaniwang mamamayan o

mamamili sa lugar ng Navotas ang limitasyon ng pag-aaral na ito. Ang mga

pinagmulan at kahulugan ng isang daang mga salita na ginagamit dito ay

susubukang ding alamin ng mga mananaliksik.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang nilalaman ng pag-aaral na ito ay mahalaga di lamang sa ibat ibang

paaralan, bagkus pati narin sa mga karaniwang mamamayan ng bansa, guro,

mag-aaral at iba pang manunuri.

Sa mga mamamayan ng Navotas. Mahalagang matutuhan ang

wikang ginagamit ng mga mangingisda para sa pagkakaintindihan at sa

magandang transaksyon, pagkakaroon ng maayos na

pakikipagkomunikasyon at nabibigyang halaga rin nila ang kanilang

sari-sariling wika at kultura bilang kabahagi ng pambansang wika at

kultura.

Sa Komisyon sa Wikang Filipino. Makadaragdag ng

impormasyon tungkol sa wika, partikular na ang rehistro ng wika sa

pangingisda sa Navotas.

Sa Kagawaran ng Edukasyon. Makatutulong ang pananaliksik

na ito sa Tech-Voc program sa ilalim ng K to 12 kurikulum na mayroon

9
sa Grade 11 at 12 na ipinapatupad ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito

ay makatutulong sa pag-aaral tungkol sa pangingisda na magbigay ng

impormasyon tungkol sa wika na mayroon sa Navotas Fish port na

tinuturing na Kapital sa pangingisda sa Pilipinas.

Sa mga Guro. Sa larang naman ng pagtuturo, mapapalawak pa ang

kaalaman sa wika, magkakaroon ang guro ng malinaw na pananaw tungkol sa

konsepto ng barayti at baryasyon ng wika, at maituturo nang maayos sa mga

mag-aaral na mawala ang mababang pagtingin sa mga wika ng mga taong hindi

kapangkat o karehiyon.

Sa mga nagmemedyor ng Filipino. Makatutulong ang

pananaliksik na ito sa pag-aaral at pagsusuri ng wika. Madaragdagan

ang impormasyon tungkol sa wika at rehistro.

Sa mga susunod na mga mananaliksik. Ang pananaliksik na

ito ay maaring maging batayan ng mga susunod na magkaka-interes

na saliksikin ang rehistro ng wika sa pangingisda.

Magiging patnubay din ito sa iba pang mananaliksik upang

mapalawak pa ang kaalaman at kasanayan sa larang ng Rehistro ng

wika sa Navotas Fish Fort.

10
Depinisyon ng mga Termino

Para makatulong na mabigyang liwanag ang mga salitang ginamit sa

pananaliksik, binigyang kahulugan na ang mga sumusunod na katawagan.

Arbitraryo. Ito ay katangian ng wika na nangangahulugang

napagkasunduan ng mga tao.

Barayti. Ito ay nabubuo mula sa bawat indibidwal na may kani-kaniyang

paraan ng paggamit na nagsama-sama para makabuo ng makabagong anyo ng

wika.

Baryasyon. Ito ang tawag sa pekulyar na katangiang mayroon sa isang

wika o kaanyuang wika.

Diyalekto. Ang inuuri ng barayting ito ay ayon sa mga lugar, panahon, at

katayuan sa buhay ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal

na komunidad.

Etnolinggwistiko. Ito ay tumutukoy sa mga grupo ng tao na may

pagkakaiba at pagkakapareho ayon sa kultura.

Idyolek. Ito ay katangian o gamit ng wika ng isa o pangkat ng mga tao na

may komon na wika.

Komunikasyon. Ang tawag sa pakikipag-usap ng isang tao sa kapwa

niya.

K to 12. Ang kurikulum na ipinatupad noong 2012.

11
Pangingisda. Ito ang tawag sa hanapbuhay ng isang mangingisda.

Rehistro/Register. Ito ay tumutukoy sa gamit ng wika sa isang tiyak na

larang.

Semantika. Ito ang pag-aaral sa kahulugan ng salita o anumang

pahayag.

Sosyolek. Tumutukoy ito sa wikang ginagamit sa lipunang ginagalawan

ng tao.

Tech-Voc Program. Ang tawag sa programa na mayroon sa ilalim ng K to

12 kurikulum.

Navotas. Ang isang lungsod sa kalakhang Maynila sa Pilipinas na nasa

hilagang kanluran ng Metro Manila.

Wika. Ang instrumento upang maipahayag at maipabatid ang mga naiisip.

12
Kabanata II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay paglalahad sa mga kaugnay na literatura at pag-

aaral na isinasaayos sa paraang tematiko.

Ugnayang Wika at Kultura

Ang kultura ay ang pangkabuoang pananaw ng mga tao sa isang lipunan

sa mundo at kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon,

uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay

sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang

diwa, pananaw, kaugalian at adhikain (Rubrico, 2009).

Ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito.

Magagamit din ang isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ngunit itoy

hindi kasimbisa ng wikang likas sa nasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong

pangyayari ay malimit maganap sa mga bansang nasasakop ng ibang bansa.

Natural lamang na pairalin ng mananakop ang kanyang sariling wika sa kanyang

nasasakupan. Isang halimbawa ay ang bansang Pilipinas na ilang daantaong

sinakop ng mga Kastila. Sa panahong iyon ay pinilit ng mga Kastilang pairalin

ang kanilang wika upang siyang gamitin ng Indios na may ibang kultura.

Nakapasok din, kung sabagay, sa ating bansa ang ilang kultura ng mga Kastila,

kaalinsabay ng pagpapairal ng kanilang wika ay ang relihiyon. Subalit hindi sapat

ang gayon upang maipahayag ng mga Pilipino sa wikang Kastila ang kanilang

kaisipan, maliban sa ilan-ilang nakapag-aral sa Europa (Santiago, 2000).

13
Bawat wika ay naiiba sa ibang wika. Dahil sa iba iba nga ang kultura ng

pinagmulang lahi ng tao, ang wika ay iba-iba rin sa lahat ng panig sa mundo.

May etnograpikong pagkakaiba rin sapagkat napakaraming minoryang grupo

(ethnic groups) ang mga lahi o lipi (Bernales, et al., 2001). Bawat pangkat ay

may kulturang kaiba sa kultura ng ibang pangkat. Ang kultura ng isang pangkat o

grupo ay nakatanim at kusang umuusbong ang isang wikang likas sa kanila.

Matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga naririnig natin na

magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at

kultura. Ang pagkawala o pagkamatay ng isang wika ay nangangahulugan din ng

pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang siyang pagkakakilanlan

ng isang kultura (Santos, et al., 2009).

Pinahayag nina Santos, et al. (2009), na ang wika ang pagkakakinlanlan

ng isang kultura. Mahalaga ang wika sa isang bayan dahil ito ang binibigkas ng

tao upang maipahayag ang kanyang saloobin. Ang wika ang siyang nagbibigay

pagkakataon para sa ibat ibang mga tao upang makapag-usap at

magkaintindihan. Sa paggamit ng wika mahalagang malaman ang mga konsepto

ng larang o gawain na paggagamitan nito.

Ang pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga-Navotas.

Kilala ang Navotas bilang bagsakan ng isda mula sa ibat ibang lugar na malapit

dito. Ibat ibang tao rin ang napupunta at naninirahan sa Navotas na mayroong

ibat ibang wika at kultura. Araw-araw ay gumagamit sila ng wika sa

pakikipagtalastasan.

14
Mula sa pag-aaral na ito, ang pagkakaroon ng wika at kultura ang siyang

nagreresulta ng pagkakaroon ng mga tao ng ibat ibang rehistro sa

pakikipagtalastasan.

Sa usaping kultura at wika, dito na pumapasok ang barayti ng wikang

mayroon ang isang pangkat ng tao na ginagamit sa isang larang o anumang

napagkasunduan.

Kahulugan at Uri ng Barayti ng Wika

Ang barayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na

nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong

sa pagkilala sa isang partikular na baryasyon o barayti ng wika. Ito rin ang

pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring ang

pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita. Nagbigay si Cafford

(2000) ng dalawang uri ng barayti ng wika. Una ay permanents para sa mga

tagapagsalita/tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala, dahil nagbabago kung

may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga barayting

permanente ay diyalekto at idyolek. Ang diyalekto ay batay sa lugar, panahon at

katayuan sa buhay. Nakikita itong kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng

tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo,

panahon at katayuang sosyal. Maihahalimbawa rito ang mga diyalekto ng

Tagalog na ayon sa iba't ibang lugar ng tagapagsalita tulad ng Tagalog-Bulacan,

Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite, Tagalog-Mindoro, Tagalog-

Rizal at Tagalog-Palawan. Samantala ang idyolek ay isang barayti na kaugnay

15
ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na

indibidwal. Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko tulad ng

paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas.

