Professional Documents
Culture Documents
Pasasalamat 2 - Google Drive PDF
Pasasalamat 2 - Google Drive PDF
Ang aking natuklasan tungkol sa aming ginawa ay ang mga pag-uugali ng mga pilipino,tradisyon
at mga pamahiin nito. Bilang isang estudyante/kabataan ay importante saakin ang mga
gampanin ko bilang isang mamamayang pilipino. Ang mga pamahiin na aking nalalaman ay
dadalhin ko hanggang sa aking paglaki. Ang mga natuklasan ko sa ating mga pilipino, ay ang
pagiging maalaga sa mga kapwa nating pilipino,hindi man lahat pero karamihan naman sa atin
ay tinataglay ang ganong katangian. Mga kaugalian,tradisyon at ibang pamahiin ang aking
natuklasan habang kami ay nagsasaliksik para malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa
ating mga pilipino. Ang pagiging pilipino ay isang responsibilidad at ako ay hindi magsasawa
bilang isang pilipino. Dahil meron tayong ibat ibang kaugalian at tradisyon na hindi tinataglay ng
ibang bansa.
Ang aking natuklasan ay hindi pa nawawala sa ating mga pilipino ang pagiging magalang sa mga
kapwa naten. Hindi paren nawawala ang mga tradisyonal ng kulturang pilipino, hindi paren
nawawala sa ating mga isipan ang mga tradisyon na kailangan nating tandaan habang panahon.
Natuklasan ko den sa mga pinasurvey namen na kadalasan sa mga estudyante na sumagot ay
walang pakialam sa mga tanong at basta basta na lang silang sumasagot ng hindi man lang nila
binabasa ang mga tanong. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay mga sobrang tamad na at
hindi nila iniisip ang mga mangyayari sa kanila paglaki nila habang nasa ugali nila ang pagiging
tamad.
Sa aming ginawang pagsusulit ang aking natuklasan ay ang kultura at tradisyon ng Pilipino ay
hindi pa rin nalilimutan ng mga ilan nating kababayan. Ngunit ang ibang kabataan hindi na nila
nakilala nag ilan sa mga kultura o tradisyon na ating kinsanayan.At bilang isang kabataan nais
kong pangalagaan ang ating kulutura at ibahagi sa kapwa ko magaaral at sa iba pang kabataan.
Para sa aming tesis na ginawa,nais sana namin na hikayatin kayong mabasa ito dahil masasabi
ko lang na mahalagang malaman niyo ang ating kultura at tradisyon na meron tayo.Dahil
mahalagang malaman natin ang kultura o tradisyon na meron tayo.Dahil sa tesis na aming
ginawa marami kayong pwedeng matutunan at higit sa lahat marami kayong malalaman.Dahil sa
aming ginawang ito sanay makatulong ito sa inyo. Dahil sa amin na gumawa ng tesis na ito
marami kaming nalaman at natuklasan na kagaya na lang ng aming tesis na ang kultura at
tradisyon ng ating mga ninuno ay hindi pa nalilimutan ng mga kapwa natin kababayan.At sana
bilang kapwa namin mag aaral naway di niyo nalilimutan ang mga kultura at tradisyon ng ating
mga ninuno dahil mahalaga natin itong malaman at ibhagai na rin sa ating kapwa.Nawa
magustuan niyo ang aming ginawa dahil mahalaga ito sa amin sa mga hirap,pagod,at puyat
namin naway may napulot kayong at dun lamang ay malaki na ang aming pasasalamat. Muli
kaming nagaanyaya na sanay mabasa niyo ang ginawang tesis. Salamat.
Nais namin kayong yayain na basahin ang aming naturang proyekto.Dahil may mga mahalagang
detalye dito na nais niyong malaman na sanay mapulutan niyo ng aral.At kung ito man ay inyong
nabasa nagpapasalamat kami dahil sa inyong pagbibigay pansin.Naway nakatulong kami sa
inyong mga nais gawin.Salamat.