Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Yamang

Tubig
Yamang Tubig
KARAGATAN
Ang karagatan ay ang pangunahing
bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na
bahagi ng kalawakan ng tubig o hidrospera.
Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig
(isang lawak ng mga 361 kilometro
kwadrado) ang natatakpan ng karagatan,
isang patuloy na bahagi ng tubig na
nakaugaliang hinahati sa ilang mga pangunahing mga karagatan at maliliit na mga
dagat. Ang World Oceans Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Hunyo 8

DAGAT
Malaking anyong tubig, ngunit mas
maliit sa karagatan
ILOG
Isang mahaba at makipot na anyong
tubig na umaagos patungong dagat;
nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng
bundok o burol.

GULPO O GOLPO
Isang malaking look na mistulang
kamay na bahagi ng dagat o karagatan.

LAWA
Ang lawa ay isang anyong tubig na
pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga
lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos
lahat ay matatagpuan sa Hilagang
Hemispero. Tinatawag namang mga panloob
na dagat ang mga malalaking lawa.
Look
Ang look ay isang baiya na
maaaring gamitin bilang kanlungan ng
sasakyang pandagat, katulad ng mga
bapor, partikular na kung may malalakas
na mga bagyo. Ito ang tinatawag na
"braso" ng isang dagat. Isang halimbawa
nito ang look ng Maynila.

Bukal
Ang bukal ay ang anyo ng tubig na
sumusulpot sa mga siwang ng bato.
Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa
dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may
bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal,
samantalang mainit naman ang tubig ng
bukal na malapit sa bulkan.

Kipot
Ang kipot o kakiputan ay Isang
makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng
dalawang mga pulo. Isang halimbawa ang
Kipot ng San Bernardino na matatagpuan
sa pagitan ng kapuluan ng samar at
sorsogon (bikol).
Talon
Ang talon ay mga daloy ng tubig
mula sa isang mataas hanggang sa
mababang bahagi ng isang pook. Nabubuo
ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig
mula sa isang lugar na may matitigas na
mga batuhan patungo sa mas mabubuwag o
mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.

BATIS
Ilug-ilogan o saluysoy na patuloy na
umaagos

SAPA
Ang sapa ay maliit na anyong tubig at
kadalasang natutuyo kapag tag-init..

You might also like