Easter Vigil

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 41

Ang Magdamagang Pagdiriwang

sa Pasko ng Muling Pagkabuhay

UNANG YUGTO: PAGPAPARANGAL SA ILAW


Lahat ng ilaw sa simbahan ay hindi muna sisindihan.
Isang malaking siga ang ihahanda sa labas ng simbahan. Kapag
natitipon na ang mga tao, ang paring nagmimisa kasama ang iba
pang mga pari ay lalapit doon kasama ng mga tagapaglingkod.
Ilan sa mga ito ang magdadala ng kandila ng Pasko ng
Pagkabuhay.
Babatiin ng pari ang natitipong tao at magbibigay ng maiksing
paliwanag tungkol sa pagdiriwang at kanyang ipahahayag:

PARI: Ang kapayapaan ni Kristo, ang pag-


ibig ng Diyos Ama, at ang pakikiisa
ng Espiritu Santo ay sumainyong
lahat.
Lahat: At sumainyo rin.

Magbibigay ang pari ng maikling paliwanag tungkol sa


pagdiriwang sa ganitong pagpapahayag:

PARI: Mga kapatid,


sa kabanal-banalang gabing ito
na pinangyayarihan ng pagtawid
ng ating Panginoong Hesukristo
mula sa pagkamatay
patungo sa pagkabuhay
ang Sambayanan niya ay nag-aanyaya
sa lahat ng mga anak
na nasa ibat-ibang panig ng daigdig
upang magtipun-tipon sa pagganap
ng magdamagang pagdiriwang.
Sa pagganap natin sa alaala ng Pasko
ng Panginoong nagtagumpay,
sa pakikinig ng Salita
at paghahain ng kanyang buhay
maaasahan nating tayoy

1
makakapakinabang sa kanyang
pananaig sa kamatayan at
pamumuhay sa piling niya at ng
Amang Maykapal.
PAGBABASBAS NG SIGA
Tagapagdaloy: Ang pagtawid ng Panginoon mula sa kamatayan
patungo sa pagkabuhay ay inilalarawan ng apoy na
nagbibigay liwanag sa kadiliman ng gabi. Marapat
lamang na simulan natin ang ating pagdiriwang sa
pamamagitan ng pagbibigay pansin sa apoy at
liwanag na sumasagisag sa ating Panginoon.
PARI: Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
sa pamamagitan ng iyong Anak
kamiy iyong dinulutan ng ningas ng
iyong kaliwanagan. Ang bagong
ningas na ito ay iyong gawing banal
at ipagkaloob mong kamiy
pagningasin nitong aming
pagdiriwang upang makasapit
kaming may dalisay na kalooban sa
walang maliw na kaliwanagan sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Lahat: Amen.

Pagkabasbas ng bagong apoy, ihaharap ang kandila ng


Pasko ng Pagkabuhay sa pari. Ito ay guguhitan niya ng krus
sa pamamagitan ng pang-ukit o pangsulat. Iguguhit din dito
ang mga titik na Griyego:
Tagapagdaloy: Ang kandila ang sumasagisag kay Kristo na muli
nang nabuhay, si Kristo na nagniningning sa
kadiliman at nagdudulot ng liwanag ng kanyang
muling pagkabuhay. Siya, sa pamamagitan ng
kandila, ang bagong sandigan ng liwanag na
naghahatid sa Simbahan tungo sa kalayaan mula sa
kasalanan. Siya ang naghahatid sa atin tungo sa
panibagong buhay.

2
1. Sa pagguhit sa krus mula sa itaas hanggang sa ibaba
A
Si Kristo ang nagmamahal 2 1
noon sa bayang hinirang
0 7
ngayon pa riy syang patnubay:

Lahat: Si Hesukristoy nabuhay


syay ating kaliwanagan.

2. Sa pagguhit sa bisig ng krus mula sa kaliwa hanggang


kanan A

2
Si Kristo ang nagmamahal 1
simula pa noong araw
0 4
wakas natin syat hantungan:

Lahat: Si Hesukristoy nabuhay


syay ating kaliwanagan.

3. Sa pagguhit ng alpha sa ulunan ng krus

Si Kristo ang pinagmulan: A


alphay sagisag nyang tunay. 2 1
Syay ating pinanggalingan: 0 4
Lahat: Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

4. Sa pagguhit ng omega sa paanan ng krus
A
Si Kristo ang syang hantungan: 2 1
omegay kanyang larawan,
0 4
sya ang ating patutunguhan:

Lahat: Si Hesukristoy nabuhay


syay ating kaliwanagan.

5. Sa pagguhit ng unang bilang ng taon, sa itaas na


kaliwang sulok ng krus
A

1 3

0 4

Kay Kristo ay nabibilang
lahat ng panahot araw, 2
bawat yugto ng pag-iral:

Lahat: Si Hesukristoy nabuhay


syay ating kaliwanagan.

6. Sa pagguhit ng ikalawang bilang ng taon, sa ibabang


kaliwang sulok ng krus
A
Kay Kristo ay nabibilang
Mga tang daan-daan, 2 1
Hari sya ng kasaysayan: 04
Lahat: Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

7. Sa pagguhit ng ikatlong bilang ng taon, sa itaas na
kanang sulok ng krus A

Kay Kristo ang karangalan 2


lahat ng kapangyarihan, 1
4
Panginoong dinarangal: 0

Lahat: Si Hesukristoy nabuhay


syay ating kaliwanagan.

8. Sa pagguhit ng ikaapat na bilang ng taon, sa ibabang


kanang sulok ng krus
A
Kay Kristo ang kapurihan
ng buong sangkatauhan 2 1
ngayon at magpakaylan man. 0
7
Lahat: Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

4
Kapag naiguhit na ang krus, maaaring itusok ng pari ang limang
butil ng insenso sa kandila. Gagawin niya ito ayon sa balangkas
ng krus, habang ipinahahayag:

1. Sa sugat na lubhang banal 1


ni Hesus sa tagiliran
dugot tubig ay lumitaw. 4 2 5
Lahat: Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.
3

2. May sugat sa paanang kanan 1

si Hesus na nabayubay 4 2 5
sa krus na kinamatayan.
3
Lahat: Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan.

