Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ng pagiging seaman ay hindi madali ,tatlong taong paghihirap sa akademiko at isang taong

pagiging cadete sa barko o apprentice( three years academics and one year
apprentice) .Kung akala mo natatapos na dito ang iyong paghihirap nagkakamali ka dahil
marami ka pang pagdadaanan.

Ang PAGAAPLY sa mga MANNING COMPANY na kinakailangan ng maraming oras ,tiyaga


at determinasyon..Ilang buwan na pagaaply ,palakad lakad sa kalaw ermita , makati ,
intramuros at sa ibat ibang lugar sa maynila umaasa na makahanap ng kompanya..Kung
malas malasin ka pa ay pagdating mo pa lamang sa harap ng isang manning company
tanong agad sayo ng guwardya ay sino nag reffer sayo dito? may experience ka na ba sa
barko? kung wala ka man sa mga nabanggit ,sabihin agad sayo sorry puno na kami at hindi
kami tumatanggap ng walang refferal o BAKER ..Lintik na yan experience agad hinahanap
nila e fresh grauate ka palang, kaya nga nag hahanap ng company para magkaroon ng
experience.ang nakakatuwa nyan e , may kasabayan akong nagaplly ding isang fresh
graduate na may baker ,..pasok agad kahit kasasabi lang nya ng puno na, at isa pa sa mga
bulok na sistema ay ang paghahanap nila ng refferal o baker kung mayroon ka nito wala
kang ka proble problema.. Bulok na sistema hindi man lang nila pinag bibigyan ng
pagkakataon ang isang cadete na may talino na makapasok upang mapatunayan na
karapatdapat sila at balang araw magiging isang competent officer e Pag dating mo
palang sa pintuan haharangin ka na agad ng guwardya hindi ka man lang pinag exam at
mapatunayan na karapat dapat ka.. Ang tinatanggap lang nila ay yung mga may baker na
kung minsan ay walang alam , ito ba ang magiging future officer balang araw?.Isang sistema
na kailangan ng pagbabago sa mga manning company..

Kailan mo talagang magsumikap , magkaroon ng tiwala sa sarili at syempre ng pera pang


pamasahe dahil marami ka pang pagdadaanan upang makamit lamang ang hinahanap
hanap mong kumpanya. Tandaan mo ang taong MASIPAG ay MALAPIT sa swerte..
SUCCESS IS A MATTER OF CHOICE.. Magtatagumpay ka kung tama ang landas na iyong
tinatahak.. wag ka lamang mawalan ng pagasa darating din yan tiyaga lang.!!

Kung makakuha ka ng company wag ka muna magdiwang dahil marami ka pang kakaining
bigas para maging ganap na isang seaman..Andito ngayon ang sistema na tinatawag na
UTILITY system,..Pag tatrabaho ng LIBRE sa manning company at kung minsan ay sa
bahay ni crewing manager. Pagging isang office utility boy utos doon utos dito , ang trabaho
mo ay all around,.. pag na punta ka naman sa bahay ni crewing ,.hardinero , driver
,carpentero ,katulong at ibat ibang trabaho ang iyong kahaharapin hindi ko sinasabi na
okay ito , pero ngayun kasi tayo ang may kailangan hindi naman sila.. Kung magbabalak ka
kailangan mong maging handa sa pagiging isang utility boy ,Bakit ko sinabi na kailangan mo
maging handa? Dahil ilang buwan o taon ka mag uutility kailngan ng mahaba habang
pasensya ,motivation ,pakikisalamuha at pakikisama sa mga staff ng kumpanya na kung
minsan sila na ang nagutos sila pa ang galit, kung malas malasin ka pa masisingitan ka pa
ng manok ni kapitan o ni chief enginner..Alamin mo rin kung accredited ba ito ng POEA para
hindi mapunta sa wala ang ilang buwan o kung minsan aabutin ng taon ang pagiging utility
mo..

Kung sa wakas naka line up at makakasampa ka na rin sa ilang buwan o taon mo na


paguutility sa opisina o sa bahay ni crewing harapin mo ang sandamakmak na trainings na
pakukuha sayo at ang katotohanan na mahirap ang trabaho sa barko kaya nga may
kasabihan na kayod marino dahil lakas ng katawan at isipan ang dapat baonin mo pag
sumampa ka na ..katakot takot na lungkot pangungulila sa pamilya ,puyat ,mga pirata sa
somalia at lakas ng alon ang sasagupain mo sa pagiging isang ganap na marino kaya
karapat dapat lang na tawagin silang heroes of the sea..

kaya SALUDO kami sainyo mga magigiting na MARINO!!Kaya yung mga taong
nagsasabi at nagiisip na ang seaman daw ay seamanloloko ? babaero ? at every port
report? mag isip isip kayo hindi nyu alam kung anu ang kinahaharap namin dito sa barko at
hindi lahat ng magigiting na seaman ay babaero at manloloko minsan kami ang
niloloko..kaya hindi dapat kayu manghusga .Ang lalake nasa lupa man yan o nasa dagat
kung gusto nyang manloko kahit talian mo pa yan gagawa at gagawa yan ng paraan..

Hindi babae at pamamasyal ang hanap namin dito sa barko kundi trabaho..Hindi kami
nagpapakasaya dito sa barko hindi nyu lang alam na sa mga masasayang picture na
pinapadala namin ay nakakubli ang lungkot sa aming mga labiKaya sa mga pamilya
,asawa at mga anak ng isang seaman sulitin ang mga sandaling magkasama at magkausap
kayo dahil hindi natin malalaman ang mangyayari sa mga susunod na mga araw..

Ito ay payo ko sa mga ka mate ko na nagbabalak na maging isang seaman o marino upang
magkaroon lamang ng magandang buhay ang kani kanilang mga pamilya ..

Magipon at magtiyaga habang tayu ay nasa barko pa upang makamit natin ang inaasam
asam nating tagumpay..sa mga naguumpisa pa lamang sa kanilang paglalakbay uulitin ko
wag kayong mawawalan ng PAGASA ! TIYAGA lang darating din yan!!!! SUCCESS IS A
MATTER OF CHOICE!!

You might also like