Dagdag pa ni Cafford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang

taong may sapat na gulang. Ang pansamantalang barayti ng wika ay kaugnay sa

sitwasyon na ginagamit ang wika. Kasama rito ang register, mode at estilo. Ang

register ay barayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng

tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa nito ay sayantipikong

register, panrelihiyong register, pang-akademikong register at iba pa. Ang estilo

ay ang barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay

maaaring Pormal, kolokyal at intemeyt o personal. Ang moda ay ang barayting

kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.

Sa isang pangkat-wika o speech community makikita ang baryasyon ng wika sa

pamamagitan ng: a.) mga taong bumubuo rito; b.) pakikipagkomunikasyon ng

tao; c.) interaksyon ng mga tao; d.) sa mga katangian ng pananalita ng mga tao;

at e.) sa sosyal na katangian ng mga tao.

Rehistro ng Wika

Ang rehistro ay unang ginamit ng mga dalubwika na si Thomas Bertram

Reid noong 1956, at dinala sa pangkalahatan noong 1960 sa pamamagitan ng

isang pangkat ng mga linggwista na nagnanais na makilala ang mga

pagkakaiba-iba ng wika ayon sa gumagamit (tinukoy sa pamamagitan ng mga

baryabol tulad ng mga sosyal bakgrawnd , heograpiya , kasarian at edad ), at

16
mga pagkakaiba-iba ayon sa paggamit, sa kamalayan na ang bawat ispiker ay

may iba't ibang uri at mga pagpipilian sa pagitan ng mga ito sa iba't ibang oras

(Halliday et al,2000 ).

Dagdag pa nina M. A. K. Halliday at Hasan R. (2001), ang rehistro ay ang

wika ng mga karaniwang tao na nauugnay sa isang konpigurasyon ng isang

sitwasyon. Sa partikular na halaga ng larang, moda at estilo . Ang larang para sa

kanila ay ang kabuoang kaganapan, kung saan ang teksto ay gumagana,

kasama ang trabaho o aktibidad na ginagawa ng mga tagapagsalita o

manunulat. Ang moda ay "ang pag-andar ng teksto sa kaganapan, kabilang ang

parehong mga tsanel na ginawa batay sa isang wika - pasalita o pasulat , nang

walang paghahanda o naghanda at ang genre nito , patalumpati, pati na

pasalaysay , didaktiko , atbp. Ang tenor ay tumutukoy sa uri ng pakikipag-

ugnayan, pormal o di pormal.

Dagdag pa sa blog ni Young (2012), Ang pasalitang wika ay tumatagal sa

iba't ibang mga antas ng pormalidad, depende sa mga sosyal na sitwasyon at

ang relasyon sa pagitan ng mga kasangkot. Rehistro ang anyo ng wika na

tumatagal sa iba't ibang mga pagkakataon. Ang Rehistro ay isang mahalagang

panlipunang kasanayan na nagbibigay ng kakayahang umangkop at nagpapakita

ng kakayahan sa pagsasalita at naaangkop na mga kaugalian. Kahit pa sa mga

dalubhasang mag interpret , ang rehistro ang pinaka mahirap na pag-aralan,

hindi lang ito umaasa sa wika mismo, kundi pati na rin sa mga sosyal na

kaugalian, kultura, at maging ang mga personal na kagustuhan. Bilang ang isang

relasyon ay kaugnay sa pagitan ng umuusad ng isang indibidwal, ang rehistro ng

17
wika ay maaaring magbago at maging mas impormal. Hindi tulad ng mga salita

at pambalarilang kaayusan, ang rehistro may sarili nitong hanay ng mga

panuntunan.

Mula naman sa blog ni Seguir (2011), ang wikang register o

Sociolinguistics ay isang baryasyon ng wika na may kaugnayan sa taong

nagsasalita o gumagamit ng wika. Ito rin ay mas madalas na nakikita o

nagagamit sa isang partikular na disiplina. Sa panahon ngayon, ito ang palaging

ginagamit sa pagsasalita at pakikipag-usap sa ibang tao. Dahil tumatakbo ang

panahon at kasabay nito ang pagdami ng mga taong may ibat ibang konsepto,

paniniwala, at kultura. Ang mga taong ito ay mayroong sariling wika na sila-sila

lamang ang nakakaunawa at ginagamit nila sa pakikipagtalastasan. Ang mga

wikang ito ay mga wikang register. Ang Jejemon at Fliptop ay iilan sa mga

halimbawa nito.

Sinasabi ni Wardhaugh (2006), ang mga Sociolinguist ay gumagamit ng

ibat ibang pamantayan sa pagkakakilanlan ng tao. Kapag sinubukan nilang

ilagay sa lugar ang mga indibidwal sa isang sosyal na sistema. Kasama ng

pamantayan, maaring banggitin ang trabaho at pinag-aralan ng pamantayan.

Upang makilala ng mga Sociolinguist tinitignan ang kalagayan ng buhay, trabaho

at pinag-aralan. Sinusubukan nang ilagay ang mga indibidwal sa sosyal na

sistema.

Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa

gumagamit (Halliday, McIntosh at Stevens, 1994). Sinabi ni Magracia (1993), ang

18
barayting ito ay kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na

ginagampan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Maaring gumamit ng ibat

Ibang linggwistik aytem ang isang tao sa pagpapahayag ng humigit kumulang na

parehong kahulugan sa ibat Ibang okasyon. Bawat pagsasalita o pagsulat ng

isang tao ay isang pag-uugnay ng kanyang sarili sa ibang tao sa lipunang

kanyang kinasasangkutan. Samakatwid ang diyalekto ng isang tao ay

nagpapakilala kung sino siya, samantalang ang rehistro ay nagpapakita kung

ano ang kanyang ginagawa.

Sa pag-aaral ni Wardhaugh (2006), ang rehistro ng wika ay mga set ng

wika na may kaugnayan sa tiyak na trabaho o panlipunang grupo. Ang

mga surgeon, piloto ng airline, bank manager, sales clerk, musikero, prostitute at

iba pa ay gumagamit ng magkakaibang rehistro. Bawat tao ay may

magkakaibang persepsiyon sa bawat bagay, may magkakaibang karanasan at

kinalakihang kombensiyong panlipunan kaya hindi kailan man magiging

magkatulad ang kanilang paraan ng pananalita.

Sa pag-aaral ni Holmes (2001), ang terminong barayti ay walang pagtangi

sa lenggwahe at pagkakaiba-iba ng pagpapakahulugan at konsepto ng

lenggwahe sa ibat ibang konteksto. Sinasabi ni Holmes na ang barayti ang

bumubuwag sa konsepto ng pagkakaiba-iba ng lenggawahe sa isang salita

nagiging pantayang pagtingin dahil sa baryasyon.

Sa pag-aaral na ginawa ni Hudson (2000), ang lenggwahe ay mas malaki

sa diyalekto, na mayroong baryasyon na tinatawag sa lenggwahe na naglalaman

19
ng higit pa sa isang diyalekto. Sinasabi ni Hudson na ang lenggawahe ay mas

malaki kung ikukumpara sa diyalekto sapagkat maraming baryasyon ang

lenggwahe samantalang ang diyalekto ay iisa lamang ang sinasalita. Mas higit

na malaki ang lenggawahe at nagiging dominante ang karamihan na sinasalitang

baryasyon. Ang diyalekto ng bawat lenggwahe ay may pagkakaiba-iba sa

paggamit ng grammtika, Kabuoan ng salita at pagbigkas. Ito ay nahahati sa

dalawang uri rehiyonal at Sosyal. Ang rehiyonal ay nag sisiwalat kung saan

nagmula. Ang sosyal na diyalekto ay inilalarawan sa natatakda ang paggamit

gayon pa man, ang sosyal na kodiko ay maaring maging simbolo sa grupong

magkakaugnay at may etnikong katangian. Sa kabuoan ang pagpili ng

gagamiting salita ay sinasadyang pinipili ang kanilang diyalekto upang malaman

ang kanilang kinabibilangan.

Kaugnay dito mula kina Chambers at Trudgill (2004), na ang lenggwahe

ay may diyalekto ng mga hukbo at mga hukbong dagat. Ang pinupunto ni

Chambers at Trudgill na may nakatagong politika sa katangian ng bawat

nagsasarili ng linggiwistika. Ang Autonomy at Heteronomy ay resulta ng mga

katangian ng mga politika at katangian ng mga kultura kumpara sa mga

lingguwistika. Sinasabi ni Chamber at Trudgill na ang lenggwaheng ginagamit ng

nakakataas ang makapangyarihan at kinakailangang maging dominante. Sinabi

ni Trudgill (2004), na kinakailangang Mutual Intelligibly at iba pang

linngiwisitikang puro, sa isang salita hindi nabibigyan ng halaga ang paggamit ng

termino ng mga lenggwahe at diyalekto at sila ay katangian ng politika at kultura

20
na mas binibigyan importansya ang autonomy at heteronomy na ibig sabihin ay

pagsunod at pagsuway ng mga patakaran.

Sa bawat pagsalita ng isang tao ay isang pag-uugnay ng kanyang sarili sa

ibang tao, sa lipunang kanyang kinasasangkutan. Samakatuwid, sabi ni

Magracia (2003), ang dayalekto ng isang tao ay nagpapakilala kung sino siya

samantaang ang rehistro ay nagpapakita kung ano ang kanyang ginagawa.