3. Ang kaliwang paa naman 1


ni Hesus din ay sugatan
pakoy naglagos na tunay: 4 2 5

Lahat: Si Hesukristoy nabuhay 3


syay ating kaliwanagan.

4. At sa kanan niyang kamay 1


Si Hesus diy pinakuan
Kayat may sugat na taglay: 4 2 5
Lahat: Si Hesukristoy nabuhay
syay ating kaliwanagan. 3

5. Sa kanyang kaliwang kamay 1


Si Hesus ay pinakuan
4 2 5 5

3
Noong buhay nyay ialay.

Lahat: Si Hesukristoy nabuhay


syay ating kaliwanagan.
Isisindi ang kandila sa bagong basbas na apoy habang
ipinahahayag:
PARI: Mapawi nawang tuluyan
ang dilim ng kasalanan
sa puso natit isipan:

Lahat: Si Hesukristoy nabuhay


syay ating kaliwanagan.

Sisindihan ng pari ang Kandila ng Muling Pagkabuhay.

PRUSISYON

Ang kura paroko ang siyang magdadala sa kandila ng Pasko ng


Pagkabuhay. Ito ay itataas niya habang inaawit:

SI KRISTO ANG ATING LIWANAG!


Sasagot ang lahat: Salamat sa Diyos!

Lahat ay tutungo sa simbahan, sa pangunguna ng may dala ng


kandila ng Pasko ng Pagkabuhay. Mauuna ang may dala ng
insensaryo.

Sa may pintuan ng simbahan, itataas ang kandila at aawitin sa


ikalawang pagkakataon:

SI KRISTO ANG ATING LIWANAG!


Sasagot ang lahat: Salamat sa Diyos!

Lahat ay magsisindi ng kanilang kandila MULA SA KANDILA NG


PASKO NG PAGKABUHAY. Magpapatuloy ang prusisyon sa loob
ng simbahan sa pangunguna pa rin ng may dala ng insensaryo at
ng paring may hawak ng Kandila.

Pagsapit ng maydala ng Kandila sa dako ng dambana, haharap


siya sa mga tao at aawitin sa ikatlong pagkakataon:
SI KRISTO ANG ATING LIWANAG!

6
Sasagot ang lahat: Salamat sa Diyos!

ANG MARINGAL NA PAGPAPAHAYAG NA NGAYOY PASKO NG


PAGKABUHAY
Paroroon ang mga tagapaglingkod at mga paring nakikipagmisa
sa kanilang upuan. Ilalagay ng kura paroko ang kandila sa
patungan na malapit sa lugar ng pagbasa.

Maglalagay ng insenso ang tagapangulo ng misa sa insensaryo


tulad ng paglalagay bago magbasa ng Mabuting Balita.

Ang aklat (sakramentaryo) at ang kandila ay iinsensuhan ng


pari. Aawitin ng pari ang pagpapahayag ng Pasko ng
Pagkabuhay mula sa dako ng pagbasa. Lahat ay tatayo na may
tangang kandila.

IKALAWANG YUGTO: PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG


DIYOS
Matapos ang pag-awit ng pagpapahayag na ngayoy Pasko ng
Pagkabuhay, papatayin ang sindi ng mga kandila at uupo ang
lahat.

Tagapagdaloy: Ngayoy sisimulan natin ang ikalawang bahagi ng


ating pagdiriwang: ang pagpapahayag ng Salita ng
Diyos. Maaari na po ninyong patayin ang apoy ng
inyong mga kandila at magsiupo.

Ang pari ay magsasalita ng ilang pangungusap ng paliwanag


katulad ng ganito:

PARI: Mga kapatid,


ngayong nasimulan na natin
ang Magdamagang Pagdiriwang
ng Muling Pagkabuhay,
makinig tayong mabuti sa Salita ng
Diyos, isaloob natin kung paano
niyang ginaganap sa ibat-ibang

7
yugto ng kasaysayan ang pagliligtas
niya
sa mga hinirang na tao.
Noon ngang sumapit
ang itinakda niyang panahon,
ang kanyang sariling Anak ang
kanyang sinugo upang maging ating
Tagapagligtas. Hilingin natin sa Diyos
ang kaganapan
ng kaligtasan na nangyayari ngayon
sa pagdiriwang ng Pasko
ng pagtubos sa tanan.

Isusunod ngayon ang paglalahad ng mga pagbasa. Tutungo


ang tagabasa sa ambo at ipapahayag ang Salita ng Diyos.
Tatayo ang lahat at ipapahayag ng pari ang paanyayang
Manalangin tayo pagkaraan ng bawat pagbasa. Pauupuin
ang mga tao matapos ang panalangin.

