Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MUNICIPAL CIRCUIT TRIAL COURT


MALINAO-TIWI, ALBAY
FIFTH JUDICIAL REGION
Tiwi, Albay

PEOPLE OF THE PHILIPPINES,


Complainant,

-versus- CRIM. CASE NO. 12345


FOR: DIRECT ASSAULT
JUAN DE LA CRUZ
Accused.
x------------------------------------------x

The testimony of the accused JUAN DELA CRUZ, through the following Judicial
Affidavit, is being offered for the following purpose:

1. To prove that JUAN DELA CRUZ did not curse and shout cuss words against
Brgy. Captain JOSE RIZL;
2. To prove that JUAN DELA CRUZ did not attempt to engage Brgy. Captain
JOSE RIZAL into a fight;
3. To prove that Brgy. Captain JOSE RIZAL assaulted both APOLINARIO
MABINI and JUANA DELA CRUZ.

JUDICIAL AFFIDAVIT

Ako si JUAN DELA CRUZ, 21 taong gulang, walang asawa,


kasalukuyang nakatira sa BRGY. MALACANANG, accused sa kasong ito,
matapos manumpa ng naayon sa batas ay kusang loob at boong katotohanan
na nagsasalaysay ng mga sumusunod:

PAUNANG PAHAYAG

Ako ay siniyasat ni Atty. Jay M. Andes ng Regala, Llagas Lelis and


Associates Law Office na may opisina sa 3 rd Floor, Gimenez Building, Rizal
St., Leagazpi City. Ang pagsisiyasat na ito ay ginawa sa nasabing opisina sa
wikang Filipino. Sinagot ko ng makatotohanan ang kanyang mga
katanungan, at ipinaliwanag niya sa akin na ako ay sumusumpa at kung ako
ay magsisinungaling ay maaari aking makasuhan ng perjury o false
testimony.

TESTIMONYA:

T: Magandang Hapon po. Ikaw po ba ay si JUAN DELA CRUZ, isa sa


mga accused sa kasong ito?
S: Opo.
T: Maari mo bang isalaysay sa akin kung ano ang totoong nangyari
noong April 19, 2014 sa oras na 9-10 p.m.?
S: Opo. Noong April 19, 2014, sa ganap na 9 hanggang 10 ng gabi, ako
po ay nakatambay sa may basketball court nanonood ng basketball sa aming
Barangay ng nakita ko po si Kapitan JOSE RIZAL kasama ang kanyang mga
tanod na bitbit si JUANA DELA CRUZ papuntang Brgy. Hall. Nakita ko rin
po si APOLINARIO MABINI na sumusunod kina Kap at ng kanyang mga
tanod.

T: Malayo ba itong Basketball Court sa inyong Brgy. Hall?


S: Hindi po. Malapit lang po.

T: Sa kinauupuan mo, kita mo ba ung Brgy. Hall?


S: Hindi po.

T: Anung ginawa mo nung nakita mong bitbit ng mga tanod ni Kap si


Alex?
S: Sumunod po ako sa kanila. Naabutan ko po sila sa Brgy Hall na.

T: Sino si Kapitan JOSE RIZAL?


S: Siya po ang kasalukuyang Barangay Captain ng aming Barangay.

T: Ano pa ang nakita mo pa noong gabi na iyon, kung meron man?


S: Habang bitbit po nila si JUANA DELA CRUZ at nasa may tapat na ng
Brgy. Hall, paulit-ulit pong hinahampas ni Kapitan JOSE RIZAL ang ulo ni
JUANA DELA CRUZ gamit ang kanyang sombrero.

T: Matapos mong makita ito, ano ang ginawa mo, kung meron man?
S: Tumayo lang po ako doon sa may harapan ng Brgy. Hall.

T: Bakit ka po sumunod sa kanila papuntang Brgy. Hall?


S: Kaibigan ko po kasi si JUANA DELA CRUZ. Kaya po, nung nakita
ko pong bitbit siya ni Kapitan JOSE RIZAL at ng kanyang mga tanod ay
lumapit ako para usisain kung ano yung nangyari.

T: Sino naman itong si APOLINARIO MABINI?