Pinatunayan lamang na ang isang salita ay maaaring magkaroon ng ibat ibang

kahulugan batay sa ibat ibang larangan o kulturang kanilang kinabibilangan. Ang

kultura ng tao ay may malaking bahagi sa pagkakaroon ng ibat ibang lenggwahe

na tanging pangkat lamang nila ang nakaaalam. Ang malaking dahilan ng

pagkakaroon ng rehistro o Sociolinguistic na tinalakatay ay ang kultura ng isang

pangkat. Mula rito masasabing malaki ang nagiging ugnayan ng kultura ng tao at

ng wika.

Ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang nagsasalita, nagagawa lamang

ito sa loob ng isang pangkat. Nadaragdagan ang larang o field kung bakit

nagkakaroon ng rehistro. Sa pamamagitan ng wikang kanilang sinasalita ay

malalaman natin ang kanilang kabahayan o pangkat na kinabibilangan. Sa

larang ng pangingisda sari-saring wika ang ginagamit ng mga tao rito na sila

lamang ang nakakaalaman. Sa pagkakaiba-iba ng anyo ng wikang

pandarayuhan dito nagbubunsod ng pagkakaroon ng mga barayti ng wika tulad

ng Tagalog-Filipino, Ilokano-Filipino at iba pa. Tinatawag itong lingwistikong

barayti ng wika. Sa pagkakaroon ng ibat ibang rehistro ay nagreresulta ito sa

21
pananaw ng pagkakaroon ng herarkiya ng wika. Bukod sa katayuang panlipunan

at larangan kasama rin dito ang paraan o moda.

Tinuran ni Constantino (2006), na ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay

ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya ng

pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga

barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-

kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Samakatwid, may

dalawang dimensyon ang baryabilidad ng wika ang dimensyong heograpiko at

dimensyong sosyal. Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong

heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit

sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.

Ayon naman sa pag-aaral ni Ernesto Constantino, mayroong higit na apat

na raan (400) ang dayalek na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa. Sa Luzon,

ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ibanag ng Isabela at Cagayan, Ilocano ng

llocos, Pampango ng Pampanga, Pangasinan ng Pangasinan at Bicolano ng

Kabikulan. Sa Visayas ay mababanggit ang Aklanon ng Aldan, Kiniray-a ng Iloilo,

Antique at Kanlurang Panay, Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay at ang

Cebuano ng Negros, Cebu, Bohol at iba pa. Samantala, ilan sa mga dayalek sa

Mindanao ay ang Surigaonon ng Surigao, Tausug ng Jolo at Sulu, Chavacano ng

Zamboanga, Davaoeo ng Davao at Tboli ng Cotabato. Mula sa mga ito ang

masasabing napakayaman ng ating bansa sapagkat nabigyan tayo ng

napakaraming dayalek na makatutulong sa bawat tao upang magkaunawaan.

22
Ang pag-aaral na ito ay nakapaloob sa barayti ng wika at ang rehistro na

kinapapalooban ng isang larang, na walang iba kung hindi ang pangingisda.

Sang-ayon ang mga mananaliksik kay Constatino na makatutulong sa paglutas

ng suliraning ito ang mga kaalaman sa barayti ng wika. Makapagpapasimula ito

ng pagbabago sa pagtanggap ng mga tao sa wika at magkakaroon pa ng

kamalayan ang mga tao na maibahagi sa pagpapaunlad ng wikang pambansa.

Sang-ayon din ang mga mananaliksik kay Young, na kahit mismo ang

mga dalubhasa na sa pagpapaliwanag, ang rehistro raw ang pinaka mahirap na

pag-aralan , hindi lang ito umaasa sa wika mismo, kundi pati na rin sa mga

sosyal na kaugalian , kultura , at maging ang mga personal na kagustuhan.

Bilang ang isang relasyon ay kaugnay sa pagitan ng umuusad ng isang

indibidwal, ang rehistro ng wika ay maaaring magbago at maging mas impormal .

Hindi tulad ng mga salita at pambalarilang kaayusan, ang rehistro ay may

sariling hanay ng mga panuntunan.

23
Kabanata III

PAMARAAN NG PAG-AARAL

Sa kabanatang ito matatagpuan ang pamamaraang ginamit ng mga

mananaliksik, disenyo ng pananaliksik, paraan ng pagpili ng mga tagatugon at

instrumentong ginamit. Masusing pinili ng mga mananaliksik ang mga ginamit na

instrumento at pamamaraan na angkop sa ginawang pag-aaral upang mas

maging kapaki-pakinabang ang pananaliksik na isinagawa.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ginamit sa pananaliksik na ito ang pamamaraang paglalarawan. Layunin

ng pamamaraan na ito na tukuyin ang paraan ng pagbuo ng mga salitang

nangingibabaw sa pangingisda at malaman ang gamit niyon sa komunikasyon.

Ayon kay Best (2012), ito ay isang imbestigasyon na naglalarawan at

nagbibigay-kahulugan tungkol sa paksa. Ito ay may kinalaman sa mga kondisyon

ng mga ugnayang nagaganap, mga epektong nararamdam o mga kalakarang

nilinang.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang ginamit sa pananaliksik na ito ay ang Kwalitatibong disenyo ng

pananaliksik na tumutukoy sa pagkolekta, pagsusuri, at pagbibigay-kahulugan sa

mga datos sa pamamagitan ng obserbasyon sa tao at kultura.

24
Ang pananaliksik na ito ay isa ring Pag-aaral ng Nilalaman o Content-

Documentary Analysis na ginagamit upang pag-aralan ang buhay panlipunan sa

pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan ng mga salita at mga nakalap na

impormasyon.

Pagpili ng mga Tagatugon

Napili ng mga mananaliksik ang mga mangingisda at karaniwang

mamamayan sa Navotas Fish Port upang tugunan ang pangangailangan ng mga

mananaliksik na alamin ang mga salita sa pangingisda.

Instrumentong Gagamitin

Ginamit ng mga mananaliksik ang Di-binalangkas na interbyu o

unstructured interview na angkop gamitin sa pag-aaral na ito upang makakalap

ng maayos at malinaw na impormasyon sa mga respondante. Kalakip ng

pakikipanayam na ito ang mga salita sa pangingisda at paraan ng paggamit sa

pakikipagtalastasan.

Balidasyon ng Instrumento

Sa pagpapatibay ng napiling instrumento, minabuti ng mga mananaliksik

na hingin ang tulong at opinyon ng guro sa tisis upang maayos ang bawat tanong

na ibabato sa mga respondante.

Sa tulong ng mga tanong na ito ay nasiguro ng mga mananaliksik na

nakakuha ng maayos at malinaw na kasagutan mula sa mga nakapanayam.

25
Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay tumungo sa Navotas City, upang magsagawa

ng isang interbyu sa mga mangingisda at ilang mamamayan sa Navotas Fish

Port. Hindi naging sapat ang mga nakuhang impormasyon, kaya sumangguni rin

ang mga mananaliksik sa iba pang mga reperensya na may kaugnayan sa pag-

aaral at gayon din sa internet na lubos na nakatulong sa ginawang pananaliksik.

26
KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON SA MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay sinuri, inilahad at binigyang kahulugan ang mga

nangibabaw na mga salita sa larang ng pangingisda sa Navotas. Binigyang

pansin din ng pananaliksik na ito ang Baryasyon, Kahulugan at Rehistro ng Wika

sa Pangingisda. Ang ibang mga kasagutan ay inilahad sa paraang talahanayan

upang ito`y mas maunawaan.

Sa bawat bilang ng suliranin ay may kaakibat na mga paliwanag sa

hulihan upang mas maintindihan ang mga inilahad na kasagutan sa bawat

bilang. Ang mga inilahad at sinuring mga salita ay batay sa mga kasagutan ng

isandaang respondante (100) at pananaliksik sa internet.

Suliranin bilang 1: Paano nabuo ang mga salitang nangibabaw sa larang ng

pangingisda sa Navotas?

1. agos morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

2. alon - morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

3. ambon- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

4. angkat- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

5. angkla salitang hiram mula sa Espanyol na Ancla,na binago ang baybay sa Filipino

upang mapadulas ang pagbigkas.

6. Bakaw- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

7. bagyo- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

8. bangka- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

27
9. bangkero- hiniram mula sa espanyol na Banquero. Isang uri ng morpemang ponema, na

patungkol sa kasariang lalake.

10. banyera- hiniram mula sa espanyol na Baniera.

11. bariles- salitang hiram mula sa espanyol na Barril + es .

12. barko- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

13. basnig- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

14. Batilyo- tawag sa trabaho na maaaring galing sa salitang banyera o mga nag-aayos ng

banyera na nagmula sa mga taga-Navotas.

15. benta- nagmula sa espanyol na Venta na binago ang titik v patungo sa titik B.

16. bilasa/bulok- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

17. bingwit- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

18. bota- buong salita na hiniram mula sa esanyol.