MGA PANALANGIN PAGKARAAN NG MGA PAGBASA


Unang Pagbasa
Salmong Tugunan

Tagapagdaloy: Magsitayo ang lahat

Panalangin

PARI: Manalangin tayo. (sandaling katahimikan)


Ama naming makapangyarihan,
lahat ng iyong mga nilikha
ay ikaw ang itinatampok.
Naway maisaloob ng iyong mga
tinubos na ang daigdig sa pasimula
ay lalo mo pang pinadakila
sa mga huling panahon
ng pagsagip ni Kristo

8
na siyang inihaing Korderong
pamasko
na kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

Tagapagdaloy: Magsiupo ang lahat

Ikalawang Pagbasa
Salmong Tugunan

Tagapagdaloy: Magsitayo ang lahat

Panalangin

PARI: Manalangin tayo. (sandaling katahimikan)


Ama naming makapangyarihan,
pinararami mo sa sanlibutan
ang mga anak na sa pangako moy
sumilang bunga ng paglawak ng
saklaw
ng iyong paghirang.
Sa pagbibinyag, ginagawa mong
matupad ang iyong pangakong si
Abraham
ay maging ama ng lahat.
Ipagkaloob mong ang iyong
sambayanan ay marapat na
makatugon
sa iyong panawagan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

Tagapagdaloy: Magsiupo ang lahat

Ikatlong Pagbasa
Salmong Tugunan

Tagapagdaloy: Magsitayo ang lahat

9
Panalangin

PARI: Manalangin tayo. (sandaling katahimikan)


Ama naming makapangyarihan,
noong unang panahon ay iyo nang
idinulot na mabanaagang himala ng
Bagong Tipan sa pagtawid sa dagat
bilang tagapahiwatig ng nagaganap
sa pagbibinyag
na siyang paglaya
ng iyong sambayanan sa pagkabihag.
Ipagkaloob mong ang lahat ng mga
bansa ay makaranas ng muling
pagsilang
na dulot ng Espiritung tinatanggap
ng mga may pananampalataya
na Israel ang unang nagpamalas
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

Tagapagdaloy: Magsiupo ang lahat

Ikaapat na Pagbasa
Salmong Tugunan

Tagapagdaloy: Magsitayo ang lahat

Panalangin

PARI: Manalangin tayo. (sandaling


katahimikan)
Ama naming makapangyarihan,
sa ikadarakila ng iyong ngalan
paramihin mo ang mga nakikinabang
sa iyong pagpapalang bigay
sa mga ninuno namin

10
sa pagsampalataya sa iyong
katapatan.
Ngayong ang iyong paghirang
ay sanlibutan na ang saklaw
ang matibay na pinanaligan
ng mga ninuno naming banal
ay matanto nawa naming
nagkaroon na ng malaking katuparan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

Tagapagdaloy: Magsiupo ang lahat

Ika-limang Pagbasa
Salmong Tugunan

Tagapagdaloy: Magsitayo ang lahat

Panalangin

PARI: Manalangin tayo. (sandaling


katahimikan)
Ama naming makapangyarihan,
Ang sanlibutan ay walang ibang
inaasahan kundi ikaw na sa pahayag
ng iyong mga propeta ay naglalahad
ng iyong balak na maganda. Malugod
mong pagyamanin ang aming
pananalig sapagkat wala kaming
makakamit nang hindi mo iniibig
para kamiy sa iyo mapalapit
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

11
Tagapagdaloy: Magsiupo ang lahat

Ika-anim na Pagbasa
Salmong Tugunan

Tagapagdaloy: Magsitayo ang lahat

Panalangin

PARI: Manalangin tayo. (sandaling


katahimikan)
Ama naming makapangyarihan,
Lagi mong pinararami ang iyong
tinatawagan
sa mga bansa ng sanlibutan.
Ipagkaloob mo ang iyong patuloy
na pagtangkilik sa iyong mga
dinadalisay sa pambinyag na tubig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

Tagapagdaloy: Magsiupo ang lahat

Ika-pitong Pagbasa
Salmong Tugunan

Tagapagdaloy: Magsitayo ang lahat

Panalangin

PARI: Manalangin tayo. (sandaling


katahimikan)
Ama naming makapangyarihan,

12
Ang lakas mo ay hindi nababawasan,
ang liwanag mo ay nagniningning
kailanman.
Tunghayan mo ang pagdiriwang
ng iyong sambayanan at ganapin mo
ang iyong pagsagip sa tanan.
Naway madama at mamalas ng
sanlibutan na ang mga hamak ay
idinarangal,
ang mga nasa lumang kasalanan ay
napagbago na naman
at kay Kristo nagkakaugnay-ugnay
ang tanan
sapagkat siya ang pinagsisimulan
ngayon at magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

PARI: Gloria in excelsis Deo!

Aawitin ang Gloria. Sisindihan lahat ng ilaw sa simbahan at


kandila sa dambana at mga poste ng simbahan. Ilalagay ang
mantel at lalagyan ng bulaklak ang altar. Ipapatong ang Aklat ng
Mabuting Balita sa ibabaw ng altar.
Tutugtugin ang mga kampana at batingaw ng simbahan.
Sa katapusan ng pag-awit, isusunod ng paring nagmimisa ang
pagpapahayag ng pambungad na panalangin, ayon sa dating
paraan:

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

PARI: Manalangin tayo. (sandaling katahimikan)


Ama naming makapangyarihan,
ang kabanal-banalang gabing ito
ay pinagliliwanag mo
13
sa kadakilaan ng pagkabuhay ni
Kristo. Antigin mo ang Espiritu ng
pagkupkop mo upang sa pagbabago
ng aming buong pagkatao, kamiy
wagas na makapaglingkod sa yo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Tagapagdaloy: Magsiupo ang lahat at ating pakinggan ang Sulat ni


San Pablo Apostol

SULAT NI SAN PABLO APOSTOL

SALMONG TUGUNAN AT ALELUYA

Tagapagdaloy: Magsitayo ang lahat para sa Maringal na Pag-awit ng


Aleluya at salmo

Pasisimulan ng Pari ang Maringal na pag-awit ng Aleluya at


aawitin ng taga-awit ang Salmo na ang tugon ay aleluya,
patatayuin ang mga tao. Dadalhin ang insensaryo ngunit
hindi ang mga kandila.

MABUTING BALITA

HOMILIYA

IKATLONG YUGTO: ANG PAGBIBINYAG


Ang tagapangulo ng misa at mga tagapaglingkod ay tutungo
sa harap ng dambana. Tatawagin ang mga bibinyagan at
tutungo rin sa harap ng dambana kasama ang mga ninong
at ninang.