S: Si APOLINARIO MABINI ay ang 16 na taong gulang na kaibigan
namin.

T: Ano ang sumunod na nangyari kung meron man?


S: Nakita ko po si Kapitan JOSE RIZAL na sinuntok si APOLINARIO
MABINI sa katawan. Gayunpaman, hindi kop o nakita kung saang parte ng
katawan tinamaan si APOLINARIO.

T: Matapos mong makita ito, ano ang sumunod na nangyari kung meron
man?
S: Lalapit po sana ako kay APOLINARIO kasi naawa ako kaso tinulak
po ako ng isang tanod ni Kapitan na nagngangalang PADRE DAMASO at
sinabihan po ako ng ganito - Kamo na ang uragon digdi sa Labnig!
Maarayutan kamo? Habang sinasabi niya po ito, kinuha niya po yung
batuta mula sa likod niya.

T: Pagkarinig mo nito, ano ang ginawa mo kung meron man?


S: Bago niya pa po makuha yung batuta, umatras po ako.

T: Meron ka po bang sinabi sa kanya dahil dito?


S: Wala po. Natakot po ako.

T: Ayon sa akusasyon sa iyo, minura mo daw si Brgy. Chairman JOSE


RIZAL. Totoo ba ito?
S: Hindi po. Hindi ko pa magagawa iyon lalu nat bumunot po ng batuta
yung kanyang tanod. Tumahimik na lang po ako dahil natakot po ako na
baka saktan din po ako.

T: Matapos nito, ano pa ang nangyari kung meron man?


S: Nakita ko na lang po si JUANA DELA CRUZ na nakakumpol sa may
malapit sa flag pole ng aming Brgy. Hall na pawang namimilipit sa sakit at
hawak-hawak ang kanyang tiyan. Nilapitan po namin siya ni APOLINARIO
at dun ko po nalaman na pinagsusuntok siya ni kapitan JOSE RIZAL.

T: Matapos niyong lapitan sa JUANA DELA CRUZ, ano ang nangyari,


kung meron man?
S: Tumakbo na po kami papalayo at tumakas. Natakot po kasi kami na
baka saktan pa po kami muli ni Kap at ang kanyang mga tanod.

T: May inihaing ka po bang kaso laban kay Brgy. Captain JOSE RIZAL?
S: Wala po.

T: Kung gayon, sa iyong palagay, bakit ka kinasuhan ng Direct Assault


ni Brgy. Captain JOSE RIZAL?
S: Hindi ko po alam. Wala naman po akong ginawang masama. Siguro,
gusto niyang takutin ako at pahinain ang aking loob dahil sa isa po ako sa
testigo sa naganap na pananakit ni Kap at ng kanyang mga tanod.

T: Meron ka pa po bang nais idagdag?


S: Wala nap o.

T: Handa ka na po bang panumpaan at lagdaan ang Judicial Affidavit na


ito?
S: Opo. Akin pong pinanunumpaan na ang lahat ng salaysay dito sa
Judicial Affidavit ay pawang katotohanan lamang at batay sa aking
personal na kaalaman patungkol sa kaganapang nakasaad sa itaas.

JUAN DELA CRUZ


Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN to before me on June 10, 2014


at Legazpi City by the above Affiant, who exhibited to me his
Community Tax Certificate No. 33192776 as competent evidence
of his identity.

EMILIO AGUINALDO
NOTARY PUBLIC
Roll No. _____________; Lifetime IBP No. _______
PTR No. ______________;
MCLE Compliance No. _____________

I attest and certify that I have personally examined the


Affiant; that I have faithfully recorded or caused to be recorded
the questions asked of the affiant and the corresponding answers
given by the affiant; that I did not or any other person present
during the taking of the statement coach the affiant regarding the
answer given by him; that the affiant understood the questions
and voluntarily gave the answers herein.

JAY M. ANDES
Affiant
IBP No. 62881; 05/06/2014

SUBSCRIBED AND SWORN to before me on June 10, 2014 at Legazpi


City by the above Affiant, personally known to me and who exhibited to me
his IBP ID, indicated below his name and signature, as competent evidence
of his identity.

You might also like