19. bulungan- mula sa salitang ugat na Bulong na nilapian ng an. Ito`y isang uri ng

morpema na panlapi.

20. buhangin morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

21. Bukang liwayway [ buka+ng+liwayway] isang uri ng salitang-ugat na may pagtatambal

ng mga salita.

22. dagdag- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

23. daing- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

24. daungan- mula sa salitang-ugat na Daong at nilapian ng an. Isang uri ng morpemang

panlapi.

25. delikado- salitang hiram mula sa Espanyol na Delicado.

26. dilis- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

27. dinamita- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

28. Fishport- salitang hiram mula sa Ingles.

29. gabi- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

30. galunggong- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

31. gasolina/langis- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

28
32. generator- salitang hiram mula sa Ingles.

33. hasang- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

34. High Tide- salitang hiram mula sa Ingles.

35. huli- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

36. Ilog- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

37. inanod- [anod+in] morpemang panlapi na nilapian ng in para mabuo ang isang kilos.

38. isda- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

39. isdang tabang- [isda+ng + tabang] morpemang salitang-ugat na pinagtambal ang salitang

isda at tabang.

40. kalakal- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

41. kaliskis- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

42. kalmadong dagat- [kalmado+ng+dagat] morpemang salitang- ugat na pagtatambal ng

mga salita.

43. kilo- salitang hiram mula sa Ingles at Espanyol.

44. kuhol- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

45. konti- pinaikling salita mula sa [ Ka+unti]

46. lambat- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi..

47. lampara- salitang hiram mula sa Espanyol.

48. laot- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

49. libre- salitang hiram mula sa Espanyol

50. Low tide- salitang hiram mula sa Ingles.

51. lubid - morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

52. lugi- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

53. lumot- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

54. mababaw/ babaw- [ma+babaw] isang uri ng morpemang paglalapi na nilapian ng ma-,na

may ibig sabihin na mayroon, marami o nagtataglay.

55. mabaho- [ma+baho] isang uri ng morpemang panlapi na nilapian ng ma-, ibig sabihin ay

mayroon, marami o nagtataglay.

29
56. madulas/ dulas [ma+dulas] isang uri ng morpemang panlapi na nilapian ng ma-, ibig

sabihin ay nagtataglay.

57. mahal- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

58. mahangin/ Hangin - [ma+hangin] isang uri ng morpemang paglalapi na nilapian ng ma-,

ibig sabihin ay nagtataglay.

59. mailap/ ilap [ma+ilap] isang uri ng morpemang panlapi na nilapian ng ma-, ibig sabihin

ay mayroon, marami o nagtataglay.

60. makina-salitang hiram mula sa Espanyol na Maquina, morpemang salitang-ugat na

payak at walang panlapi.

61. malaki/laki- [ma+laki] isang uri ng morpemang paglalapi na nilapian ng ma-, ibig sabihin

ay mayroon, marami o nagtataglay.

62. malalim- [ma+lalim] isang uri ng morpemang panlapi na nilapian ng ma-, ibig sabihin ay

mayroon, marami o nagtataglay.

63. malansa-[ma+lansa] isang uri ng morpemang paglalapi na nilapian ng ma-, ibig sabihin

ay mayroon, marami o nagtataglay.

64. malayo- [ ma+ layo] isang uri ng morpemang paglalapi na nilapian ng ma-, ibig sabihin ay

mayroon, marami o nagtataglay.

65. maliit-[ma+liit] isang uri ng morpemang panlapi na nilapian ng ma-, ibig sabihin ay

mayroon, marami o nagtataglay.

66. mangingisda [mang+i+isda] isang uri ng morpemang paglalapi na nilapian ng ma-, ibig

sabihin ay mayroon, marami o nagtataglay.

67. market- salitang hiram sa Ingles.

68. masarap/ sarap-[ ma+ sarap] isang uri ng morpemang paglalapi na nilapian ng ma-, ibig

sabihin ay mayroon, marami o nagtataglay.

69. mura- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

70. oras- salitang hiram mula sa Espanyol na Horas. morpemang salitang-ugat na payak at

walang panlapi.

30
71. pain- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

72. pakyaw- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

73. pamingwit- [pang+ bingwit] isang uri ng morpemang panlapi .

74. pampang- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

75. pera- salitang hiram mula sa Espanyol Mexican na Perra - tawag noon sa baryang

sampung sentimos. morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

76. pier/ pantalan salitang hiram sa Espanyol Mexican na Pier. morpemang salitang-ugat

na payak at walang panlapi.

77. piraso- salitang hiram sa Espanyol na Pedazo na maaaring pinalitan ang Pedazo ng

Piraso para mapadulas ang bigkas.

78. palanggana- salitang hiram mula sa Espanyol na Palangana.

79. porsyento- salitang hiram mula sa Espanyol na Por Ciento, na maaaring ipinagdikit ang

dalawang salita upang maging isang salita sa Filipino na Porsyento at mapadulas ang

pagbigkas.

80. putik- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

81. Red tide- salitang Hiram mula sa Ingles.

82. resibo- salitang hiram mula sa Espanyol na Recibo. morpemang salitang-ugat na payak

at walang panlapi.

83. sagwan- salitang hiram mula sa Espanyol na Zagual na pinalitan ang pagbabaybay

upang mas lalong mapadulas ang pagbigkas .

84. sariwa- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

85. suki- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

86. sumisid/sisid- [sisid+um] - isang uri ng morpemang panlapi na nilapian ng -um, ang

tawag dito ay paggigitlapi.

87. supot- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

88. Supervisor- salitang hiram mula sa Ingles.

89. tag-araw- isang uri ng morpemang panlapi na nilapian ng tag- , na nagsasaad ng

panahon o kalagayan.

31
90. tag-ulan- isang uri ng morpemang panlapi na nilapian ng tag- , na nagsasaad ng

panahon o kalagayan.

91. tahong- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

92. talaba- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

93. tambakol- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

94. tamban- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

95. tawad- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

96. timba- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

97. timbangan- salitang galing sa timba na nilapian ng an- na pambuo ng pangngalan.

98. tindera- uri ng morpemang ponema na may kahulugang patungkol sa kasariang

pambabae.

99. tonelada- salitang hiram mula sa Espanyol.

100. tubig- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

101. umahon/ahon- [ahon + um] salitang galing sa Tagalog na nilapian ng um- na

pambuo ng pandiwa.

102. utang- morpemang salitang-ugat na payak at walang panlapi.

103. yelo- salitang hiram sa Espanyol na Hielo.

104. Maliwanag ang buwan- [ma+ liwanag] isang uri ng morpemang panlapi na

nilapian ng ma- na may ibig sabihin na nagtataglay o mayroon.

Ang mga salitang inilahad ay ang mga nangibabaw na salita sa larang ng

pangingisda sa Navotas .Nagkaroon ng adaptasyon ng mga salita galing sa

iba`t ibang lugar patungo sa mga taga-Navotas.

Ang ibang salita ay hiniram ng buo mula sa Espanyol at Ingles. Kung

susuriin, ang ibang salita, halimbawa ang ancla na galing sa Espanyol at

naging Angkla sa Filipino ay makikitaang buo itong hiniram ngunit nagkakatalo

lamang sa pagbabaybay at upang mapadulas ang pagbigkas.

32
Kabilang sa mga binanggit ni Andrew Gonzalez (1970) na mga prosesong

lingguwistiko, ang pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng

wika sa isang larang na maaaring magsimula sa mga bokabularyong teknikal o

set ng mga termino o katawagan na magagamit sa pagtalakay ng mga tiyak na

paksa sa isang akademikong larang.

Sa isang pangkat-wika o Speech Community makikita ang baryasyon ng

wika sa pamamagitan ng: a.) mga taong bumubuo rito; b.)

pakikipagkomunikasyon ng tao; c.) interaksyon ng mga tao; d.) sa mga katangian

ng pananalita ng mga tao; at; e.) sa sosyal na katangian ng mga tao.

Mas higit na malaki ang lenggawahe at nagiging dominante ang

karamihan na sinasalitang baryasyon. Ang diyalekto ng bawat lenggwahe ay

may pagkakaiba-iba sa paggamit ng gramatika, kabuoan ng salita at pagbigkas.

Ito ay nahahati sa dalawang uri, rehiyonal at sosyal. Ang rehiyonal ay nag

sisiwalat kung saan nagmula. Ang sosyal na diyalekto ay inilalarawan sa

natatakda ang paggamit gayon pa man, ang sosyal na kodiko ay maaring

maging simbolo sa grupong magkakaugnay at may etnikong katangian. Sa

kabuoan ang pagpili ng gagamiting salita ay sinasadyang pinipili ang kanilang

diyalekto upang malaman ang kanilang kinabibilangan.

Sa isinagawang panayam at pagtatala ng mga salitang nangingibabaw sa

larang ng pangingisda sa Navotas Fish Port, karamihan sa mga respondante

roon ay gumagamit ng wikang Tagalog at Bisaya, partikular na ang wikang

Hiligaynon. Karamihan sa mga mangingisda at mga mamamayan sa Navotas ay

33
nagsasalita o nakakaintindi ng Bisaya at karamihan sa mga nagbabagsak ng

mga isdang paninda sa Navotas Fish Port ay taga-Masbate, Palawan at Bikol.