14
Tagapagdaloy: Isusunod po natin ang pagdiriwang ng binyag.
Mangyaring lumapit po sa harapan ang lahat ng
bibinyagan.
Tatawagin isa-isa ang mga bibinyagan at sila ay tutungo sa
harap ng dambana. Magsasalita ang paring nagmimisa sa
mga tao. Sasabihin ang mga pangungusap na sumusunod:

PARI: Sa mga pagluhog natin, mga


minamahal na kapatid, tulungan
natin ang ating mga kapatid na may
pananalig upang ang Ama nating
makapangyarihan ay siyang
tumangkilik sa mga isisilang sa
binyag pakundangan sa kanyang pag-
ibig.
Tagapagpadaloy: Manatili po tayong nakatayo habang dinadalangin
ang litanya ng mga banal.

Aawitin ang Litanya ng mga Banal habang nagpuprusisyon


patungo sa baptisteryo. Ganito ang ayos ng prusisyon, una ang
Kandila ng Pasko ng Pagkabuhay na tangan ng kura paroko,
susunod ang mga bibinyagan kasama ang kanilang ninong at
ninang at pagkatapos ay ang Kura Paroko at ang mga
tagapaglingkod. Matapos ang Litanya at kapag nakarating na sa
baptisteryo, dadarasalin ng paring nagmimisa ang sumusunod
na panalangin nang magkadaop ang kamay:

PARI: Ama naming makapangyarihan,


halina at gawin mong makapiling
namin ikaw, ngayong ang muling
pagsilang
ay ipinagdiriwang sa pagbibinyag
sa mga bagong kaanib ng iyong
sambayanan.
Isugo mo ang Espiritu ng iyong
pagkupkop,
upang ang ginaganap naming
mapagpakumbabang paglilingkod
ay magdulot ng iyong lubusang
kaloob
15
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.
Tagapagpadaloy: Manatiling nakatayo habang isinasagawa ang
pagbabasbas ng tubig pambinyag.

ANG PAGBABASBAS NG TUBIG

Ngayoy babasbasan ng pari ang tubig pambinyag.


Ipahahayag niya ang sumusunod na panalangin na
magkadaop ang mga kamay:

PARI: Ama naming makapangyarihan,


bagamat natatago sa aming
paningin,
ang kapangyarihan mong maggawad
ng iyong buhay sa amin
ay inilalahad ng mga pananda
ng iyong paglagi sa aming piling
anupat ang tubig na iyong nilikha
ay naging tagapagpahayag ng iyong
pagpapala.

Ama namin, noong ang daigdig ay


iyong lalangin,
ang iyong Espiritu ay lumukob na sa
tubig bilang simoy ng hangin
upang ang kakayanan nitong
bumubuhay ay maging tagapagdulot
ng iyong kabanalan.
Ama namin, ang sansinukob ay iyong
panibagong ginawa noong ipahintulot
na magkaroon ng malaking baha
upang ipahiwatig na ang mga tubig
ay may katangian na tumapos sa
kasamaan at magpasimula ng
kabutihan.

16
Ama namin, ang mga anak ni
Abraham ay pinatawid mo sa
pagkaalipin sa Ehipto upang
ipahiwatig ang mangyayari sa mga
bibinyagan bilang mga kaanib sa
iyong sambayanan.
Ama namin, niloob mong noong
binyagan ni Juan sa Ilog Jordan ang
Anak mo
ay maganap ang paglukob sa kanya
ng Espiritu Santo. Niloob mong
dumaloy ang dugo at tubig sa sinibat
na puso ng Anak mong iniibig,
Niloob mong mabuhay muli ang iyong
anak ng nag-utos sa mga alagad:
Humayo kayo at gawin ninyong
alagad ko ang lahat ng bansa.
Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Magtaglay nawa itong tubig
ng pagpapalang
kaloob ng Espiritu Santo
na idinudulot ng mahal na Anak mo
upang ang mga tao na pawang nilikha
ayon sa iyong larawang dakila
ngunit nasadlak sa lusak ng
kasalanan
ay mahugasan ngayong silay
bibinyagan para makabangong taglay
ang iyong kalinisan sa muling
pagsilang
sa tubig at Espiritu Santo
bilang mga kaanib ng iyong Angkan.

Maaring ilubog ngayon ng pari ang kandila ng Pasko ng


Pagkabuhay nang minsanan o makatatlong ulit, habang
patuloy niyang ipinahahayag:

17
Ama namin, iniluluhog namin sa iyo,
manaog nawa sa tubig na ito ang
kapangyarihan ng Espiritu Santo
sa pamamagitan ni Hesukristo
upang mapuspos ng iyong Espiritu
itong pambinyag na tubig.
Ang kandila ay hahawakan ng pari habang patuloy na
nakatayo sa tubig.
At sa gayoy lahat ng nakikiisa sa
kamatayan niyay sa pamamagitan ng
binyag ay muling mabuhay
na siya rin ang kasama bilang
Tagapamagitan kasama ng Espiritu
Santo Magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

Habang iniaalis ang kandila sa tubig ang mga tao ay


magbubunyi sa ganitong pangungusap:
Lahat: Kaisa ng mga bukal
Ng tubig sa sanlibutan
Batis, ilog, karagatan
Aming pinapupurihan
Pag-ibig mong walang hanggan.

PAGGAGAWAD NG SAKRAMENTO NG BINYAG

Tagapagpadaloy: Magsiupo ang lahat habang iginagawad ang


sakramento ng binyag.

PARI: Ama naming makapangyarihan,


kusang loob kang nagmahal sa amin
kaya sinugo mo ang iyong anak
upang kaming nasadlak sa paniniil ng
sala ay mabigyan ng laya.
Sa tanda ng Krus na banal
loobin mo na ang lahat ng bibinyagan
ay maging malaya sa pagka-alipin
na bunga ng pagsuway ng una mong
nilikha. Lukuban nawa sila

18
ng banal na Espiritu
upang sila ay mapuspos
ng diwa ng muling pagkabuhay ng
iyong Anak. Iniluluhog namin ito sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Lahat: Amen.
Kukrusan ng pari ang noo ng mga bibinyagan habang sinasambit
ang mga sumusunod.

PARI: Sa kapangyarihan ng ating


Tagapagligtas na si Hesukristo,
ikaw ay magpakatatag ngayon
at magpasawalang hanggan.

Sisindihan ang kandila ng mga bibinyagan

PAGTATAKWIL SA MGA KASALANAN

PARI: Itinatakwil ba ninyo si Satanas, ang


kanyang mga gawain at ang kanyang
pang-aakit?

Mga Bibinyagan: Opo, itinatakwil namin.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

PARI: Sumasampalataya ba kayo sa Diyos


Amang makapangyarihan sa lahat na
may likha ng langit at lupa?
Mga Bibinyagan: Opo, sumasampalataya kami.

PARI: Sumasampalataya ba kayo kay


Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon natin, ipinanganak ni
Santa Mariang Birhen, ipinako sa
Krus, namatay, inilibing, muling

19
nabuhay at naluluklok sa kanan ng
Ama?
Mga Bibinyagan: Opo, sumasampalataya kami.

PARI: Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu


Santo, sa banal na Simbahang
Katolika, sa kasamahan ng mga
banal, sa kapatawaran ng mga
kasalanan, sa muling pagkabuhay ng
mga namatay at sa buhay na walang
hanggan?
Mga Bibinyagan: Opo, sumasampalataya kami.

Kukuha ang tagapaglingkod ng binasbasang tubig pambinyag.


Lalapitan ng pari ang mga bibinyagan bubuhusan ng tubig ang
kanilang mga ulo at kanyang sasambitin.

PARI: N., Binibinyagan kita sa ngalan ng


Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

Tagapagpadaloy: Isusunod po ang paggagawad ng Sakramento ng


Kumpil sa mga bagong binyag.

PAGGAGAWAD NG SAKRAMENTO NG KUMPIL

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay habang nananalangin:

PARI: O Diyos na makapangyarihan sa


lahat, Ama ni Hesukristo na aming
Panginoon,
sa pamamagitan ng tubig
at ng Espiritu Santo,
hinango mo sa kasalanan
ang mga anak mong ito
at binigyan mo sila ng pakikihati
sa iyong buhay.
Suguin mo sa kanila ngayon
ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw,
upang siyang maging lakas nila at

20
patnubay. Ipagkaloob mo na silay
mapuspos ng karunungan at pang-
unawa, na silay maging makatwiran
sa pagpapasya at manatiling matibay
ang loob sa lahat ng pagkakataon.
Puspusin mo sila ng kaalaman at
pamimitagan at ng banal na
pagkatakot sa harap ng iyong
kadakilaan.
Hinihiling namin ito sa iyo sa
pamamagitan ni Kristo na aming
Panginoon magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

Isa-isang kukumpilan ng pari ang mga bagong binyag.

PARI: N., Tanggapin mo ang tatak na kaloob


ng Espiritu Santo.
Lahat: Amen.

PARI: Sumaiyo ang kapayapaan.


Lahat: At sumainyo rin.

Maghuhugas ng kamay ang pari at muling tutungo sa dambana.


Muling magpuprusisyon katulad ng unang ginawa subalit hindi
na kasama ang mga nabinyagan.

PAGSASARIWA NG PANGAKO SA PAGBIBINYAG


Tagapagpadaloy: Magsitayo po ang lahat para sa pagpapanibago ng
ating mga pangako noong tayo ay binyagan.

Habang pabalik ng altar, sisindahan ng mga tagapaglingkod ang


mga kandila ng mga tao mula sa Cirio Pascual. Aanyayahan ng
pari ang mga tao sa ganito o katumbas na mga pangungusap.
PARI: Mga kapatid,
sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay
at Pagkabuhay ni Kristo, tayoy
nalibing kasama niya noong tayoy

21
binyagan upang kasama rin niya
tayoy makabangon
at makapagbagong-buhay.
Naganap na natin ang Apatnapung
Araw ng Paghahanda, kayat sariwain
natin ngayon ang ating pangako sa
pagbibinyag. Talikdan natin ang
kasamaan at kasalanan. Harapin
natin ang matapat na paglilingkod sa
Diyos bilang mga maaasahang kaanib
ng kanyang banal na Simbahang
Katolika. Kung kayoy
makapangangakong tatalikod sa
lahat ng hadlang sa katuparan ng
panukala ng Diyos upang kayoy
makapamuhay bilang matapat at
maaasahang kaanib ng kanyang
angkan, pakisagot ninyo itong
tatlong katanungan.

PARI: Para kayo makapamuhay


bilang mga malayang anak ng Diyos,
ang kasalanan ay itinatakwil ba
ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.

PARI: Para kayoy huwag mapailalim sa


kasalanan, ang kaakit-akit na tukso
ng kasamaan ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.

PARI: Si Satanas na pinanggagalingan ng


kasalanan at pinuno ng kadiliman
ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.

PARI: Ngayon namay ating harapin ang


ating pananampalataya.
22
Kung kayoy makapangangakong
magsisikap mamuhay bilang mga
ikinararangal na anak ng Diyos Ama,
kung tutularan ninyo siya sa kanyang
kabutihan, pagmamahal sa lahat, at
pagmamalasakit para sa
pangkalahatang kapakanan,
pakisagot ninyo ang katanungang ito:
Sa Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat at lumikha ng langit at lupa
kayo ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.