Kung susuriin, ang mga mamamayan at mangingisda sa Navotas Fish Port ay

mga Bisaya, Bikolano at mga Tagalog.

Suliranin bilang 2: Kahulugan ng mga salita sa larang ng pangingisda sa

Navotas.

Talahanayan 1

Kahulugan ng mga salita sa Larang ng Pangingisda

Salin sa Kahulugan Halimbawa


Nangibabaw na Hiligaynon
mga salita sa (pangalawa sa
pangingisda nangibabaw na
wika sa
Navotas)

1. agos Agos Direksyon ng Malakas ang agos ng


paggalaw ng tubig tubig na nagmumula sa
sa batis, ilog at
kabundukan.
katulad
2. alon Balud Pataas at pababang Malakas ang balud/Alon
galaw ng tubig sa sa dagat.
dagat
3. ambon Talithi Isang uri ng Kahapon ay Tumalithi
presipitasyon na /umambon sa Navotas.
galing sa patak ng
tubig
4. angkat Kuha Isang uri ng Mula sa Visayas
pagdadala ng mga umangkat/kumuha ang
produkto sa ibang
mangingisda upang
lugar.
dalhin ito sa Navotas.
5. angkla Angkla Mabigat na piraso Malaking angkla ang
ng bakal na may nakita naming nakasabit
tanikala at inilulubog
sa malaking barko.
mula sa barko

34
hanggang sa ilalim
ng dagat
6. Bakaw Kawatan Isang uri ng tao na Sa Navotas ay nagkalat
kumukuha ng mga ang mga
bagay na may
bakaw/kawatan na
halaga.
kumukuha ng cellphone
ng mamimili.
7. bagyo Bagyo Ligalig sa Kapag may bagyo, ang
atmospera, mga mangingisda ay
karaniwang may
tumitigil sa pagpalaot.
palatandaang
malakas na hangin
na may kasamang
malakas na ulan,
kulog at kidlat
8. bangka Pambot/ Maliit na sasakyang Ang Pambot/
baroto pantubig baroto/Bangka ay ang
ginagamit ng
mangingisda sa laot.
9. bangkero Bangkero Tao na taga Ang bangkero ay
tagagaog ng sumasagwan sa laot ng
Bangka
Navotas.
10. banyera Banyera Palanggana na Maraming banyera ang
maluwag at mataas nakasalansan sapagkat
sa karaniwan, gawa
wala na itong laman.
sa yero o plastik
11. bariles Drum Sisidlang yari sa Ang mga bariles/drum
kahoy, pabilog at ay maingat na
sapad ang
sinasalansan ng mga
magkabilang dulo,
at may paikot na lalaki.
mga taling yari sa
kawayan , yantok o
metal
12. barko Barko Malaking sasakyang Malalaking Barko ang
pandagat nakita namin sa Navotas
Fishport
13. basnig Basnig Panghuli ng isda na Basnig ginamit ng
ginagamit sa tubig mangingisda sa
na malalim at
panghuhuli ng isda.
iniuumang kung
gabi.
14. Batilyo Batilyo Tawag sa trabaho Nakita naming ang mga
ng mga nag-aayos

35
ng banyera batilyo na nag-aayos ng
mga bariles.
15. benta Kita Kinita sa pagtitinda Maraming nabenta/kita
ang mga mangingisda sa
Navotas.
16. bilasa/bulok Lob-ok/Dunot Hindi na Maraming lob-ok
sariwa/bulok. bilasa/bulok na isda ang
nakakalat sa navotas.
17. bingwit Pamunit Isang bagay na Daladala ng bata ang
ginagamit ng mga bingwit/Pamunit sa
mangingisda upang
pangpang
makahuli ng mga
lamang-dagat
18. bota Boots Sapatos na
umaabot hanggang Maraming tao ang
binti
nakasuot ng Bota/Boots
sa Navotas Fishport.
19. bulungan Hutik isang gawaing Madalas
ginagawa ng mga nagbubulungan/
nagbebenta ng isda.
Hutikan ang mga tao sa
Fishport.
20. buhangin Balas Pinong butil ng bato Maganda ang
at durog na mga buhangin/balas sa
kabibi sa
Visayas.
dalampasigan o
baybay dagat
21. bukang liwayway Pagbutlak ng Pagsikat nang araw Maganda ang
sa umaga buhangin/balas sa
adlaw
Visayas.
22. dagdag Dugang Itoy karaniwang Madalas nalulugi ang
sinasabi ng mga mga tinderot tinder
mamimili sa mga
kapag ang mamimili ay
tinderot tindera sa
palengke. humihingi ng
dagdag/dugang na isda.
23. daing U-ga Isang uri ng isda na Masarap ang daing/U-ga
binilad sa initan. kapag ang kasama ay
mainit na kanin.
24. daungan Pier Isang lugar kung Malaki ang
saan ang mga barko daungan/Pier ng
ay humihinto upang

36
magpalipas ng oras Navotas.
o araw.
25. delikado Delikado Itoy isang salita na Delikadong gumala sa
tumutukoy sa kung loob ng Market 3 sa
gaano kapanganib
Navotas.
ang isang lugar o
bagay.
26. dilis Gurayan Isang uri ng maliliit Ang dilis/gurayan ang
na isda. paborito kong kainin
tuwing umaga.
27. dinamita Dinamita Isang uri ng Ipinagbabawal ang
pampasabog na paggamit ng dinamita sa
ginagamit ng ilang
Navotas dahil itoy
mangingisda upang
makahuli ng isda. nakakapinsala sa ibang
lamang dagat.

28. Fish Port Fishport Isang lugar kung Napakalayo ng Navotas


saan dinadala ang Fishport mula sa
mga isda mula sa
Mandaluyong.
ibang lugar.

29. gabi Dulom Ito ang panahon ng Tuwing Gab/dulom ang


kadiliman na bagsakan ng mga isda
nagaganap sa
sa navotas.
bawat araw sa lahat
ng parte ng mundo
o ang panahon sa
pagitan ng paglubog
ng araw at pagsikat
ng araw.

30. galunggong Marot Isang uri ng isda na Masarap kainin ang


makikita sa dagat. galunggong/marot
kapag itoy pinirito.
31. gasolina/ Langis Lana isang kemikal na Langis/lana ang
ginagamit ng inilalagay ng
mangingisda o ng
mangingisda sa bangka
iba pang tao upang
magpagana ng upang itoy umandar.
isang bagay.

32. generator Generator Makina na lumilikha Malaking tulong sa mga


ng elektrisidad mangingisda ang

37
generator
33. hasang Hasang Bahagi sa dakong Tinatanggal ng tindera
ulo ng mga isda at ang hasang ng isda.
ginagamit sa
paghinga
34. High Tide Taob Tawag sa pagtaas Tuwing madaling araw
ng tubig nagkakaroon ng high
tide/taod.
35. huli Dakpon Paraan upang Maraming
mawalan ng laying nahuli/dakpon na isda
kumilos ang isang
ang mangingisda sa
tao, hayop o bagay.
araw na ito.
36. Ilog Suba Likas na daang Madalas manghuli ang
tubig na malaki mangingisda sa
kaysa sapa, batis
ilog/suba.
tabang man o alat.
37. inanod Anod Isang uri ng Inanod/anod ang mga
paggalaw ng isang patay na isda sa
bagay papunta sa
dalampasigan.
ibang lugar.

38. isda Isda Itoy isang uri ng Maraming isda ang


hayop na nahuli ni manong mael
nabubuhay sa ilalim
sa dagat.
ng tubig.

39. isdang tabang Isda sa Suba Anumang isdang Mahirap hulihin ang mga
nabubuhay sa tubig- isdang tabang.
tabang

40. kalakal Kalakal Pagpapalitan ng Nakikipagkalakalan ng


mga produkto na isda ang mga taga
nagmula sa ibat
visayas sa mga taga
ibang lugar, ito ay
karaniwang nakikita manila.
ngayon sa mga
pamilihan.
41. kaliskis Himbis Matigas na Maraming
pinakabalat ng isda kaliskis/himbis ang
nakiskis ng tinder sa
bangus.
42. kalamadong Malinong Tawag sa Kalmadong
mahinahong alon ng dagat/malinong ang

38
dagat dagat nadatnan naming dagat
sa Navotas.

43. kilo Kilo Salitang ginagamit Isang kilo ang binili kong
upang malaman tahong dahil itoy mura
kung gaano karami
lamang.
ang bibilhing isda.
44. kuhol Kuhol Isang uri ng Ang kuhol ay masarap
malaking suso na lagyan ng gata
kinakain.

45. konti/ kaunti Dyutay Maliit ang bilang o Ang konti naman ng
halaga isang kilo niyo.
46. lambat Pukot Bagay na ginagamit Nakita ko na ang
sa panghuli ng isda. lambat/pukot ay sira na.
47. lampara Parol/sulo Isang bagay na Lampara/parol/sulo ang
pinagmumulan din gamit ng mangingisda
ng ilaw.
tuwing gabi.
48. laot Tunga dagat Tawag sa gitna ng Madalas kaming
karagatan mamasyal sa laot ng
aking pamilya.
49. libre Hatag Salitang ginagamit Ilibre/ihatag mo nalang
ng mga mamimili ang isang kilong tahong
kung gusto nilang
sa akin.
makakuha ng isang
bagay na walang
kapalit na pera.
50. Low tide Hunas Tawag sa pagbaba Tuwing dapit hapon,
ng tubig nagkakaroon ng low tide
sa dalampasigan.
51. lubid Higot Kagamitang Malalaking Lubid/Higot
pangingisda na ang aking nakita sa
ginagamit bilang
Fishport.
panali.

52. lugi Perdi/puto Salitang sinasabi ng Naluge/perdi/puto na na


isang negosyante naman tayo ngayong
kapag wala siyang
araw.
kinita.

53. lumot Lumot Isang uri ng algae Malumot ang nadaanan


na kulay berde at naming daungan sa
madalas ay madulas

39
ito. Madalas nakikita Navotas.
ito sa mga kanal o
gilid ng daungan.
54. mababaw/ babaw Manabaw Kulang sa lalim Ang tubig sa pang-pang
ay mababaw/manabaw.
55. mabaho/ baho Mabaho Ang salitang Ang patay na isda ay
mabaho ay mabaho ang amoy.
ginagamit ng mga
taong
nakalalanghap ng
hindi kaaya-ayang
amoy.

56. madulas/ dulas Madanlog Ang salitang Ang sahig sa fishport,


madulas ay Navotas ay
naglalarawan sa
madulas/madanlog.
isang bagay na
mahirap hawakan o
lakaran.

57. mahal Mahal Ang salitang mahal Mahal ang bentahan ng


ay ginagamit ng sugpo sa mercado.
mga mamimili kung
ang bilihin ay
sobrang taas ng
presyo.

58. mahangin/ hangin Mahangin Tawag kapag Sa gitna ng laot,


malakas ang hangin nakararanas ng malakas
na hangin ang mga
mangingisda
59. mailap/ilap Mabudlay Salitang Ang mga isda kung
nangangahulugang minsan ay
dakpon mahirap makuha o
mailap/mabudlya
mahirap makita
dakpon.
60. makina Makina Isang aparatong Ang makina ng Bangka
gumagamit ng ay madalas magkaroon
mekanikal na lakas
ng problema.
at may tiyak na
Gawain ang ibat
ibang bahagi
61. malaki/ laki Madako/dako Tawag kapag ang Malalaki/madako/dako
nahuling isda ay ang isdang aming
may malaking sukat
ibinibenta kaya bumili na

40
kayo.
62. malalim/ lalim Idalom Ang salitang Ang dagat sa Romblon
nangangahulugang ang pinaka
mahirap abutin o
malalim/idalom na
sisirin.
dagat sa ating bansa.
63. malansa/ lansa Malangsa Salitang Malansa ang amoy ng
naglalarawan sa isda.
amoy ng isda na
hindi kaaya-aya.

64. malayo/ layo Malayo/kalayo Salitang tumutukoy Malayo ang distansya ng


sa distansya ng Navotas mula
isang bagay,
Mandaluyong.
65. maliit Gamay/ Salitang tumutukoy Ang aking isdang nabili
Gadmay sa mga bagay na ay maliit.
may maliit na sukat
66. mangingisda Manog Tawag sa taong Mangingisda ang
nanghuhuli ng isda. pangunahing trabaho sa
pangisda
Navotas.
67. market Mercado Tawag sa pamilihan Ang nakukuhang isda sa
Fishport ay dinadala sa
Market/Mercado.

68. masarap Kanami/nami Tawag sa katangi- Ang mga isda na


tangi ang sarap nagmula sa Navotas ay
masarap/kanami.
69. mura Barato Salitang ginagamit Mura lamang ang mga
ng mga mamimili o isda sa Navotas.
tindera kapag ang
bilihin ay abot kaya.

70. oras Oras Panahon na Ang oras para sa mga


lumilipas at isang mangingisda ay
kasangkapang
napakahalaga na hindi
mekanikal
puwedeng palipasin ng
basta-basta.

71. pain Paon Isang pagkain na Ang pain ang isa sa mga
inilalagay sa dulo ng pinaka mahalagang bitbit
pamingwit upang
ng mga mangingisda.
makahuli ng isda.

41
72. pakyaw Pakyaw Tawag sa pagbili Pinakyaw ni Lisa ang
nang maramihan o mga isda na ibinebenta
lahatan
sa Navotas.
73. pamingwit Pamunit Isang bagay na Pamingwit/pamunit ang
madalas ginagamit ginamit ni Sandra sa
ng mga
paghuli ng isda sa lawa.
mangingisda upang
makahuli ng isda.

74. pampang Banglid Ang pampang ay Sa pampang/banglid


tumutukoy sa lugar madalas makita si
kung saan
Andres na nakabantay
dumadaung ang
mga maliliit na sa mga mangingisda
Bangka.

75. pera Kwarta Tawag sa salapi na Kulang ang


ipinambabayad o perang/kwartang dinala
ipinampapalit.
ni aling marta kaya hindi
niya nabili ng laruan si
totoy.
76. pier / pantalan Pier Tawag sa lugar na Maraming tao ang
binabagsakan ng nagaabang sa mga
mga isda , kalakal at
Pantalan/Pier para sa
daungan ng mga
Bangka/barko. mga huling isda.
77. piraso Isa Hiwalay o limitadong Ang isang piraso/isa ng
bahagi ng isang isda ay limang piso
bagay.
lamang.
78. palanggana Labador Isang uri ng bagay Ang
na tumutukoy sa palanggana/labador rin
malaking lalagyan.
ang madalas ginagamit
ng mga mangingisda
upang lagyan ng mga
nahuling isda.
79. porsyento Tubo Tumutukoy sa hati Dalawandaang piso
ng isang tao mula lamang ang naging
sa kabuoang kita ng
porsyento/tubo ni aling
naibenta.
nida sa pagbebenta ng
mga isda.

42
80. putik Lunang Tawag sa malambot Ang banyera ay puno ng
at basing lupa. putik.
81. Red Tide Red tide Isang phenomenon May red tide ang tahong
kung saan na nabili ni Anton.
maraming algae ang
dumadag sa
paibabaw sa sea
surface.
82. resibo Resibo Tumutukoy sa isang Walang ibinigay na
papel, kung saan resibo ang tindera sa
nakalathala o
akin.
nakasulat ang
presyo at aytem ng
binili.
83. sagwan Bugsay Isang mahabang Ang sagwan/bugsay ni
kahoy na ginagamit Mang Berto ay muntikan
ng mga
ng mahulog sa dagat.
mangingisda upang
umusad ang Bangka
sa tubig.
84. sariwa Fresca Ang salitang sariwa Sariwa/fresca ang mga
ay tumutukoy sa isdang hinango sa
mga pagkain
visayas.
bagong hango
lamang.
85. suki Suki Tao na dati nang Si aling angela ay tapat
bumibili o na suki ni aling shaine.
tumatangkilik ng
anumang produkto
at karaniwang
nabibigyan ng
diskwento
86. sumisid/sisid Salom/ Ang salitang ito ay Sumisid/nagsalom si
nagsalom tumutukoy sa isang Erica sa ilalim ng dagat
kilos na
ng Romblon.
nangangahulugang
pagpunta sa ilalim
ng tubig.
87. supot Puyo Sisidlan na yari sa Inilagay ni aling
plastic o papel. Katherine ang isda sa
malaking supot/puyo.
88. Supervisor Supervisor Tawag sa Marami kaming
namamahala sa nakapanayam na
isang tindahan o
Supervisor sa Navotas.
bentahan ng mga
isda.

43
89. tag-araw Mainit Tumutukoy sa Mahirap mangisda
panahong tuwing tag-araw/mainit.
nararanasan tuwing
abril hanggang
hunyo.
90. tag-ulan Tag-ulan Tumutukoy sa Mahirap mangisda
panahong tuwing tag-ulan.
nararanasan tuwing
hulyo hanggang
septyembre.

91. tahong Tahong Isang uri o espesye Namakyaw ng tahong si


ng maliliit Berto sa palaisdaan.
na molusk na
nakakain at may
magkasalikop na
pares ng kabibe na
naibubuka at
naipipinid.
92. talaba Talaba Uri ng mollusk na Ang talaba ay madalas
karaniwang inihahain sa mga hotel o
dumidikit sa
restaurant.
batuhan.
93. tambakol Tulingan Malaking isda na Ang tambakol/tulingan
may maikling ay isa sa pagkaing pang
palikpik sa likod.
masa
94. tamban Tu-loy Isdang alat na Karamihan sa
pahaba ang ibinibentang isda ay
katawan.
tamban/tu-loy.
95. tawad Ayo Tawag sa paghingi Madalas tumawad/ayo
ng diskwento. si aling Mary anne sa
kaniyang suki.
96. timba Balde Bilog at bukas na Maraming timba/balde
sisidlang yari sa ang ibinebenta sa
metal o plastik
palengke.
97. timbangan Kilohan Instrumentong Mahalaga para sa mga
pansukat ng bigat. tindera ang timbangan.
98. tindera/ro manogbaligya Taong Ang mga tindera sa
nangangasiwa sa Navotas ay mababait.
isang tindahan o
negosyo.
99. tonelada Tonelada Yunit ng timbang na Tone-toneladang isda
katumbas ng 2,240 ang nakuha ni mang jeyr
bigat.