PARI: Kung kayoy makapangangakong


magsisikap mamuhay bilang mga
tunay na kapatid ng Panginoong
Jesus,
kung gagawin ninyong simulain sa
buhay
ang kanyang katwiran, katarungan at
paglilingkod sa lahat alinsunod sa
kanyang pagmamahal, sagutin ninyo
ang katanungang ito:
Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating
Panginoong Jesukristo, na
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan
ng Ama kayo ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.

PARI: Kung kayoy makapangangakong


susunod
23
sa patnubay ng Espiritu Santo
at kung sisikapin ninyong mapaunlad
ang kaloob niyang buhay at
pagmamahal
upang maging mga
maipagmamalaking
anak ng Diyos Ama at kapatid ng
Panginoong Jesus pakisagot ninyo
ang katanungang ito:

Sa Espiritu Santo, sa Banal na


Simbahang Katolika, sa kasamahan
ng mga banal, sa kapatawaran ng
mga kasalanan, sa muling
pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan kayo
ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.

PARI: Bunga ng pagmamahal ng Diyos


na makapangyarihang Ama ng ating
Panginoong Jesukristo, tayo ay
pinatawad sa ating kasalanan noong
tayoy muling isilang sa tubig at
Espiritu Santo. Tulungan nawa niya
tayong mamalaging tapat sa ating
Panginoong Jesukristo ngayon at
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

Ang mga nagsisimba ay wiwisikan ng tubig na binasbasan


ng mga kaparian. Samantalang ito ay nagaganap, ang koro
ay umaawit.

24
Matapos mawisikan ang mga tao ang mga kandilang may
sindi ay papatayin.

Ang pari ay babalik sa kanyang upuan. Pangungunahan niya


ang panalanging pangkalahatan.

PANALANGIN NG BAYAN

(Tingnan sa Sambuhay)

IKA-APAT NA YUGTO: PAGDIRIWANG NG HULING


HAPUNAN
Tagapagpadaloy: Magsiupo ang lahat at ating ihanda ang ating mga
alay

Hahawakan ng pari ang pinggan ng tinapay nang bahagyang


nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong
PARI: Kapuri-puri ka Diyos Amang lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob narito ang aming
maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito para maging pagkaing
nagbibigay-buhay.

25
Lahat: Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at kailanman

Ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig habang dinarasal


nang pabulong

PARI: Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami naway makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na
nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.

PARI: Kapuri-puri ka Diyos Amang lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob narito ang aming
maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming
paggawa ang alak na ito para maging inuming
nagbibigay ng iyong Espiritu.
Lahat: Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at kailanman

PARI: Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga


makasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi
bilang handog upang kamiy matutong sumunod sa
iyo nang buong puso.

Ang pari ay maghuhugas ng kanyang kamay habang dinarasal nang


pabulong

O Diyos kong minamahal, kasalanan koy hugasan


at linisin mong lubusan ang nagawa kong
pagsuway.

Ang pari ay haharap sa dambana nang nakalahad ang mga kamay


habang ipinahahayag

PARI: Manalangin kayo mga kapatid upang


ang pagahahain natin ay kalugdan ng
Diyos Amang Makapangyarihan.
Lahat: Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa Iyong mga kamay
sa kapurihan niyat karangalan
sa ating kapakinabangan at sa buong sambayanan niyang
banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

PARI: Ama naming Lumikha,


tanggapin mo ang aming mga
panalangin na sumasaliw sa aming
paghahain

26
upang sa nagsimulang
Pasko ng Pagkabuhay
kamiy itaguyod nito
sa kagalingang walang katapusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

PREPASYO

PARI: Sumainyo ang Panginoon.


Lahat: At sumainyo rin.

PARI: Itaas sa Diyos ang inyong puso at


diwa

Lahat: Itinaas na namin sa Panginoon.

PARI: Pasalamatan natin ang Panginoong


ating Diyos.
Lahat: Marapat na siya ay pasalamatan.

OBISPO: Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat na ikaw ay
aming pasalamatan ngayong gabing
ipinagdiriwang ang paghahain ng

27
Mesiyas, ang maamong tupa na
tumubos sa aming lahat.
Ang iyong Anak na minamahal
ay naghain ng sarili niyang buhay.
Siya ang tupang maamong umako sa
kaparusahan upang mapatawad ang
kasalanan ng sanlibutan. Sa
pagkamatay niya sa banal na Krus
ang kamatayan namin ay kanyang
nilupig. Sa pagkabuhay niya bilang
Manunubos pag-asat pagkabuhay ay
aming nakamit.
Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisi-
awit ng papuri sa iyo nang walang
humpay sa kalangitan, kamiy
nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
(AAWITIN ANG SANTO)

UNANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT


PAGPAPASALAMAT

28
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal

PARI: Ama naming maawain, ipinaaabot


namin ang pasasalamat sa iyo sa
pamamagitan ng aming Panginoong
Hesukristo.

Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at


kalis, samantalang kanyang dinarasal.

Ipinakikiusap namin sa pamamagitan


ng Anak mong ito na ang mga kaloob
namin ay tanggapin at basbasan mo
+ sa pagdiriwang namin ng
paghahain niya sa iyo.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Iniaalay namin ito sa iyo, unang-una


para sa iyong banal na Simbahang
Katolika. Pagkalooban mo ng
kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod, ang
mga kaanib nito sa sansinukob, kaisa
ng aming Santo Papa Franciso, ni
Roberto na aming Obispo, at ng lahat
ng nananalig at nagpapalaganap sa
pananampalatayang Katoliko na
galing sa mga apostol.

Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig.

NAKIKIPAGMISA1:
Ama namin, iyong alalahanin ang
iyong mga anak na ngayoy aming
idinadalangin:

Silay saglit na ipagdarasal ng kaparian nang may magkadaop


na kamay. Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal nang
nakalahad ang mga kamay.