44
sa Navotas.
100. tubig Tubi Likidong walang Malinis ang tubig na
kulay nagmumula sa
karagatan.
101. umahon/a Takas Tumutukoy sa Mabilis na umahon si
pagsulpot ng isang Linda mula sa ilalim ng
hon tao mula sa ilalim ng
Karagatan.
dagat.
102. utang Utang Anumang hiniram o Umutang si aling jo-an
kinuha na ibabalik o ng isda sa kaniyang suki
babayaran din.
na si aling marta upang
may maipangkain sa
dalawa nitong anak.
103. yelo Ice Tubig na namuo Ang yelo/ice ang laging
dahil sa matinding kailangan ng mga
lamig.
mangingisda upang
maging sariwa ang
kanilang tinitindang isda.

104. Kasanag sang Salitang Walang huling isda si


naglalarawan kung Mang Noy dahil
Maliwanag buwan gaano kaliwanag
maliwanag ang buwan.
ang buwan.
ang buwan

Ang mga salitang inilahad sa itaas na bahaging ito ay ang mga

nangingibabaw na salita sa larang ng pangingisda na nagkaroon ng adaptasyon

sa mga taga-Navotas. Makikita na ang Hiligaynon at Tagalog ang wikang

nangingibabaw sapagkat ito ang madalas gamitin sa pakikipagtransakyon sa

mga mamimili. Kung susuriin, kaya wikang Hiligaynon ang napiling pagsalinan ng

mga salitang nangibabaw sapagkat ang mga nag-aangkat ng mga isda ay

nagmula sa probinsya ng Masbate, Palawan at Negros na ang karaniwang

wikang ginagamit ay Hiligaynon ang iba naman ay nagmula sa kabikulan.

45
Suliranin bilang 3: Paano ginagamit ng mga mangingisda ang mga salita sa
pakikipagkomunikasyon?

Marami man ang mga salitang alam ng mga mangingisda at mamimili sa

Navatos Fish Port na galing sa ibat ibang lugar, gumagamit pa rin ang mga ito

ng iisang lengguwahe o wika para sa maayos na pakikipagkomunikasyon sa

mga mamimili at iba pang tao. Wikang Tagalog ang napagkasunduang gamitin

ng mga ito sa pakikipagkomunikasyon dahil narin sa mga taong naninirahan dito

at wikang Tagalog ang kanilang nakagisnang gamitin.

Itinuturing na ang pagsasalita ng ibang wika sa lugar ng Navotas ay hindi

hadlang upang silay hindi magkaintindihan at hindi nila maipagpatuloy ang

kanilang hanapbuhay. Mahalagang malaman ang mga salitang nangingibabaw

sa larang ng pangingisda sapagkat maaari nitong mapabilis ang

pagkakaunawaan ng taong nag-uusap, partikular na ang mga target na

respondante ng pananaliksik na ito, ang mga mamimili, mangingisda at

mamamayan.

Pinatunayan ito ni Constantino (1998) na ang wika ang pangunahing

instrumento ng komunikasyong panlipunan. Ang wika ang nagiging instrumento

nang isang tao upang makisangkot sa lipunan o paligid. Pinatunayan lamang nito

ang pagiging arbitraryo nang wika kung saan pinagkakasunduan ang gagamiting

wika para sa pagkakaroon nang isang wika at pagkakaintindihan ng mga tao sa

isang lugar na gagamit nito. Ang pagkakaroon nang iisang wika o lengguwahe ng

isang lugar ay malaking bagay sa pagkakaunawaan ng mga tao rito. Sa

sitwasyong mayroon sa Navotas, ang pagkakaroon nila ng iisang wika ay

46
ginagamit nila partikular na ang mga mangingisda sa pakikipagtransaksyon sa

mga mamimili at iba pang tao o ang mas kilala sa tinatawag nilang Bulungan-

ang pagbubulong sa nagbebenta ng isda para sa nais na presyo ng isang

mamimili.

Marami ang mga mangingisda at ang mga taong may kinalaman sa

pangingisda na may lahing Bisaya o di kaya naman ay hindi talaga taga-Maynila,

ginagamit pa rin nila sa pangkalahatan ang wikang Tagalog. Ang pangunahing

hanapbuhay sa Navotas ay pangingisda. Makikitaan man ang ibang mangingisda

ng paggamit ng Bisaya, mas marami pa rin ang nagsasalita ng Tagalog. Makikita

rin dito ang barayti ng paghahalo ng wikang tagalog-Bisaya at tagalog ng mga

taga-Luzon.

Suliranin bilang 4: Paano ito makatutulong sa pagpapaunlad ng K to 12

Basic Education Program?

Batay sa K-12 Basic Curriculum (2012), layunin ng pagtuturo ng Filipino

na malinang ang kakayahang komunikatibo,replektibo,mapanuringpag-iisip at

pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga

babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang

pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang maka-agapay

sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. Makatutulong sa

pagpapunlad ang pananaliksik na ito na may titulong Baryasyon, Kahulugan at

Rehistro ng Wika sa Pangingisda sa Navotas sa kakayahang komunikatibo,

sapagkat ibat iba ang wikang ginagamit ng mga mag-aaral na makatutulong sa

47
pagpapalawak ng mga wikang ginagamit kaagapay din nito ang MTB-MLE sa

paggamit ng mother tongue language ng mga mag-aaral upang maunawaan ng

lubusan ang mga aralin.

Makatutulong din ang pananaliksik na ito na maging mapanuri ang pag-

iisip at malaman ang ibat ibang baryasyon na ginagamit, paano

nagkakaintindihan ang mga mangingisda at paano napalalawak ang kalakaran

sa fish port. Mapahahalagahan din ng mga mag-aaral ang mga akdang

pampanitikan na nagpapatungkol sa mga mangingisda o iba pang akda na

nagpapatungkol sa mga may trabahong agrikultural. Makatutulong din ito sa

Senior High School ng K-12 sapagkat isa sa mga layunin nito ay maunawaan at

mapahalagahan ang kontekstong pampanitikan ng Pilipinas na nagmula sa ibat-

ibang rehiyon. Makakatulong din ang pag-aaral na ito upang palawakin pa ang

kaalaman sa ibat ibang antas ng agrikultura at matugunan ang Senior High

School na may espesyalisasyon ng Agrikultura, Fisheries, Business at

Entrepreneurship na tinutugunan ng pag-aaral na ito. Makatutulong din ito sa

pangkabuhayan sapagkat gamit ang ibat ibang wika hindi lamang napapalawak

ang kaalaman kundi napapalawak din ang pagbebenta na lumalago ang

pangkabuhayan. Tumutugon din ito sa edukasyon sa lugar ng navotas sapagkat

gamit ang MTB-MLE napapalawak ang mga kaalaman sa baryasyon ng wika at

tumutugon ito sa kurikulum ng Senior High School.

Ang Fish Port sa Navotas ay may ibat ibang katangian ng mga

mangingisda na nagmula sa ibat ibang rehiyon. Dito makatutulong ang pag-

unawa ng mga ibat ibang kultura na kinagisnan ng mga mangingisda at kung

48
paano nila napapakisamahan ang bawat isa. Makatutulong ang pag-aaral na ito

sa pagpapaunawa at pagpapahalaga ng mga taong nagmula sa ibat ibang

rehiyon at nakapagtipon upang maghanap-buhay. Halimbawa na lamang nito

ang akdang Ang mangingisda ni Ponciano Pineda sa akdang ito makikita at

malalaman ang buhay ng mga mangingisda, hirap na kanilang dinaranas para

lamang mabuhay ang kani-kanilang pamilya. Isa pang halimbawa ay ang akdang

Ang Buwang Hugis Suklay na isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta. ito

ay nagmula sa Timog Silangang Asya partikular sa Thailand at ito rin ay kabilang

sa Grade 9 curriculum, ito ay sumasalamin sa pagtingin na mahina ang mga

magingisda sapagkat hindi sapat ang kanilang pag-aaral. Sa ganitong paraan

napapahalagahan ng mga mag-aaral ang kalagayan at kultura ng mga

mangingisda.

Angkop din ito sa kurso ng Grade 11 na Agrikultural at Pangingisda na

lalong mapalalawak o makatutulong ito sa kaalaman ng mga mag-aaral. Dito

malalaman nila ang paraan ng unawaan ng mga mangingisda sa kabila ng ibat

ibang baryasyon ng wika at mga salitang ginagamit, paano napalalawak ang

kalakaran. Malaki ang maitutulong ng pananaliksik na ito sa pagpapaunlad ng

wika at agrikultural na sumasakop sa K-12 Curriculum.

49
KABANATA V

PAGLALAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT

REKOMENDASYON

Inilahad sa kabanatang ito ang buod ng mga natuklasan sa isinagawang

pag-aaral, konklusyon at rekomendasyon para sa mga tao at ahensyang may

kinalaman sa paksang ito.

Mga Natuklasan

Matapos magsagawa ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito, narito

ang mga natuklasan:

1. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang nangibabaw na mga salita sa

pangingisda sa Navotas ay nabuo sa pamamagitan ng panghihiram mula sa iba`t

ibang lugar tulad ng Masbate, Bikol, Palawan at Tagalog. Halos magkalapit

lamang ang mga salita ng mga Hiligaynon sa Tagalog, kaya hindi nagkakalayo

ang mga ginagamit nilang salita.

2. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga inilahad na kahulugan ng mga

nangibabaw na salita ay naka-angkla sa kung paano nila ginagamit ang mga

salita sa pakikipagkomunikasyon.

3. Natuklasan ng mga mananaliksik na ginagamit nila ang mga payak na salita

upang mabilis na magkaintindihan ang bawat isa, lalong lalo na ang kanilang

mga mamimili. Halimbawa na lamang nito ay ang salitang Batilyo, na

50
tumutukoy sa taong nagaayos ng banyera na maaaring pagkamalan bilang

Binatilyo na may ibig sabihing, lalaking pumapasok sa pagbibinata.

4. Natuklasan ng mga mananaliksik na maaring makatulong ito sa kakayahang

komunikatibo at replektibo sapagkat ginagamit nila ang wikang kinagisnan at

makatutulong ito na palawakin pa ang mga aralin.Ito rin ay makatutulong sa pag-

aaral ng Senior High School sapagkat tinutugunan nito ang espesyalisasyon ng

Agriculture, Fisheries, Business at Entrepreneurship.

Mga Konklusyon

Narito naman ang mga konklusyong nabuo mula sa mga natuklasan:

1. Ang mga pangunahing nag-aangkat ng isda sa Navotas ay mga taga-

Masbate, Negros, Bikol at Palawan, kaya maaaring ang mga wikang nangibabaw

sa Navotas ay Hiligaynon, Bisaya, Bikol at Tagalog.

2. Magkalapit lamang ang mga salitang ginagamit ng mga Tagalog at Hiligaynon

kaya ang mga kahulugan nito ay hindi rin nagkakalayo.

3. Ang paggamit nila ng Tagalog para sa pakikipagkomunikasyon ay dahilan

narin na sila ay napaliligiran ng mga lungsod na ang pangunahing wika ay

Tagalog.

4. Malaking tulong sa programa ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga inilahad

na mga nangibabaw na salita sa pagpapagaan ng mga terminolohiya at

bokabularyo pagdating sa larang ng pangingisda.

51
Mga Rekomendasyon

Mula sa mga konklusyon, nais imungkahi ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod:

Para sa Internal;

1. Nirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral na gamitin ang

wikang kinagisnan upang hindi ito mamatay at lumawak pa, sapagkat kaagapay

ng programang K to 12 ang paggamit ng wikang kinagisnan o ang MTB-MLE.

2. Nirerekomenda ng mga mananaliksik na pag-aralan at gamitin ang

mabubuong diksyonaryo upang mas mapaunlad pa ang bokabularyo sa larang

ng pangingisda.

3. Nirerekomenda ng mga mananaliksik sa mamamayan ng Navotas na huwag

ikahiya ang paggamit ng kinagisnang wika bagkus, pagyamanin ang mga ito sa

pamamagitan ng pagkakaroon ng programa na tumatalakay sa hakbangin sa

maayos na pakikipagkomunikasyon sa mga mamimili o kapuwa mangingisda.

4. Nirerekomenda ng mga mananaliksik na isumite ang magagawang Mini

Dictionary sa Kagawaran ng Edukasyon, na magagamit ang pananaliksik na ito

sa pagpapatibay ng Programang K to 12 na kung saan ay maituturo ang

pangingisda at magamit ang nabuong diksyonaryo sa pagpapalawak at

pagpapagaan ng terminolohiya at bokabularyo ng aralin partikular na sa

pangingisda.

52
Para sa Eksternal;

5. Nirerekomenda ng mga mananaliksik sa Kagawaran ng Edukasyon na

bigyang halaga sa Senior High School ang mga espesyalisasyon ng Agrikultura,

Fisheries, Business at Entrepreneurship sapagkat ito ang pangunahing

pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino.

6. Para sa susunod na mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral

na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higit pang mahahalagang datos o

impormasyong maaaaring makatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman.

7. Para sa mamamayan ng Navotas, makipagkomunikasyon gamit ang sariling

wika o nakagisnang wika para sa kapuwa mangingisda at mamimili, para

matutuhan nila ang inyong wika na maaaring makatulong sa pagpapalawak nito.

8. Para sa mga Publishing House na may panahon para mabasa ang

pananaliksik na ito, sana ay mailimbag ang mabubuong Mini Dictionary na

magiging awtput ng pag-aaral na ito, para makatulong sa mga mag-aaral na

nasa ilalim ng K to 12 kurikulum partikular na sa Fisheries.

53
APENDISE

54
Talasanggunian

Libro

Mortera, Melvin O. 2011. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.

Bulacan:Trinitas Publishing Inc.

Almario, Virgilio S. 2010. UP DIKSIYONARYONG FILIPINO. Pasig City: ANVIL

Publishing House, Inc.

Thesis

Epekto ng Text Messaging sa Pagsulat ng Komposisyon ng mga Mag-aaral sa

Laboratory Highschool- Rizal Technological University T.P 2014-2015(2015)

Alejandro, Bigueras, Chavez, De Leon, Villanueva

55
Pangalan: Angela A. Abinion

Edad: 19

Kaarawan: Nobyembre 30, 1995

Kasarian: Babae

Estado: Dalaga

Pangalan ng Ama: Roger A. Abinion Trabaho: Mangingisda

Pangalan ng Ina: Vivian A. Abinion Trabaho: Vendor

Tirahan: 81 Makaturing St. Barangka Itaas Mandaluyong City

Primarya: Victory Village Elementary School Taon: 2002-2008

Sekondarya: Bonifacio Javier National High School Taon: 2008-2012

Tersarya: Rizal Technological University Taon: Kasalukuyan

56
Pangalan: Erica Capistrano

Edad: 20

Kaarawan: Agosto 7, 1995

Kasarian: Babae

Estado: Dalaga

Pangalan ng Ama: Pio M. Capistrano Trabaho: PNP

Pangalan ng Ina: Ermelinda C. Capistrano Trabaho: Maybahay

Tirahan: Village Green Bagong Diwa Lower Bicutan, Taguig City

Primarya: Upper Bicutan Elementary School Taon: 2002- 2008

Sekondarya: Upper Bicutan National Highschool Taon: 2008-2012

Tersarya: Rizal Technological University Taon: Kasalukuyan

57
Pangalan: Clariz Cercado

Edad: 20

Kaarawan: Agosto 30, 1995

Kasarian: Babae

Estado: Dalaga

Pangalan ng Ama: George Cercado Trabaho: Factory Worker

Pangalan ng Ina: Veronica Cercado Trabaho: Maybahay

Tirahan: 11 San Gabriel St. Bagumbayan, Quezon City

Primarya: Bagumbayan Elementary School Taon: 2002-2008

Sekondarya: Camp General Emilio Aguinaldo Taon: 2008-2012

High School

Tersarya: Rizal Technological University Taon: Kasalukuyan

58
Pangalan: Shaine Elaiza Tuazon

Edad: 19

Kaarawan: Septyembre 4, 1996

Kasarian: Babae

Estado: Dalaga

Pangalan ng Ama: Isagani Carmelo Tuazon Trabaho: Inhinyero

Tirahan: 8 E. Ragas St. Sta Ana Pateros Metro Manila

Primarya: Pateros Catholic School Taon: 2002-2008

Sekondarya: Pateros Catholic School Taon: 2008-2012

Tersarya: Rizal Technological University Taon: Kasalukuyan

59
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

Boni Avenue, Mandaluyong City

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Petsa: June 28, 2015

Mahal naming mamamayan ng Navotas,

Kami ay kasalukuyang gumagawa ng isang pananaliksik sa ilalim ng


kursong Thesis na titulong Baryasyon, Kahulugan at Rehistro ng
Pangingisda sa Navotas.

Hinihiling naming mga mananaliksik sa kayo ang aming maging tagatugon


sa aming ginagawang pag-aaral. Ang inyong pagsang-ayon at pagsagot sa
aming mga katanungan na inihanda ay malaki ang maitutulong sa ikatatagumpay
ng pananaliksik na ito.

Pauna na ang aming pasasalamat sa inyong pagpapaunlak sa aming kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Abinion, Angela

Capistrano, Erica

Cercado Clariz

Tuazon, Shaine Elaiza

Binigyang-Pansin ni:

G. MELVIN ORIO MORTERA

Guro sa Tisis

60

You might also like