29
Ang aming pananampalataya
ay nababatid mo gayun din
ang pagsisikap naming
maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay
aming iniaalay para sa kapakanan
namin at ng mga mahal namin sa
buhay,
para sa aming kalusugan at walang
hanggang kaligtasan,
sa pagdulog namin sa iyong
kadakilaan, Diyos na totoo at
nabubuhay kaylan man.

Pag-alala sa mga banal

NAKIKIPAGMISA2:
Kaisa ng buong Simbahan
ipinagdiriwang namin sa gabing ito
ang dakilang kapistahan ng
Pagkabuhay ng aming Panginoong
Hesukristo
bilang Diyos na totoo na namalagi
pa ring taong totoo.
Pinararangalan namin ngayon,
unang-una ang Ina ng Diyos at
Panginoon naming Hesukristo, si
Maria na maluwalhating laging
Birhen, gayundin ang kanyang
kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga
apostol at martir na sina
Pedro, Pablo at Andres,
sina Santiago, Juan, Tomas,
Santiago, Felipe,
Bartolome, Mateo,

30
Simon at Tadeo;
gayundin sina Lino, Cleto,
Clemente, Sixto,
Cornelio, Cipriano,
Lorenzo, Crisogono,
Juan at Pablo,
Cosme at Damian
at ang lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginawang
mga kabutihan at walang sawang
pagdalangin para sa aming
kapakanan, kami ay lagi mong
kalingain at ipagsanggalang.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

PARI: Ama namin,


iyong tanggapin ang handog na ito
ng iyong buong angkan
para sa mga minarapat mong
muling isilang sa tubig ng Espiritu
Santo sa ikapagpapatawad
ng lahat nilang mga kasalanan.
Loobin mong kamiy
makapamuhay araw-araw
sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot
na kami ay mawalay sa iyo kaylan pa
man. Ibilang mo kami sa iyong mga
hinirang.
Lulukuban ng mga kamay ng pari at ng mga nakikipagmisa ang
mga alay habang silay nagdarasal.

PARI/ NAKIKIPAGMISA:
Ama namin,
basbasan mo ang mga handog
naming ito. Marapatin mong
sambahin ka namin

31
sa Espiritu at Katotohanan,
kaya para sa amin ito ay gawin mong
maging Katawan at Dugo (+) ng
pinakamamahal mong Anak,
ang aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na


pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaaan ng
tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Noong bisperas ng kanyang


pagpapakasakit,

Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa


ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

Hinawakan niya ang tinapay


sa kanyang banal at kagalang-galang
na mga kamay.
Ang pari ay titingala

Tumingala siya sa langit,


sa iyo, Diyos Ama niyang
makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay,
iniabot sa kanyang mga alagad at
sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO
AT KANIN: ITO ANG AKING
KATAWAN NA IHAHANDOG PARA
SA INYO.

32
Ipamamalas niya ng ostiyang itinalaga na maging katawan ni
Kristo, Ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang
pagsamba.
Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman,


noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa
ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

Hinawakan niya ang kalis na ito


ng pagpapala
sa kanyang banal at kagalang-galang
na mga kamay,
muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang
mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO


AT INUMIN: ITO ANG KALIS NG
AKING DUGO NG BAGO AT
WALANG HANGGANG TIPAN, ANG
AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA
SA INYO AT PARA SA LAHAT SA
IKAPAGPAPATAWAD NG MGA
KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA
SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, luluhod siya at pagkatapos ay
ipahahayag niya.

PARI: Ipagbunyi natin ang misteryo ng


pananampalataya.
Aawitin: Si Kristoy namatay Si Kristoy nabuhay
Si Kristoy babalik sa wakas ng panahon!

33
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay
nagdarasal.

PARI/NAKIKIPAGMISA:
Ama,
kaming mga lingkod mo
at bumubuo sa iyong bayang banal
ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo
na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin
ang kanyang dakilang
pagpapakasakit, ang pagbangon niya
mula sa kamatayan, at ang
matagumpay na pag-akyat niya sa
kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin
nanggaling inihahandog namin sa
iyong kataas-taasang kamahalan ang
paghahaing ito na katangi-tangi at
dalisay: ang pagkaing nagbibigay-
buhay kaylan man at ang inuming
nagbibigay kagalingang walang
katapusan.
Masdan mo ng buong kasiyahan
ang aming mga alay na ito.
Ganapin mo sa mga ito ang ginawa
mo
sa mga handog ni Abel,
ang lingkod na matapat sa iyo,
sa paghahain ni Abraham,
na ama namin sa pananampalatayang
totoo,
at sa inihandang tinapay at alak
ni Melkisedek, na paring hirang mo.
Paunlakan mo ngayong tanggapin
ang banal at dalisay na paghahain.

34
Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang
mga kamay.

PARI: Makapangyarihang Diyos,


Hinihiling naming iyong ipaakyat
sa banal mong anghel
ang mga alay na ito
sa dakilang dambanang
nasa iyong harap
upang sa pagsasalo
sa banal na Katawan at Dugo
ng iyong Anak
sa pakikinabang namin ngayon
dito sa banal mong hapag

Magkukrus ang pari samantalang nagdarasal.

kami ay mapuspos ng iyong


pagpapala + at tanang pagbabasbas.

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

NAKIKIPAGMISA3:
Ama namin,
iyo ring alalahanin
ang mga anak mong
naunang yumao sa amin
sa paghimlay sa iyong kapayapaan
yamang ang tatak ng
pananampalataya
ay kanilang taglay
at sila ngayoy aming ipinagdarasal:

Silay saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na


mga kamay. Pagkatapos, ang pari ay patuloy na magdarasal
nang nakalahad ang mga kamay.

35
Sila at ang tanang nahihimlay
sa kandungan ni Kristo
ay aming idinadalangin sa iyo
upang iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag at
pamamahinga sa iyong piling.

Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib


habang siyay nagsisimulang magdasal.

Kahit kami ay mga makasalanan


mong lingkod.

Patuloy na magdarasal ang pari nang nakalahad ang mga


kamay:
Kami rin ay nagtitiwala
sa iyong nag-uumapaw na
pagkamapagbigay
sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin mo ring
kami ay makaugnay at makapiling
ng iyong mga banal na apostol at
martir,
Kasama sina Juan Bautista, Esteban,
Matias, Bernabe,
Ignacio, Alejandro,
Marcelino, Pedro,
Felicidad, Perpetua,
Agata, Lucia,
Agnes, Cecilia, Anastasia
At ang lahat ng mga banal.
Kami naway makapisan nila
hindi dahil sa aming ginagawang
kabutihang kulang na kulang
kundi pakundangan sa iyong
pagpupuno sa aming kakulangan.
Pagdaraupin ang kanyang mga kamay

36
Sa pamamagitan ng aming
Panginoong Hesukristo.
Magpapatuloy ang pari:

PARI: Sa kanyang pamamagitan


ang tanang mabubuting kaloob mong
ito ay lagi mong pinaiiral,
pinababanal, binubuhay,
binabasbasan
at sa amin ibinibigay.

Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at


kapwa niya itataas habang kanyang ipinahahayag.

PARI/PARI:
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama
niya, at sa kanya ang lahat ng
parangal at papuri ay sa iyo, Diyos
Amang makapangyarihan, kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang-
hanggan.
Bayan: Amen. (aawitin)
PAKIKINABANG

PARI: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na


utos at turo ni Hesus na Panginoon
natin at Diyos buong pag-ibig nating
awitin
AAWITIN: AMA NAMIN

Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal

PARI: Hinihiling namin kamiy iadya sa


lahat ng masama, pagkalooban ng
kapayapaan araw-araw, iligtas sa
kasalanan at ilayo sa lahat ng
kapahamakan samantalang aming
pinanabikan ang dakilang araw ng
pagpapahayag ng tagapagligtas
naming si Hesukristo.

37
Lahat: Sapagkat sa iyo nagmumula ang kaharian at
kapangyarihan at ang kaluwalhatian
magpasawalang hanggan

Pagkatapos, malakas na darasalin ng pari na nakalahad ang mga


kamay:

PARI: Panginoong Hesukristo sinabi mo sa


iyong mga apostol Kapayapaan ang
iniiwan ko sa inyo ang aking
kapayapaan ang ibinibigay ko sa
inyo.Tunghayan mo ang aming
pananampalataya at huwag ang
aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan
Lahat: Amen

Ang pariy haharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop


ng mga kamay sa pagpapahayag

PAGBATI NG KAPAYAPAAN

PARI: Ang kapayapaan ng Panginoon ay


laging sumainyo.
Lahat: At sumaiyo rin.

PARI: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa


isat-isa.
Alinsunod sa kaugalian ay magbibigayan ng kapayapaan ang bawat
isa.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa
ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang
pabulong niyang dinarasal:

38
PARI: Sa pagsasawak na ito
ng Katawan at Dugo ng aming Panginoong
Hesukristo tanggapin nawa namin sa
pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

(AAWITIN ANG KORDERO NG DIYOS)

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal


PARI: Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,
sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng
masama, gawin mong akoy makasunod lagi sa iyong
mga utos, at huwag mong ipahintulot na akoy
mawalay sa iyo kaylan man.
o kaya:
Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,
Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at
parusa sa kasalanan ko. Alang-alang sa iyong
dakilang pag-ibig naway aking matanggap ang
pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

PAANYAYA SA PAKIKINABANG
PARI: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang
nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan. Mapalad ang
inaanyayahan sa kanyang piging.
Lahat: Panginoon hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa
iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na
ako.

Siyay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana


habang pabulong na nagdarasal
PARI: Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na
magdarasal
PARI: Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.

39
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo

PAKIKINABANG

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

PARI: Manalangin tayo. (sandaling katahimikan)

Ama naming mapagmahal


padaluyin mo sa amin ang batis
ng Espiritu ng iyong pag-ibig.
Upang kaming pinapagsalo mo
sa piging ng Pasko ng Pagkabuhay ni
Kristo ay magkaisa sa pananalig sa
iyo
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

MARINGAL NA PAGBABASBAS

PARI: Sumainyo ang Panginoon.


Lahat: At sumainyo rin

PARI: Yumuko kayo at hingin ang pagpapala


ng Diyos. (Tumahimik)
Sa dakilang kapistahang ito ng Pasko
ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo
kayo naway pagpalain ng
Makapangyarihang Diyos at sa
tanang kasalanan ay kanya nawang
ipagsanggalang kayong nagdiriwang
ngayon at magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

PARI: Sa pamamagitan ng muling


Pagkabuhay ni Hesukristo,
40
pinagkalooban kayo ng Diyos ng
kagalingan at kaligtasan. Puspusin
nawa niya kayo ng kawalang-
kamatayan ngayon at
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

PARI: Matapos ipagdalamhati ang


pagpapakasakit ni Hesukristo,
ipinagdiriwang ngayon ang
maligayang Pasko ng Pagkabuhay ng
mga tao. Pasapitin nawa niya kayo sa
kagalakan ng kanyang kapistahan sa
kalangitan magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

PARI: Pagpalain kayo ng makapangyarihang


Diyos, Ama at Anak at Espiritu
Santo.
Lahat: Amen.

PAGHAHAYO

PARI: Aleluya! Aleluya! Handog na


kapayapaan ng Panginoong nabuhay
taglayin ninyo sa paglisan! Aleluya!
Aleluya!
Lahat: Salamat sa Diyos. Aleluya! Aleluya!

41

You might also like